UAE Prayer Times

  • Dubai
  • Abu Dhabi
  • Sharjah
  • Ajman
  • Fujairah
  • Umm Al Quwain
  • Ras Al Khaimah
  • Quran Translations

Surah Ya-Seen - Filipino Translation by Www.islamhouse.com


يسٓ

Yā. Sīn
Surah Ya-Seen, Verse 1


وَٱلۡقُرۡءَانِ ٱلۡحَكِيمِ

Sumpa man sa Qur’ān na marunong
Surah Ya-Seen, Verse 2


إِنَّكَ لَمِنَ ٱلۡمُرۡسَلِينَ

tunay na ikaw ay talagang kabilang sa mga isinugo
Surah Ya-Seen, Verse 3


عَلَىٰ صِرَٰطٖ مُّسۡتَقِيمٖ

batay sa isang landasing tuwid
Surah Ya-Seen, Verse 4


تَنزِيلَ ٱلۡعَزِيزِ ٱلرَّحِيمِ

bilang pagbababa ng Makapangyarihan, Maawain
Surah Ya-Seen, Verse 5


لِتُنذِرَ قَوۡمٗا مَّآ أُنذِرَ ءَابَآؤُهُمۡ فَهُمۡ غَٰفِلُونَ

upang magbabala ka sa mga tao na hindi binalaan ang mga ninuno nila, kaya sila ay mga nalilingat
Surah Ya-Seen, Verse 6


لَقَدۡ حَقَّ ٱلۡقَوۡلُ عَلَىٰٓ أَكۡثَرِهِمۡ فَهُمۡ لَا يُؤۡمِنُونَ

Talaga ngang nagkatotoo ang sabi sa higit na marami sa kanila, kaya sila ay hindi sumasampalataya
Surah Ya-Seen, Verse 7


إِنَّا جَعَلۡنَا فِيٓ أَعۡنَٰقِهِمۡ أَغۡلَٰلٗا فَهِيَ إِلَى ٱلۡأَذۡقَانِ فَهُم مُّقۡمَحُونَ

Tunay na Kami ay naglagay sa mga leeg nila ng mga kulyar saka ang mga ito ay hanggang sa mga baba nila, kaya sila ay mga pinatitingala
Surah Ya-Seen, Verse 8


وَجَعَلۡنَا مِنۢ بَيۡنِ أَيۡدِيهِمۡ سَدّٗا وَمِنۡ خَلۡفِهِمۡ سَدّٗا فَأَغۡشَيۡنَٰهُمۡ فَهُمۡ لَا يُبۡصِرُونَ

Naglagay Kami sa harapan nila ng isang sagabal at sa likuran nila ng isang sagabal, saka bumalot Kami sa kanila kaya sila ay hindi nakakikita
Surah Ya-Seen, Verse 9


وَسَوَآءٌ عَلَيۡهِمۡ ءَأَنذَرۡتَهُمۡ أَمۡ لَمۡ تُنذِرۡهُمۡ لَا يُؤۡمِنُونَ

Magkapantay sa kanila na nagbabala ka man sa kanila o hindi ka nagbabala sa kanila: hindi sila sumasampalataya
Surah Ya-Seen, Verse 10


إِنَّمَا تُنذِرُ مَنِ ٱتَّبَعَ ٱلذِّكۡرَ وَخَشِيَ ٱلرَّحۡمَٰنَ بِٱلۡغَيۡبِۖ فَبَشِّرۡهُ بِمَغۡفِرَةٖ وَأَجۡرٖ كَرِيمٍ

Makapagbabala ka lamang sa sinumang sumunod sa paalaala at natakot sa Napakamaawain nang lingid. Kaya magbalita ka ng nakagagalak sa kanya hinggil sa isang kapatawaran at isang pabuyang marangal
Surah Ya-Seen, Verse 11


إِنَّا نَحۡنُ نُحۡيِ ٱلۡمَوۡتَىٰ وَنَكۡتُبُ مَا قَدَّمُواْ وَءَاثَٰرَهُمۡۚ وَكُلَّ شَيۡءٍ أَحۡصَيۡنَٰهُ فِيٓ إِمَامٖ مُّبِينٖ

Tunay na Kami ay nagbibigay-buhay sa mga patay at nagtatala ng anumang ipinauna nila at mga bakas nila. Sa bawat bagay ay nag-isa-isa Kami sa isang talaang malinaw
Surah Ya-Seen, Verse 12


