Surah An-Naml - Filipino Translation by Www.islamhouse.com
طسٓۚ تِلۡكَ ءَايَٰتُ ٱلۡقُرۡءَانِ وَكِتَابٖ مُّبِينٍ
Ṭā’. Sīn. Ang mga ito ay ang mga talata ng Qur’ān at ng isang Aklat na malinaw
Surah An-Naml, Verse 1
هُدٗى وَبُشۡرَىٰ لِلۡمُؤۡمِنِينَ
bilang patnubay at bilang balitang nakagagalak para sa mga mananampalataya
Surah An-Naml, Verse 2
ٱلَّذِينَ يُقِيمُونَ ٱلصَّلَوٰةَ وَيُؤۡتُونَ ٱلزَّكَوٰةَ وَهُم بِٱلۡأٓخِرَةِ هُمۡ يُوقِنُونَ
na mga nagpapanatili ng pagdarasal at nagbibigay ng zakāh, at sila sa Kabilang-buhay, sila ay nakatitiyak
Surah An-Naml, Verse 3
إِنَّ ٱلَّذِينَ لَا يُؤۡمِنُونَ بِٱلۡأٓخِرَةِ زَيَّنَّا لَهُمۡ أَعۡمَٰلَهُمۡ فَهُمۡ يَعۡمَهُونَ
Tunay na ang mga hindi sumasampalataya sa Kabilang-buhay ay ipinang-akit Namin para sa kanila ang mga gawain nila kaya naman nag-aapuhap sila
Surah An-Naml, Verse 4
أُوْلَـٰٓئِكَ ٱلَّذِينَ لَهُمۡ سُوٓءُ ٱلۡعَذَابِ وَهُمۡ فِي ٱلۡأٓخِرَةِ هُمُ ٱلۡأَخۡسَرُونَ
Ang mga iyon ay ang mga ukol sa kanila ang kasagwaan ng pagdurusa; at sila sa Kabilang-buhay, sila ay ang mga pinakalugi
Surah An-Naml, Verse 5
وَإِنَّكَ لَتُلَقَّى ٱلۡقُرۡءَانَ مِن لَّدُنۡ حَكِيمٍ عَلِيمٍ
Tunay na ikaw ay talagang ginagawaran ng Qur’ān mula sa panig ng Marunong, Maalam
Surah An-Naml, Verse 6
إِذۡ قَالَ مُوسَىٰ لِأَهۡلِهِۦٓ إِنِّيٓ ءَانَسۡتُ نَارٗا سَـَٔاتِيكُم مِّنۡهَا بِخَبَرٍ أَوۡ ءَاتِيكُم بِشِهَابٖ قَبَسٖ لَّعَلَّكُمۡ تَصۡطَلُونَ
[Banggitin] noong nagsabi si Moises sa mag-anak niya: "Tunay na ako ay nakatanaw ng apoy. Magdadala ako sa inyo mula roon ng isang balita o magdadala ako sa inyo ng isang ningas na pamparikit, nang sa gayon kayo ay makapagpapainit
Surah An-Naml, Verse 7
فَلَمَّا جَآءَهَا نُودِيَ أَنۢ بُورِكَ مَن فِي ٱلنَّارِ وَمَنۡ حَوۡلَهَا وَسُبۡحَٰنَ ٱللَّهِ رَبِّ ٱلۡعَٰلَمِينَ
Ngunit noong dumating siya roon, tinawag siya: "Pinagpala ang sinumang nasa apoy at ang sinumang nasa paligid nito." Kaluwalhatian kay Allāh, ang Panginoon ng mga nilalang
Surah An-Naml, Verse 8
يَٰمُوسَىٰٓ إِنَّهُۥٓ أَنَا ٱللَّهُ ٱلۡعَزِيزُ ٱلۡحَكِيمُ
[Nagsabi si Allāh]: "O Moises, tunay na Ako ay si Allāh, ang Makapangyarihan, ang Marunong
Surah An-Naml, Verse 9
وَأَلۡقِ عَصَاكَۚ فَلَمَّا رَءَاهَا تَهۡتَزُّ كَأَنَّهَا جَآنّٞ وَلَّىٰ مُدۡبِرٗا وَلَمۡ يُعَقِّبۡۚ يَٰمُوسَىٰ لَا تَخَفۡ إِنِّي لَا يَخَافُ لَدَيَّ ٱلۡمُرۡسَلُونَ
Pumukol ka ng tungkod mo." Ngunit noong nakita niya ito na kumikislut-kislot na para bang ito ay isang ahas, tumalikod siya habang tumatakas at hindi bumalik [sa dinaanan. Sinabi]: "O Moises, huwag kang mangamba. Tunay na Ako ay hindi pinangangambahan, sa harap Ko, ng mga isinugo
Surah An-Naml, Verse 10
إِلَّا مَن ظَلَمَ ثُمَّ بَدَّلَ حُسۡنَۢا بَعۡدَ سُوٓءٖ فَإِنِّي غَفُورٞ رَّحِيمٞ
maliban sa sinumang lumabag sa katarungan, pagkatapos nagpalit ng isang kagandahan matapos ng isang kasagwaan. Tunay na Ako ay Mapagpatawad, Maawain
Surah An-Naml, Verse 11
وَأَدۡخِلۡ يَدَكَ فِي جَيۡبِكَ تَخۡرُجۡ بَيۡضَآءَ مِنۡ غَيۡرِ سُوٓءٖۖ فِي تِسۡعِ ءَايَٰتٍ إِلَىٰ فِرۡعَوۡنَ وَقَوۡمِهِۦٓۚ إِنَّهُمۡ كَانُواْ قَوۡمٗا فَٰسِقِينَ
Ipasok mo ang kamay mo sa eskotadura mo, lalabas ito na maputi na walang sakit. Iyapos mo sa iyo ang kamay mo laban sa sindak. [Ito ay] nasa siyam na tanda para kay Paraon at mga tao niya. Tunay na sila ay mga taong suwail
Surah An-Naml, Verse 12
فَلَمَّا جَآءَتۡهُمۡ ءَايَٰتُنَا مُبۡصِرَةٗ قَالُواْ هَٰذَا سِحۡرٞ مُّبِينٞ
Ngunit noong dumating sa kanila ang mga tanda Namin, na nagbibigay-paningin, ay nagsabi sila: "Ito ay isang panggagaway na malinaw
