UAE Prayer Times

  • Dubai
  • Abu Dhabi
  • Sharjah
  • Ajman
  • Fujairah
  • Umm Al Quwain
  • Ras Al Khaimah
  • Quran Translations

Surah As-Saaffat - Filipino Translation by Www.islamhouse.com


وَٱلصَّـٰٓفَّـٰتِ صَفّٗا

Sumpa man sa mga [anghel na] nakahanay sa isang hanay
Surah As-Saaffat, Verse 1


فَٱلزَّـٰجِرَٰتِ زَجۡرٗا

saka sa mga tagapagtaboy sa isang pagtataboy
Surah As-Saaffat, Verse 2


فَٱلتَّـٰلِيَٰتِ ذِكۡرًا

saka sa mga bumibigkas ng isang paalaala
Surah As-Saaffat, Verse 3


إِنَّ إِلَٰهَكُمۡ لَوَٰحِدٞ

tunay na ang Diyos ninyo ay talagang nag-iisa
Surah As-Saaffat, Verse 4


رَّبُّ ٱلسَّمَٰوَٰتِ وَٱلۡأَرۡضِ وَمَا بَيۡنَهُمَا وَرَبُّ ٱلۡمَشَٰرِقِ

ang Panginoon ng mga langit at lupa at anumang nasa pagitan ng mga ito at ang Panginoon ng mga silangan
Surah As-Saaffat, Verse 5


إِنَّا زَيَّنَّا ٱلسَّمَآءَ ٱلدُّنۡيَا بِزِينَةٍ ٱلۡكَوَاكِبِ

Tunay na Kami ay gumayak sa langit na pinakamababa ng gayak: ang mga tala
Surah As-Saaffat, Verse 6


وَحِفۡظٗا مِّن كُلِّ شَيۡطَٰنٖ مَّارِدٖ

at bilang pangangalaga laban sa bawat demonyong naghihimagsik
Surah As-Saaffat, Verse 7


لَّا يَسَّمَّعُونَ إِلَى ٱلۡمَلَإِ ٱلۡأَعۡلَىٰ وَيُقۡذَفُونَ مِن كُلِّ جَانِبٖ

Hindi sila nakikinig-kinig sa konsehong pinakamataas [malibang] habang pinupukol sila mula sa bawat gilid
Surah As-Saaffat, Verse 8


دُحُورٗاۖ وَلَهُمۡ عَذَابٞ وَاصِبٌ

sa isang pagpapalayas. Ukol sa mga ito ay isang pagdurusang palagian
Surah As-Saaffat, Verse 9


إِلَّا مَنۡ خَطِفَ ٱلۡخَطۡفَةَ فَأَتۡبَعَهُۥ شِهَابٞ ثَاقِبٞ

maliban sa sinumang humahablot ng hablot ngunit sinusundan siya ng isang ningas na nanunuot
Surah As-Saaffat, Verse 10


فَٱسۡتَفۡتِهِمۡ أَهُمۡ أَشَدُّ خَلۡقًا أَم مَّنۡ خَلَقۡنَآۚ إِنَّا خَلَقۡنَٰهُم مِّن طِينٖ لَّازِبِۭ

Kaya magpahabilin ka sa kanila: "Sila ba ay higit na matindi sa pagkakalikha o ang [ibang] nilikha Namin?" Tunay na Kami ay lumikha sa kanila mula sa isang putik na malagkit
Surah As-Saaffat, Verse 11


بَلۡ عَجِبۡتَ وَيَسۡخَرُونَ

Bagkus namangha ka habang nanunuya sila
Surah As-Saaffat, Verse 12


وَإِذَا ذُكِّرُواْ لَا يَذۡكُرُونَ

Kapag pinaalalahanan sila ay hindi sila nag-aalaala
Surah As-Saaffat, Verse 13


وَإِذَا رَأَوۡاْ ءَايَةٗ يَسۡتَسۡخِرُونَ

Kapag nakakita sila ng isang tanda ay ipinatutuya nila
Surah As-Saaffat, Verse 14


وَقَالُوٓاْ إِنۡ هَٰذَآ إِلَّا سِحۡرٞ مُّبِينٌ

Nagsasabi sila: "Walang iba ito kundi isang panggagaway na malinaw
Surah As-Saaffat, Verse 15


أَءِذَا مِتۡنَا وَكُنَّا تُرَابٗا وَعِظَٰمًا أَءِنَّا لَمَبۡعُوثُونَ

Kapag namatay ba kami at kami ay naging alabok at mga buto, tunay bang kami ay talagang mga bubuhayin
Surah As-Saaffat, Verse 16


أَوَءَابَآؤُنَا ٱلۡأَوَّلُونَ

at ang mga ninuno ba naming sinauna
Surah As-Saaffat, Verse 17


قُلۡ نَعَمۡ وَأَنتُمۡ دَٰخِرُونَ

Sabihin mo: "Oo, at kayo ay mga aabahin
Surah As-Saaffat, Verse 18


فَإِنَّمَا هِيَ زَجۡرَةٞ وَٰحِدَةٞ فَإِذَا هُمۡ يَنظُرُونَ

Saka ito ay nag-iisang bulyaw lamang, saka biglang sila ay nakatingin
Surah As-Saaffat, Verse 19


وَقَالُواْ يَٰوَيۡلَنَا هَٰذَا يَوۡمُ ٱلدِّينِ

Magsasabi sila: "O kapighatian sa amin! Ito ay ang Araw ng Paggantimpala
Surah As-Saaffat, Verse 20


