Surah Al-Qasas - Filipino Translation by Www.islamhouse.com
طسٓمٓ
Ṭā. Sīn. Mīm
Surah Al-Qasas, Verse 1
تِلۡكَ ءَايَٰتُ ٱلۡكِتَٰبِ ٱلۡمُبِينِ
Ang mga ito ay ang mga talata ng Aklat na malinaw
Surah Al-Qasas, Verse 2
نَتۡلُواْ عَلَيۡكَ مِن نَّبَإِ مُوسَىٰ وَفِرۡعَوۡنَ بِٱلۡحَقِّ لِقَوۡمٖ يُؤۡمِنُونَ
Bumibigkas Kami sa iyo mula sa balita kay Moises at kay Paraon ayon sa katotohanan para sa mga taong sumasampalataya
Surah Al-Qasas, Verse 3
إِنَّ فِرۡعَوۡنَ عَلَا فِي ٱلۡأَرۡضِ وَجَعَلَ أَهۡلَهَا شِيَعٗا يَسۡتَضۡعِفُ طَآئِفَةٗ مِّنۡهُمۡ يُذَبِّحُ أَبۡنَآءَهُمۡ وَيَسۡتَحۡيِۦ نِسَآءَهُمۡۚ إِنَّهُۥ كَانَ مِنَ ٱلۡمُفۡسِدِينَ
Tunay na si Paraon ay nagmataas sa lupain at gumawa sa mga naninirahan doon bilang mga kampihan habang naniniil sa isang pangkatin kabilang sa kanila: pinagkakatay niya ang mga lalaking anak nila at pinamumuhay niya ang mga babae nila. Tunay na siya noon ay kabilang sa mga tagagulo
Surah Al-Qasas, Verse 4
وَنُرِيدُ أَن نَّمُنَّ عَلَى ٱلَّذِينَ ٱسۡتُضۡعِفُواْ فِي ٱلۡأَرۡضِ وَنَجۡعَلَهُمۡ أَئِمَّةٗ وَنَجۡعَلَهُمُ ٱلۡوَٰرِثِينَ
Nagnanais Kami na magmagandang-loob Kami sa mga siniil sa lupain, gumawa Kami sa kanila na mga pasimuno, gumawa Kami sa kanila na mga tagapagmana
Surah Al-Qasas, Verse 5
وَنُمَكِّنَ لَهُمۡ فِي ٱلۡأَرۡضِ وَنُرِيَ فِرۡعَوۡنَ وَهَٰمَٰنَ وَجُنُودَهُمَا مِنۡهُم مَّا كَانُواْ يَحۡذَرُونَ
[Nagnanais Kami na] magbigay-kapangyarihan Kami sa kanila sa lupain at magpakita Kami kay Paraon, kay Hāmān, at sa mga kawal nilang dalawa kabilang sa kanila ng pinangingilagan nila noon
Surah Al-Qasas, Verse 6
وَأَوۡحَيۡنَآ إِلَىٰٓ أُمِّ مُوسَىٰٓ أَنۡ أَرۡضِعِيهِۖ فَإِذَا خِفۡتِ عَلَيۡهِ فَأَلۡقِيهِ فِي ٱلۡيَمِّ وَلَا تَخَافِي وَلَا تَحۡزَنِيٓۖ إِنَّا رَآدُّوهُ إِلَيۡكِ وَجَاعِلُوهُ مِنَ ٱلۡمُرۡسَلِينَ
Nagkasi Kami sa ina ni Moises, na [nagsasabi]: "Magpasuso ka sa kanya; ngunit kapag nangamba ka para sa kanya ay itapon mo siya sa ilog at huwag kang mangamba at huwag kang malungkot. Tunay na Kami ay magsasauli sa kanya sa iyo at gagawa sa kanya kabilang sa mga isinugo
Surah Al-Qasas, Verse 7
فَٱلۡتَقَطَهُۥٓ ءَالُ فِرۡعَوۡنَ لِيَكُونَ لَهُمۡ عَدُوّٗا وَحَزَنًاۗ إِنَّ فِرۡعَوۡنَ وَهَٰمَٰنَ وَجُنُودَهُمَا كَانُواْ خَٰطِـِٔينَ
Kaya napulot siya ng mag-anak ni Paraon upang siya para sa kanila ay maging isang kaaway at isang kalungkutan. Tunay na si Paraon, si Hāmān, at ang mga kawal nilang dalawa ay mga nagkakamali noon
Surah Al-Qasas, Verse 8
وَقَالَتِ ٱمۡرَأَتُ فِرۡعَوۡنَ قُرَّتُ عَيۡنٖ لِّي وَلَكَۖ لَا تَقۡتُلُوهُ عَسَىٰٓ أَن يَنفَعَنَآ أَوۡ نَتَّخِذَهُۥ وَلَدٗا وَهُمۡ لَا يَشۡعُرُونَ
Nagsabi ang maybahay ni Paraon: "Isang lugod ng mata [siya] para sa akin at para sa iyo. Huwag ninyo siyang patayin; marahil magpapakinabang siya sa atin o maituturing natin siya bilang anak," habang sila ay hindi nakararamdam
Surah Al-Qasas, Verse 9
وَأَصۡبَحَ فُؤَادُ أُمِّ مُوسَىٰ فَٰرِغًاۖ إِن كَادَتۡ لَتُبۡدِي بِهِۦ لَوۡلَآ أَن رَّبَطۡنَا عَلَىٰ قَلۡبِهَا لِتَكُونَ مِنَ ٱلۡمُؤۡمِنِينَ
Ang puso ng ina ni Moises ay naging hungkag. Tunay na muntik talagang maglantad ito sa kanya kung sakaling hindi Kami nagbigkis sa puso nito upang ito ay maging kabilang sa mga mananampalataya
Surah Al-Qasas, Verse 10
وَقَالَتۡ لِأُخۡتِهِۦ قُصِّيهِۖ فَبَصُرَتۡ بِهِۦ عَن جُنُبٖ وَهُمۡ لَا يَشۡعُرُونَ
Nagsabi ito sa babaing kapatid niya: "Magsubaybay ka sa kanya." Kaya nakakita iyon sa kanya mula sa malayo habang sila ay hindi nakararamdam
Surah Al-Qasas, Verse 11
۞وَحَرَّمۡنَا عَلَيۡهِ ٱلۡمَرَاضِعَ مِن قَبۡلُ فَقَالَتۡ هَلۡ أَدُلُّكُمۡ عَلَىٰٓ أَهۡلِ بَيۡتٖ يَكۡفُلُونَهُۥ لَكُمۡ وَهُمۡ لَهُۥ نَٰصِحُونَ
Nagbawal Kami sa kanya ng [ibang] mga tagapasuso bago pa niyan, kaya nagsabi iyon: "Magtuturo po kaya ako sa inyo ng isang bahay na kakandili sa kanya para sa inyo habang sila sa kanya ay mga tagapagpayo
Surah Al-Qasas, Verse 12
فَرَدَدۡنَٰهُ إِلَىٰٓ أُمِّهِۦ كَيۡ تَقَرَّ عَيۡنُهَا وَلَا تَحۡزَنَ وَلِتَعۡلَمَ أَنَّ وَعۡدَ ٱللَّهِ حَقّٞ وَلَٰكِنَّ أَكۡثَرَهُمۡ لَا يَعۡلَمُونَ
Kaya nagsauli Kami sa kanya sa ina niya upang magalak ang mata nito at hindi ito malungkot at upang makaalam ito na ang pangako ni Allāh ay totoo, subalit ang higit na marami sa kanila ay hindi nakaaalam
Surah Al-Qasas, Verse 13
