UAE Prayer Times

  • Dubai
  • Abu Dhabi
  • Sharjah
  • Ajman
  • Fujairah
  • Umm Al Quwain
  • Ras Al Khaimah
  • Quran Translations

Surah Fatir - Filipino Translation by Www.islamhouse.com


ٱلۡحَمۡدُ لِلَّهِ فَاطِرِ ٱلسَّمَٰوَٰتِ وَٱلۡأَرۡضِ جَاعِلِ ٱلۡمَلَـٰٓئِكَةِ رُسُلًا أُوْلِيٓ أَجۡنِحَةٖ مَّثۡنَىٰ وَثُلَٰثَ وَرُبَٰعَۚ يَزِيدُ فِي ٱلۡخَلۡقِ مَا يَشَآءُۚ إِنَّ ٱللَّهَ عَلَىٰ كُلِّ شَيۡءٖ قَدِيرٞ

Ang papuri ay ukol kay Allāh, na Tagapaglalang ng mga langit at lupa, na Tagagawa sa mga anghel bilang mga sugo na may mga pakpak na dalawahan, tatluhan, at apatan. Nagdaragdag Siya sa paglikha ng anumang niloloob Niya. Tunay na si Allāh sa bawat bagay ay May-kakayahan
Surah Fatir, Verse 1


مَّا يَفۡتَحِ ٱللَّهُ لِلنَّاسِ مِن رَّحۡمَةٖ فَلَا مُمۡسِكَ لَهَاۖ وَمَا يُمۡسِكۡ فَلَا مُرۡسِلَ لَهُۥ مِنۢ بَعۡدِهِۦۚ وَهُوَ ٱلۡعَزِيزُ ٱلۡحَكِيمُ

Ang anumang binubuksan ni Allāh para sa mga tao na awa ay walang tagapigil para rito at ang anumang pinipigil Niya ay walang tagapagpakawala para rito nang matapos niyon. Siya ay ang Makapangyarihan, ang Marunong
Surah Fatir, Verse 2


يَـٰٓأَيُّهَا ٱلنَّاسُ ٱذۡكُرُواْ نِعۡمَتَ ٱللَّهِ عَلَيۡكُمۡۚ هَلۡ مِنۡ خَٰلِقٍ غَيۡرُ ٱللَّهِ يَرۡزُقُكُم مِّنَ ٱلسَّمَآءِ وَٱلۡأَرۡضِۚ لَآ إِلَٰهَ إِلَّا هُوَۖ فَأَنَّىٰ تُؤۡفَكُونَ

O mga tao, alalahanin ninyo ang biyaya ni Allāh sa inyo. May tagalikha kayang iba pa kay Allāh, na nagtutustos sa inyo mula sa langit at lupa? Walang Diyos kundi Siya, kaya paanong nalilinlang kayo
Surah Fatir, Verse 3


وَإِن يُكَذِّبُوكَ فَقَدۡ كُذِّبَتۡ رُسُلٞ مِّن قَبۡلِكَۚ وَإِلَى ٱللَّهِ تُرۡجَعُ ٱلۡأُمُورُ

Kung nagpapasinungaling sila sa iyo ay may pinasinungalingan nga na mga sugo bago mo pa. Tungo kay Allāh pinababalik ang mga usapin
Surah Fatir, Verse 4


يَـٰٓأَيُّهَا ٱلنَّاسُ إِنَّ وَعۡدَ ٱللَّهِ حَقّٞۖ فَلَا تَغُرَّنَّكُمُ ٱلۡحَيَوٰةُ ٱلدُّنۡيَا وَلَا يَغُرَّنَّكُم بِٱللَّهِ ٱلۡغَرُورُ

O mga tao, tunay na ang pangako ni Allāh ay totoo kaya huwag ngang luminlang sa iyo ang buhay na pangmundo at huwag ngang luminlang sa iyo hinggil kay Allāh ang mapanlinlang
Surah Fatir, Verse 5


إِنَّ ٱلشَّيۡطَٰنَ لَكُمۡ عَدُوّٞ فَٱتَّخِذُوهُ عَدُوًّاۚ إِنَّمَا يَدۡعُواْ حِزۡبَهُۥ لِيَكُونُواْ مِنۡ أَصۡحَٰبِ ٱلسَّعِيرِ