Surah An-Naml, Verse 13
وَجَحَدُواْ بِهَا وَٱسۡتَيۡقَنَتۡهَآ أَنفُسُهُمۡ ظُلۡمٗا وَعُلُوّٗاۚ فَٱنظُرۡ كَيۡفَ كَانَ عَٰقِبَةُ ٱلۡمُفۡسِدِينَ
Nagkaila sila sa mga ito – samantalang tumiyak sa mga ito ang mga sarili nila – bilang paglabag sa katarungan at bilang pagmamataas. Kaya tumingin ka kung papaano naging ang kinahinatnan ng mga tagagulo
Surah An-Naml, Verse 14
وَلَقَدۡ ءَاتَيۡنَا دَاوُۥدَ وَسُلَيۡمَٰنَ عِلۡمٗاۖ وَقَالَا ٱلۡحَمۡدُ لِلَّهِ ٱلَّذِي فَضَّلَنَا عَلَىٰ كَثِيرٖ مِّنۡ عِبَادِهِ ٱلۡمُؤۡمِنِينَ
Talaga ngang nagbigay Kami kina David at Solomon ng kaalaman. Nagsabi silang dalawa: "Ang papuri ay ukol kay Allāh na nagtangi sa amin higit sa marami sa mga lingkod Niyang mga mananampalataya
Surah An-Naml, Verse 15
وَوَرِثَ سُلَيۡمَٰنُ دَاوُۥدَۖ وَقَالَ يَـٰٓأَيُّهَا ٱلنَّاسُ عُلِّمۡنَا مَنطِقَ ٱلطَّيۡرِ وَأُوتِينَا مِن كُلِّ شَيۡءٍۖ إِنَّ هَٰذَا لَهُوَ ٱلۡفَضۡلُ ٱلۡمُبِينُ
Nagmana si Solomon kay David at nagsabi: "O mga tao, tinuruan kami ng pagbigkas ng mga ibon at binigyan kami mula sa bawat bagay. Tunay na ito ay talagang ang kabutihang-loob na malinaw
Surah An-Naml, Verse 16
وَحُشِرَ لِسُلَيۡمَٰنَ جُنُودُهُۥ مِنَ ٱلۡجِنِّ وَٱلۡإِنسِ وَٱلطَّيۡرِ فَهُمۡ يُوزَعُونَ
Kinalap para kay Solomon ang mga kawal niya mula sa jinn, tao, at ibon, saka sila ay hinahanay
Surah An-Naml, Verse 17
حَتَّىٰٓ إِذَآ أَتَوۡاْ عَلَىٰ وَادِ ٱلنَّمۡلِ قَالَتۡ نَمۡلَةٞ يَـٰٓأَيُّهَا ٱلنَّمۡلُ ٱدۡخُلُواْ مَسَٰكِنَكُمۡ لَا يَحۡطِمَنَّكُمۡ سُلَيۡمَٰنُ وَجُنُودُهُۥ وَهُمۡ لَا يَشۡعُرُونَ
Hanggang sa nang nakapunta sila sa lambak ng mga langgam, may nagsabing isang langgam: "O mga langgam, magsipasok kayo sa mga tirahan ninyo; huwag nga dumudurog sa inyo si Solomon at ang mga kawal niya habang sila ay hindi nakadarama
Surah An-Naml, Verse 18
فَتَبَسَّمَ ضَاحِكٗا مِّن قَوۡلِهَا وَقَالَ رَبِّ أَوۡزِعۡنِيٓ أَنۡ أَشۡكُرَ نِعۡمَتَكَ ٱلَّتِيٓ أَنۡعَمۡتَ عَلَيَّ وَعَلَىٰ وَٰلِدَيَّ وَأَنۡ أَعۡمَلَ صَٰلِحٗا تَرۡضَىٰهُ وَأَدۡخِلۡنِي بِرَحۡمَتِكَ فِي عِبَادِكَ ٱلصَّـٰلِحِينَ
Kaya ngumiti-ngiti si Solomon na natatawa sa sabi niyon at nagsabi siya: "Panginoon ko, mag-udyok Ka sa akin na magpasalamat ako sa biyaya Mong ibiniyaya Mo sa akin at sa ama ko at na gumawa ako ng maayos na kinalulugdan Mo, at magpapasok Ka sa akin, sa pamamagitan ng awa Mo, sa mga lingkod Mong mga maayos
Surah An-Naml, Verse 19
وَتَفَقَّدَ ٱلطَّيۡرَ فَقَالَ مَالِيَ لَآ أَرَى ٱلۡهُدۡهُدَ أَمۡ كَانَ مِنَ ٱلۡغَآئِبِينَ
Nagsiyasat siya sa mga ibon saka nagsabi siya: "Ano ang mayroon sa akin na hindi ako nakakikita sa abubilya, o siya ay naging kabilang sa mga lumiliban
Surah An-Naml, Verse 20
لَأُعَذِّبَنَّهُۥ عَذَابٗا شَدِيدًا أَوۡ لَأَاْذۡبَحَنَّهُۥٓ أَوۡ لَيَأۡتِيَنِّي بِسُلۡطَٰنٖ مُّبِينٖ
Talagang pagdurusahin ko nga siya ng isang pagdurusang matindi, o talagang kakatayin ko nga siya, o talagang magdadala nga siya sa akin ng isang katunayang malinaw
Surah An-Naml, Verse 21
فَمَكَثَ غَيۡرَ بَعِيدٖ فَقَالَ أَحَطتُ بِمَا لَمۡ تُحِطۡ بِهِۦ وَجِئۡتُكَ مِن سَبَإِۭ بِنَبَإٖ يَقِينٍ
Kaya namalagi ito nang hindi malayo saka nagsabi ito: "Nakasaklaw ako sa hindi ka nakasaklaw at naghatid ako sa iyo mula sa Sheba ng isang balitang tiyak
Surah An-Naml, Verse 22
إِنِّي وَجَدتُّ ٱمۡرَأَةٗ تَمۡلِكُهُمۡ وَأُوتِيَتۡ مِن كُلِّ شَيۡءٖ وَلَهَا عَرۡشٌ عَظِيمٞ
Tunay na ako ay nakatagpo ng isang babaing naghahari sa kanila, nabigyan mula sa bawat bagay, at mayroon siyang isang tronong dakila
Surah An-Naml, Verse 23