وَٱضۡرِبۡ لَهُم مَّثَلًا أَصۡحَٰبَ ٱلۡقَرۡيَةِ إِذۡ جَآءَهَا ٱلۡمُرۡسَلُونَ

Maglahad ka para sa kanila ng isang paghahalintulad: ang mga naninirahan sa pamayanan noong dumating doon ang mga isinugo
Surah Ya-Seen, Verse 13


إِذۡ أَرۡسَلۡنَآ إِلَيۡهِمُ ٱثۡنَيۡنِ فَكَذَّبُوهُمَا فَعَزَّزۡنَا بِثَالِثٖ فَقَالُوٓاْ إِنَّآ إِلَيۡكُم مُّرۡسَلُونَ

noong nagsugo Kami sa kanila ng dalawa ngunit nagpasinungaling sila sa kanilang dalawa kaya kinatigan Namin ng ikatlo, saka nagsabi sila: "Tunay na kami sa inyo ay mga isinugo
Surah Ya-Seen, Verse 14


قَالُواْ مَآ أَنتُمۡ إِلَّا بَشَرٞ مِّثۡلُنَا وَمَآ أَنزَلَ ٱلرَّحۡمَٰنُ مِن شَيۡءٍ إِنۡ أَنتُمۡ إِلَّا تَكۡذِبُونَ

Nagsabi ang mga iyon: "Walang iba kayo kundi mga taong tulad namin. Hindi nagpababa ang Napakamaawain ng anuman. Walang iba kayo kundi nagsisinungaling
Surah Ya-Seen, Verse 15


قَالُواْ رَبُّنَا يَعۡلَمُ إِنَّآ إِلَيۡكُمۡ لَمُرۡسَلُونَ

Nagsabi sila: "Ang Panginoon namin ay nakaaalam na tunay na Kami sa inyo ay talagang mga isinugo
Surah Ya-Seen, Verse 16


وَمَا عَلَيۡنَآ إِلَّا ٱلۡبَلَٰغُ ٱلۡمُبِينُ

Walang kailangan sa Amin kundi ang pagpapaabot na malinaw
Surah Ya-Seen, Verse 17


قَالُوٓاْ إِنَّا تَطَيَّرۡنَا بِكُمۡۖ لَئِن لَّمۡ تَنتَهُواْ لَنَرۡجُمَنَّكُمۡ وَلَيَمَسَّنَّكُم مِّنَّا عَذَابٌ أَلِيمٞ

Nagsabi ang mga iyon: "Tunay na kami ay nagtuturing ng kamalasan sa inyo. Talagang kung hindi kayo titigil ay talagang babatuhin nga namin kayo at talagang sasalingin nga kayo mula sa amin ng isang pagdurusang masakit
Surah Ya-Seen, Verse 18


قَالُواْ طَـٰٓئِرُكُم مَّعَكُمۡ أَئِن ذُكِّرۡتُمۚ بَلۡ أَنتُمۡ قَوۡمٞ مُّسۡرِفُونَ

Nagsabi sila: "Ang kamalasan ninyo ay kasama sa inyo. [Kamalasan] ba kung pinaalalahanan kayo? Bagkus kayo ay mga taong nagmamalabis
Surah Ya-Seen, Verse 19


وَجَآءَ مِنۡ أَقۡصَا ٱلۡمَدِينَةِ رَجُلٞ يَسۡعَىٰ قَالَ يَٰقَوۡمِ ٱتَّبِعُواْ ٱلۡمُرۡسَلِينَ

May dumating mula sa pinakaliblib ng lungsod na isang lalaking tumatakbo, na nagsabi: "O mga kababayan ko, sumunod kayo sa mga isinugo
Surah Ya-Seen, Verse 20


ٱتَّبِعُواْ مَن لَّا يَسۡـَٔلُكُمۡ أَجۡرٗا وَهُم مُّهۡتَدُونَ

Sumunod kayo sa mga hindi humihingi sa inyo ng isang pabuya at sila ay mga napapatnubayan
Surah Ya-Seen, Verse 21


وَمَالِيَ لَآ أَعۡبُدُ ٱلَّذِي فَطَرَنِي وَإِلَيۡهِ تُرۡجَعُونَ

Ano ang mayroon sa akin na hindi ako sumasamba sa lumalang sa akin at tungo sa Kanya pababalikin kayo
Surah Ya-Seen, Verse 22