Tunay na ang demonyo para sa inyo ay isang kaaway, kaya gawin ninyo siyang isang kaaway. Nag-aanyaya lamang siya sa lapian niya upang sila ay maging kabilang sa mga kasamahan sa Liyab
Surah Fatir, Verse 6


ٱلَّذِينَ كَفَرُواْ لَهُمۡ عَذَابٞ شَدِيدٞۖ وَٱلَّذِينَ ءَامَنُواْ وَعَمِلُواْ ٱلصَّـٰلِحَٰتِ لَهُم مَّغۡفِرَةٞ وَأَجۡرٞ كَبِيرٌ

Ang mga tumangging sumampalataya, ukol sa kanila ay isang pagdurusang matindi. Ang mga sumampalataya at gumawa ng mga maayos, ukol sa kanila ay isang kapatawaran at isang pabuyang malaki
Surah Fatir, Verse 7


أَفَمَن زُيِّنَ لَهُۥ سُوٓءُ عَمَلِهِۦ فَرَءَاهُ حَسَنٗاۖ فَإِنَّ ٱللَّهَ يُضِلُّ مَن يَشَآءُ وَيَهۡدِي مَن يَشَآءُۖ فَلَا تَذۡهَبۡ نَفۡسُكَ عَلَيۡهِمۡ حَسَرَٰتٍۚ إِنَّ ٱللَّهَ عَلِيمُۢ بِمَا يَصۡنَعُونَ

Kaya [napatnubayan] ba ang sinumang ipinang-akit sa kanya ang kasagwaan ng gawain niya kaya nakita niya ito bilang maganda, sapagkat tunay na si Allāh ay nagliligaw sa sinumang niloloob Niya at nagpapatnubay sa sinumang niloloob Niya? Kaya huwag masawi ang sarili mo dahil sa kanila sa mga panghihinayang. Tunay na si Allāh ay Maalam sa anumang niyayari nila
Surah Fatir, Verse 8


وَٱللَّهُ ٱلَّذِيٓ أَرۡسَلَ ٱلرِّيَٰحَ فَتُثِيرُ سَحَابٗا فَسُقۡنَٰهُ إِلَىٰ بَلَدٖ مَّيِّتٖ فَأَحۡيَيۡنَا بِهِ ٱلۡأَرۡضَ بَعۡدَ مَوۡتِهَاۚ كَذَٰلِكَ ٱلنُّشُورُ

Si Allāh ay ang nagsugo ng mga hangin saka nagpagalaw ang mga ito ng mga ulap. Umakay Kami sa mga ito tungo sa isang bayang patay saka nagbigay-buhay Kami sa pamamagitan ng mga ito sa lupa matapos ng kamatayan nito. Gayon ang muling pagbubuhay muli
Surah Fatir, Verse 9


مَن كَانَ يُرِيدُ ٱلۡعِزَّةَ فَلِلَّهِ ٱلۡعِزَّةُ جَمِيعًاۚ إِلَيۡهِ يَصۡعَدُ ٱلۡكَلِمُ ٱلطَّيِّبُ وَٱلۡعَمَلُ ٱلصَّـٰلِحُ يَرۡفَعُهُۥۚ وَٱلَّذِينَ يَمۡكُرُونَ ٱلسَّيِّـَٔاتِ لَهُمۡ عَذَابٞ شَدِيدٞۖ وَمَكۡرُ أُوْلَـٰٓئِكَ هُوَ يَبُورُ

Ang sinumang nagnanais ng karangalan ay sa kay Allāh ang karangalan sa kalahatan. Tungo sa Kanya umaakyat ang pananalitang kaaya-aya, at ang gawang maayos ay nag-aangat nito. Ang mga nagpapakana ng mga masagwang gawa, ukol sa kanila ay isang pagdurusang matindi. Ang pakana ng mga iyon ay mapaririwara
Surah Fatir, Verse 10


وَٱللَّهُ خَلَقَكُم مِّن تُرَابٖ ثُمَّ مِن نُّطۡفَةٖ ثُمَّ جَعَلَكُمۡ أَزۡوَٰجٗاۚ وَمَا تَحۡمِلُ مِنۡ أُنثَىٰ وَلَا تَضَعُ إِلَّا بِعِلۡمِهِۦۚ وَمَا يُعَمَّرُ مِن مُّعَمَّرٖ وَلَا يُنقَصُ مِنۡ عُمُرِهِۦٓ إِلَّا فِي كِتَٰبٍۚ إِنَّ ذَٰلِكَ عَلَى ٱللَّهِ يَسِيرٞ