وَلَمَّا بَلَغَ أَشُدَّهُۥ وَٱسۡتَوَىٰٓ ءَاتَيۡنَٰهُ حُكۡمٗا وَعِلۡمٗاۚ وَكَذَٰلِكَ نَجۡزِي ٱلۡمُحۡسِنِينَ
Noong umabot siya sa kalakasan niya at nalubos siya sa pag-iisip ay nagbigay Kami sa kanya ng karunungan at kaalaman. Gayon Kami gumaganti sa mga tagagawa ng maganda
Surah Al-Qasas, Verse 14
وَدَخَلَ ٱلۡمَدِينَةَ عَلَىٰ حِينِ غَفۡلَةٖ مِّنۡ أَهۡلِهَا فَوَجَدَ فِيهَا رَجُلَيۡنِ يَقۡتَتِلَانِ هَٰذَا مِن شِيعَتِهِۦ وَهَٰذَا مِنۡ عَدُوِّهِۦۖ فَٱسۡتَغَٰثَهُ ٱلَّذِي مِن شِيعَتِهِۦ عَلَى ٱلَّذِي مِنۡ عَدُوِّهِۦ فَوَكَزَهُۥ مُوسَىٰ فَقَضَىٰ عَلَيۡهِۖ قَالَ هَٰذَا مِنۡ عَمَلِ ٱلشَّيۡطَٰنِۖ إِنَّهُۥ عَدُوّٞ مُّضِلّٞ مُّبِينٞ
Pumasok siya sa lungsod sa isang sandali ng pagkalingat ng mga naninirahan doon saka nakatagpo siya roon ng dalawang lalaking nag-aaway. Itong [una] ay kabilang sa kakampi niya at itong [ikalawa] ay kabilang sa kaaway niya. Nagpasaklolo sa kanya ang kabilang sa kakampi niya laban sa kabilang sa kaaway niya. Kaya binuntal ito ni Moises saka napaslang niya ito. Nagsabi siya: "Ito ay kabilang sa gawain ng demonyo; tunay na siya ay isang kaaway na tagapagligaw na malinaw
Surah Al-Qasas, Verse 15
قَالَ رَبِّ إِنِّي ظَلَمۡتُ نَفۡسِي فَٱغۡفِرۡ لِي فَغَفَرَ لَهُۥٓۚ إِنَّهُۥ هُوَ ٱلۡغَفُورُ ٱلرَّحِيمُ
Nagsabi siya: "Panginoon ko, tunay na ako ay lumabag sa katarungan sa sarili ko kaya magpatawad Ka sa akin." Kaya nagpatawad Siya rito. Tunay na Siya ay ang Mapagpatawad, ang Maawain
Surah Al-Qasas, Verse 16
قَالَ رَبِّ بِمَآ أَنۡعَمۡتَ عَلَيَّ فَلَنۡ أَكُونَ ظَهِيرٗا لِّلۡمُجۡرِمِينَ
Nagsabi siya: "Panginoon ko, dahil sa ibiniyaya Mo sa akin, hindi ako magiging isang tagapagtaguyod para sa mga salarin
Surah Al-Qasas, Verse 17
فَأَصۡبَحَ فِي ٱلۡمَدِينَةِ خَآئِفٗا يَتَرَقَّبُ فَإِذَا ٱلَّذِي ٱسۡتَنصَرَهُۥ بِٱلۡأَمۡسِ يَسۡتَصۡرِخُهُۥۚ قَالَ لَهُۥ مُوسَىٰٓ إِنَّكَ لَغَوِيّٞ مُّبِينٞ
Kaya siya sa lungsod ay naging kinakabahang nag-aantabay, saka biglang ang nagpaadya sa kanya kahapon ay nagpapasalba na naman sa kanya. Nagsabi sa kanya si Moises: "Tunay na Ikaw ay talagang isang lisyang malinaw
Surah Al-Qasas, Verse 18
فَلَمَّآ أَنۡ أَرَادَ أَن يَبۡطِشَ بِٱلَّذِي هُوَ عَدُوّٞ لَّهُمَا قَالَ يَٰمُوسَىٰٓ أَتُرِيدُ أَن تَقۡتُلَنِي كَمَا قَتَلۡتَ نَفۡسَۢا بِٱلۡأَمۡسِۖ إِن تُرِيدُ إِلَّآ أَن تَكُونَ جَبَّارٗا فِي ٱلۡأَرۡضِ وَمَا تُرِيدُ أَن تَكُونَ مِنَ ٱلۡمُصۡلِحِينَ
Kaya noong nagnais siya na sumunggab sa isang kaaway para sa kanilang dalawa ay nagsabi iyon: "O Moises, nagnanais ka ba na pumatay sa akin gaya ng pagpatay mo ng isang tao kahapon? Wala kang ninanais kundi ikaw ay maging isang mapaniil sa lupain at hindi ka nagnanais na ikaw ay maging kabilang sa mga tagapagsaayos
Surah Al-Qasas, Verse 19
وَجَآءَ رَجُلٞ مِّنۡ أَقۡصَا ٱلۡمَدِينَةِ يَسۡعَىٰ قَالَ يَٰمُوسَىٰٓ إِنَّ ٱلۡمَلَأَ يَأۡتَمِرُونَ بِكَ لِيَقۡتُلُوكَ فَٱخۡرُجۡ إِنِّي لَكَ مِنَ ٱلنَّـٰصِحِينَ
May dumating na isang lalaki mula sa pinakamalayo ng lungsod, na tumatakbo. Nagsabi ito: "O Moises, tunay ang pamunuan ay nagpupulong hinggil sa iyo upang patayin ka nila kaya lumisan ka. Tunay na ako para sa iyo ay kabilang sa mga tagapayo
Surah Al-Qasas, Verse 20
فَخَرَجَ مِنۡهَا خَآئِفٗا يَتَرَقَّبُۖ قَالَ رَبِّ نَجِّنِي مِنَ ٱلۡقَوۡمِ ٱلظَّـٰلِمِينَ
Kaya lumisan siya mula roon habang kinakabahang nag-aantabay. Nagsabi siya: "Panginoon ko, iligtas Mo ako laban sa mga taong tagalabag sa katarungan
Surah Al-Qasas, Verse 21
وَلَمَّا تَوَجَّهَ تِلۡقَآءَ مَدۡيَنَ قَالَ عَسَىٰ رَبِّيٓ أَن يَهۡدِيَنِي سَوَآءَ ٱلسَّبِيلِ
Noong nakadako siya sa bandang Madyan ay nagsabi siya: "Marahil ang Panginoon ko ay magpapatnubay sa akin sa katumpakan ng landas
Surah Al-Qasas, Verse 22
وَلَمَّا وَرَدَ مَآءَ مَدۡيَنَ وَجَدَ عَلَيۡهِ أُمَّةٗ مِّنَ ٱلنَّاسِ يَسۡقُونَ وَوَجَدَ مِن دُونِهِمُ ٱمۡرَأَتَيۡنِ تَذُودَانِۖ قَالَ مَا خَطۡبُكُمَاۖ قَالَتَا لَا نَسۡقِي حَتَّىٰ يُصۡدِرَ ٱلرِّعَآءُۖ وَأَبُونَا شَيۡخٞ كَبِيرٞ
Noong nakarating siya sa tubigan ng Madyan, nakatagpo siya roon ng isang kalipunan ng mga tao na nagpapainom [ng kawan] at nakatagpo siya bukod pa sa kanila ng dalawang babaing pumipigil [sa kawan]. Nagsabi siya: "Ano ang lagay ninyong dalawa?" Nagsabi silang dalawa: "Hindi kami nagpapainom [ng kawan] hanggang sa magpaalis ang mga pastol [ng kawan nila]. Ang ama namin ay lubhang matanda