ءَأَتَّخِذُ مِن دُونِهِۦٓ ءَالِهَةً إِن يُرِدۡنِ ٱلرَّحۡمَٰنُ بِضُرّٖ لَّا تُغۡنِ عَنِّي شَفَٰعَتُهُمۡ شَيۡـٔٗا وَلَا يُنقِذُونِ

Gagawa ba ako ng bukod pa sa Kanya bilang mga diyos? Kung magnanais sa akin ang Napakamaawain ng isang pinsala ay hindi makapagdudulot sa akin ang pamamagitan nila ng anuman at hindi sila makasasagip sa akin
Surah Ya-Seen, Verse 23


إِنِّيٓ إِذٗا لَّفِي ضَلَٰلٖ مُّبِينٍ

Tunay na ako, samakatuwid, ay talagang nasa isang pagkaligaw na malinaw
Surah Ya-Seen, Verse 24


إِنِّيٓ ءَامَنتُ بِرَبِّكُمۡ فَٱسۡمَعُونِ

Tunay na ako ay sumampalataya sa Panginoon ninyo, kaya makinig kayo sa akin
Surah Ya-Seen, Verse 25


قِيلَ ٱدۡخُلِ ٱلۡجَنَّةَۖ قَالَ يَٰلَيۡتَ قَوۡمِي يَعۡلَمُونَ

Sasabihin: "Pumasok ka sa paraiso." Magsasabi siya: "O kung sana ang mga kababayan ko ay nakaaalam
Surah Ya-Seen, Verse 26


بِمَا غَفَرَ لِي رَبِّي وَجَعَلَنِي مِنَ ٱلۡمُكۡرَمِينَ

sa pagpapatawad sa akin ng Panginoon ko at paggawa Niya sa akin kabilang sa mga pinararangalan
Surah Ya-Seen, Verse 27


۞وَمَآ أَنزَلۡنَا عَلَىٰ قَوۡمِهِۦ مِنۢ بَعۡدِهِۦ مِن جُندٖ مِّنَ ٱلسَّمَآءِ وَمَا كُنَّا مُنزِلِينَ

Hindi Kami nagpababa sa mga kababayan niya nang matapos niya ng anumang mga kawal mula sa langit at hindi nangyaring Kami ay magpapababa
Surah Ya-Seen, Verse 28


إِن كَانَتۡ إِلَّا صَيۡحَةٗ وَٰحِدَةٗ فَإِذَا هُمۡ خَٰمِدُونَ

Walang iba iyon kundi nag-iisang hiyaw saka biglang sila ay mga nalipol
Surah Ya-Seen, Verse 29


يَٰحَسۡرَةً عَلَى ٱلۡعِبَادِۚ مَا يَأۡتِيهِم مِّن رَّسُولٍ إِلَّا كَانُواْ بِهِۦ يَسۡتَهۡزِءُونَ

O isang panghihinayang sa mga lingkod. Walang pumunta sa kanila na anumang sugo malibang sila dati ay nangungutya
Surah Ya-Seen, Verse 30


أَلَمۡ يَرَوۡاْ كَمۡ أَهۡلَكۡنَا قَبۡلَهُم مِّنَ ٱلۡقُرُونِ أَنَّهُمۡ إِلَيۡهِمۡ لَا يَرۡجِعُونَ

Hindi ba sila nagsaalang-alang kung ilan ang ipinahamak Namin bago nila kabilang sa mga salinlahi – na ang mga iyon tungo sa kanila ay hindi babalik
Surah Ya-Seen, Verse 31


وَإِن كُلّٞ لَّمَّا جَمِيعٞ لَّدَيۡنَا مُحۡضَرُونَ

Walang iba ang bawat isa kundi lahat sa harap Namin mga padadaluhin
Surah Ya-Seen, Verse 32


وَءَايَةٞ لَّهُمُ ٱلۡأَرۡضُ ٱلۡمَيۡتَةُ أَحۡيَيۡنَٰهَا وَأَخۡرَجۡنَا مِنۡهَا حَبّٗا فَمِنۡهُ يَأۡكُلُونَ

Isang tanda para sa kanila ang lupang patay; nagbigay-buhay Kami rito at nagpalabas Kami mula rito ng mga butil, saka mula rito ay kumakain sila
Surah Ya-Seen, Verse 33