Si Allāh ay lumikha sa inyo mula sa alabok, pagkatapos mula sa patak ng punlay, pagkatapos gumawa sa inyo ng mga asawa. Walang nagbubuntis na isang babae at walang nagsisilang malibang nasa kaalaman Niya. Walang pinatatanda na isang pinatatanda at walang ibinabawas mula sa edad nito malibang nasa isang talaan. Tunay na iyon kay Allāh ay madali
Surah Fatir, Verse 11


وَمَا يَسۡتَوِي ٱلۡبَحۡرَانِ هَٰذَا عَذۡبٞ فُرَاتٞ سَآئِغٞ شَرَابُهُۥ وَهَٰذَا مِلۡحٌ أُجَاجٞۖ وَمِن كُلّٖ تَأۡكُلُونَ لَحۡمٗا طَرِيّٗا وَتَسۡتَخۡرِجُونَ حِلۡيَةٗ تَلۡبَسُونَهَاۖ وَتَرَى ٱلۡفُلۡكَ فِيهِ مَوَاخِرَ لِتَبۡتَغُواْ مِن فَضۡلِهِۦ وَلَعَلَّكُمۡ تَشۡكُرُونَ

Hindi nagkakapantay ang dalawang katubigan. Itong [isa] ay tabang na pagkatabang-tabang na kasiya-siya ang pag-inom nito at itong [isa] naman ay maalat na mapait. Mula sa bawat isa ay kumakain kayo ng isang lamang malambot at humango kayo ng hiyas na isinusuot ninyo. Nakikita mo ang mga daong rito habang mga umaararo upang maghangad kayo ng kagandahang-loob Niya at nang sa gayon kayo ay magpapasalamat
Surah Fatir, Verse 12


يُولِجُ ٱلَّيۡلَ فِي ٱلنَّهَارِ وَيُولِجُ ٱلنَّهَارَ فِي ٱلَّيۡلِ وَسَخَّرَ ٱلشَّمۡسَ وَٱلۡقَمَرَۖ كُلّٞ يَجۡرِي لِأَجَلٖ مُّسَمّٗىۚ ذَٰلِكُمُ ٱللَّهُ رَبُّكُمۡ لَهُ ٱلۡمُلۡكُۚ وَٱلَّذِينَ تَدۡعُونَ مِن دُونِهِۦ مَا يَمۡلِكُونَ مِن قِطۡمِيرٍ

Nagpapalagos Siya ng gabi sa maghapon at nagpapalagos Siya ng maghapon sa gabi. Pinagsilbi Niya ang araw at ang buwan, habang bawat isa ay umiinog para sa isang taning na tinukoy. Iyon ay si Allāh, ang Panginoon ninyo; ukol sa Kanya ang paghahari. Ang mga dinadalanginan ninyo bukod pa sa Kanya ay hindi nagmamay-ari ng kahit isang lamad ng buto ng datiles
Surah Fatir, Verse 13


إِن تَدۡعُوهُمۡ لَا يَسۡمَعُواْ دُعَآءَكُمۡ وَلَوۡ سَمِعُواْ مَا ٱسۡتَجَابُواْ لَكُمۡۖ وَيَوۡمَ ٱلۡقِيَٰمَةِ يَكۡفُرُونَ بِشِرۡكِكُمۡۚ وَلَا يُنَبِّئُكَ مِثۡلُ خَبِيرٖ

Kung dadalangin kayo sa kanila ay hindi sila makaririnig sa panalangin ninyo, at kung sakaling nakarinig sila ay hindi sila tutugon sa inyo. Sa Araw ng Pagbangon ay magkakaila sila sa pagtatambal ninyo. Walang nagbabalita sa iyo ng tulad ng isang Mapagbatid
Surah Fatir, Verse 14


۞يَـٰٓأَيُّهَا ٱلنَّاسُ أَنتُمُ ٱلۡفُقَرَآءُ إِلَى ٱللَّهِۖ وَٱللَّهُ هُوَ ٱلۡغَنِيُّ ٱلۡحَمِيدُ

O mga tao, kayo ay ang mga maralita kay Allāh at si Allāh ay ang Walang-pangangailangan, ang Kapuri-puri
Surah Fatir, Verse 15


