Surah Al-Ankaboot - Filipino Translation by Www.islamhouse.com
الٓمٓ
Alif. Lām. Mīm
Surah Al-Ankaboot, Verse 1
أَحَسِبَ ٱلنَّاسُ أَن يُتۡرَكُوٓاْ أَن يَقُولُوٓاْ ءَامَنَّا وَهُمۡ لَا يُفۡتَنُونَ
Nag-akala ba ang mga tao na iiwan sila na magsabi: "Sumampalataya kami," habang sila ay hindi sinusubok
Surah Al-Ankaboot, Verse 2
وَلَقَدۡ فَتَنَّا ٱلَّذِينَ مِن قَبۡلِهِمۡۖ فَلَيَعۡلَمَنَّ ٱللَّهُ ٱلَّذِينَ صَدَقُواْ وَلَيَعۡلَمَنَّ ٱلۡكَٰذِبِينَ
Talaga ngang sumubok sa mga nauna pa sa kanila kaya talagang nakaaalam nga si Allāh sa mga nagpakatapat at talagang nakaaalam nga Siya sa mga sinungaling
Surah Al-Ankaboot, Verse 3
أَمۡ حَسِبَ ٱلَّذِينَ يَعۡمَلُونَ ٱلسَّيِّـَٔاتِ أَن يَسۡبِقُونَاۚ سَآءَ مَا يَحۡكُمُونَ
O nag-akala ba ng mga gumagawa ng mga masagwang gawa na makauna sila sa Amin? Kay sagwa ang inihahatol nila
Surah Al-Ankaboot, Verse 4
مَن كَانَ يَرۡجُواْ لِقَآءَ ٱللَّهِ فَإِنَّ أَجَلَ ٱللَّهِ لَأٓتٖۚ وَهُوَ ٱلسَّمِيعُ ٱلۡعَلِيمُ
Ang sinumang naging nag-aasam ng pakikipagkita kay Allāh, tunay na ang taning ni Allāh ay talagang darating. Siya ay ang Madinigin, ang Maalam
Surah Al-Ankaboot, Verse 5
وَمَن جَٰهَدَ فَإِنَّمَا يُجَٰهِدُ لِنَفۡسِهِۦٓۚ إِنَّ ٱللَّهَ لَغَنِيٌّ عَنِ ٱلۡعَٰلَمِينَ
Ang sinumang nakibaka ay nakibaka lamang para sa sarili niya. Tunay na si Allāh ay talagang Walang-pangangailangan sa mga nilalang
Surah Al-Ankaboot, Verse 6
وَٱلَّذِينَ ءَامَنُواْ وَعَمِلُواْ ٱلصَّـٰلِحَٰتِ لَنُكَفِّرَنَّ عَنۡهُمۡ سَيِّـَٔاتِهِمۡ وَلَنَجۡزِيَنَّهُمۡ أَحۡسَنَ ٱلَّذِي كَانُواْ يَعۡمَلُونَ
Ang mga sumampalataya at gumawa ng mga maayos ay talagang magtatakip-sala nga Kami sa kanila sa mga masagwang gawa nila at talagang gaganti nga Kami sa kanila ayon sa pinakamaganda sa dati nilang ginagawa
Surah Al-Ankaboot, Verse 7
وَوَصَّيۡنَا ٱلۡإِنسَٰنَ بِوَٰلِدَيۡهِ حُسۡنٗاۖ وَإِن جَٰهَدَاكَ لِتُشۡرِكَ بِي مَا لَيۡسَ لَكَ بِهِۦ عِلۡمٞ فَلَا تُطِعۡهُمَآۚ إِلَيَّ مَرۡجِعُكُمۡ فَأُنَبِّئُكُم بِمَا كُنتُمۡ تَعۡمَلُونَ
Nagtagubilin Kami sa tao hinggil sa mga magulang ng isang kagandahan. Kung nagpunyagi silang dalawa sa iyo upang magtambal ka sa Akin ng anumang wala kang kaalaman hinggil doon ay huwag kang tumalima sa kanilang dalawa. Sa Akin ang babalikan ninyo saka magbabalita Ako sa inyo hinggil sa anumang dati ninyong ginagawa
Surah Al-Ankaboot, Verse 8
وَٱلَّذِينَ ءَامَنُواْ وَعَمِلُواْ ٱلصَّـٰلِحَٰتِ لَنُدۡخِلَنَّهُمۡ فِي ٱلصَّـٰلِحِينَ
Ang mga sumampalataya at gumawa ng mga maayos ay talagang magpapapasok nga Kami sa kanila sa gitna ng mga maayos
Surah Al-Ankaboot, Verse 9
وَمِنَ ٱلنَّاسِ مَن يَقُولُ ءَامَنَّا بِٱللَّهِ فَإِذَآ أُوذِيَ فِي ٱللَّهِ جَعَلَ فِتۡنَةَ ٱلنَّاسِ كَعَذَابِ ٱللَّهِۖ وَلَئِن جَآءَ نَصۡرٞ مِّن رَّبِّكَ لَيَقُولُنَّ إِنَّا كُنَّا مَعَكُمۡۚ أَوَلَيۡسَ ٱللَّهُ بِأَعۡلَمَ بِمَا فِي صُدُورِ ٱلۡعَٰلَمِينَ
Mayroon sa mga tao na nagsasabi: "Sumampalataya kami kay Allāh," ngunit kapag sinaktan dahil kay Allāh ay nagtuturing sa pagsubok ng mga tao na gaya ng pagdurusang dulot ni Allāh. Talagang kung may dumating na isang pag-aadya mula sa Panginoon mo ay talagang magsasabi nga sila: "Tunay na kami ay kasama sa inyo." Hindi ba si Allāh ay higit na maalam sa anumang nasa mga dibdib ng mga nilalang