Surah Al-Qasas, Verse 23
فَسَقَىٰ لَهُمَا ثُمَّ تَوَلَّىٰٓ إِلَى ٱلظِّلِّ فَقَالَ رَبِّ إِنِّي لِمَآ أَنزَلۡتَ إِلَيَّ مِنۡ خَيۡرٖ فَقِيرٞ
Kaya nagpainom siya [sa kawan] para sa kanilang dalawa. Pagkatapos tumalikod siya patungo sa lilim saka nagsabi: "Panginoon ko, tunay na ako, sa pinababa Mo sa akin na anumang biyaya, ay maralita
Surah Al-Qasas, Verse 24
فَجَآءَتۡهُ إِحۡدَىٰهُمَا تَمۡشِي عَلَى ٱسۡتِحۡيَآءٖ قَالَتۡ إِنَّ أَبِي يَدۡعُوكَ لِيَجۡزِيَكَ أَجۡرَ مَا سَقَيۡتَ لَنَاۚ فَلَمَّا جَآءَهُۥ وَقَصَّ عَلَيۡهِ ٱلۡقَصَصَ قَالَ لَا تَخَفۡۖ نَجَوۡتَ مِنَ ٱلۡقَوۡمِ ٱلظَّـٰلِمِينَ
Kaya dumating sa kanya ang isa sa dalawang babae, na naglalakad sa pagkahiya. Nagsabi ito: "Tunay na ang ama ko ay nag-aanyaya sa iyo upang gumanti siya sa iyo ng pabuya sa pagpainom mo [sa kawan] para sa amin." Kaya noong dumating siya roon at nagsalaysay siya roon ng mga kasaysayan [niya] ay nagsabi iyon: "Huwag kang mangamba; naligtas ka mula sa mga taong tagalabag sa katarungan
Surah Al-Qasas, Verse 25
قَالَتۡ إِحۡدَىٰهُمَا يَـٰٓأَبَتِ ٱسۡتَـٔۡجِرۡهُۖ إِنَّ خَيۡرَ مَنِ ٱسۡتَـٔۡجَرۡتَ ٱلۡقَوِيُّ ٱلۡأَمِينُ
Nagsabi ang isa sa kanilang dalawa: "O Ama ko, upahan mo siya; tunay na ang pinakamabuti na sinumang upahan mo ay ang malakas na mapagkakatiwalaan
Surah Al-Qasas, Verse 26
قَالَ إِنِّيٓ أُرِيدُ أَنۡ أُنكِحَكَ إِحۡدَى ٱبۡنَتَيَّ هَٰتَيۡنِ عَلَىٰٓ أَن تَأۡجُرَنِي ثَمَٰنِيَ حِجَجٖۖ فَإِنۡ أَتۡمَمۡتَ عَشۡرٗا فَمِنۡ عِندِكَۖ وَمَآ أُرِيدُ أَنۡ أَشُقَّ عَلَيۡكَۚ سَتَجِدُنِيٓ إِن شَآءَ ٱللَّهُ مِنَ ٱلصَّـٰلِحِينَ
Nagsabi iyon: "Tunay na ako ay nagnanais na ipakasal ko sa iyo ang isa sa dalawang babaing anak ko na ito sa kundisyong magpaupa ka sa akin nang walong taon, ngunit kung lulubusin mo sa sampung [taon] ay nasa ganang iyo. Hindi ako nagnanais na magpabigat sa iyo. Matatagpuan mo ako, kung niloob ni Allāh, na kabilang sa mga maayos
Surah Al-Qasas, Verse 27
قَالَ ذَٰلِكَ بَيۡنِي وَبَيۡنَكَۖ أَيَّمَا ٱلۡأَجَلَيۡنِ قَضَيۡتُ فَلَا عُدۡوَٰنَ عَلَيَّۖ وَٱللَّهُ عَلَىٰ مَا نَقُولُ وَكِيلٞ
Nagsabi siya: "Iyon ay sa pagitan ko at sa pagitan mo. Alin man sa dalawang taning na matatapos ko ay walang paglabag sa akin. Si Allāh sa anumang sinasabi natin ay Pinananaligan
Surah Al-Qasas, Verse 28
۞فَلَمَّا قَضَىٰ مُوسَى ٱلۡأَجَلَ وَسَارَ بِأَهۡلِهِۦٓ ءَانَسَ مِن جَانِبِ ٱلطُّورِ نَارٗاۖ قَالَ لِأَهۡلِهِ ٱمۡكُثُوٓاْ إِنِّيٓ ءَانَسۡتُ نَارٗا لَّعَلِّيٓ ءَاتِيكُم مِّنۡهَا بِخَبَرٍ أَوۡ جَذۡوَةٖ مِّنَ ٱلنَّارِ لَعَلَّكُمۡ تَصۡطَلُونَ
Kaya noong natapos ni Moises ang taning at humayo siya dala kasama ng mag-anak niya, nakatanaw siya mula sa gilid ng bundok ng isang apoy. Nagsabi siya sa mag-anak niya: "Manatili kayo; tunay na ako ay nakatanaw ng isang apoy. Harinawa ako ay makapaghahatid sa inyo mula roon ng isang ulat o isang baga mula sa apoy nang harinawa kayo ay makapagpapainit
Surah Al-Qasas, Verse 29
فَلَمَّآ أَتَىٰهَا نُودِيَ مِن شَٰطِيِٕ ٱلۡوَادِ ٱلۡأَيۡمَنِ فِي ٱلۡبُقۡعَةِ ٱلۡمُبَٰرَكَةِ مِنَ ٱلشَّجَرَةِ أَن يَٰمُوسَىٰٓ إِنِّيٓ أَنَا ٱللَّهُ رَبُّ ٱلۡعَٰلَمِينَ
Kaya noong nakapunta siya roon, tinawag siya mula sa kanang pangpang ng lambak, sa pook na pinagpala, mula sa punong-kahoy, na [nagsasabi]: "O Moises, tunay na Ako ay si Allāh, ang Panginoon ng mga nilalang
Surah Al-Qasas, Verse 30
وَأَنۡ أَلۡقِ عَصَاكَۚ فَلَمَّا رَءَاهَا تَهۡتَزُّ كَأَنَّهَا جَآنّٞ وَلَّىٰ مُدۡبِرٗا وَلَمۡ يُعَقِّبۡۚ يَٰمُوسَىٰٓ أَقۡبِلۡ وَلَا تَخَفۡۖ إِنَّكَ مِنَ ٱلۡأٓمِنِينَ
Pumukol ka ng tungkod mo." Ngunit noong nakita niya ito na kumikislut-kislot na para bang ito ay isang ahas, tumalikod siya habang lumilisan at hindi lumingon. [Sinabi]: "O Moises, lumapit ka at huwag kang mangamba; tunay na ikaw ay kabilang sa mga tiwasay
Surah Al-Qasas, Verse 31
ٱسۡلُكۡ يَدَكَ فِي جَيۡبِكَ تَخۡرُجۡ بَيۡضَآءَ مِنۡ غَيۡرِ سُوٓءٖ وَٱضۡمُمۡ إِلَيۡكَ جَنَاحَكَ مِنَ ٱلرَّهۡبِۖ فَذَٰنِكَ بُرۡهَٰنَانِ مِن رَّبِّكَ إِلَىٰ فِرۡعَوۡنَ وَمَلَإِيْهِۦٓۚ إِنَّهُمۡ كَانُواْ قَوۡمٗا فَٰسِقِينَ
Isingit mo ang kamay mo sa eskotadura mo, lalabas ito na maputi na walang sakit. Iyapos mo sa iyo ang kamay mo laban sa sindak. Kaya ang dalawang iyon ay dalawang patotoo mula sa Panginoon mo kay Paraon at sa konseho nito. Tunay na sila noon ay mga taong suwail
Surah Al-Qasas, Verse 32