إِن يَشَأۡ يُذۡهِبۡكُمۡ وَيَأۡتِ بِخَلۡقٖ جَدِيدٖ

Kung loloobin Niya ay mag-aalis Siya sa inyo at magdadala Siya ng isang nilikhang bago
Surah Fatir, Verse 16


وَمَا ذَٰلِكَ عَلَى ٱللَّهِ بِعَزِيزٖ

Hindi iyon para kay Allāh mabigat
Surah Fatir, Verse 17


وَلَا تَزِرُ وَازِرَةٞ وِزۡرَ أُخۡرَىٰۚ وَإِن تَدۡعُ مُثۡقَلَةٌ إِلَىٰ حِمۡلِهَا لَا يُحۡمَلۡ مِنۡهُ شَيۡءٞ وَلَوۡ كَانَ ذَا قُرۡبَىٰٓۗ إِنَّمَا تُنذِرُ ٱلَّذِينَ يَخۡشَوۡنَ رَبَّهُم بِٱلۡغَيۡبِ وَأَقَامُواْ ٱلصَّلَوٰةَۚ وَمَن تَزَكَّىٰ فَإِنَّمَا يَتَزَكَّىٰ لِنَفۡسِهِۦۚ وَإِلَى ٱللَّهِ ٱلۡمَصِيرُ

Hindi papasanin ng isang tagapasan ang pasanin ng iba. Kung may mag-aanyayang isang nabibigatan sa pagdala nito ay hindi magdadala mula rito ng anuman, kahit pa man siya ay isang may pagkakamag-anak. Makapagbabala ka lamang sa mga natatakot sa Panginoon nila nang lingid at nagpanatili ng pagdarasal. Ang sinumang nagpakadalisay ay nagpakadalisay lamang para sa sarili niya. Sa kay Allāh ang kahahantungan
Surah Fatir, Verse 18


وَمَا يَسۡتَوِي ٱلۡأَعۡمَىٰ وَٱلۡبَصِيرُ

Hindi nagkakapantay ang bulag at ang nakakikita
Surah Fatir, Verse 19


وَلَا ٱلظُّلُمَٰتُ وَلَا ٱلنُّورُ

ni hindi ang mga kadiliman at ang liwanag
Surah Fatir, Verse 20


وَلَا ٱلظِّلُّ وَلَا ٱلۡحَرُورُ

ni ang lilim at ang init
Surah Fatir, Verse 21


وَمَا يَسۡتَوِي ٱلۡأَحۡيَآءُ وَلَا ٱلۡأَمۡوَٰتُۚ إِنَّ ٱللَّهَ يُسۡمِعُ مَن يَشَآءُۖ وَمَآ أَنتَ بِمُسۡمِعٖ مَّن فِي ٱلۡقُبُورِ

Hindi nagkakapantay ang mga buhay at ang mga patay. Tunay na si Allāh ay nagpaparinig sa sinumang niloloob Niya samantalang ikaw ay hindi tagapagparinig sa sinumang mga nasa mga libingan
Surah Fatir, Verse 22


إِنۡ أَنتَ إِلَّا نَذِيرٌ

Walang iba ka kundi isang mapagbabala
Surah Fatir, Verse 23


إِنَّآ أَرۡسَلۡنَٰكَ بِٱلۡحَقِّ بَشِيرٗا وَنَذِيرٗاۚ وَإِن مِّنۡ أُمَّةٍ إِلَّا خَلَا فِيهَا نَذِيرٞ

Tunay na Kami ay nagsugo sa iyo dala ang katotohanan bilang mapagbalita ng nakagagalak at mapagbabala. Walang anumang kalipunan malibang may nagdaan doon na isang mapagbabala
Surah Fatir, Verse 24


وَإِن يُكَذِّبُوكَ فَقَدۡ كَذَّبَ ٱلَّذِينَ مِن قَبۡلِهِمۡ جَآءَتۡهُمۡ رُسُلُهُم بِٱلۡبَيِّنَٰتِ وَبِٱلزُّبُرِ وَبِٱلۡكِتَٰبِ ٱلۡمُنِيرِ

Kung nagpapasinungaling sila sa iyo ay nagpasinungaling nga ang mga bago pa nila. Naghatid sa kanila ang mga sugo nila ng mga malinaw na patunay, ng mga kautusan, at ng kasulatang nagbibigay-liwanag
Surah Fatir, Verse 25