وَجَعَلۡنَا فِيهَا جَنَّـٰتٖ مِّن نَّخِيلٖ وَأَعۡنَٰبٖ وَفَجَّرۡنَا فِيهَا مِنَ ٱلۡعُيُونِ

Gumawa Kami rito ng mga hardin ng datiles at mga ubas at nagpabulwak Kami rito ng mga bukal
Surah Ya-Seen, Verse 34


لِيَأۡكُلُواْ مِن ثَمَرِهِۦ وَمَا عَمِلَتۡهُ أَيۡدِيهِمۡۚ أَفَلَا يَشۡكُرُونَ

upang kumain sila mula sa bunga nito. Hindi gumawa sa mga ito ang mga kamay nila. Kaya hindi ba sila magpapasalamat
Surah Ya-Seen, Verse 35


سُبۡحَٰنَ ٱلَّذِي خَلَقَ ٱلۡأَزۡوَٰجَ كُلَّهَا مِمَّا تُنۢبِتُ ٱلۡأَرۡضُ وَمِنۡ أَنفُسِهِمۡ وَمِمَّا لَا يَعۡلَمُونَ

Kaluwalhatian sa lumikha ng mga uri sa kabuuan ng mga ito mula sa mga pinatutubo ng lupa, mula sa mga sarili nila, at mula sa hindi nila nalalaman
Surah Ya-Seen, Verse 36


وَءَايَةٞ لَّهُمُ ٱلَّيۡلُ نَسۡلَخُ مِنۡهُ ٱلنَّهَارَ فَإِذَا هُم مُّظۡلِمُونَ

Isang tanda para sa kanila ang gabi. Nag-aalis Kami mula rito ng maghapon, kaya biglang sila ay mga napagdidiliman
Surah Ya-Seen, Verse 37


وَٱلشَّمۡسُ تَجۡرِي لِمُسۡتَقَرّٖ لَّهَاۚ ذَٰلِكَ تَقۡدِيرُ ٱلۡعَزِيزِ ٱلۡعَلِيمِ

Ang araw ay umiinog para sa isang pagtitigilan para rito. Iyon ay ang pagtatakda ng Makapangyarihan, Maalam
Surah Ya-Seen, Verse 38


وَٱلۡقَمَرَ قَدَّرۡنَٰهُ مَنَازِلَ حَتَّىٰ عَادَ كَٱلۡعُرۡجُونِ ٱلۡقَدِيمِ

Ang buwan ay nagtakda Kami rito ng mga yugto hanggang sa umulit ito gaya ng buwig na magulang
Surah Ya-Seen, Verse 39


لَا ٱلشَّمۡسُ يَنۢبَغِي لَهَآ أَن تُدۡرِكَ ٱلۡقَمَرَ وَلَا ٱلَّيۡلُ سَابِقُ ٱلنَّهَارِۚ وَكُلّٞ فِي فَلَكٖ يَسۡبَحُونَ

Ang araw ay hindi nararapat para rito na umabot sa buwan at ang gabi ay hindi mauuna sa maghapon. Lahat, sa ikutan, ay lumalangoy
Surah Ya-Seen, Verse 40


وَءَايَةٞ لَّهُمۡ أَنَّا حَمَلۡنَا ذُرِّيَّتَهُمۡ فِي ٱلۡفُلۡكِ ٱلۡمَشۡحُونِ

Isang tanda para sa kanila na Kami ay nagdala sa mga supling nila sa daong na nilulanan
Surah Ya-Seen, Verse 41


وَخَلَقۡنَا لَهُم مِّن مِّثۡلِهِۦ مَا يَرۡكَبُونَ

Lumikha Kami para sa kanila mula sa tulad niyon ng sinasakyan nila
Surah Ya-Seen, Verse 42


وَإِن نَّشَأۡ نُغۡرِقۡهُمۡ فَلَا صَرِيخَ لَهُمۡ وَلَا هُمۡ يُنقَذُونَ

Kung loloobin Namin ay lulunurin Namin sila saka walang [tutugon sa] pagtili para sa kanila ni sila ay sasagipin
Surah Ya-Seen, Verse 43


إِلَّا رَحۡمَةٗ مِّنَّا وَمَتَٰعًا إِلَىٰ حِينٖ

maliban bilang awa mula sa Amin at bilang natatamasa hanggang sa isang panahon
Surah Ya-Seen, Verse 44