قَالَ رَبِّ إِنِّي قَتَلۡتُ مِنۡهُمۡ نَفۡسٗا فَأَخَافُ أَن يَقۡتُلُونِ
Nagsabi ito: "Panginoon ko, tunay na ako ay nakapatay mula sa kanila ng isang tao kaya nangangamba ako na patayin nila ako
Surah Al-Qasas, Verse 33
وَأَخِي هَٰرُونُ هُوَ أَفۡصَحُ مِنِّي لِسَانٗا فَأَرۡسِلۡهُ مَعِيَ رِدۡءٗا يُصَدِّقُنِيٓۖ إِنِّيٓ أَخَافُ أَن يُكَذِّبُونِ
Ang kapatid ko na si Aaron ay higit na matatas kaysa sa akin sa dila, kaya isugo Mo siya kasama sa akin bilang alalay na magpapatotoo sa akin. Tunay na ako ay nangangamba na magpasinungaling sila sa akin
Surah Al-Qasas, Verse 34
قَالَ سَنَشُدُّ عَضُدَكَ بِأَخِيكَ وَنَجۡعَلُ لَكُمَا سُلۡطَٰنٗا فَلَا يَصِلُونَ إِلَيۡكُمَا بِـَٔايَٰتِنَآۚ أَنتُمَا وَمَنِ ٱتَّبَعَكُمَا ٱلۡغَٰلِبُونَ
Nagsabi Siya: "Magpapalakas Kami sa bisig mo sa pamamagitan ng kapatid mo at maglalagay Kami para sa inyong dalawa ng isang pangingibabaw kaya hindi sila makapagpapaaabot sa inyong dalawa [ng pinsala]. Dahil sa mga tanda Namin, kayong dalawa at ang sinumang sumunod sa inyo ay ang mga tagapanaig
Surah Al-Qasas, Verse 35
فَلَمَّا جَآءَهُم مُّوسَىٰ بِـَٔايَٰتِنَا بَيِّنَٰتٖ قَالُواْ مَا هَٰذَآ إِلَّا سِحۡرٞ مُّفۡتَرٗى وَمَا سَمِعۡنَا بِهَٰذَا فِيٓ ءَابَآئِنَا ٱلۡأَوَّلِينَ
Kaya noong naghatid sa kanila si Moises ng mga tanda Namin bilang mga naglilinaw ay nagsabi sila: "Walang iba ito kundi isang panggagaway na ginawa-gawa. Hindi kami nakarinig ng ganito sa mga ninuno naming sinauna
Surah Al-Qasas, Verse 36
وَقَالَ مُوسَىٰ رَبِّيٓ أَعۡلَمُ بِمَن جَآءَ بِٱلۡهُدَىٰ مِنۡ عِندِهِۦ وَمَن تَكُونُ لَهُۥ عَٰقِبَةُ ٱلدَّارِۚ إِنَّهُۥ لَا يُفۡلِحُ ٱلظَّـٰلِمُونَ
Nagsabi si Moises: "Ang Panginoon ko ay higit na maalam sa sinumang naghatid ng patnubay mula sa ganang Kanya at sa sinumang magkakaroon ng [mabuting] kahihinatnan sa Tahanan. Tunay na hindi magtatagumpay ang mga tagalabag sa katarungan
Surah Al-Qasas, Verse 37
وَقَالَ فِرۡعَوۡنُ يَـٰٓأَيُّهَا ٱلۡمَلَأُ مَا عَلِمۡتُ لَكُم مِّنۡ إِلَٰهٍ غَيۡرِي فَأَوۡقِدۡ لِي يَٰهَٰمَٰنُ عَلَى ٱلطِّينِ فَٱجۡعَل لِّي صَرۡحٗا لَّعَلِّيٓ أَطَّلِعُ إِلَىٰٓ إِلَٰهِ مُوسَىٰ وَإِنِّي لَأَظُنُّهُۥ مِنَ ٱلۡكَٰذِبِينَ
Nagsabi si Paraon: "O konseho, hindi ko nalamang mayroon kayong isang diyos na iba pa sa Akin. Kaya magpaningas ka para sa akin, O Hāmān, sa luwad, at gumawa ka para sa akin ng isang tore nang sa gayon ako ay makapagmasid sa Diyos ni Moises. Tunay na ako ay talagang nagpapalagay na siya ay kabilang sa mga sinungaling
Surah Al-Qasas, Verse 38
وَٱسۡتَكۡبَرَ هُوَ وَجُنُودُهُۥ فِي ٱلۡأَرۡضِ بِغَيۡرِ ٱلۡحَقِّ وَظَنُّوٓاْ أَنَّهُمۡ إِلَيۡنَا لَا يُرۡجَعُونَ
Nagmalaki siya at ang mga kawal niya sa lupain nang walang karapatan at nagpalagay sila na sila tungo sa Amin ay hindi pababalikin
Surah Al-Qasas, Verse 39
فَأَخَذۡنَٰهُ وَجُنُودَهُۥ فَنَبَذۡنَٰهُمۡ فِي ٱلۡيَمِّۖ فَٱنظُرۡ كَيۡفَ كَانَ عَٰقِبَةُ ٱلظَّـٰلِمِينَ
Kaya dumaklot Kami sa kanya at sa mga kawal niya saka itinapon Namin sila sa dagat. Kaya tumingin ka kung papaano naging ang kinahinatnan ng mga tagalabag sa katarungan
Surah Al-Qasas, Verse 40
وَجَعَلۡنَٰهُمۡ أَئِمَّةٗ يَدۡعُونَ إِلَى ٱلنَّارِۖ وَيَوۡمَ ٱلۡقِيَٰمَةِ لَا يُنصَرُونَ
Gumawa Kami sa kanila bilang mga pasimuno na nag-aanyaya tungo sa Apoy. Sa Araw ng Pagbangon ay hindi sila iaadya
Surah Al-Qasas, Verse 41
وَأَتۡبَعۡنَٰهُمۡ فِي هَٰذِهِ ٱلدُّنۡيَا لَعۡنَةٗۖ وَيَوۡمَ ٱلۡقِيَٰمَةِ هُم مِّنَ ٱلۡمَقۡبُوحِينَ
Pinasundan Namin sila sa Mundong ito ng isang sumpa. Sa araw ng Pagbangon, sila ay kabilang sa mga pandidirihan
Surah Al-Qasas, Verse 42
وَلَقَدۡ ءَاتَيۡنَا مُوسَى ٱلۡكِتَٰبَ مِنۢ بَعۡدِ مَآ أَهۡلَكۡنَا ٱلۡقُرُونَ ٱلۡأُولَىٰ بَصَآئِرَ لِلنَّاسِ وَهُدٗى وَرَحۡمَةٗ لَّعَلَّهُمۡ يَتَذَكَّرُونَ
Talaga ngang nagbigay Kami kay Moises ng kasulatan nang matapos na nagpahamak Kami sa mga sinaunang salinlahi bilang mga pagpapatalos para sa mga tao, bilang patnubay, at bilang awa, nang sa gayon sila ay magsasaalaala
Surah Al-Qasas, Verse 43
وَمَا كُنتَ بِجَانِبِ ٱلۡغَرۡبِيِّ إِذۡ قَضَيۡنَآ إِلَىٰ مُوسَى ٱلۡأَمۡرَ وَمَا كُنتَ مِنَ ٱلشَّـٰهِدِينَ
Hindi ka noon nasa gilid ng kanluraning bahagi noong nagtadhana Kami kay Moises ng utos at hindi ka noon kabilang sa mga saksi
Surah Al-Qasas, Verse 44