ثُمَّ أَخَذۡتُ ٱلَّذِينَ كَفَرُواْۖ فَكَيۡفَ كَانَ نَكِيرِ

Pagkatapos dumaklot Ako sa mga tumangging sumampalataya kaya magiging papaano ang pagtutol Ko
Surah Fatir, Verse 26


أَلَمۡ تَرَ أَنَّ ٱللَّهَ أَنزَلَ مِنَ ٱلسَّمَآءِ مَآءٗ فَأَخۡرَجۡنَا بِهِۦ ثَمَرَٰتٖ مُّخۡتَلِفًا أَلۡوَٰنُهَاۚ وَمِنَ ٱلۡجِبَالِ جُدَدُۢ بِيضٞ وَحُمۡرٞ مُّخۡتَلِفٌ أَلۡوَٰنُهَا وَغَرَابِيبُ سُودٞ

Hindi mo ba nakita na si Allāh ay nagpababa mula sa langit ng tubig kaya nagpalabas sa pamamagitan nito ng mga bungang magkakaiba ang mga kulay ng mga ito. Mula sa mga bundok ay may mga guhit na puti at pula, na magkakaiba ang mga pagkakulay ng mga ito, at may mga matingkad na itim
Surah Fatir, Verse 27


وَمِنَ ٱلنَّاسِ وَٱلدَّوَآبِّ وَٱلۡأَنۡعَٰمِ مُخۡتَلِفٌ أَلۡوَٰنُهُۥ كَذَٰلِكَۗ إِنَّمَا يَخۡشَى ٱللَّهَ مِنۡ عِبَادِهِ ٱلۡعُلَمَـٰٓؤُاْۗ إِنَّ ٱللَّهَ عَزِيزٌ غَفُورٌ

Kabilang sa mga tao, mga umuusad na hayop, at mga hayupan ay nagkakaiba-iba ang mga kulay ng mga ito gayon din. Natatakot lamang kay Allāh kabilang sa mga lingkod Niya ang mga nakaaalam. Tunay na si Allāh ay Makapangyarihan, Mapagpatawad
Surah Fatir, Verse 28


إِنَّ ٱلَّذِينَ يَتۡلُونَ كِتَٰبَ ٱللَّهِ وَأَقَامُواْ ٱلصَّلَوٰةَ وَأَنفَقُواْ مِمَّا رَزَقۡنَٰهُمۡ سِرّٗا وَعَلَانِيَةٗ يَرۡجُونَ تِجَٰرَةٗ لَّن تَبُورَ

Tunay na ang mga bumibigkas ng Aklat ni Allāh, nagpanatili ng pagdarasal, at gumugol mula sa itinustos sa kanila nang palihim at hayagan ay nag-aasam ng isang pangangalakal na hindi mapaririwara
Surah Fatir, Verse 29


لِيُوَفِّيَهُمۡ أُجُورَهُمۡ وَيَزِيدَهُم مِّن فَضۡلِهِۦٓۚ إِنَّهُۥ غَفُورٞ شَكُورٞ

upang maglulubus-lubos Siya sa kanila ng mga pabuya sa kanila at magdagdag Siya sa kanila mula sa kabutihang-loob Niya. Tunay na Siya ay Mapagpatawad, Mapagpasalamat
Surah Fatir, Verse 30


وَٱلَّذِيٓ أَوۡحَيۡنَآ إِلَيۡكَ مِنَ ٱلۡكِتَٰبِ هُوَ ٱلۡحَقُّ مُصَدِّقٗا لِّمَا بَيۡنَ يَدَيۡهِۗ إِنَّ ٱللَّهَ بِعِبَادِهِۦ لَخَبِيرُۢ بَصِيرٞ

Ang ikinasi Namin sa iyo na Aklat ay ang totoo, bilang tagapagpatotoo para sa nauna rito. Tunay na si Allāh sa mga lingkod Niya ay talagang Mapagbatid, Nakakikita
Surah Fatir, Verse 31


ثُمَّ أَوۡرَثۡنَا ٱلۡكِتَٰبَ ٱلَّذِينَ ٱصۡطَفَيۡنَا مِنۡ عِبَادِنَاۖ فَمِنۡهُمۡ ظَالِمٞ لِّنَفۡسِهِۦ وَمِنۡهُم مُّقۡتَصِدٞ وَمِنۡهُمۡ سَابِقُۢ بِٱلۡخَيۡرَٰتِ بِإِذۡنِ ٱللَّهِۚ ذَٰلِكَ هُوَ ٱلۡفَضۡلُ ٱلۡكَبِيرُ