Surah Al-Ankaboot, Verse 10
وَلَيَعۡلَمَنَّ ٱللَّهُ ٱلَّذِينَ ءَامَنُواْ وَلَيَعۡلَمَنَّ ٱلۡمُنَٰفِقِينَ
Talagang nakaaalam nga si Allāh sa mga sumampalataya at talagang nakaaalam nga Siya sa mga mapagpaimbabaw
Surah Al-Ankaboot, Verse 11
وَقَالَ ٱلَّذِينَ كَفَرُواْ لِلَّذِينَ ءَامَنُواْ ٱتَّبِعُواْ سَبِيلَنَا وَلۡنَحۡمِلۡ خَطَٰيَٰكُمۡ وَمَا هُم بِحَٰمِلِينَ مِنۡ خَطَٰيَٰهُم مِّن شَيۡءٍۖ إِنَّهُمۡ لَكَٰذِبُونَ
Nagsabi ang mga tumangging sumampalataya sa mga sumampalataya: "Sundin ninyo ang landasin namin at pasanin namin ang mga kamalian ninyo." Hindi sila mga magpapasan mula sa mga kamalian ng mga iyon ng anuman. Tunay na sila ay talagang mga sinungaling
Surah Al-Ankaboot, Verse 12
وَلَيَحۡمِلُنَّ أَثۡقَالَهُمۡ وَأَثۡقَالٗا مَّعَ أَثۡقَالِهِمۡۖ وَلَيُسۡـَٔلُنَّ يَوۡمَ ٱلۡقِيَٰمَةِ عَمَّا كَانُواْ يَفۡتَرُونَ
Talagang magpapasan nga sila ng mga pabigat nila at mga pabigat [ng iba] kasama sa mga pabigat nila. Talagang tatanungin nga sila sa Araw ng Pagbangon tungkol sa anumang dati nilang ginagawa-gawa
Surah Al-Ankaboot, Verse 13
وَلَقَدۡ أَرۡسَلۡنَا نُوحًا إِلَىٰ قَوۡمِهِۦ فَلَبِثَ فِيهِمۡ أَلۡفَ سَنَةٍ إِلَّا خَمۡسِينَ عَامٗا فَأَخَذَهُمُ ٱلطُّوفَانُ وَهُمۡ ظَٰلِمُونَ
Talaga ngang nagsugo Kami kay Noe sa mga tao niya, kaya nanatili siya sa kanila ng isang libong taon maliban sa limampung taon, saka dumaklot sa kanila ang gunaw habang sila ay mga tagalabag sa katarungan
Surah Al-Ankaboot, Verse 14
فَأَنجَيۡنَٰهُ وَأَصۡحَٰبَ ٱلسَّفِينَةِ وَجَعَلۡنَٰهَآ ءَايَةٗ لِّلۡعَٰلَمِينَ
Ngunit pinaligtas Namin siya at ang mga sakay ng daong. Gumawa Kami nito bilang tanda para sa mga nilalang
Surah Al-Ankaboot, Verse 15
وَإِبۡرَٰهِيمَ إِذۡ قَالَ لِقَوۡمِهِ ٱعۡبُدُواْ ٱللَّهَ وَٱتَّقُوهُۖ ذَٰلِكُمۡ خَيۡرٞ لَّكُمۡ إِن كُنتُمۡ تَعۡلَمُونَ
[Banggitin] si Abraham noong nagsabi siya sa mga kababayan niya: "Sumamba kayo kay Allāh at mangilag kayong magkasala sa Kanya; iyon ay higit na mabuti para sa inyo kung kayo ay naging nakaaalam
Surah Al-Ankaboot, Verse 16
إِنَّمَا تَعۡبُدُونَ مِن دُونِ ٱللَّهِ أَوۡثَٰنٗا وَتَخۡلُقُونَ إِفۡكًاۚ إِنَّ ٱلَّذِينَ تَعۡبُدُونَ مِن دُونِ ٱللَّهِ لَا يَمۡلِكُونَ لَكُمۡ رِزۡقٗا فَٱبۡتَغُواْ عِندَ ٱللَّهِ ٱلرِّزۡقَ وَٱعۡبُدُوهُ وَٱشۡكُرُواْ لَهُۥٓۖ إِلَيۡهِ تُرۡجَعُونَ
Sumasamba lamang kayo bukod pa kay Allāh sa mga anito at lumilikha kayo ng isang kabulaanan. Tunay na ang mga sinasamba ninyo bukod pa kay Allāh ay hindi nakapagdudulot para sa inyo ng panustos. Kaya maghangad kayo sa ganang kay Allāh ng panustos, sumamba kayo sa Kanya, at magpasalamat kayo sa Kanya. Tungo sa Kanya kayo panunumbalikin
Surah Al-Ankaboot, Verse 17
وَإِن تُكَذِّبُواْ فَقَدۡ كَذَّبَ أُمَمٞ مِّن قَبۡلِكُمۡۖ وَمَا عَلَى ٱلرَّسُولِ إِلَّا ٱلۡبَلَٰغُ ٱلۡمُبِينُ
Kung magpapasinungaling kayo, may nagpasinungaling nga na mga kalipunan bago pa ninyo. Walang kailangan sa Sugo kundi ang pagpapaabot na malinaw