وَلَٰكِنَّآ أَنشَأۡنَا قُرُونٗا فَتَطَاوَلَ عَلَيۡهِمُ ٱلۡعُمُرُۚ وَمَا كُنتَ ثَاوِيٗا فِيٓ أَهۡلِ مَدۡيَنَ تَتۡلُواْ عَلَيۡهِمۡ ءَايَٰتِنَا وَلَٰكِنَّا كُنَّا مُرۡسِلِينَ
Subalit Kami ay nagpaluwal ng mga salinlahi saka naghabaan sa kanila ang edad. Hindi ka noon nanunuluyan sa mga naninirahan sa Madyan, na bumibigkas sa kanila ng mga talata Namin, subalit Kami noon ay tagapagsugo
Surah Al-Qasas, Verse 45
وَمَا كُنتَ بِجَانِبِ ٱلطُّورِ إِذۡ نَادَيۡنَا وَلَٰكِن رَّحۡمَةٗ مِّن رَّبِّكَ لِتُنذِرَ قَوۡمٗا مَّآ أَتَىٰهُم مِّن نَّذِيرٖ مِّن قَبۡلِكَ لَعَلَّهُمۡ يَتَذَكَّرُونَ
Hindi ka noon nasa gilid ng bundok noong nanawagan Kami [kay Moises] subalit [isinugo ka] bilang awa mula sa Panginoon mo upang magbabala ka sa mga taong walang pumunta sa kanila na anumang mapagbabala, bago mo pa, nang sa gayon sila ay magsasaalaala
Surah Al-Qasas, Verse 46
وَلَوۡلَآ أَن تُصِيبَهُم مُّصِيبَةُۢ بِمَا قَدَّمَتۡ أَيۡدِيهِمۡ فَيَقُولُواْ رَبَّنَا لَوۡلَآ أَرۡسَلۡتَ إِلَيۡنَا رَسُولٗا فَنَتَّبِعَ ءَايَٰتِكَ وَنَكُونَ مِنَ ٱلۡمُؤۡمِنِينَ
Kung hindi dahil na may tumama sa kanila na isang kasawian dahil sa ipinauna ng mga kamay nila para magsabi sila: "Panginoon Namin, bakit hindi Ka nagsugo sa amin ng isang sugo para sumunod kami sa mga talata Mo at kami ay maging kabilang sa mga mananampalataya
Surah Al-Qasas, Verse 47
فَلَمَّا جَآءَهُمُ ٱلۡحَقُّ مِنۡ عِندِنَا قَالُواْ لَوۡلَآ أُوتِيَ مِثۡلَ مَآ أُوتِيَ مُوسَىٰٓۚ أَوَلَمۡ يَكۡفُرُواْ بِمَآ أُوتِيَ مُوسَىٰ مِن قَبۡلُۖ قَالُواْ سِحۡرَانِ تَظَٰهَرَا وَقَالُوٓاْ إِنَّا بِكُلّٖ كَٰفِرُونَ
Ngunit noong dumating sa kanila ang katotohanan mula sa ganang Amin ay nagsabi sila: "Bakit hindi siya binigyan ng tulad sa ibinigay kay Moises?" Hindi ba sila tumangging sumampalataya sa ibinigay kay Moises bago pa niyan? Nagsabi sila: "Dalawang panggagaway na nagtataguyudan." Nagsabi sila: "Tunay na kami sa bawat [isa] ay mga tagatangging sumampalataya
Surah Al-Qasas, Verse 48
قُلۡ فَأۡتُواْ بِكِتَٰبٖ مِّنۡ عِندِ ٱللَّهِ هُوَ أَهۡدَىٰ مِنۡهُمَآ أَتَّبِعۡهُ إِن كُنتُمۡ صَٰدِقِينَ
Sabihin mo: "Kaya magbigay kayo ng isang kasulatan mula sa ganang kay Allāh na higit na mapaggabay kaysa sa dalawang ito, susunod ako roon kung kayo ay mga tapat
Surah Al-Qasas, Verse 49
فَإِن لَّمۡ يَسۡتَجِيبُواْ لَكَ فَٱعۡلَمۡ أَنَّمَا يَتَّبِعُونَ أَهۡوَآءَهُمۡۚ وَمَنۡ أَضَلُّ مِمَّنِ ٱتَّبَعَ هَوَىٰهُ بِغَيۡرِ هُدٗى مِّنَ ٱللَّهِۚ إِنَّ ٱللَّهَ لَا يَهۡدِي ٱلۡقَوۡمَ ٱلظَّـٰلِمِينَ
Ngunit kung hindi sila tumugon sa iyo ay alamin mo na sumusunod lamang sila sa mga pithaya nila. Sino pa ang higit na ligaw kaysa sa sinumang sumunod sa pithaya niya nang walang patnubay mula kay Allāh? Tunay na si Allāh ay hindi nagpapatnubay sa mga taong tagalabag sa katarungan
Surah Al-Qasas, Verse 50
۞وَلَقَدۡ وَصَّلۡنَا لَهُمُ ٱلۡقَوۡلَ لَعَلَّهُمۡ يَتَذَكَّرُونَ
Talaga ngang nagparating Kami sa kanila ng sinabi, nang sa gayon sila ay magsasaalaala
Surah Al-Qasas, Verse 51
ٱلَّذِينَ ءَاتَيۡنَٰهُمُ ٱلۡكِتَٰبَ مِن قَبۡلِهِۦ هُم بِهِۦ يُؤۡمِنُونَ
Ang mga binigyan Namin ng kasulatan bago pa nito, sila rito ay sumasampalataya
Surah Al-Qasas, Verse 52
وَإِذَا يُتۡلَىٰ عَلَيۡهِمۡ قَالُوٓاْ ءَامَنَّا بِهِۦٓ إِنَّهُ ٱلۡحَقُّ مِن رَّبِّنَآ إِنَّا كُنَّا مِن قَبۡلِهِۦ مُسۡلِمِينَ
Kapag binibigkas ito sa kanila ay nagsasabi sila: "Sumampalataya kami rito. Tunay na ito ay ang katotohanan mula sa Panginoon Namin. Tunay na kami dati bago pa niyon ay mga tagapagpasakop
Surah Al-Qasas, Verse 53
أُوْلَـٰٓئِكَ يُؤۡتَوۡنَ أَجۡرَهُم مَّرَّتَيۡنِ بِمَا صَبَرُواْ وَيَدۡرَءُونَ بِٱلۡحَسَنَةِ ٱلسَّيِّئَةَ وَمِمَّا رَزَقۡنَٰهُمۡ يُنفِقُونَ
Ang mga iyon ay bibigyan ng pabuya nila nang dalawang ulit dahil nagtiis sila at nagtataboy sila sa pamamagitan ng magandang gawa sa masagwang gawa, at mula sa itinustos Namin sa kanila ay gumugugol sila
Surah Al-Qasas, Verse 54
وَإِذَا سَمِعُواْ ٱللَّغۡوَ أَعۡرَضُواْ عَنۡهُ وَقَالُواْ لَنَآ أَعۡمَٰلُنَا وَلَكُمۡ أَعۡمَٰلُكُمۡ سَلَٰمٌ عَلَيۡكُمۡ لَا نَبۡتَغِي ٱلۡجَٰهِلِينَ
Kapag nakarinig sila ng kabalbalan ay umaayaw sila rito at nagsasabi sila: "Ukol sa amin ang mga gawa namin at ukol sa inyo ang mga gawa ninyo. Kapayapaan sa inyo. Hindi kami naghahangad sa mga mangmang
Surah Al-Qasas, Verse 55
إِنَّكَ لَا تَهۡدِي مَنۡ أَحۡبَبۡتَ وَلَٰكِنَّ ٱللَّهَ يَهۡدِي مَن يَشَآءُۚ وَهُوَ أَعۡلَمُ بِٱلۡمُهۡتَدِينَ