Pagkatapos ipinamana Namin ang Aklat sa mga hinirang Namin mula sa mga lingkod Namin; ngunit mayroon sa kanila na tagalabag sa katarungan sa sarili niya, mayroon sa kanila na katamtaman, at mayroon sa kanila na nangunguna sa mga kabutihan ayon sa pahintulot ni Allāh. Iyon ay ang kabutihang-loob na malaki
Surah Fatir, Verse 32


جَنَّـٰتُ عَدۡنٖ يَدۡخُلُونَهَا يُحَلَّوۡنَ فِيهَا مِنۡ أَسَاوِرَ مِن ذَهَبٖ وَلُؤۡلُؤٗاۖ وَلِبَاسُهُمۡ فِيهَا حَرِيرٞ

Ang mga hardin ng Eden ay papasukin nila. Gagayakan sila sa mga iyon ng mga pulseras na ginto at mga perlas. Ang kasuutan nila sa mga iyon ay sutla
Surah Fatir, Verse 33


وَقَالُواْ ٱلۡحَمۡدُ لِلَّهِ ٱلَّذِيٓ أَذۡهَبَ عَنَّا ٱلۡحَزَنَۖ إِنَّ رَبَّنَا لَغَفُورٞ شَكُورٌ

Magsasabi sila: "Ang papuri ay ukol kay Allāh na nag-alis sa amin ng lungkot. Tunay na ang Panginoon namin ay talagang Mapagpatawad, Mapagpasalamat
Surah Fatir, Verse 34


ٱلَّذِيٓ أَحَلَّنَا دَارَ ٱلۡمُقَامَةِ مِن فَضۡلِهِۦ لَا يَمَسُّنَا فِيهَا نَصَبٞ وَلَا يَمَسُّنَا فِيهَا لُغُوبٞ

[Siya] ang nagpatahan sa atin sa tahanan ng pananatilihan dahil sa kabutihang-loob Niya. Walang sasalingin sa atin doon na kapagalan at walang sasaling sa atin na pagkapata
Surah Fatir, Verse 35


وَٱلَّذِينَ كَفَرُواْ لَهُمۡ نَارُ جَهَنَّمَ لَا يُقۡضَىٰ عَلَيۡهِمۡ فَيَمُوتُواْ وَلَا يُخَفَّفُ عَنۡهُم مِّنۡ عَذَابِهَاۚ كَذَٰلِكَ نَجۡزِي كُلَّ كَفُورٖ

Ang mga tumangging sumampalataya, ukol sa kanila ang Apoy ng Impiyerno. Hindi humuhusga sa kanila para mamatay sila at hindi nagpapagaan sa kanila ng pagdurusang dulot nito. Gayon Kami gaganti sa bawat palatangging magpasalamat
Surah Fatir, Verse 36


وَهُمۡ يَصۡطَرِخُونَ فِيهَا رَبَّنَآ أَخۡرِجۡنَا نَعۡمَلۡ صَٰلِحًا غَيۡرَ ٱلَّذِي كُنَّا نَعۡمَلُۚ أَوَلَمۡ نُعَمِّرۡكُم مَّا يَتَذَكَّرُ فِيهِ مَن تَذَكَّرَ وَجَآءَكُمُ ٱلنَّذِيرُۖ فَذُوقُواْ فَمَا لِلظَّـٰلِمِينَ مِن نَّصِيرٍ

Sila ay magtititili roon: "Panginoon naming; magpalabas Ka sa amin, gagawa kami ng maayos na iba sa dati naming ginagawa." Hindi ba Kami nagpatanda sa inyo sa [edad na] nakapagsasaalaala rito ang sinumang nakapagsasaalaala at dumating sa inyo ang mapagbabala? Kaya lumasap kayo [ng parusa] sapagkat walang ukol sa mga tagalabag sa katarungan na anumang mapag-adya
Surah Fatir, Verse 37


إِنَّ ٱللَّهَ عَٰلِمُ غَيۡبِ ٱلسَّمَٰوَٰتِ وَٱلۡأَرۡضِۚ إِنَّهُۥ عَلِيمُۢ بِذَاتِ ٱلصُّدُورِ