وَجَدتُّهَا وَقَوۡمَهَا يَسۡجُدُونَ لِلشَّمۡسِ مِن دُونِ ٱللَّهِ وَزَيَّنَ لَهُمُ ٱلشَّيۡطَٰنُ أَعۡمَٰلَهُمۡ فَصَدَّهُمۡ عَنِ ٱلسَّبِيلِ فَهُمۡ لَا يَهۡتَدُونَ
Nakatagpo ako sa kanya at mga tao niya na nagpapatirapa sa araw bukod pa kay Allāh. Ipinaakit sa kanila ng demonyo ang mga gawa nila – saka bumalakid iyon sa kanila sa landas kaya sila ay hindi napapatnubayan –
Surah An-Naml, Verse 24
أَلَّاۤ يَسۡجُدُواْۤ لِلَّهِ ٱلَّذِي يُخۡرِجُ ٱلۡخَبۡءَ فِي ٱلسَّمَٰوَٰتِ وَٱلۡأَرۡضِ وَيَعۡلَمُ مَا تُخۡفُونَ وَمَا تُعۡلِنُونَ
upang hindi sila magpatirapa kay Allāh na nagpapalabas ng nakatago sa mga langit at lupa at nakaaalam sa anumang ikinukubli nila at anumang inihahayag nila
Surah An-Naml, Verse 25
ٱللَّهُ لَآ إِلَٰهَ إِلَّا هُوَ رَبُّ ٱلۡعَرۡشِ ٱلۡعَظِيمِ۩
Si Allāh – walang Diyos kundi Siya – ay ang Panginoon ng tronong dakila
Surah An-Naml, Verse 26
۞قَالَ سَنَنظُرُ أَصَدَقۡتَ أَمۡ كُنتَ مِنَ ٱلۡكَٰذِبِينَ
Nagsabi siya: "Titingin kami kung nagtotoo ka ba o ikaw ay naging kabilang sa mga sinungaling
Surah An-Naml, Verse 27
ٱذۡهَب بِّكِتَٰبِي هَٰذَا فَأَلۡقِهۡ إِلَيۡهِمۡ ثُمَّ تَوَلَّ عَنۡهُمۡ فَٱنظُرۡ مَاذَا يَرۡجِعُونَ
Umalis ka kalakip ng sulat kong ito at magpahatid ka nito sa kanila. Pagkatapos tumalikod ka palayo sa kanila saka tumingin ka kung ano ang [sagot na] ibabalik nila
Surah An-Naml, Verse 28
قَالَتۡ يَـٰٓأَيُّهَا ٱلۡمَلَؤُاْ إِنِّيٓ أُلۡقِيَ إِلَيَّ كِتَٰبٞ كَرِيمٌ
Nagsabi siya: "O konseho, tunay na ako ay pinadalhan ng isang liham na marangal
Surah An-Naml, Verse 29
إِنَّهُۥ مِن سُلَيۡمَٰنَ وَإِنَّهُۥ بِسۡمِ ٱللَّهِ ٱلرَّحۡمَٰنِ ٱلرَّحِيمِ
Tunay na ito ay mula kay Solomon at tunay na ito ay sa ngalan ni Allāh, ang Napakamaawain, ang Maawain
Surah An-Naml, Verse 30
أَلَّا تَعۡلُواْ عَلَيَّ وَأۡتُونِي مُسۡلِمِينَ
na [nagsasaad]: Huwag kayong magmataas sa akin at pumunta kayo sa akin bilang mga tagapagpasakop
Surah An-Naml, Verse 31
قَالَتۡ يَـٰٓأَيُّهَا ٱلۡمَلَؤُاْ أَفۡتُونِي فِيٓ أَمۡرِي مَا كُنتُ قَاطِعَةً أَمۡرًا حَتَّىٰ تَشۡهَدُونِ
Nagsabi siya: "O konseho, maghabilin kayo sa akin sa usapin ko. Hindi nangyaring ako ay magpapasya ng isang usapin hanggang sa sumaksi kayo sa akin
Surah An-Naml, Verse 32
قَالُواْ نَحۡنُ أُوْلُواْ قُوَّةٖ وَأُوْلُواْ بَأۡسٖ شَدِيدٖ وَٱلۡأَمۡرُ إِلَيۡكِ فَٱنظُرِي مَاذَا تَأۡمُرِينَ
Nagsabi sila: "Tayo ay mga may lakas na matindi at ang usapin ay nasa iyo, kaya tumingin ka kung ano ang ipag-uutos mo
Surah An-Naml, Verse 33
قَالَتۡ إِنَّ ٱلۡمُلُوكَ إِذَا دَخَلُواْ قَرۡيَةً أَفۡسَدُوهَا وَجَعَلُوٓاْ أَعِزَّةَ أَهۡلِهَآ أَذِلَّةٗۚ وَكَذَٰلِكَ يَفۡعَلُونَ
Nagsabi siya: "Tunay na ang mga hari, kapag pumasok sila sa isang pamayanan, ay nanggugulo roon at gumagawa sa mga kamahal-mahalan sa mga naninirahan doon bilang mga kaaba-aba. Gayon sila gumawa
Surah An-Naml, Verse 34
وَإِنِّي مُرۡسِلَةٌ إِلَيۡهِم بِهَدِيَّةٖ فَنَاظِرَةُۢ بِمَ يَرۡجِعُ ٱلۡمُرۡسَلُونَ
Tunay na ako ay magsusugo sa kanila kalakip ng isang regalo saka titingin sa kung ano [sagot na] ibabalik ng mga isinugo
Surah An-Naml, Verse 35
فَلَمَّا جَآءَ سُلَيۡمَٰنَ قَالَ أَتُمِدُّونَنِ بِمَالٖ فَمَآ ءَاتَىٰنِۦَ ٱللَّهُ خَيۡرٞ مِّمَّآ ءَاتَىٰكُمۚ بَلۡ أَنتُم بِهَدِيَّتِكُمۡ تَفۡرَحُونَ
Kaya noong dumating [ang sugo] kay Solomon ay nagsabi siya: "Mag-aayuda ba kayo sa akin ng yaman gayong ang ibinigay sa akin ni Allāh ay higit na mabuti kaysa sa ibinigay Niya sa inyo? Bagkus kayo sa regalo ninyo ay natutuwa
Surah An-Naml, Verse 36
ٱرۡجِعۡ إِلَيۡهِمۡ فَلَنَأۡتِيَنَّهُم بِجُنُودٖ لَّا قِبَلَ لَهُم بِهَا وَلَنُخۡرِجَنَّهُم مِّنۡهَآ أَذِلَّةٗ وَهُمۡ صَٰغِرُونَ