Tunay na ikaw ay hindi pumapatnubay sa sinumang inibig mo, subalit si Allāh ay pumapatnubay sa sinumang niloloob Niya. Siya ay higit na maalam sa mga napapatnubayan
Surah Al-Qasas, Verse 56
وَقَالُوٓاْ إِن نَّتَّبِعِ ٱلۡهُدَىٰ مَعَكَ نُتَخَطَّفۡ مِنۡ أَرۡضِنَآۚ أَوَلَمۡ نُمَكِّن لَّهُمۡ حَرَمًا ءَامِنٗا يُجۡبَىٰٓ إِلَيۡهِ ثَمَرَٰتُ كُلِّ شَيۡءٖ رِّزۡقٗا مِّن لَّدُنَّا وَلَٰكِنَّ أَكۡثَرَهُمۡ لَا يَعۡلَمُونَ
Nagsabi sila: "Kung susunod kami sa patnubay kasama sa iyo ay pagtatangayin kami mula sa lupain namin." Hindi ba nagbigay-kapangyarihan Kami para sa kanila sa isang kanlungang tiwasay na hinahakot doon ang mga bunga ng bawat bagay bilang panustos mula sa nasa Amin? Subalit ang higit na marami sa kanila ay hindi nakaaalam
Surah Al-Qasas, Verse 57
وَكَمۡ أَهۡلَكۡنَا مِن قَرۡيَةِۭ بَطِرَتۡ مَعِيشَتَهَاۖ فَتِلۡكَ مَسَٰكِنُهُمۡ لَمۡ تُسۡكَن مِّنۢ بَعۡدِهِمۡ إِلَّا قَلِيلٗاۖ وَكُنَّا نَحۡنُ ٱلۡوَٰرِثِينَ
Kay rami ng ipinahamak Namin na pamayanang nagpawalang-pakundangan sa pamumuhay nito, kaya iyon ang mga tirahan nila na hindi tinirahan nang matapos nila maliban ng kaunti. Laging Kami ay ang Tagapagmana
Surah Al-Qasas, Verse 58
وَمَا كَانَ رَبُّكَ مُهۡلِكَ ٱلۡقُرَىٰ حَتَّىٰ يَبۡعَثَ فِيٓ أُمِّهَا رَسُولٗا يَتۡلُواْ عَلَيۡهِمۡ ءَايَٰتِنَاۚ وَمَا كُنَّا مُهۡلِكِي ٱلۡقُرَىٰٓ إِلَّا وَأَهۡلُهَا ظَٰلِمُونَ
Hindi nangyaring ang Panginoon mo ay magpapahamak ng mga pamayanan hanggang sa magpadala Siya sa ina ng mga ito ng isang sugong bibigkas sa kanila ng mga talata Namin. Hindi nangyaring Kami ay magpapahamak ng mga pamayanan maliban [kung] ang mga naninirahan sa mga iyon ay mga tagalabag sa katarungan
Surah Al-Qasas, Verse 59
وَمَآ أُوتِيتُم مِّن شَيۡءٖ فَمَتَٰعُ ٱلۡحَيَوٰةِ ٱلدُّنۡيَا وَزِينَتُهَاۚ وَمَا عِندَ ٱللَّهِ خَيۡرٞ وَأَبۡقَىٰٓۚ أَفَلَا تَعۡقِلُونَ
Ang ibinigay sa inyo na anumang bagay ay isang natatamasa sa buhay na pangmundo at gayak nito. Ang nasa ganang kay Allāh ay higit na mabuti at higit na nagtatagal. Kaya hindi ba kayo nakapag-uunawa
Surah Al-Qasas, Verse 60
أَفَمَن وَعَدۡنَٰهُ وَعۡدًا حَسَنٗا فَهُوَ لَٰقِيهِ كَمَن مَّتَّعۡنَٰهُ مَتَٰعَ ٱلۡحَيَوٰةِ ٱلدُّنۡيَا ثُمَّ هُوَ يَوۡمَ ٱلۡقِيَٰمَةِ مِنَ ٱلۡمُحۡضَرِينَ
Kaya ba ang sinumang pinangakuan Namin ng isang pangakong maganda – saka siya ay makakatagpo niyon – ay gaya ng sinumang pinagtamasa Namin ng natatamasa sa buhay na pangmundo, pagkatapos siya sa Araw ng Pagbangon ay kabilang sa mga padadaluhin [sa Impiyerno]
Surah Al-Qasas, Verse 61
وَيَوۡمَ يُنَادِيهِمۡ فَيَقُولُ أَيۡنَ شُرَكَآءِيَ ٱلَّذِينَ كُنتُمۡ تَزۡعُمُونَ
[Banggitin mo] ang araw na mananawagan Siya sa kanila saka magsasabi: "Nasaan ang mga katambal sa Akin na dati ninyong inaangkin
Surah Al-Qasas, Verse 62
قَالَ ٱلَّذِينَ حَقَّ عَلَيۡهِمُ ٱلۡقَوۡلُ رَبَّنَا هَـٰٓؤُلَآءِ ٱلَّذِينَ أَغۡوَيۡنَآ أَغۡوَيۡنَٰهُمۡ كَمَا غَوَيۡنَاۖ تَبَرَّأۡنَآ إِلَيۡكَۖ مَا كَانُوٓاْ إِيَّانَا يَعۡبُدُونَ
Nagsabi ang mga magkakatotoo sa kanila ang sabi: "Panginoon namin, ang mga inilisya naming ito ay inilisya namin sila kung paanong nalisya kami. Nagpapawalang-kaugnayan kami sa harap Mo [mula sa kanila]. Hindi dati sila sa Amin sumasamba
Surah Al-Qasas, Verse 63
وَقِيلَ ٱدۡعُواْ شُرَكَآءَكُمۡ فَدَعَوۡهُمۡ فَلَمۡ يَسۡتَجِيبُواْ لَهُمۡ وَرَأَوُاْ ٱلۡعَذَابَۚ لَوۡ أَنَّهُمۡ كَانُواْ يَهۡتَدُونَ
Sasabihin: "Dumalangin kayo sa mga pantambal ninyo," saka dadalangin sila sa mga iyon ngunit hindi tutugon ang mga iyon sa kanila at makikita nila ang pagdurusa. Kung sana sila noon ay napapatnubayan
Surah Al-Qasas, Verse 64
وَيَوۡمَ يُنَادِيهِمۡ فَيَقُولُ مَاذَآ أَجَبۡتُمُ ٱلۡمُرۡسَلِينَ
[Banggitin mo] ang araw na mananawagan Siya sa kanila saka magsasabi Siya: "Ano ang isinagot ninyo sa mga isinugo
Surah Al-Qasas, Verse 65
فَعَمِيَتۡ عَلَيۡهِمُ ٱلۡأَنۢبَآءُ يَوۡمَئِذٖ فَهُمۡ لَا يَتَسَآءَلُونَ
Ngunit nalingid sa kanila ang mga balita sa Araw na iyon kaya sila ay hindi magtatanungan
Surah Al-Qasas, Verse 66
فَأَمَّا مَن تَابَ وَءَامَنَ وَعَمِلَ صَٰلِحٗا فَعَسَىٰٓ أَن يَكُونَ مِنَ ٱلۡمُفۡلِحِينَ
Ngunit hinggil sa sinumang nagbalik-loob, sumampalataya, at gumawa ng maayos, marahil siya ay maging kabilang sa mga magtatagumpay
Surah Al-Qasas, Verse 67