Tunay na si Allāh ay Nakaaalam sa nakalingid ng mga langit at lupa. Tunay na Siya ay Maalam sa kaibuturan ng mga dibdib
Surah Fatir, Verse 38


هُوَ ٱلَّذِي جَعَلَكُمۡ خَلَـٰٓئِفَ فِي ٱلۡأَرۡضِۚ فَمَن كَفَرَ فَعَلَيۡهِ كُفۡرُهُۥۖ وَلَا يَزِيدُ ٱلۡكَٰفِرِينَ كُفۡرُهُمۡ عِندَ رَبِّهِمۡ إِلَّا مَقۡتٗاۖ وَلَا يَزِيدُ ٱلۡكَٰفِرِينَ كُفۡرُهُمۡ إِلَّا خَسَارٗا

Siya ay ang gumawa sa inyo na mga kahalili sa lupa kaya ang sinumang tumangging sumampalataya ay laban sa kanya ang kawalang-pananampalataya niya. Hindi nagdaragdag sa mga tagatangging sumampalataya ang kawalang-pananampalataya nila sa ganang Panginoon nila kundi ng isang pagkamuhi. Hindi nagdaragdag sa mga tagatangging sumampalataya ang kawalang-pananampalataya nila kundi ng isang pagkalugi
Surah Fatir, Verse 39


قُلۡ أَرَءَيۡتُمۡ شُرَكَآءَكُمُ ٱلَّذِينَ تَدۡعُونَ مِن دُونِ ٱللَّهِ أَرُونِي مَاذَا خَلَقُواْ مِنَ ٱلۡأَرۡضِ أَمۡ لَهُمۡ شِرۡكٞ فِي ٱلسَّمَٰوَٰتِ أَمۡ ءَاتَيۡنَٰهُمۡ كِتَٰبٗا فَهُمۡ عَلَىٰ بَيِّنَتٖ مِّنۡهُۚ بَلۡ إِن يَعِدُ ٱلظَّـٰلِمُونَ بَعۡضُهُم بَعۡضًا إِلَّا غُرُورًا

Sabihin mo: "Nagsaalang-alang ba kayo sa mga pantambal ninyo na dinadalangin ninyo bukod pa kay Allāh? Magpakita kayo sa Akin kung ano ang nilikha nila mula sa lupa. O mayroon silang pakikitambal sa mga langit? O nagbigay Kami sa kanila ng isang aklat kaya sila ay nasa isang malinaw na katunayan mula roon? Bagkus walang ipinangangako ang mga tagalabag sa katarungan sa isa’t isa sa kanila kundi isang pagkalinlang
Surah Fatir, Verse 40


۞إِنَّ ٱللَّهَ يُمۡسِكُ ٱلسَّمَٰوَٰتِ وَٱلۡأَرۡضَ أَن تَزُولَاۚ وَلَئِن زَالَتَآ إِنۡ أَمۡسَكَهُمَا مِنۡ أَحَدٖ مِّنۢ بَعۡدِهِۦٓۚ إِنَّهُۥ كَانَ حَلِيمًا غَفُورٗا

Tunay na si Allāh ay humahawak sa mga langit at lupa na huwag maalis ang mga ito. Talagang kung naalis ang mga ito ay walang hahawak sa mga ito na isa man noong matapos Niya. Tunay na Siya ay laging Matimpiin, Mapagpatawad
Surah Fatir, Verse 41


وَأَقۡسَمُواْ بِٱللَّهِ جَهۡدَ أَيۡمَٰنِهِمۡ لَئِن جَآءَهُمۡ نَذِيرٞ لَّيَكُونُنَّ أَهۡدَىٰ مِنۡ إِحۡدَى ٱلۡأُمَمِۖ فَلَمَّا جَآءَهُمۡ نَذِيرٞ مَّا زَادَهُمۡ إِلَّا نُفُورًا

Sumumpa sila kay Allāh nang taimtim sa mga panunumpa nila na talagang kung may pumunta sa kanila na isang mapagbabala ay talagang sila nga ay magiging higit na napatnubayan kaysa sa isa sa mga kalipunan. Ngunit noong may dumating sa kanila na isang mapagbabala, walang naidagdag ito sa kanila kundi isang pagkaayaw
Surah Fatir, Verse 42