Bumalik ka sa kanila sapagkat talagang magdadala nga kami sa kanila ng mga kawal na walang lakas sa kanila laban sa mga ito at talagang magpapalabas nga Kami sa kanila mula roon bilang mga kaaba-aba habang sila ay mga nanliliit
Surah An-Naml, Verse 37
قَالَ يَـٰٓأَيُّهَا ٱلۡمَلَؤُاْ أَيُّكُمۡ يَأۡتِينِي بِعَرۡشِهَا قَبۡلَ أَن يَأۡتُونِي مُسۡلِمِينَ
Nagsabi siya: "O konseho, alin sa inyo ang magdadala sa akin ng trono niya bago sila pumunta sa aking bilang mga tagapagpasakop
Surah An-Naml, Verse 38
قَالَ عِفۡرِيتٞ مِّنَ ٱلۡجِنِّ أَنَا۠ ءَاتِيكَ بِهِۦ قَبۡلَ أَن تَقُومَ مِن مَّقَامِكَۖ وَإِنِّي عَلَيۡهِ لَقَوِيٌّ أَمِينٞ
May nagsabing isang makapangyarihan kabilang sa mga jinn: "Ako ay magdadala sa iyo niyon bago ka makatayo mula sa pinanatilihan mo. Tunay na ako para roon ay talagang malakas na mapagkakatiwalaan
Surah An-Naml, Verse 39
قَالَ ٱلَّذِي عِندَهُۥ عِلۡمٞ مِّنَ ٱلۡكِتَٰبِ أَنَا۠ ءَاتِيكَ بِهِۦ قَبۡلَ أَن يَرۡتَدَّ إِلَيۡكَ طَرۡفُكَۚ فَلَمَّا رَءَاهُ مُسۡتَقِرًّا عِندَهُۥ قَالَ هَٰذَا مِن فَضۡلِ رَبِّي لِيَبۡلُوَنِيٓ ءَأَشۡكُرُ أَمۡ أَكۡفُرُۖ وَمَن شَكَرَ فَإِنَّمَا يَشۡكُرُ لِنَفۡسِهِۦۖ وَمَن كَفَرَ فَإِنَّ رَبِّي غَنِيّٞ كَرِيمٞ
Nagsabi ang may taglay na kaalaman mula sa kasulatan: "Ako ay magdadala sa iyo niyon bago makabalik sa iyo ang pagkurap mo." Kaya noong nakita niya iyon na nakalapag sa piling niya ay nagsabi siya: "Ito ay bahagi ng kabutihang-loob ng Panginoon ko upang sulitin Niya ako kung magpapasalamat ba ako o tatanggi akong magpasalamat. Ang sinumang nagpasalamat ay nagpasalamat lamang para sa sarili niya. Ang sinumang tumangging magpasalamat, tunay na ang Panginoon ko ay Walang-pangangailangan, Mapagbigay
Surah An-Naml, Verse 40
قَالَ نَكِّرُواْ لَهَا عَرۡشَهَا نَنظُرۡ أَتَهۡتَدِيٓ أَمۡ تَكُونُ مِنَ ٱلَّذِينَ لَا يَهۡتَدُونَ
Nagsabi siya: "Magpabalatkayo kayo para sa kanya ng trono niya, titingnan natin kung mapapatnubayan ba siya o siya ay kabilang sa mga hindi napapatnubayan
Surah An-Naml, Verse 41
فَلَمَّا جَآءَتۡ قِيلَ أَهَٰكَذَا عَرۡشُكِۖ قَالَتۡ كَأَنَّهُۥ هُوَۚ وَأُوتِينَا ٱلۡعِلۡمَ مِن قَبۡلِهَا وَكُنَّا مُسۡلِمِينَ
Kaya noong dumating siya ay sinabi: "Ganito ba ang trono mo?" Nagsabi siya: "Para bang ito ay iyon." [Nagsabi si Solomon]: "Binigyan kami ng kaalaman bago pa niya at dati na kaming mga tagapagpasakop
Surah An-Naml, Verse 42
وَصَدَّهَا مَا كَانَت تَّعۡبُدُ مِن دُونِ ٱللَّهِۖ إِنَّهَا كَانَتۡ مِن قَوۡمٖ كَٰفِرِينَ
Bumalakid sa kanya ang dati nang sinasamba niya bukod pa kay Allāh. Tunay na siya dati ay kabilang sa mga taong tagatangging sumampalataya
Surah An-Naml, Verse 43
قِيلَ لَهَا ٱدۡخُلِي ٱلصَّرۡحَۖ فَلَمَّا رَأَتۡهُ حَسِبَتۡهُ لُجَّةٗ وَكَشَفَتۡ عَن سَاقَيۡهَاۚ قَالَ إِنَّهُۥ صَرۡحٞ مُّمَرَّدٞ مِّن قَوَارِيرَۗ قَالَتۡ رَبِّ إِنِّي ظَلَمۡتُ نَفۡسِي وَأَسۡلَمۡتُ مَعَ سُلَيۡمَٰنَ لِلَّهِ رَبِّ ٱلۡعَٰلَمِينَ
Sinabi sa kanya: "Pumasok ka sa palasyo." Kaya noong nakita niya ito ay nag-akala siyang ito ay isang lawa at naglantad siya ng mga lulod niya. Nagsabi [si Solomon]: "Tunay na ito ay isang palasyong pinakintaban ng inilatag na mga salamin. Nagsabi siya: "Panginoon ko, tunay na ako ay lumabag sa katarungan sa sarili ko. Nagpasakop ako kasama kay Solomon kay Allāh ang Panginoon ng mga nilalang
Surah An-Naml, Verse 44
وَلَقَدۡ أَرۡسَلۡنَآ إِلَىٰ ثَمُودَ أَخَاهُمۡ صَٰلِحًا أَنِ ٱعۡبُدُواْ ٱللَّهَ فَإِذَا هُمۡ فَرِيقَانِ يَخۡتَصِمُونَ
Talaga ngang nagsugo Kami sa Thamūd ng kapatid nilang si Ṣāliḥ, na [nagsasabi]: "Sumamba kayo kay Allāh," saka biglang sila ay dalawang pangkat na nag-aalitan