وَرَبُّكَ يَخۡلُقُ مَا يَشَآءُ وَيَخۡتَارُۗ مَا كَانَ لَهُمُ ٱلۡخِيَرَةُۚ سُبۡحَٰنَ ٱللَّهِ وَتَعَٰلَىٰ عَمَّا يُشۡرِكُونَ
Ang Panginoon mo ay lumilikha ng anumang niloloob Niya at pinipili Niya. Hindi naging ukol sa kanila ang pagpili. Kaluwalhatian kay Allāh at pagkataas-taas Siya kaysa sa anumang itinatambal nila
Surah Al-Qasas, Verse 68
وَرَبُّكَ يَعۡلَمُ مَا تُكِنُّ صُدُورُهُمۡ وَمَا يُعۡلِنُونَ
Ang Panginoon mo ay nakaaalam sa anumang kinimkim ng mga dibdib nila at anumang ipinahahayag nila
Surah Al-Qasas, Verse 69
وَهُوَ ٱللَّهُ لَآ إِلَٰهَ إِلَّا هُوَۖ لَهُ ٱلۡحَمۡدُ فِي ٱلۡأُولَىٰ وَٱلۡأٓخِرَةِۖ وَلَهُ ٱلۡحُكۡمُ وَإِلَيۡهِ تُرۡجَعُونَ
Siya ay si Allāh; walang Diyos kundi Siya. Ukol sa Kanya ang papuri sa Unang-buhay at Kabilang-buhay. Ukol sa Kanya ang paghahatol at tungo sa Kanya pababalikin kayo
Surah Al-Qasas, Verse 70
قُلۡ أَرَءَيۡتُمۡ إِن جَعَلَ ٱللَّهُ عَلَيۡكُمُ ٱلَّيۡلَ سَرۡمَدًا إِلَىٰ يَوۡمِ ٱلۡقِيَٰمَةِ مَنۡ إِلَٰهٌ غَيۡرُ ٱللَّهِ يَأۡتِيكُم بِضِيَآءٍۚ أَفَلَا تَسۡمَعُونَ
Sabihin mo: "Nakakita ba kayo – kung gumawa si Allāh laban sa inyo ng gabi bilang patuloy hanggang sa Araw ng Pagbangon – kung sino ang isang diyos na iba pa kay Allāh, na magdadala sa inyo ng isang tanglaw? Kaya hindi ba kayo nakaririnig
Surah Al-Qasas, Verse 71
قُلۡ أَرَءَيۡتُمۡ إِن جَعَلَ ٱللَّهُ عَلَيۡكُمُ ٱلنَّهَارَ سَرۡمَدًا إِلَىٰ يَوۡمِ ٱلۡقِيَٰمَةِ مَنۡ إِلَٰهٌ غَيۡرُ ٱللَّهِ يَأۡتِيكُم بِلَيۡلٖ تَسۡكُنُونَ فِيهِۚ أَفَلَا تُبۡصِرُونَ
Sabihin mo: "Nakakita ba kayo – kung gumawa si Allāh laban sa inyo ng gabi bilang patuloy hanggang sa Araw ng Pagbangon – kung sino ang isang diyos na iba pa kay Allāh, na magdadala sa inyo ng isang gabi na tatahan kayo roon? Kaya hindi ba kayo nakakikita
Surah Al-Qasas, Verse 72
وَمِن رَّحۡمَتِهِۦ جَعَلَ لَكُمُ ٱلَّيۡلَ وَٱلنَّهَارَ لِتَسۡكُنُواْ فِيهِ وَلِتَبۡتَغُواْ مِن فَضۡلِهِۦ وَلَعَلَّكُمۡ تَشۡكُرُونَ
Bahagi ng awa Niya, gumawa Siya para inyo ng gabi at maghapon upang mamahinga kayo roon at upang maghanap kayo ng kagandahang-loob Niya, at nang sa gayon kayo ay magpapasalamat
Surah Al-Qasas, Verse 73
وَيَوۡمَ يُنَادِيهِمۡ فَيَقُولُ أَيۡنَ شُرَكَآءِيَ ٱلَّذِينَ كُنتُمۡ تَزۡعُمُونَ
[Banggitin] ang araw na mananawagan Siya sa kanila saka magsasabi: "Nasaan ang mga katambal sa Akin na dati ninyong inaangkin
Surah Al-Qasas, Verse 74
وَنَزَعۡنَا مِن كُلِّ أُمَّةٖ شَهِيدٗا فَقُلۡنَا هَاتُواْ بُرۡهَٰنَكُمۡ فَعَلِمُوٓاْ أَنَّ ٱلۡحَقَّ لِلَّهِ وَضَلَّ عَنۡهُم مَّا كَانُواْ يَفۡتَرُونَ
Huhugot Kami mula sa bawat kalipunan ng isang saksi, saka magsasabi Kami: "Magbigay kayo ng patotoo ninyo," saka makaaalam sila na ang katotohanan ay sa kay Allāh. Mawawala sa kanila ang dati nilang ginagawa-gawa
Surah Al-Qasas, Verse 75
۞إِنَّ قَٰرُونَ كَانَ مِن قَوۡمِ مُوسَىٰ فَبَغَىٰ عَلَيۡهِمۡۖ وَءَاتَيۡنَٰهُ مِنَ ٱلۡكُنُوزِ مَآ إِنَّ مَفَاتِحَهُۥ لَتَنُوٓأُ بِٱلۡعُصۡبَةِ أُوْلِي ٱلۡقُوَّةِ إِذۡ قَالَ لَهُۥ قَوۡمُهُۥ لَا تَفۡرَحۡۖ إِنَّ ٱللَّهَ لَا يُحِبُّ ٱلۡفَرِحِينَ
Tunay na si Qārūn noon ay kabilang sa mga kalipi ni Moises ngunit nagpakapalalo siya sa kanila. Nagbigay Kami sa kanya ng mga kayamanan, na tunay na ang mga susi niya ay talagang makabibigat sa pangkat na mga may lakas, noong nagsabi sa kanya ang mga kalipi niya: "Huwag kang matuwa; tunay na si Allāh ay hindi umiibig sa mga natutuwa [gaya nito]
Surah Al-Qasas, Verse 76
وَٱبۡتَغِ فِيمَآ ءَاتَىٰكَ ٱللَّهُ ٱلدَّارَ ٱلۡأٓخِرَةَۖ وَلَا تَنسَ نَصِيبَكَ مِنَ ٱلدُّنۡيَاۖ وَأَحۡسِن كَمَآ أَحۡسَنَ ٱللَّهُ إِلَيۡكَۖ وَلَا تَبۡغِ ٱلۡفَسَادَ فِي ٱلۡأَرۡضِۖ إِنَّ ٱللَّهَ لَا يُحِبُّ ٱلۡمُفۡسِدِينَ
Hangarin mo sa anumang ibinigay sa iyo ni Allāh ang tahanan sa Kabilang-buhay at huwag mong kalimutan ang bahagi mo sa Mundo. Gumawa ka ng maganda kung paanong gumawa ng maganda si Allāh sa iyo at huwag mong hangarin ang kaguluhan sa lupa; tunay na si Allāh ay hindi umiibig sa mga tagagulo
Surah Al-Qasas, Verse 77
قَالَ إِنَّمَآ أُوتِيتُهُۥ عَلَىٰ عِلۡمٍ عِندِيٓۚ أَوَلَمۡ يَعۡلَمۡ أَنَّ ٱللَّهَ قَدۡ أَهۡلَكَ مِن قَبۡلِهِۦ مِنَ ٱلۡقُرُونِ مَنۡ هُوَ أَشَدُّ مِنۡهُ قُوَّةٗ وَأَكۡثَرُ جَمۡعٗاۚ وَلَا يُسۡـَٔلُ عَن ذُنُوبِهِمُ ٱلۡمُجۡرِمُونَ