ٱسۡتِكۡبَارٗا فِي ٱلۡأَرۡضِ وَمَكۡرَ ٱلسَّيِّيِٕۚ وَلَا يَحِيقُ ٱلۡمَكۡرُ ٱلسَّيِّئُ إِلَّا بِأَهۡلِهِۦۚ فَهَلۡ يَنظُرُونَ إِلَّا سُنَّتَ ٱلۡأَوَّلِينَۚ فَلَن تَجِدَ لِسُنَّتِ ٱللَّهِ تَبۡدِيلٗاۖ وَلَن تَجِدَ لِسُنَّتِ ٱللَّهِ تَحۡوِيلًا

dala ng pagmamalaki sa lupain at pagpapakana ng masagwa. Hindi pumapaligid ang pakanang masagwa maliban sa mga kampon nito. Kaya naghihintay kaya sila ng maliban pa sa kalakaran ng mga sinauna? Ngunit hindi ka makatatagpo para sa kalakaran ni Allāh ng isang pagpapalit at hindi ka makatatagpo para sa kalakaran ni Allāh ng isang paglilipat
Surah Fatir, Verse 43


أَوَلَمۡ يَسِيرُواْ فِي ٱلۡأَرۡضِ فَيَنظُرُواْ كَيۡفَ كَانَ عَٰقِبَةُ ٱلَّذِينَ مِن قَبۡلِهِمۡ وَكَانُوٓاْ أَشَدَّ مِنۡهُمۡ قُوَّةٗۚ وَمَا كَانَ ٱللَّهُ لِيُعۡجِزَهُۥ مِن شَيۡءٖ فِي ٱلسَّمَٰوَٰتِ وَلَا فِي ٱلۡأَرۡضِۚ إِنَّهُۥ كَانَ عَلِيمٗا قَدِيرٗا

Hindi ba sila humayo sa lupain para tumingin sila kung papaano naging ang kinahinatnan ng mga bago pa nila samantalang ang mga iyon dati ay higit na matindi kaysa sa kanila sa lakas? Hindi nangyaring si Allāh ay ukol mapawalang-kakayahan ng anuman sa mga langit ni sa lupa. Tunay na Siya ay laging Maalam, May-kakayahan
Surah Fatir, Verse 44


وَلَوۡ يُؤَاخِذُ ٱللَّهُ ٱلنَّاسَ بِمَا كَسَبُواْ مَا تَرَكَ عَلَىٰ ظَهۡرِهَا مِن دَآبَّةٖ وَلَٰكِن يُؤَخِّرُهُمۡ إِلَىٰٓ أَجَلٖ مُّسَمّٗىۖ فَإِذَا جَآءَ أَجَلُهُمۡ فَإِنَّ ٱللَّهَ كَانَ بِعِبَادِهِۦ بَصِيرَۢا

Kung sakaling maninisi si Allāh sa mga tao dahil sa nakamit nila ay hindi na sana Siya nag-iwan sa balat nito ng anumang gumagalaw na nilalang subalit nag-aantala Siya sa kanila hanggang sa isang taning na tinukoy. Kaya kapag dumating ang taning nila, tunay na si Allāh sa mga lingkod Niya ay laging Nakakikita
Surah Fatir, Verse 45


Author: Www.islamhouse.com


<< Surah 34
>> Surah 36

Filipino Translations by other Authors


Filipino Translation By Abdullatif Eduardo M. Arceo
Filipino Translation By Www.islamhouse.com
Popular Areas
Apartments for rent in Dubai Apartments for rent Abu Dhabi Villas for rent in Dubai House for rent Abu Dhabi Apartments for sale in Dubai Apartments for sale in Abu Dhabi Flat for rent Sharjah
Popular Searches
Studios for rent in UAE Apartments for rent in UAE Villas for rent in UAE Apartments for sale in UAE Villas for sale in UAE Land for sale in UAE Dubai Real Estate
Trending Areas
Apartments for rent in Dubai Marina Apartments for sale in Dubai Marina Villa for rent in Sharjah Villa for sale in Dubai Flat for rent in Ajman Studio for rent in Abu Dhabi Villa for rent in Ajman
Trending Searches
Villa for rent in Abu Dhabi Shop for rent in Dubai Villas for sale in Ajman Studio for rent in Sharjah 1 Bedroom Apartment for rent in Dubai Property for rent in Abu Dhabi Commercial properties for sale
© Copyright Dubai Prayer Time. All Rights Reserved
Designed by Prayer Time In Dubai