وَإِذَا قِيلَ لَهُمُ ٱتَّقُواْ مَا بَيۡنَ أَيۡدِيكُمۡ وَمَا خَلۡفَكُمۡ لَعَلَّكُمۡ تُرۡحَمُونَ

Kapag sinabi sa kanila: "Mangilag kayo sa anumang nasa harapan ninyo at anumang nasa likuran ninyo, nang sa gayon kayo ay kaaawaan
Surah Ya-Seen, Verse 45


وَمَا تَأۡتِيهِم مِّنۡ ءَايَةٖ مِّنۡ ءَايَٰتِ رَبِّهِمۡ إِلَّا كَانُواْ عَنۡهَا مُعۡرِضِينَ

Walang pumupunta sa kanila na isang tanda kabilang sa mga tanda ng Panginoon nila malibang sila noon doon ay mga umaayaw
Surah Ya-Seen, Verse 46


وَإِذَا قِيلَ لَهُمۡ أَنفِقُواْ مِمَّا رَزَقَكُمُ ٱللَّهُ قَالَ ٱلَّذِينَ كَفَرُواْ لِلَّذِينَ ءَامَنُوٓاْ أَنُطۡعِمُ مَن لَّوۡ يَشَآءُ ٱللَّهُ أَطۡعَمَهُۥٓ إِنۡ أَنتُمۡ إِلَّا فِي ضَلَٰلٖ مُّبِينٖ

Kapag sinabi sa kanila: "Gumugol kayo mula sa itinustos sa inyo ni Allāh," nagsasabi ang mga tumangging sumampalataya sa mga sumampalataya: "Magpapakain ba kami ng sinumang kung sakaling loloobin ni Allāh ay pinakain sana Niya? Walang iba kayo kundi nasa isang pagkaligaw na malinaw
Surah Ya-Seen, Verse 47


وَيَقُولُونَ مَتَىٰ هَٰذَا ٱلۡوَعۡدُ إِن كُنتُمۡ صَٰدِقِينَ

Nagsasabi sila: "Kailan ang pangakong ito kung kayo ay mga tapat
Surah Ya-Seen, Verse 48


مَا يَنظُرُونَ إِلَّا صَيۡحَةٗ وَٰحِدَةٗ تَأۡخُذُهُمۡ وَهُمۡ يَخِصِّمُونَ

Wala silang hinihintay kundi nag-iisang hiyaw na dadaklot sa kanila habang sila ay nag-aalitan
Surah Ya-Seen, Verse 49


فَلَا يَسۡتَطِيعُونَ تَوۡصِيَةٗ وَلَآ إِلَىٰٓ أَهۡلِهِمۡ يَرۡجِعُونَ

Kaya hindi sila makakakaya ng isang pagtatagubilin, ni tungo sa mag-anak nila ay babalik sila
Surah Ya-Seen, Verse 50


وَنُفِخَ فِي ٱلصُّورِ فَإِذَا هُم مِّنَ ٱلۡأَجۡدَاثِ إِلَىٰ رَبِّهِمۡ يَنسِلُونَ

Iihip sa tambuli kaya biglang sila mula sa mga puntod patungo sa Panginoon nila ay magmamatulin
Surah Ya-Seen, Verse 51


قَالُواْ يَٰوَيۡلَنَا مَنۢ بَعَثَنَا مِن مَّرۡقَدِنَاۜۗ هَٰذَا مَا وَعَدَ ٱلرَّحۡمَٰنُ وَصَدَقَ ٱلۡمُرۡسَلُونَ

Magsasabi sila: "O kapighatian sa amin! Sino ang bumuhay na muli sa atin mula sa tulugan natin?" [Sasagutin sila:] "Ito ay ang ipinangako ng Pinakamaawain at nagtapat ang mga isinugo
Surah Ya-Seen, Verse 52


إِن كَانَتۡ إِلَّا صَيۡحَةٗ وَٰحِدَةٗ فَإِذَا هُمۡ جَمِيعٞ لَّدَيۡنَا مُحۡضَرُونَ

Walang iba ito kundi nag-iisang hiyaw saka biglang sila ay isang katipunan, na sa harap Namin mga padadaluhin
Surah Ya-Seen, Verse 53