Nagsabi siya: "Binigyan lamang ako nito dahil sa isang kaalamang taglay ko." Hindi ba siya nakaalam na si Allāh ay nagpahamak nga bago pa niya ng mga salinlahi na higit na matindi kaysa sa kanya sa lakas at higit na marami sa natipon. Hindi tatanungin tungkol sa mga pagkakasala nila ang mga salarin
Surah Al-Qasas, Verse 78
فَخَرَجَ عَلَىٰ قَوۡمِهِۦ فِي زِينَتِهِۦۖ قَالَ ٱلَّذِينَ يُرِيدُونَ ٱلۡحَيَوٰةَ ٱلدُّنۡيَا يَٰلَيۡتَ لَنَا مِثۡلَ مَآ أُوتِيَ قَٰرُونُ إِنَّهُۥ لَذُو حَظٍّ عَظِيمٖ
Kaya lumabas siya sa mga kalipi niya sa gayak niya. Nagsabi ang mga nagnanais sa buhay na pangmundo: "O kung sana mayroon tayong tulad ng ibinigay kay Qārūn; tunay na siya ay talagang may isang bahaging sukdulan
Surah Al-Qasas, Verse 79
وَقَالَ ٱلَّذِينَ أُوتُواْ ٱلۡعِلۡمَ وَيۡلَكُمۡ ثَوَابُ ٱللَّهِ خَيۡرٞ لِّمَنۡ ءَامَنَ وَعَمِلَ صَٰلِحٗاۚ وَلَا يُلَقَّىٰهَآ إِلَّا ٱلصَّـٰبِرُونَ
Nagsabi naman ang mga binigyan ng kaalaman: "Kapighatian sa inyo! Ang gantimpala ni Allāh ay higit na mabuti para sa sinumang sumampalataya at gumawa ng maayos. Walang gagawaran niyon kundi ang mga tagapagtiis
Surah Al-Qasas, Verse 80
فَخَسَفۡنَا بِهِۦ وَبِدَارِهِ ٱلۡأَرۡضَ فَمَا كَانَ لَهُۥ مِن فِئَةٖ يَنصُرُونَهُۥ مِن دُونِ ٱللَّهِ وَمَا كَانَ مِنَ ٱلۡمُنتَصِرِينَ
Kaya ipinalamon Namin siya at ang tahanan niya sa lupa. Hindi siya nagkaroon ng anumang pangkat na mag-aadya sa kanya bukod pa kay Allāh at hindi nangyaring siya ay kabilang sa mga inaadya
Surah Al-Qasas, Verse 81
وَأَصۡبَحَ ٱلَّذِينَ تَمَنَّوۡاْ مَكَانَهُۥ بِٱلۡأَمۡسِ يَقُولُونَ وَيۡكَأَنَّ ٱللَّهَ يَبۡسُطُ ٱلرِّزۡقَ لِمَن يَشَآءُ مِنۡ عِبَادِهِۦ وَيَقۡدِرُۖ لَوۡلَآ أَن مَّنَّ ٱللَّهُ عَلَيۡنَا لَخَسَفَ بِنَاۖ وَيۡكَأَنَّهُۥ لَا يُفۡلِحُ ٱلۡكَٰفِرُونَ
Kinaumagahan, ang mga nagmithi ng kinalalagyan niya kahapon ay nagsasabi: "Sayang, para bang si Allāh ay nagpapaluwag sa panustos para sa sinumang niloloob Niya kabilang sa mga lingkod Niya at naghihigpit." Kung sakaling hindi nagmagandang-loob si Allāh sa atin ay talaga sanang nagpalamon Siya sa atin [sa lupa]. Sayang, para bang hindi nagtatagumpay ang mga tagatangging sumampalataya
Surah Al-Qasas, Verse 82
تِلۡكَ ٱلدَّارُ ٱلۡأٓخِرَةُ نَجۡعَلُهَا لِلَّذِينَ لَا يُرِيدُونَ عُلُوّٗا فِي ٱلۡأَرۡضِ وَلَا فَسَادٗاۚ وَٱلۡعَٰقِبَةُ لِلۡمُتَّقِينَ
Ang tahanan sa Kabilang-buhay na iyon ay itatalaga Namin para sa mga hindi nagnanais ng kataasan sa lupa ni ng kaguluhan. Ang [mabuting] kahihinatnan ay ukol sa mga tagapangilag magkasala
Surah Al-Qasas, Verse 83
مَن جَآءَ بِٱلۡحَسَنَةِ فَلَهُۥ خَيۡرٞ مِّنۡهَاۖ وَمَن جَآءَ بِٱلسَّيِّئَةِ فَلَا يُجۡزَى ٱلَّذِينَ عَمِلُواْ ٱلسَّيِّـَٔاتِ إِلَّا مَا كَانُواْ يَعۡمَلُونَ
Ang sinumang naghatid ng magandang gawa, ukol sa kanya ay higit na mabuti kaysa roon. Ang sinumang naghatid ng masagwang gawa, walang igaganti sa mga gumawa ng mga masagwang gawa kundi ang dati nilang ginagawa
Surah Al-Qasas, Verse 84
إِنَّ ٱلَّذِي فَرَضَ عَلَيۡكَ ٱلۡقُرۡءَانَ لَرَآدُّكَ إِلَىٰ مَعَادٖۚ قُل رَّبِّيٓ أَعۡلَمُ مَن جَآءَ بِٱلۡهُدَىٰ وَمَنۡ هُوَ فِي ضَلَٰلٖ مُّبِينٖ
Tunay na ang nagsatungkulin sa iyo ng Qur’ān ay talagang ang tagapagpabalik sa iyo tungo sa pinanunumbalikan. Sabihin mo: "Ang Panginoon ko ay higit na maalam sa sinumang naghatid ng patnubay at sinumang nasa isang pagkaligaw na malinaw
Surah Al-Qasas, Verse 85
وَمَا كُنتَ تَرۡجُوٓاْ أَن يُلۡقَىٰٓ إِلَيۡكَ ٱلۡكِتَٰبُ إِلَّا رَحۡمَةٗ مِّن رَّبِّكَۖ فَلَا تَكُونَنَّ ظَهِيرٗا لِّلۡكَٰفِرِينَ
Hindi ka dati nag-aasam na iparating sa iyo ang Aklat maliban bilang awa mula sa Panginoon mo. Kaya huwag ngang maging isang tagapagtaguyod para sa mga tagatangging sumampalataya
Surah Al-Qasas, Verse 86
وَلَا يَصُدُّنَّكَ عَنۡ ءَايَٰتِ ٱللَّهِ بَعۡدَ إِذۡ أُنزِلَتۡ إِلَيۡكَۖ وَٱدۡعُ إِلَىٰ رَبِّكَۖ وَلَا تَكُونَنَّ مِنَ ٱلۡمُشۡرِكِينَ
Huwag nga silang sasagabal sa iyo sa mga talata ni Allāh matapos noong pinababa ang mga ito sa iyo. Mag-anyaya ka tungo sa Panginoon mo at huwag ka ngang maging kabilang sa mga tagapagtambal
Surah Al-Qasas, Verse 87
وَلَا تَدۡعُ مَعَ ٱللَّهِ إِلَٰهًا ءَاخَرَۘ لَآ إِلَٰهَ إِلَّا هُوَۚ كُلُّ شَيۡءٍ هَالِكٌ إِلَّا وَجۡهَهُۥۚ لَهُ ٱلۡحُكۡمُ وَإِلَيۡهِ تُرۡجَعُونَ
Huwag kang manalangin kasama kay Allāh sa isang diyos na iba pa; walang Diyos kundi Siya. Bawat bagay ay masasawi maliban sa mukha Niya. Ukol sa Kanya ang paghahatol at tungo sa Kanya pababalikin kayo
Surah Al-Qasas, Verse 88