Surah Al-Ankaboot, Verse 18
أَوَلَمۡ يَرَوۡاْ كَيۡفَ يُبۡدِئُ ٱللَّهُ ٱلۡخَلۡقَ ثُمَّ يُعِيدُهُۥٓۚ إِنَّ ذَٰلِكَ عَلَى ٱللَّهِ يَسِيرٞ
Hindi ba nila napag-alaman kung papaanong nagpapasimula si Allāh sa paglikha, pagkatapos nagpapanumbalik Siya nito? Tunay na iyon, kay Allāh, ay madali
Surah Al-Ankaboot, Verse 19
قُلۡ سِيرُواْ فِي ٱلۡأَرۡضِ فَٱنظُرُواْ كَيۡفَ بَدَأَ ٱلۡخَلۡقَۚ ثُمَّ ٱللَّهُ يُنشِئُ ٱلنَّشۡأَةَ ٱلۡأٓخِرَةَۚ إِنَّ ٱللَّهَ عَلَىٰ كُلِّ شَيۡءٖ قَدِيرٞ
Sabihin mo: "Humayo kayo sa lupain saka tumingin kayo kung papaano Siya nagsimula ng paglikha. Pagkatapos si Allāh ay magpapaluwal na huling pagpapaluwal. Tunay na si Allāh sa bawat bagay ay May-kakayahan
Surah Al-Ankaboot, Verse 20
يُعَذِّبُ مَن يَشَآءُ وَيَرۡحَمُ مَن يَشَآءُۖ وَإِلَيۡهِ تُقۡلَبُونَ
Nagpaparusa Siya sa sinumang niloloob Niya at naaawa Siya sa sinumang niloloob Niya. Tungo sa Kanya kayo pauuwiin
Surah Al-Ankaboot, Verse 21
وَمَآ أَنتُم بِمُعۡجِزِينَ فِي ٱلۡأَرۡضِ وَلَا فِي ٱلسَّمَآءِۖ وَمَا لَكُم مِّن دُونِ ٱللَّهِ مِن وَلِيّٖ وَلَا نَصِيرٖ
Hindi kayo mga makapagpapawalang-kakayahan sa lupa ni sa langit. Walang ukol sa inyo bukod pa kay Allāh na anumang katangkilik ni mapag-adya
Surah Al-Ankaboot, Verse 22
وَٱلَّذِينَ كَفَرُواْ بِـَٔايَٰتِ ٱللَّهِ وَلِقَآئِهِۦٓ أُوْلَـٰٓئِكَ يَئِسُواْ مِن رَّحۡمَتِي وَأُوْلَـٰٓئِكَ لَهُمۡ عَذَابٌ أَلِيمٞ
Ang mga tumangging sumampalataya sa mga tanda ni Allāh at pakikipagkita sa Kanya, ang mga iyon ay nawalan ng pag-asa sa awa Ko at ang mga iyon ay may ukol sa kanila na isang pagdurusang masakit
Surah Al-Ankaboot, Verse 23
فَمَا كَانَ جَوَابَ قَوۡمِهِۦٓ إِلَّآ أَن قَالُواْ ٱقۡتُلُوهُ أَوۡ حَرِّقُوهُ فَأَنجَىٰهُ ٱللَّهُ مِنَ ٱلنَّارِۚ إِنَّ فِي ذَٰلِكَ لَأٓيَٰتٖ لِّقَوۡمٖ يُؤۡمِنُونَ
Ngunit walang iba ang sagot ng mga kababayan niya kundi na nagsabi sila: "Patayin ninyo siya o sunugin ninyo siya," ngunit pinaligtas siya ni Allāh mula sa apoy. Tunay na sa gayon ay may mga tanda para sa mga taong sumasampalataya
Surah Al-Ankaboot, Verse 24
وَقَالَ إِنَّمَا ٱتَّخَذۡتُم مِّن دُونِ ٱللَّهِ أَوۡثَٰنٗا مَّوَدَّةَ بَيۡنِكُمۡ فِي ٱلۡحَيَوٰةِ ٱلدُّنۡيَاۖ ثُمَّ يَوۡمَ ٱلۡقِيَٰمَةِ يَكۡفُرُ بَعۡضُكُم بِبَعۡضٖ وَيَلۡعَنُ بَعۡضُكُم بَعۡضٗا وَمَأۡوَىٰكُمُ ٱلنَّارُ وَمَا لَكُم مِّن نَّـٰصِرِينَ
Nagsabi siya: "Gumawa lamang kayo sa bukod pa kay Allāh ng mga anito dala ng isang pagmamahal sa gitna ninyo sa buhay na pangmundo. Pagkatapos sa Araw ng Pagbangon ay tatanggi kayo sa isa’t isa at susumpa kayo sa isa’t isa. Ang kanlungan ninyo ay ang Apoy. Walang ukol sa inyo na mga tagapag-adya
Surah Al-Ankaboot, Verse 25
۞فَـَٔامَنَ لَهُۥ لُوطٞۘ وَقَالَ إِنِّي مُهَاجِرٌ إِلَىٰ رَبِّيٓۖ إِنَّهُۥ هُوَ ٱلۡعَزِيزُ ٱلۡحَكِيمُ
Ngunit naniwala sa kanya si Lot. Nagsabi Siya: "Tunay na ako ay lilikas tungo sa Panginoon ko. Tunay na Siya ay ang Makapangyarihan, ang Marunong
Surah Al-Ankaboot, Verse 26
وَوَهَبۡنَا لَهُۥٓ إِسۡحَٰقَ وَيَعۡقُوبَ وَجَعَلۡنَا فِي ذُرِّيَّتِهِ ٱلنُّبُوَّةَ وَٱلۡكِتَٰبَ وَءَاتَيۡنَٰهُ أَجۡرَهُۥ فِي ٱلدُّنۡيَاۖ وَإِنَّهُۥ فِي ٱلۡأٓخِرَةِ لَمِنَ ٱلصَّـٰلِحِينَ