فَٱلۡيَوۡمَ لَا تُظۡلَمُ نَفۡسٞ شَيۡـٔٗا وَلَا تُجۡزَوۡنَ إِلَّا مَا كُنتُمۡ تَعۡمَلُونَ

Kaya sa araw na ito walang lalabagin sa katarungan na isang kaluluwa sa anuman at hindi kayo gagantihan malibang ayon sa dati ninyong ginagawa
Surah Ya-Seen, Verse 54


إِنَّ أَصۡحَٰبَ ٱلۡجَنَّةِ ٱلۡيَوۡمَ فِي شُغُلٖ فَٰكِهُونَ

Tunay na ang mga maninirahan sa Paraiso, sa Araw na iyon, ay nasa pagkaabala, na mga nagpapasarap
Surah Ya-Seen, Verse 55


هُمۡ وَأَزۡوَٰجُهُمۡ فِي ظِلَٰلٍ عَلَى ٱلۡأَرَآئِكِ مُتَّكِـُٔونَ

Sila at ang mga asawa nila ay nasa lilim, na sa mga kama mga nakasandal
Surah Ya-Seen, Verse 56


لَهُمۡ فِيهَا فَٰكِهَةٞ وَلَهُم مَّا يَدَّعُونَ

Magkakaroon sila roon ng bungang-kahoy at magkakaroon sila ng anumang ipananawagan nila
Surah Ya-Seen, Verse 57


سَلَٰمٞ قَوۡلٗا مِّن رَّبّٖ رَّحِيمٖ

Kapayapaan," bilang sabi mula sa isang Panginoong Maawain
Surah Ya-Seen, Verse 58


وَٱمۡتَٰزُواْ ٱلۡيَوۡمَ أَيُّهَا ٱلۡمُجۡرِمُونَ

Mabukod kayo ngayong araw, O mga salarin
Surah Ya-Seen, Verse 59


۞أَلَمۡ أَعۡهَدۡ إِلَيۡكُمۡ يَٰبَنِيٓ ءَادَمَ أَن لَّا تَعۡبُدُواْ ٱلشَّيۡطَٰنَۖ إِنَّهُۥ لَكُمۡ عَدُوّٞ مُّبِينٞ

Hindi ba nag-atas Ako sa inyo, o mga anak ni Adan, na huwag kayong sumamba sa demonyo – tunay na siya para sa inyo ay isang kaaway na malinaw –
Surah Ya-Seen, Verse 60


وَأَنِ ٱعۡبُدُونِيۚ هَٰذَا صِرَٰطٞ مُّسۡتَقِيمٞ

at na sumamba kayo sa Akin? Ito ay isang landasing tuwid
Surah Ya-Seen, Verse 61


وَلَقَدۡ أَضَلَّ مِنكُمۡ جِبِلّٗا كَثِيرًاۖ أَفَلَمۡ تَكُونُواْ تَعۡقِلُونَ

Talaga ngang nagligaw siya mula sa inyo ng kinapal na marami. Kaya hindi ba nangyaring kayo ay nakapag-uunawa
Surah Ya-Seen, Verse 62


هَٰذِهِۦ جَهَنَّمُ ٱلَّتِي كُنتُمۡ تُوعَدُونَ

Ito ay Impiyerno na dati kayong pinangangakuan
Surah Ya-Seen, Verse 63


ٱصۡلَوۡهَا ٱلۡيَوۡمَ بِمَا كُنتُمۡ تَكۡفُرُونَ

Masunog kayo rito ngayong araw dahil kayo dati ay tumatangging sumampalataya
Surah Ya-Seen, Verse 64


ٱلۡيَوۡمَ نَخۡتِمُ عَلَىٰٓ أَفۡوَٰهِهِمۡ وَتُكَلِّمُنَآ أَيۡدِيهِمۡ وَتَشۡهَدُ أَرۡجُلُهُم بِمَا كَانُواْ يَكۡسِبُونَ

Sa Araw na iyon, magpipinid Kami sa mga bibig nila at magsasalita sa Amin ang mga kamay nila at sasaksi ang mga paa nila hinggil sa dati nilang kinakamit
Surah Ya-Seen, Verse 65


وَلَوۡ نَشَآءُ لَطَمَسۡنَا عَلَىٰٓ أَعۡيُنِهِمۡ فَٱسۡتَبَقُواْ ٱلصِّرَٰطَ فَأَنَّىٰ يُبۡصِرُونَ