Surah An-Naml, Verse 45
قَالَ يَٰقَوۡمِ لِمَ تَسۡتَعۡجِلُونَ بِٱلسَّيِّئَةِ قَبۡلَ ٱلۡحَسَنَةِۖ لَوۡلَا تَسۡتَغۡفِرُونَ ٱللَّهَ لَعَلَّكُمۡ تُرۡحَمُونَ
Nagsabi siya: "O mga kalipi ko, bakit kayo nagmamadali sa masagwa bago ng maganda? Bakit nga ba hindi kayo humihingi ng tawad kay Allāh nang sa gayon kayo ay kaaawaan
Surah An-Naml, Verse 46
قَالُواْ ٱطَّيَّرۡنَا بِكَ وَبِمَن مَّعَكَۚ قَالَ طَـٰٓئِرُكُمۡ عِندَ ٱللَّهِۖ بَلۡ أَنتُمۡ قَوۡمٞ تُفۡتَنُونَ
Nagsabi sila: "Nagmasamang-pangitain kami sa iyo at sa sinumang kasama sa iyo." Nagsabi siya: "Ang masamang pangitain ninyo ay nasa ganang kay Allāh, bagkus kayo ay mga taong tinutukso
Surah An-Naml, Verse 47
وَكَانَ فِي ٱلۡمَدِينَةِ تِسۡعَةُ رَهۡطٖ يُفۡسِدُونَ فِي ٱلۡأَرۡضِ وَلَا يُصۡلِحُونَ
Dati sa lungsod ay may siyam na lalaking nanggugulo sa lupain at hindi nagsasaayos
Surah An-Naml, Verse 48
قَالُواْ تَقَاسَمُواْ بِٱللَّهِ لَنُبَيِّتَنَّهُۥ وَأَهۡلَهُۥ ثُمَّ لَنَقُولَنَّ لِوَلِيِّهِۦ مَا شَهِدۡنَا مَهۡلِكَ أَهۡلِهِۦ وَإِنَّا لَصَٰدِقُونَ
Nagsabi sila: "Magsumpaan kayo kay Allāh na talagang susugod nga tayo sa gabi sa kanya at sa mag-anak niya, pagkatapos talagang magsasabi nga tayo sa katangkilik niya: "Hindi kami nakasaksi sa pagkapahamak ng mag-anak niya. Tunay na kami ay talagang mga tapat
Surah An-Naml, Verse 49
وَمَكَرُواْ مَكۡرٗا وَمَكَرۡنَا مَكۡرٗا وَهُمۡ لَا يَشۡعُرُونَ
Nanlansi sila ng isang panlalansi at nanlansi Kami ng isang panlalansi samantalang sila ay hindi nakararamdam
Surah An-Naml, Verse 50
فَٱنظُرۡ كَيۡفَ كَانَ عَٰقِبَةُ مَكۡرِهِمۡ أَنَّا دَمَّرۡنَٰهُمۡ وَقَوۡمَهُمۡ أَجۡمَعِينَ
Kaya tumingin ka kung papaano naging ang kinahinatnan ng panlalansi nila, na Kami ay nagwasak sa kanila at sa mga kalipi nila nang magkakasama
Surah An-Naml, Verse 51
فَتِلۡكَ بُيُوتُهُمۡ خَاوِيَةَۢ بِمَا ظَلَمُوٓاْۚ إِنَّ فِي ذَٰلِكَ لَأٓيَةٗ لِّقَوۡمٖ يَعۡلَمُونَ
Kaya ang mga iyon ay ang mga bahay nila: hungkag, dahil lumabag sila sa katarungan. Tunay na sa gayon ay talagang may tanda para sa mga taong umaalam
Surah An-Naml, Verse 52
وَأَنجَيۡنَا ٱلَّذِينَ ءَامَنُواْ وَكَانُواْ يَتَّقُونَ
Nagligtas Kami sa mga sumampalataya at dati na silang nangingilag magkasala
Surah An-Naml, Verse 53
وَلُوطًا إِذۡ قَالَ لِقَوۡمِهِۦٓ أَتَأۡتُونَ ٱلۡفَٰحِشَةَ وَأَنتُمۡ تُبۡصِرُونَ
[Banggitin mo] si Lot noong nagsabi siya sa mga kababayan niya: "Pumupunta ba kayo sa mahalay habang kayo ay nakakikita
Surah An-Naml, Verse 54
أَئِنَّكُمۡ لَتَأۡتُونَ ٱلرِّجَالَ شَهۡوَةٗ مِّن دُونِ ٱلنِّسَآءِۚ بَلۡ أَنتُمۡ قَوۡمٞ تَجۡهَلُونَ
Tunay na kayo ba ay talagang pumupunta sa mga lalaki dala ng pagnanasa bukod pa sa mga babae? Bagkus kayo ay mga taong nagpakamangmang
Surah An-Naml, Verse 55
۞فَمَا كَانَ جَوَابَ قَوۡمِهِۦٓ إِلَّآ أَن قَالُوٓاْ أَخۡرِجُوٓاْ ءَالَ لُوطٖ مِّن قَرۡيَتِكُمۡۖ إِنَّهُمۡ أُنَاسٞ يَتَطَهَّرُونَ
Ngunit walang iba ang sagot ng mga kababayan niya kundi na nagsabi sila: "Palabasin ninyo ang mag-anak ni Lot mula sa pamayanan ninyo; tunay na sila ay mga taong nagpapakalinis
Surah An-Naml, Verse 56
فَأَنجَيۡنَٰهُ وَأَهۡلَهُۥٓ إِلَّا ٱمۡرَأَتَهُۥ قَدَّرۡنَٰهَا مِنَ ٱلۡغَٰبِرِينَ
Kaya pinaligtas Namin siya at ang mag-anak niya maliban sa maybahay niya; nagtakda Kami rito [na maging] kabilang sa mga nagpapaiwan
Surah An-Naml, Verse 57
وَأَمۡطَرۡنَا عَلَيۡهِم مَّطَرٗاۖ فَسَآءَ مَطَرُ ٱلۡمُنذَرِينَ
Nagpaulan Kami sa kanila ng isang ulan, saka kay saklap ang ulan ng mga binalaan