Ipinagkaloob Namin sa kanya sina Isaac at Jacob at inilagay Namin sa mga supling niya ang pagkapropeta at ang kasulatan. Nagbigay Kami sa kanya ng pabuya niya sa Mundo. Tunay na siya sa Kabilang-buhay ay talagang kabilang sa mga maayos
Surah Al-Ankaboot, Verse 27
وَلُوطًا إِذۡ قَالَ لِقَوۡمِهِۦٓ إِنَّكُمۡ لَتَأۡتُونَ ٱلۡفَٰحِشَةَ مَا سَبَقَكُم بِهَا مِنۡ أَحَدٖ مِّنَ ٱلۡعَٰلَمِينَ
[Banggitin] si Lot noong nagsabi siya sa mga kababayan niya: "Tunay na kayo ay talagang gumagawa ng mahalay, habang walang nakauna sa inyo roon na isa man kabilang sa mga nilalang
Surah Al-Ankaboot, Verse 28
أَئِنَّكُمۡ لَتَأۡتُونَ ٱلرِّجَالَ وَتَقۡطَعُونَ ٱلسَّبِيلَ وَتَأۡتُونَ فِي نَادِيكُمُ ٱلۡمُنكَرَۖ فَمَا كَانَ جَوَابَ قَوۡمِهِۦٓ إِلَّآ أَن قَالُواْ ٱئۡتِنَا بِعَذَابِ ٱللَّهِ إِن كُنتَ مِنَ ٱلصَّـٰدِقِينَ
Tunay na kayo ba ay talagang gumagawa [ng sodomiya] sa mga lalaki, nandarambong sa landas, at gumagawa sa pagtitipon ninyo ng nakasasama?" Ngunit walang iba ang sagot ng mga kababayan niya kundi na nagsabi sila: "Magdala ka sa amin ng pagdurusang dulot ni Allāh, kung ikaw ay naging kabilang sa mga tapat
Surah Al-Ankaboot, Verse 29
قَالَ رَبِّ ٱنصُرۡنِي عَلَى ٱلۡقَوۡمِ ٱلۡمُفۡسِدِينَ
Nagsabi siya: "Panginoon ko, iadya Mo ako laban sa mga taong tagagulo
Surah Al-Ankaboot, Verse 30
وَلَمَّا جَآءَتۡ رُسُلُنَآ إِبۡرَٰهِيمَ بِٱلۡبُشۡرَىٰ قَالُوٓاْ إِنَّا مُهۡلِكُوٓاْ أَهۡلِ هَٰذِهِ ٱلۡقَرۡيَةِۖ إِنَّ أَهۡلَهَا كَانُواْ ظَٰلِمِينَ
Noong naghatid ang mga sugo Namin kay Abraham ng nakagagalak na balita ay nagsabi sila: "Tunay na kami ay magpapahamak sa mga naninirahan sa pamayanang iyan [ni Lot]. Tunay na ang mga naninirahan diyan ay laging mga tagalabag sa katarungan
Surah Al-Ankaboot, Verse 31
قَالَ إِنَّ فِيهَا لُوطٗاۚ قَالُواْ نَحۡنُ أَعۡلَمُ بِمَن فِيهَاۖ لَنُنَجِّيَنَّهُۥ وَأَهۡلَهُۥٓ إِلَّا ٱمۡرَأَتَهُۥ كَانَتۡ مِنَ ٱلۡغَٰبِرِينَ
Nagsabi siya: "Tunay na nariyan si Lot." Nagsabi sila: "Kami ay higit na maalam sa sinumang nariyan. Talagang magliligtas nga Kami sa kanya at mag-anak niya maliban sa maybahay niya; ito ay magiging kabilang sa mga magpapaiwan
Surah Al-Ankaboot, Verse 32
وَلَمَّآ أَن جَآءَتۡ رُسُلُنَا لُوطٗا سِيٓءَ بِهِمۡ وَضَاقَ بِهِمۡ ذَرۡعٗاۖ وَقَالُواْ لَا تَخَفۡ وَلَا تَحۡزَنۡ إِنَّا مُنَجُّوكَ وَأَهۡلَكَ إِلَّا ٱمۡرَأَتَكَ كَانَتۡ مِنَ ٱلۡغَٰبِرِينَ
Noong dumating ang mga sugo Namin kay Lot ay pinahapis siya dahil sa kanila at pinanghinaan siya dahil sa kanila ng loob. Nagsabi sila: "Huwag kang mangamba at huwag kang malungkot. Tunay na kami ay mga magliligtas sa iyo at sa mag-anak mo maliban sa maybahay mo; ito ay magiging kabilang sa mga magpapaiwan
Surah Al-Ankaboot, Verse 33
إِنَّا مُنزِلُونَ عَلَىٰٓ أَهۡلِ هَٰذِهِ ٱلۡقَرۡيَةِ رِجۡزٗا مِّنَ ٱلسَّمَآءِ بِمَا كَانُواْ يَفۡسُقُونَ
Tunay na kami ay mga magpapababa sa mga naninirahan sa pamayanang iyan ng isang pasakit mula sa langit dahil dati na silang nagpapakasuwail
Surah Al-Ankaboot, Verse 34
وَلَقَد تَّرَكۡنَا مِنۡهَآ ءَايَةَۢ بَيِّنَةٗ لِّقَوۡمٖ يَعۡقِلُونَ