Kung sakaling niloloob Namin ay talaga sanang pumawi Kami sa mga mata nila saka mag-uunahan sila sa landasin ngunit paano silang makakikita
Surah Ya-Seen, Verse 66


وَلَوۡ نَشَآءُ لَمَسَخۡنَٰهُمۡ عَلَىٰ مَكَانَتِهِمۡ فَمَا ٱسۡتَطَٰعُواْ مُضِيّٗا وَلَا يَرۡجِعُونَ

Kung sakaling niloloob Namin ay talaga sanang nagpabagong-anyo Kami sa kanila sa kinaroroonan nila kaya hindi sila makakakaya ng isang paglisan at hindi sila babalik
Surah Ya-Seen, Verse 67


وَمَن نُّعَمِّرۡهُ نُنَكِّسۡهُ فِي ٱلۡخَلۡقِۚ أَفَلَا يَعۡقِلُونَ

Ang sinumang pinatatanda Namin ay babaliktarin Namin siya sa pagkakalikha. Kaya hindi ba sila nakapag-uunawa
Surah Ya-Seen, Verse 68


وَمَا عَلَّمۡنَٰهُ ٱلشِّعۡرَ وَمَا يَنۢبَغِي لَهُۥٓۚ إِنۡ هُوَ إِلَّا ذِكۡرٞ وَقُرۡءَانٞ مُّبِينٞ

Hindi Kami nagturo sa kanya ng tula at hindi iyon nararapat para sa kanya. Walang iba ito kundi isang paalaala at isang Qur'ān na malinaw
Surah Ya-Seen, Verse 69


لِّيُنذِرَ مَن كَانَ حَيّٗا وَيَحِقَّ ٱلۡقَوۡلُ عَلَى ٱلۡكَٰفِرِينَ

upang magbabala sa sinumang siya ay buhay at [upang] magindapat ang hatol sa mga tagatangging sumampalataya
Surah Ya-Seen, Verse 70


أَوَلَمۡ يَرَوۡاْ أَنَّا خَلَقۡنَا لَهُم مِّمَّا عَمِلَتۡ أَيۡدِينَآ أَنۡعَٰمٗا فَهُمۡ لَهَا مَٰلِكُونَ

Hindi ba sila nakaalam na Kami ay lumikha para sa kanila mula sa ginawa ng mga kamay Namin na mga hayupan kaya sila sa mga ito ay mga tagapagmay-ari
Surah Ya-Seen, Verse 71


وَذَلَّلۡنَٰهَا لَهُمۡ فَمِنۡهَا رَكُوبُهُمۡ وَمِنۡهَا يَأۡكُلُونَ

Nagpaamo Kami sa mga ito para sa kanila kaya ilan sa mga ito ay mga sasakyan nila at ilan sa mga ito ay kinakain nila
Surah Ya-Seen, Verse 72


وَلَهُمۡ فِيهَا مَنَٰفِعُ وَمَشَارِبُۚ أَفَلَا يَشۡكُرُونَ

Para sa kanila sa mga ito ay mga pakinabang at mga inumin. Kaya hindi ba sila magpapasalamat
Surah Ya-Seen, Verse 73


وَٱتَّخَذُواْ مِن دُونِ ٱللَّهِ ءَالِهَةٗ لَّعَلَّهُمۡ يُنصَرُونَ

Gumawa sila sa bukod pa kay Allāh ng mga diyos, nang sa gayon sila ay iaadya
Surah Ya-Seen, Verse 74


لَا يَسۡتَطِيعُونَ نَصۡرَهُمۡ وَهُمۡ لَهُمۡ جُندٞ مُّحۡضَرُونَ

Hindi nakakakaya ang mga ito ng pag-aadya sa kanila samantalang sila para sa mga ito ay mga kawal na padadaluhin
Surah Ya-Seen, Verse 75


فَلَا يَحۡزُنكَ قَوۡلُهُمۡۘ إِنَّا نَعۡلَمُ مَا يُسِرُّونَ وَمَا يُعۡلِنُونَ

Kaya huwag magpalungkot sa iyo ang sabi nila; tunay na Kami ay nakaaalam sa anumang inililihim nila at anumang inihahayag nila
Surah Ya-Seen, Verse 76


أَوَلَمۡ يَرَ ٱلۡإِنسَٰنُ أَنَّا خَلَقۡنَٰهُ مِن نُّطۡفَةٖ فَإِذَا هُوَ خَصِيمٞ مُّبِينٞ