Surah An-Naml, Verse 58
قُلِ ٱلۡحَمۡدُ لِلَّهِ وَسَلَٰمٌ عَلَىٰ عِبَادِهِ ٱلَّذِينَ ٱصۡطَفَىٰٓۗ ءَآللَّهُ خَيۡرٌ أَمَّا يُشۡرِكُونَ
Sabihin mo: "Ang papuri ay ukol kay Allāh at kapayapaan ay sa mga lingkod Niyang hinirang Niya. Si Allāh ba ay higit na mabuti o ang itinatambal ninyo
Surah An-Naml, Verse 59
أَمَّنۡ خَلَقَ ٱلسَّمَٰوَٰتِ وَٱلۡأَرۡضَ وَأَنزَلَ لَكُم مِّنَ ٱلسَّمَآءِ مَآءٗ فَأَنۢبَتۡنَا بِهِۦ حَدَآئِقَ ذَاتَ بَهۡجَةٖ مَّا كَانَ لَكُمۡ أَن تُنۢبِتُواْ شَجَرَهَآۗ أَءِلَٰهٞ مَّعَ ٱللَّهِۚ بَلۡ هُمۡ قَوۡمٞ يَعۡدِلُونَ
O ang lumikha ng mga langit at lupa at nagpababa para sa inyo mula sa langit ng tubig kaya nagpatubo sa pamamagitan nito ng mga hardin na may dilag na hindi naging ukol sa inyo na magpatubo kayo ng mga punong-kahoy ng mga iyon ay isang diyos kasama kay Allāh? Bagkus sila ay mga taong nagpapantay [sa Kanya sa iba]
Surah An-Naml, Verse 60
أَمَّن جَعَلَ ٱلۡأَرۡضَ قَرَارٗا وَجَعَلَ خِلَٰلَهَآ أَنۡهَٰرٗا وَجَعَلَ لَهَا رَوَٰسِيَ وَجَعَلَ بَيۡنَ ٱلۡبَحۡرَيۡنِ حَاجِزًاۗ أَءِلَٰهٞ مَّعَ ٱللَّهِۚ بَلۡ أَكۡثَرُهُمۡ لَا يَعۡلَمُونَ
O ang gumawa ba sa lupa bilang pamamalagian, gumawa sa gitna nito ng mga ilog, gumawa para rito ng mga matatag na bundok, at gumawa sa pagitan ng dalawang dagat ng isang harang ay isang diyos ba kasama kay Allāh? Bagkus ang higit na marami sa kanila ay hindi nakaaalam
Surah An-Naml, Verse 61
أَمَّن يُجِيبُ ٱلۡمُضۡطَرَّ إِذَا دَعَاهُ وَيَكۡشِفُ ٱلسُّوٓءَ وَيَجۡعَلُكُمۡ خُلَفَآءَ ٱلۡأَرۡضِۗ أَءِلَٰهٞ مَّعَ ٱللَّهِۚ قَلِيلٗا مَّا تَذَكَّرُونَ
O ang sumasagot ba sa nagigipit kapag dumalangin ito sa Kanya, nag-aalis ng kasagwaan, at gumagawa sa inyo bilang mga kahalili sa lupa ay isang diyos ba kasama kay Allāh? Kaunti ang isinasaalaala ninyo
Surah An-Naml, Verse 62
أَمَّن يَهۡدِيكُمۡ فِي ظُلُمَٰتِ ٱلۡبَرِّ وَٱلۡبَحۡرِ وَمَن يُرۡسِلُ ٱلرِّيَٰحَ بُشۡرَۢا بَيۡنَ يَدَيۡ رَحۡمَتِهِۦٓۗ أَءِلَٰهٞ مَّعَ ٱللَّهِۚ تَعَٰلَى ٱللَّهُ عَمَّا يُشۡرِكُونَ
O ang nagpapatnubay sa inyo sa mga kadiliman ng katihan at karagatan at ang nagsusugo ng mga hangin bilang balitang nakagagalak sa harap ng awa Niya ay isang diyos ba kasama kay Allāh? Pagkataas-taas si Allāh kaysa sa anumang itinatambal nila
Surah An-Naml, Verse 63
أَمَّن يَبۡدَؤُاْ ٱلۡخَلۡقَ ثُمَّ يُعِيدُهُۥ وَمَن يَرۡزُقُكُم مِّنَ ٱلسَّمَآءِ وَٱلۡأَرۡضِۗ أَءِلَٰهٞ مَّعَ ٱللَّهِۚ قُلۡ هَاتُواْ بُرۡهَٰنَكُمۡ إِن كُنتُمۡ صَٰدِقِينَ
O ang nagsisimula ng paglikha, pagkatapos nagpapanumbalik nito, at ang nagtutustos sa inyo mula sa langit at lupa ay isang diyos ba kasama kay Allāh?" Sabihin mo: "Magbigay kayo ng patotoo ninyo kung kayo ay mga tapat
Surah An-Naml, Verse 64
قُل لَّا يَعۡلَمُ مَن فِي ٱلسَّمَٰوَٰتِ وَٱلۡأَرۡضِ ٱلۡغَيۡبَ إِلَّا ٱللَّهُۚ وَمَا يَشۡعُرُونَ أَيَّانَ يُبۡعَثُونَ
Sabihin mo: "Hindi nalalaman ng sinumang nasa mga langit at lupa ang Lingid maliban kay Allāh, at hindi nila nararamdaman kung kailan sila bubuhayin
Surah An-Naml, Verse 65
بَلِ ٱدَّـٰرَكَ عِلۡمُهُمۡ فِي ٱلۡأٓخِرَةِۚ بَلۡ هُمۡ فِي شَكّٖ مِّنۡهَاۖ بَلۡ هُم مِّنۡهَا عَمُونَ
Bagkus nagwakas ang kaalaman nila hinggil sa Kabilang-buhay. Bagkus sila ay nasa isang pagdududa hinggil doon. Bagkus sila mula roon ay mga bulag
Surah An-Naml, Verse 66
وَقَالَ ٱلَّذِينَ كَفَرُوٓاْ أَءِذَا كُنَّا تُرَٰبٗا وَءَابَآؤُنَآ أَئِنَّا لَمُخۡرَجُونَ
Nagsabi ang mga tumangging sumampalataya: "Kapag kami ba ay naging alabok at [gayon din] ang mga magulang namin, tunay na kami ba ay talagang mga palalabasin [sa mga libingan]
Surah An-Naml, Verse 67