Talaga ngang nag-iwan Kami mula riyan ng isang tandang malinaw para sa mga taong nakapag-uunawa
Surah Al-Ankaboot, Verse 35
وَإِلَىٰ مَدۡيَنَ أَخَاهُمۡ شُعَيۡبٗا فَقَالَ يَٰقَوۡمِ ٱعۡبُدُواْ ٱللَّهَ وَٱرۡجُواْ ٱلۡيَوۡمَ ٱلۡأٓخِرَ وَلَا تَعۡثَوۡاْ فِي ٱلۡأَرۡضِ مُفۡسِدِينَ
[Nagsugo Kami sa] Madyan ng kapatid nilang si Shu`ayb, saka nagsabi siya: "O mga kalipi ko, sumamba kayo kay Allāh, mag-asam kayo ng Huling Araw, at huwag kayong manampalasan sa lupa bilang mga tagagulo
Surah Al-Ankaboot, Verse 36
فَكَذَّبُوهُ فَأَخَذَتۡهُمُ ٱلرَّجۡفَةُ فَأَصۡبَحُواْ فِي دَارِهِمۡ جَٰثِمِينَ
Ngunit nagpasinungaling sila sa kanya, kaya dumaklot sa kanila ang yanig saka sila, sa mga tahanan nila, ay naging mga [patay na] nakasubsob
Surah Al-Ankaboot, Verse 37
وَعَادٗا وَثَمُودَاْ وَقَد تَّبَيَّنَ لَكُم مِّن مَّسَٰكِنِهِمۡۖ وَزَيَّنَ لَهُمُ ٱلشَّيۡطَٰنُ أَعۡمَٰلَهُمۡ فَصَدَّهُمۡ عَنِ ٱلسَّبِيلِ وَكَانُواْ مُسۡتَبۡصِرِينَ
[Nagpahamak Kami] sa `Ād at Thamūd, at luminaw ito para sa inyo mula sa mga tirahan nila. Ipinang-akit para sa kanila ng demonyo ang mga gawain nila kaya bumalakid siya sa kanila sa landas habang sila noon ay mga nakatatalos
Surah Al-Ankaboot, Verse 38
وَقَٰرُونَ وَفِرۡعَوۡنَ وَهَٰمَٰنَۖ وَلَقَدۡ جَآءَهُم مُّوسَىٰ بِٱلۡبَيِّنَٰتِ فَٱسۡتَكۡبَرُواْ فِي ٱلۡأَرۡضِ وَمَا كَانُواْ سَٰبِقِينَ
[Nagpahamak Kami] kina Qārūn, Paraon, at Hāmān. Talaga ngang naghatid sa kanila si Moises ng mga patunay na malinaw ngunit nagmalaki sila sa lupain at hindi sila noon mga nakauuna
Surah Al-Ankaboot, Verse 39
فَكُلًّا أَخَذۡنَا بِذَنۢبِهِۦۖ فَمِنۡهُم مَّنۡ أَرۡسَلۡنَا عَلَيۡهِ حَاصِبٗا وَمِنۡهُم مَّنۡ أَخَذَتۡهُ ٱلصَّيۡحَةُ وَمِنۡهُم مَّنۡ خَسَفۡنَا بِهِ ٱلۡأَرۡضَ وَمِنۡهُم مَّنۡ أَغۡرَقۡنَاۚ وَمَا كَانَ ٱللَّهُ لِيَظۡلِمَهُمۡ وَلَٰكِن كَانُوٓاْ أَنفُسَهُمۡ يَظۡلِمُونَ
Kaya sa bawat isa ay dumaklot Kami dahil sa pagkakasala nito sapagkat kabilang sa kanila ay pinadalhan Namin ng isang unos ng mga bato, kabilang sa kanila ay dinaklot ng hiyaw, kabilang sa kanila ay ipinalamon Namin sa lupa, at kabilang sa kanila ay nilunod Namin. Hindi si Allāh naging ukol na lumabag sa katarungan sa kanila subalit sila noon sa mga sarili nila ay lumalabag sa katarungan
Surah Al-Ankaboot, Verse 40
مَثَلُ ٱلَّذِينَ ٱتَّخَذُواْ مِن دُونِ ٱللَّهِ أَوۡلِيَآءَ كَمَثَلِ ٱلۡعَنكَبُوتِ ٱتَّخَذَتۡ بَيۡتٗاۖ وَإِنَّ أَوۡهَنَ ٱلۡبُيُوتِ لَبَيۡتُ ٱلۡعَنكَبُوتِۚ لَوۡ كَانُواْ يَعۡلَمُونَ
Ang paghahalintulad sa mga gumawa sa bukod pa kay Allāh bilang mga katangkilik ay gaya ng paghahalintulad sa gagamba noong gumawa ito ng isang bahay. Tunay na ang pinakamarupok sa mga bahay ay talagang ang bahay ng gagamba, kung sakaling sila ay naging nakaaalam
Surah Al-Ankaboot, Verse 41
إِنَّ ٱللَّهَ يَعۡلَمُ مَا يَدۡعُونَ مِن دُونِهِۦ مِن شَيۡءٖۚ وَهُوَ ٱلۡعَزِيزُ ٱلۡحَكِيمُ
Tunay na si Allāh ay nakaaalam sa dinadalanginan nila bukod pa sa Kanya na anuman. Siya ay ang Makapangyarihan, ang Marunong
Surah Al-Ankaboot, Verse 42
وَتِلۡكَ ٱلۡأَمۡثَٰلُ نَضۡرِبُهَا لِلنَّاسِۖ وَمَا يَعۡقِلُهَآ إِلَّا ٱلۡعَٰلِمُونَ