Hindi ba nakaalam ang tao na Kami ay lumikha sa kanya mula sa isang patak saka biglang siya ay isang kaalitang malinaw
Surah Ya-Seen, Verse 77


وَضَرَبَ لَنَا مَثَلٗا وَنَسِيَ خَلۡقَهُۥۖ قَالَ مَن يُحۡيِ ٱلۡعِظَٰمَ وَهِيَ رَمِيمٞ

Naglahad siya para sa Amin ng isang paghahalintulad at nakalimot siya sa pagkalikha sa kanya. Nagsabi siya: "Sino ang magbibigay-buhay sa mga buto samantalang ang mga ito ay bulok na
Surah Ya-Seen, Verse 78


قُلۡ يُحۡيِيهَا ٱلَّذِيٓ أَنشَأَهَآ أَوَّلَ مَرَّةٖۖ وَهُوَ بِكُلِّ خَلۡقٍ عَلِيمٌ

Sabihin mo: "Magbibigay-buhay sa mga ito ang nagpaluwal sa mga ito sa unang pagkakataon; at Siya sa bawat nilikha ay Maalam
Surah Ya-Seen, Verse 79


ٱلَّذِي جَعَلَ لَكُم مِّنَ ٱلشَّجَرِ ٱلۡأَخۡضَرِ نَارٗا فَإِذَآ أَنتُم مِّنۡهُ تُوقِدُونَ

[Siya] ang gumawa para sa inyo mula sa mga punong-kahoy na luntian ng isang apoy, saka biglang kayo mula sa mga ito ay nagpapaningas
Surah Ya-Seen, Verse 80


أَوَلَيۡسَ ٱلَّذِي خَلَقَ ٱلسَّمَٰوَٰتِ وَٱلۡأَرۡضَ بِقَٰدِرٍ عَلَىٰٓ أَن يَخۡلُقَ مِثۡلَهُمۚ بَلَىٰ وَهُوَ ٱلۡخَلَّـٰقُ ٱلۡعَلِيمُ

Hindi ba ang lumikha ng mga langit at lupa ay nakakakayang lumikha ng tulad nila? Oo, at Siya ay ang Palalikha, ang Maalam
Surah Ya-Seen, Verse 81


إِنَّمَآ أَمۡرُهُۥٓ إِذَآ أَرَادَ شَيۡـًٔا أَن يَقُولَ لَهُۥ كُن فَيَكُونُ

Tanging ang utos Niya, kapag nagnais Siya ng isang bagay, ay na magsabi rito: "Mangyari," saka mangyayari ito
Surah Ya-Seen, Verse 82


فَسُبۡحَٰنَ ٱلَّذِي بِيَدِهِۦ مَلَكُوتُ كُلِّ شَيۡءٖ وَإِلَيۡهِ تُرۡجَعُونَ

Kaya kaluwalhatian sa Kanya na nasa kamay Niya ang pagkahari sa bawat bagay, at tungo sa Kanya pababalikin kayo
Surah Ya-Seen, Verse 83


Author: Www.islamhouse.com


<< Surah 35
>> Surah 37

Filipino Translations by other Authors


Filipino Translation By Abdullatif Eduardo M. Arceo
Filipino Translation By Www.islamhouse.com
Popular Areas
Apartments for rent in Dubai Apartments for rent Abu Dhabi Villas for rent in Dubai House for rent Abu Dhabi Apartments for sale in Dubai Apartments for sale in Abu Dhabi Flat for rent Sharjah
Popular Searches
Studios for rent in UAE Apartments for rent in UAE Villas for rent in UAE Apartments for sale in UAE Villas for sale in UAE Land for sale in UAE Dubai Real Estate
Trending Areas
Apartments for rent in Dubai Marina Apartments for sale in Dubai Marina Villa for rent in Sharjah Villa for sale in Dubai Flat for rent in Ajman Studio for rent in Abu Dhabi Villa for rent in Ajman
Trending Searches
Villa for rent in Abu Dhabi Shop for rent in Dubai Villas for sale in Ajman Studio for rent in Sharjah 1 Bedroom Apartment for rent in Dubai Property for rent in Abu Dhabi Commercial properties for sale
© Copyright Dubai Prayer Time. All Rights Reserved
Designed by Prayer Time In Dubai