لَقَدۡ وُعِدۡنَا هَٰذَا نَحۡنُ وَءَابَآؤُنَا مِن قَبۡلُ إِنۡ هَٰذَآ إِلَّآ أَسَٰطِيرُ ٱلۡأَوَّلِينَ
Talaga ngang pinangakuan nito Kami mismo at ang mga magulang namin bago pa niyan. Walang iba ito kundi ang mga alamat ng mga sinauna
Surah An-Naml, Verse 68
قُلۡ سِيرُواْ فِي ٱلۡأَرۡضِ فَٱنظُرُواْ كَيۡفَ كَانَ عَٰقِبَةُ ٱلۡمُجۡرِمِينَ
Sabihin mo: "Humayo kayo sa lupain saka tumingin kayo kung papaano naging ang kinahinatnan ng mga salarin
Surah An-Naml, Verse 69
وَلَا تَحۡزَنۡ عَلَيۡهِمۡ وَلَا تَكُن فِي ضَيۡقٖ مِّمَّا يَمۡكُرُونَ
Huwag kang malungkot sa kanila at huwag kang maging nasa isang paninikip dahil sa anumang ipinakakana nila
Surah An-Naml, Verse 70
وَيَقُولُونَ مَتَىٰ هَٰذَا ٱلۡوَعۡدُ إِن كُنتُمۡ صَٰدِقِينَ
Nagsasabi sila: "Kailan ang pangakong ito kung kayo ay mga tapat
Surah An-Naml, Verse 71
قُلۡ عَسَىٰٓ أَن يَكُونَ رَدِفَ لَكُم بَعۡضُ ٱلَّذِي تَسۡتَعۡجِلُونَ
Sabihin mo: "Marahil maging napaaga para sa inyo ang ilan sa minamadali ninyo
Surah An-Naml, Verse 72
وَإِنَّ رَبَّكَ لَذُو فَضۡلٍ عَلَى ٱلنَّاسِ وَلَٰكِنَّ أَكۡثَرَهُمۡ لَا يَشۡكُرُونَ
Tunay na ang Panginoon mo ay talagang may kabutihang-loob sa mga tao subalit ang higit na marami sa kanila ay hindi nagpapasalamat
Surah An-Naml, Verse 73
وَإِنَّ رَبَّكَ لَيَعۡلَمُ مَا تُكِنُّ صُدُورُهُمۡ وَمَا يُعۡلِنُونَ
Tunay na ang Panginoon mo ay talagang nakaaalam ng anumang kinikimkim ng mga dibdib nila at anumang inihahayag nila
Surah An-Naml, Verse 74
وَمَا مِنۡ غَآئِبَةٖ فِي ٱلسَّمَآءِ وَٱلۡأَرۡضِ إِلَّا فِي كِتَٰبٖ مُّبِينٍ
Walang anumang nakalingid sa langit at lupa malibang nasa isang talaang malinaw
Surah An-Naml, Verse 75
إِنَّ هَٰذَا ٱلۡقُرۡءَانَ يَقُصُّ عَلَىٰ بَنِيٓ إِسۡرَـٰٓءِيلَ أَكۡثَرَ ٱلَّذِي هُمۡ فِيهِ يَخۡتَلِفُونَ
Tunay na itong Qur’ān ay nagsasalaysay sa mga anak ni Israel ng higit na marami sa [bagay na] sila hinggil doon ay nagkakaiba-iba
Surah An-Naml, Verse 76
وَإِنَّهُۥ لَهُدٗى وَرَحۡمَةٞ لِّلۡمُؤۡمِنِينَ
Tunay na ito ay talagang isang patnubay at isang awa para sa mga mananampalataya
Surah An-Naml, Verse 77
إِنَّ رَبَّكَ يَقۡضِي بَيۡنَهُم بِحُكۡمِهِۦۚ وَهُوَ ٱلۡعَزِيزُ ٱلۡعَلِيمُ
Tunay na ang Panginoon mo ay huhusga sa pagitan nila sa pamamagitan ng kahatulan Niya. Siya ay ang Makapangyarihan, ang Maalam
Surah An-Naml, Verse 78
فَتَوَكَّلۡ عَلَى ٱللَّهِۖ إِنَّكَ عَلَى ٱلۡحَقِّ ٱلۡمُبِينِ
Kaya manalig ka kay Allāh; tunay na ikaw ay nasa katotohanang malinaw
Surah An-Naml, Verse 79
إِنَّكَ لَا تُسۡمِعُ ٱلۡمَوۡتَىٰ وَلَا تُسۡمِعُ ٱلصُّمَّ ٱلدُّعَآءَ إِذَا وَلَّوۡاْ مُدۡبِرِينَ
Tunay na ikaw ay hindi nakapagpaparinig sa mga patay at hindi nakapagpaparinig sa mga bingi ng panawagan kapag bumaling sila na mga tumatalikod
Surah An-Naml, Verse 80
وَمَآ أَنتَ بِهَٰدِي ٱلۡعُمۡيِ عَن ضَلَٰلَتِهِمۡۖ إِن تُسۡمِعُ إِلَّا مَن يُؤۡمِنُ بِـَٔايَٰتِنَا فَهُم مُّسۡلِمُونَ
Ikaw ay hindi tagapagpatnubay ng mga bulag palayo sa pagkaligaw nila. Hindi ka nakapagpaparinig maliban sa sinumang sumasampalataya sa mga tanda Namin kaya sila ay mga tagapagpasakop
Surah An-Naml, Verse 81
۞وَإِذَا وَقَعَ ٱلۡقَوۡلُ عَلَيۡهِمۡ أَخۡرَجۡنَا لَهُمۡ دَآبَّةٗ مِّنَ ٱلۡأَرۡضِ تُكَلِّمُهُمۡ أَنَّ ٱلنَّاسَ كَانُواْ بِـَٔايَٰتِنَا لَا يُوقِنُونَ
Kapag naganap ang sabi laban sa kanila, magpapalabas Kami para sa kanila ng isang gumagalaw na nilalang mula sa lupa na kakausap sa kanila [na nagsasabi] na ang mga tao noon sa mga tanda Namin ay hindi nakatitiyak
Surah An-Naml, Verse 82
وَيَوۡمَ نَحۡشُرُ مِن كُلِّ أُمَّةٖ فَوۡجٗا مِّمَّن يُكَذِّبُ بِـَٔايَٰتِنَا فَهُمۡ يُوزَعُونَ