Ang mga paghahalintulad na iyon ay inilalahad Namin para sa mga tao. Walang nakapag-uunawa sa mga ito kundi ang mga nakaaalam
Surah Al-Ankaboot, Verse 43
خَلَقَ ٱللَّهُ ٱلسَّمَٰوَٰتِ وَٱلۡأَرۡضَ بِٱلۡحَقِّۚ إِنَّ فِي ذَٰلِكَ لَأٓيَةٗ لِّلۡمُؤۡمِنِينَ
Lumikha si Allāh ng mga langit at lupa ayon sa katotohanan. Tunay na sa gayon ay talagang may tanda para sa mga mananampalataya
Surah Al-Ankaboot, Verse 44
ٱتۡلُ مَآ أُوحِيَ إِلَيۡكَ مِنَ ٱلۡكِتَٰبِ وَأَقِمِ ٱلصَّلَوٰةَۖ إِنَّ ٱلصَّلَوٰةَ تَنۡهَىٰ عَنِ ٱلۡفَحۡشَآءِ وَٱلۡمُنكَرِۗ وَلَذِكۡرُ ٱللَّهِ أَكۡبَرُۗ وَٱللَّهُ يَعۡلَمُ مَا تَصۡنَعُونَ
Bigkasin mo ang ikinasi sa iyo mula sa Aklat at panatilihin mo ang pagdarasal; tunay na ang pagdarasal ay sumasaway sa kahalayan at nakasasama. Talagang ang pag-alaala kay Allāh ay higit na malaki. Si Allāh ay nakaaalam sa anumang niyayari ninyo
Surah Al-Ankaboot, Verse 45
۞وَلَا تُجَٰدِلُوٓاْ أَهۡلَ ٱلۡكِتَٰبِ إِلَّا بِٱلَّتِي هِيَ أَحۡسَنُ إِلَّا ٱلَّذِينَ ظَلَمُواْ مِنۡهُمۡۖ وَقُولُوٓاْ ءَامَنَّا بِٱلَّذِيٓ أُنزِلَ إِلَيۡنَا وَأُنزِلَ إِلَيۡكُمۡ وَإِلَٰهُنَا وَإِلَٰهُكُمۡ وَٰحِدٞ وَنَحۡنُ لَهُۥ مُسۡلِمُونَ
Huwag kayong makipagtalo sa mga May Kasulatan malibang ayon sa pinakamaganda, maliban sa mga lumabag sa katarungan kabilang sa kanila. Sabihin ninyo: "Sumampalataya kami sa pinababa sa amin at pinababa sa inyo. Ang Diyos namin at ang Diyos ninyo ay nag-iisa. Kami sa Kanya ay mga tagapagpasakop
Surah Al-Ankaboot, Verse 46
وَكَذَٰلِكَ أَنزَلۡنَآ إِلَيۡكَ ٱلۡكِتَٰبَۚ فَٱلَّذِينَ ءَاتَيۡنَٰهُمُ ٱلۡكِتَٰبَ يُؤۡمِنُونَ بِهِۦۖ وَمِنۡ هَـٰٓؤُلَآءِ مَن يُؤۡمِنُ بِهِۦۚ وَمَا يَجۡحَدُ بِـَٔايَٰتِنَآ إِلَّا ٱلۡكَٰفِرُونَ
Gayon Kami nagbaba sa iyo ng Aklat kaya ang mga binigyan Namin ng kasulatan ay sumasampalataya rito. Kabilang sa mga ito ang sumasampalataya rito. Walang nagkakaila sa mga tanda Namin kundi ang mga tagatangging sumampalataya
Surah Al-Ankaboot, Verse 47
وَمَا كُنتَ تَتۡلُواْ مِن قَبۡلِهِۦ مِن كِتَٰبٖ وَلَا تَخُطُّهُۥ بِيَمِينِكَۖ إِذٗا لَّٱرۡتَابَ ٱلۡمُبۡطِلُونَ
Hindi ka dati bumibigkas bago pa nito ng anumang aklat at hindi ka nagsusulat nito sa pamamagitan ng kanan mo [dahil] kung gayon ay talagang nag-alinlangan ang mga tagapagpabula
Surah Al-Ankaboot, Verse 48
بَلۡ هُوَ ءَايَٰتُۢ بَيِّنَٰتٞ فِي صُدُورِ ٱلَّذِينَ أُوتُواْ ٱلۡعِلۡمَۚ وَمَا يَجۡحَدُ بِـَٔايَٰتِنَآ إِلَّا ٱلظَّـٰلِمُونَ
Bagkus [ang Qur’ān na] ito ay mga talatang malilinaw na nasa mga dibdib ng mga nabigyan kaalaman. Walang nagkakaila sa mga talata Namin kundi ang mga tagalabag sa katarungan
Surah Al-Ankaboot, Verse 49
وَقَالُواْ لَوۡلَآ أُنزِلَ عَلَيۡهِ ءَايَٰتٞ مِّن رَّبِّهِۦۚ قُلۡ إِنَّمَا ٱلۡأٓيَٰتُ عِندَ ٱللَّهِ وَإِنَّمَآ أَنَا۠ نَذِيرٞ مُّبِينٌ
Nagsabi sila: "Bakit kasi walang pinababa sa kanya na mga tanda mula sa Panginoon niya?" Sabihin mo: "Ang mga tanda ay nasa ganang kay Allāh lamang at ako ay isang mapagbabalang malinaw lamang
Surah Al-Ankaboot, Verse 50
أَوَلَمۡ يَكۡفِهِمۡ أَنَّآ أَنزَلۡنَا عَلَيۡكَ ٱلۡكِتَٰبَ يُتۡلَىٰ عَلَيۡهِمۡۚ إِنَّ فِي ذَٰلِكَ لَرَحۡمَةٗ وَذِكۡرَىٰ لِقَوۡمٖ يُؤۡمِنُونَ
Hindi ba nakasapat sa kanila na Kami ay nagpababa sa iyo ng Aklat na binibigkas sa kanila? Tunay na sa gayon ay talagang may awa at paalaala para sa mga taong sumasampalataya
Surah Al-Ankaboot, Verse 51
قُلۡ كَفَىٰ بِٱللَّهِ بَيۡنِي وَبَيۡنَكُمۡ شَهِيدٗاۖ يَعۡلَمُ مَا فِي ٱلسَّمَٰوَٰتِ وَٱلۡأَرۡضِۗ وَٱلَّذِينَ ءَامَنُواْ بِٱلۡبَٰطِلِ وَكَفَرُواْ بِٱللَّهِ أُوْلَـٰٓئِكَ هُمُ ٱلۡخَٰسِرُونَ
Sabihin mo: "Nakasapat si Allāh sa pagitan ko at ninyo bilang Saksi. Nakaaalam siya sa anumang nasa mga langit at lupa. Ang mga sumampalataya sa kabulaanan at tumangging sumampalataya kay Allāh, ang mga iyon ay ang mga lugi
Surah Al-Ankaboot, Verse 52
وَيَسۡتَعۡجِلُونَكَ بِٱلۡعَذَابِ وَلَوۡلَآ أَجَلٞ مُّسَمّٗى لَّجَآءَهُمُ ٱلۡعَذَابُۚ وَلَيَأۡتِيَنَّهُم بَغۡتَةٗ وَهُمۡ لَا يَشۡعُرُونَ
Nagpapamadali sila sa iyo ng pagdurusa. Kung hindi dahil [may] isang taning na tinukoy, talaga sanang dumating sa kanila ang pagdurusa at talagang pupunta nga ito sa kanila nang biglaan habang sila ay hindi nakararamdam
Surah Al-Ankaboot, Verse 53
يَسۡتَعۡجِلُونَكَ بِٱلۡعَذَابِ وَإِنَّ جَهَنَّمَ لَمُحِيطَةُۢ بِٱلۡكَٰفِرِينَ
Nagpapamadali sila sa iyo ng pagdurusa. Tunay na ang Impiyerno ay talagang sasaklaw sa mga tagatangging sumampalataya
Surah Al-Ankaboot, Verse 54
يَوۡمَ يَغۡشَىٰهُمُ ٱلۡعَذَابُ مِن فَوۡقِهِمۡ وَمِن تَحۡتِ أَرۡجُلِهِمۡ وَيَقُولُ ذُوقُواْ مَا كُنتُمۡ تَعۡمَلُونَ
sa Araw na babalot sa kanila ang pagdurusa mula sa itaas nila at mula sa ilalim ng mga paa nila at magsasabi Siya: "Lasapin ninyo ang dati ninyong ginagawa
Surah Al-Ankaboot, Verse 55
يَٰعِبَادِيَ ٱلَّذِينَ ءَامَنُوٓاْ إِنَّ أَرۡضِي وَٰسِعَةٞ فَإِيَّـٰيَ فَٱعۡبُدُونِ
O mga alipin Ko na sumampalataya, tunay na ang lupa Ko ay malawak kaya sa Akin ay sumamba kayo
Surah Al-Ankaboot, Verse 56
كُلُّ نَفۡسٖ ذَآئِقَةُ ٱلۡمَوۡتِۖ ثُمَّ إِلَيۡنَا تُرۡجَعُونَ
Bawat kaluluwa ay lalasap ng kamatayan. Pagkatapos tungo sa Amin pababalikin kayo
Surah Al-Ankaboot, Verse 57
وَٱلَّذِينَ ءَامَنُواْ وَعَمِلُواْ ٱلصَّـٰلِحَٰتِ لَنُبَوِّئَنَّهُم مِّنَ ٱلۡجَنَّةِ غُرَفٗا تَجۡرِي مِن تَحۡتِهَا ٱلۡأَنۡهَٰرُ خَٰلِدِينَ فِيهَاۚ نِعۡمَ أَجۡرُ ٱلۡعَٰمِلِينَ
Ang mga sumampalataya at gumawa ng mga maayos ay talagang magpapatahan nga Kami mula sa paraiso sa mga [mataas na] silid na dumadaloy mula sa ilalim ng mga ito ang mga ilog bilang mga mananatili roon. Kay inam ang pabuya sa mga tagagawa
Surah Al-Ankaboot, Verse 58
ٱلَّذِينَ صَبَرُواْ وَعَلَىٰ رَبِّهِمۡ يَتَوَكَّلُونَ
na mga nagtiis at sa Panginoon nila ay nananalig
Surah Al-Ankaboot, Verse 59
وَكَأَيِّن مِّن دَآبَّةٖ لَّا تَحۡمِلُ رِزۡقَهَا ٱللَّهُ يَرۡزُقُهَا وَإِيَّاكُمۡۚ وَهُوَ ٱلسَّمِيعُ ٱلۡعَلِيمُ
Kay raming gumagalaw na nilalang na hindi nagbubuhat ng panustos ng mga ito, na si Allāh ay nagtutustos sa mga ito at sa inyo. Siya ay ang Madinigin, ang Maalam
Surah Al-Ankaboot, Verse 60
وَلَئِن سَأَلۡتَهُم مَّنۡ خَلَقَ ٱلسَّمَٰوَٰتِ وَٱلۡأَرۡضَ وَسَخَّرَ ٱلشَّمۡسَ وَٱلۡقَمَرَ لَيَقُولُنَّ ٱللَّهُۖ فَأَنَّىٰ يُؤۡفَكُونَ