[Banggitin mo] ang araw na kakalap Kami mula sa bawat kalipunan ng isang pulutong kabilang sa nagpapasinungaling sa mga tanda Namin saka sila ay pagpapangkatin
Surah An-Naml, Verse 83
حَتَّىٰٓ إِذَا جَآءُو قَالَ أَكَذَّبۡتُم بِـَٔايَٰتِي وَلَمۡ تُحِيطُواْ بِهَا عِلۡمًا أَمَّاذَا كُنتُمۡ تَعۡمَلُونَ
Hanggang sa nang dumating sila ay magsasabi Siya: "Nagpasinungaling ba kayo sa mga tanda Ko samantalang hindi kayo nakasaklaw sa mga ito sa kaalaman, o ano ang dati ninyong ginagawa
Surah An-Naml, Verse 84
وَوَقَعَ ٱلۡقَوۡلُ عَلَيۡهِم بِمَا ظَلَمُواْ فَهُمۡ لَا يَنطِقُونَ
Magaganap ang sabi sa kanila dahil lumabag sila sa katarungan kaya sila ay hindi makabibigkas
Surah An-Naml, Verse 85
أَلَمۡ يَرَوۡاْ أَنَّا جَعَلۡنَا ٱلَّيۡلَ لِيَسۡكُنُواْ فِيهِ وَٱلنَّهَارَ مُبۡصِرًاۚ إِنَّ فِي ذَٰلِكَ لَأٓيَٰتٖ لِّقَوۡمٖ يُؤۡمِنُونَ
Hindi ba sila nakakita na Kami ay gumawa sa gabi upang matiwasay sila rito at sa maghapon bilang nagbibigay-paningin? Tunay na sa gayon ay talagang may mga tanda para sa mga taong sumasampalataya
Surah An-Naml, Verse 86
وَيَوۡمَ يُنفَخُ فِي ٱلصُّورِ فَفَزِعَ مَن فِي ٱلسَّمَٰوَٰتِ وَمَن فِي ٱلۡأَرۡضِ إِلَّا مَن شَآءَ ٱللَّهُۚ وَكُلٌّ أَتَوۡهُ دَٰخِرِينَ
[Banggitin mo] ang araw na iihip sa tambuli saka manghihilakbot ang sinumang nasa mga langit at ang sinumang nasa mga lupa, maliban sa sinumang niloob ni Allāh, habang lahat ay pupunta sa Kanya na mga nagpapakaaba
Surah An-Naml, Verse 87
وَتَرَى ٱلۡجِبَالَ تَحۡسَبُهَا جَامِدَةٗ وَهِيَ تَمُرُّ مَرَّ ٱلسَّحَابِۚ صُنۡعَ ٱللَّهِ ٱلَّذِيٓ أَتۡقَنَ كُلَّ شَيۡءٍۚ إِنَّهُۥ خَبِيرُۢ بِمَا تَفۡعَلُونَ
Makikita mo ang mga bundok, habang nag-aakala kang ang mga ito ay nakatigil samantalang ang mga ito ay dumaraan gaya ng pagdaan ng mga ulap, bilang pagkayari ni Allāh na nagpahusay sa bawat bagay. Tunay na Siya ay Mapagbatid sa anumang ginagawa ninyo
Surah An-Naml, Verse 88
مَن جَآءَ بِٱلۡحَسَنَةِ فَلَهُۥ خَيۡرٞ مِّنۡهَا وَهُم مِّن فَزَعٖ يَوۡمَئِذٍ ءَامِنُونَ
Ang sinumang magdala ng magandang gawa, ukol sa kanya ay higit na mabuti kaysa roon habang sila, mula sa hilakbot sa araw na iyon, ay mga matitiwasay
Surah An-Naml, Verse 89
وَمَن جَآءَ بِٱلسَّيِّئَةِ فَكُبَّتۡ وُجُوهُهُمۡ فِي ٱلنَّارِ هَلۡ تُجۡزَوۡنَ إِلَّا مَا كُنتُمۡ تَعۡمَلُونَ
Ang sinumang magdala ng masagwang gawa, isusubsob ang mga mukha nila sa Apoy. [Sasabihin:] "Gagantihan kaya kayo maliban pa ng anumang dati ninyong ginagawa
Surah An-Naml, Verse 90
إِنَّمَآ أُمِرۡتُ أَنۡ أَعۡبُدَ رَبَّ هَٰذِهِ ٱلۡبَلۡدَةِ ٱلَّذِي حَرَّمَهَا وَلَهُۥ كُلُّ شَيۡءٖۖ وَأُمِرۡتُ أَنۡ أَكُونَ مِنَ ٱلۡمُسۡلِمِينَ
[Sabihin mo]: "Inutusan lamang ako na sumamba sa Panginoon ng bayang ito, na nagpabanal nito – at sa Kanya ang bawat bagay – at inutusan ako na maging kabilang ako sa mga tagapagpasakop
Surah An-Naml, Verse 91
وَأَنۡ أَتۡلُوَاْ ٱلۡقُرۡءَانَۖ فَمَنِ ٱهۡتَدَىٰ فَإِنَّمَا يَهۡتَدِي لِنَفۡسِهِۦۖ وَمَن ضَلَّ فَقُلۡ إِنَّمَآ أَنَا۠ مِنَ ٱلۡمُنذِرِينَ
at na bumigkas ako ng Qur’ān." Kaya ang sinumang napatnubayan ay napapatnubayan lamang para sa sarili niya at ang sinumang naligaw ay sabihin mo: "Ako ay kabilang sa mga tagapagbabala lamang
Surah An-Naml, Verse 92
وَقُلِ ٱلۡحَمۡدُ لِلَّهِ سَيُرِيكُمۡ ءَايَٰتِهِۦ فَتَعۡرِفُونَهَاۚ وَمَا رَبُّكَ بِغَٰفِلٍ عَمَّا تَعۡمَلُونَ
Sabihin mo: "Ang papuri ay ukol kay Allāh. Magpapakita Siya sa inyo ng mga tanda Niya kaya makakikilala kayo sa mga ito. Ang Panginoon mo ay hindi nalilingat sa anumang ginagawa ninyo
Surah An-Naml, Verse 93