Talagang kung nagtanong ka sa kanila kung sino ang lumikha ng mga langit at lupa at nagpasilbi ng araw at buwan ay talagang magsasabi nga silang si Allāh. Kaya paanong nalilinlang sila
Surah Al-Ankaboot, Verse 61
ٱللَّهُ يَبۡسُطُ ٱلرِّزۡقَ لِمَن يَشَآءُ مِنۡ عِبَادِهِۦ وَيَقۡدِرُ لَهُۥٓۚ إِنَّ ٱللَّهَ بِكُلِّ شَيۡءٍ عَلِيمٞ
Si Allāh ay nagpapaluwag ng panustos para sa sinumang niloloob Niya kabilang sa mga lingkod Niya at naghihigpit para rito. Tunay na si Allāh sa bawat bagay ay Maalam
Surah Al-Ankaboot, Verse 62
وَلَئِن سَأَلۡتَهُم مَّن نَّزَّلَ مِنَ ٱلسَّمَآءِ مَآءٗ فَأَحۡيَا بِهِ ٱلۡأَرۡضَ مِنۢ بَعۡدِ مَوۡتِهَا لَيَقُولُنَّ ٱللَّهُۚ قُلِ ٱلۡحَمۡدُ لِلَّهِۚ بَلۡ أَكۡثَرُهُمۡ لَا يَعۡقِلُونَ
Talagang kung nagtanong ka sa kanila kung sino ang nagbaba mula sa langit ng tubig saka nagbigay-buhay sa pamamagitan nito sa lupa noong matapos ng kamatayan nito ay talagang magsasabi nga silang si Allāh. Sabihin mo: "Ang papuri ay ukol kay Allāh," ngunit ang higit na marami sa kanila ay hindi nakapag-uunawa
Surah Al-Ankaboot, Verse 63
وَمَا هَٰذِهِ ٱلۡحَيَوٰةُ ٱلدُّنۡيَآ إِلَّا لَهۡوٞ وَلَعِبٞۚ وَإِنَّ ٱلدَّارَ ٱلۡأٓخِرَةَ لَهِيَ ٱلۡحَيَوَانُۚ لَوۡ كَانُواْ يَعۡلَمُونَ
Walang iba ang buhay na ito sa Mundo kundi isang paglilibang at isang laro. Tunay na ang tahanan sa Kabilang-buhay ay talagang iyon ang pinakabuhay, kung sakaling sila noon ay nakaaalam
Surah Al-Ankaboot, Verse 64
فَإِذَا رَكِبُواْ فِي ٱلۡفُلۡكِ دَعَوُاْ ٱللَّهَ مُخۡلِصِينَ لَهُ ٱلدِّينَ فَلَمَّا نَجَّىٰهُمۡ إِلَى ٱلۡبَرِّ إِذَا هُمۡ يُشۡرِكُونَ
Kapag nakasakay sila sa daong ay dumadalangin sila kay Allāh habang mga nagpapakawagas para sa Kanya sa relihiyon. Ngunit noong nagligtas Siya sa kanila patungo sa katihan, biglang sila ay nagtatambal [sa Kanya]
Surah Al-Ankaboot, Verse 65
لِيَكۡفُرُواْ بِمَآ ءَاتَيۡنَٰهُمۡ وَلِيَتَمَتَّعُواْۚ فَسَوۡفَ يَعۡلَمُونَ
upang magkaila sila sa ibinigay Namin sa kanila at upang magtamasa sila, ngunit malalaman nila
Surah Al-Ankaboot, Verse 66
أَوَلَمۡ يَرَوۡاْ أَنَّا جَعَلۡنَا حَرَمًا ءَامِنٗا وَيُتَخَطَّفُ ٱلنَّاسُ مِنۡ حَوۡلِهِمۡۚ أَفَبِٱلۡبَٰطِلِ يُؤۡمِنُونَ وَبِنِعۡمَةِ ٱللَّهِ يَكۡفُرُونَ
Hindi ba sila nakakita na Kami ay gumawa ng isang santuwaryong matiwasay samantalang dinadagit ang mga tao mula sa paligid nila? Kaya ba sa kabulaanan sumasampalataya sila at sa biyaya ni Allāh nagkakaila sila
Surah Al-Ankaboot, Verse 67
وَمَنۡ أَظۡلَمُ مِمَّنِ ٱفۡتَرَىٰ عَلَى ٱللَّهِ كَذِبًا أَوۡ كَذَّبَ بِٱلۡحَقِّ لَمَّا جَآءَهُۥٓۚ أَلَيۡسَ فِي جَهَنَّمَ مَثۡوٗى لِّلۡكَٰفِرِينَ
Sino pa ang higit na tagalabag sa katarungan kaysa sa sinumang gumawa-gawa laban kay Allāh ng isang kasinungalingan o nagpasinungaling sa katotohanan noong dumating ito sa kanya? Hindi ba sa Impiyerno ay may tuluyan para sa mga tagatangging sumampalataya
Surah Al-Ankaboot, Verse 68
وَٱلَّذِينَ جَٰهَدُواْ فِينَا لَنَهۡدِيَنَّهُمۡ سُبُلَنَاۚ وَإِنَّ ٱللَّهَ لَمَعَ ٱلۡمُحۡسِنِينَ
Ang mga nakibaka alang-alang sa Amin ay talagang magpapatnubay nga Kami sa kanila sa mga landas Namin. Tunay na si Allāh ay talagang kasama sa mga tagagawa ng maganda
Surah Al-Ankaboot, Verse 69