هَٰذَا يَوۡمُ ٱلۡفَصۡلِ ٱلَّذِي كُنتُم بِهِۦ تُكَذِّبُونَ

Ito ay ang Araw ng Pagpapasya na kayo dati dito ay nagpapasinungaling
Surah As-Saaffat, Verse 21


۞ٱحۡشُرُواْ ٱلَّذِينَ ظَلَمُواْ وَأَزۡوَٰجَهُمۡ وَمَا كَانُواْ يَعۡبُدُونَ

[Sasabihin]: "Kalapin ninyo ang mga lumabag sa katarungan, ang mga kauri nila, at ang anumang dati nilang sinasamba
Surah As-Saaffat, Verse 22


مِن دُونِ ٱللَّهِ فَٱهۡدُوهُمۡ إِلَىٰ صِرَٰطِ ٱلۡجَحِيمِ

bukod pa kay Allāh, saka patnubayan ninyo sila tungo sa landasin ng Impiyerno
Surah As-Saaffat, Verse 23


وَقِفُوهُمۡۖ إِنَّهُم مَّسۡـُٔولُونَ

at patigilin ninyo sila; tunay na sila ay mga pananagutin
Surah As-Saaffat, Verse 24


مَا لَكُمۡ لَا تَنَاصَرُونَ

[Sasabihin]: "Ano ang mayroon sa inyo na hindi kayo nag-aadyaan
Surah As-Saaffat, Verse 25


بَلۡ هُمُ ٱلۡيَوۡمَ مُسۡتَسۡلِمُونَ

Bagkus sila sa Araw na iyon ay mga susuko
Surah As-Saaffat, Verse 26


وَأَقۡبَلَ بَعۡضُهُمۡ عَلَىٰ بَعۡضٖ يَتَسَآءَلُونَ

Lalapit ang iba sa kanila sa iba pa, na nagtatanungan
Surah As-Saaffat, Verse 27


قَالُوٓاْ إِنَّكُمۡ كُنتُمۡ تَأۡتُونَنَا عَنِ ٱلۡيَمِينِ

Magsasabi sila: "Tunay kayo ay dating pumupunta sa amin buhat sa kanan
Surah As-Saaffat, Verse 28


قَالُواْ بَل لَّمۡ تَكُونُواْ مُؤۡمِنِينَ

Magsasabi sila: "Bagkus hindi kayo dati mga mananampalataya
Surah As-Saaffat, Verse 29


وَمَا كَانَ لَنَا عَلَيۡكُم مِّن سُلۡطَٰنِۭۖ بَلۡ كُنتُمۡ قَوۡمٗا طَٰغِينَ

Hindi kami nagkaroon sa inyo ng anumang kapamahalaan; bagkus kayo dati ay mga taong tagapagmalabis
Surah As-Saaffat, Verse 30


فَحَقَّ عَلَيۡنَا قَوۡلُ رَبِّنَآۖ إِنَّا لَذَآئِقُونَ

Kaya nagindapat sa atin ang hatol ng Panginoon natin; tunay na tayo ay talagang mga lalasap [ng pagdurusa]
Surah As-Saaffat, Verse 31


فَأَغۡوَيۡنَٰكُمۡ إِنَّا كُنَّا غَٰوِينَ

Kaya naglisya kami sa inyo; tunay na kami ay dating mga nalilisya
Surah As-Saaffat, Verse 32


فَإِنَّهُمۡ يَوۡمَئِذٖ فِي ٱلۡعَذَابِ مُشۡتَرِكُونَ

Kaya tunay na sila sa Araw na iyon sa pagdurusa ay mga lumalahok
Surah As-Saaffat, Verse 33


إِنَّا كَذَٰلِكَ نَفۡعَلُ بِٱلۡمُجۡرِمِينَ

Tunay na Kami ay gagawa ng gayon sa mga salarin
Surah As-Saaffat, Verse 34


إِنَّهُمۡ كَانُوٓاْ إِذَا قِيلَ لَهُمۡ لَآ إِلَٰهَ إِلَّا ٱللَّهُ يَسۡتَكۡبِرُونَ

Tunay na sila dati, kapag sinabi sa kanila na walang Diyos kundi si Allāh, ay nagmamalaki
Surah As-Saaffat, Verse 35


وَيَقُولُونَ أَئِنَّا لَتَارِكُوٓاْ ءَالِهَتِنَا لِشَاعِرٖ مَّجۡنُونِۭ

at nagsasabi: "Tunay na kami ba ay talagang mga mag-iiwan sa mga diyos namin dahil sa isang manunulang baliw
Surah As-Saaffat, Verse 36


بَلۡ جَآءَ بِٱلۡحَقِّ وَصَدَّقَ ٱلۡمُرۡسَلِينَ

Bagkus naghatid siya ng katotohanan at nagpatotoo sa mga isinugo
Surah As-Saaffat, Verse 37


إِنَّكُمۡ لَذَآئِقُواْ ٱلۡعَذَابِ ٱلۡأَلِيمِ

Tunay na kayo ay talagang mga lalasap ng pagdurusang masakit
Surah As-Saaffat, Verse 38


وَمَا تُجۡزَوۡنَ إِلَّا مَا كُنتُمۡ تَعۡمَلُونَ

Hindi kayo gagantihan maliban ng ayon sa dati ninyong ginagawa
Surah As-Saaffat, Verse 39


إِلَّا عِبَادَ ٱللَّهِ ٱلۡمُخۡلَصِينَ

maliban sa mga itinanging lingkod ni Allāh
Surah As-Saaffat, Verse 40


أُوْلَـٰٓئِكَ لَهُمۡ رِزۡقٞ مَّعۡلُومٞ

Ang mga iyon ay may ukol sa kanila na isang panustos na nalalaman
Surah As-Saaffat, Verse 41


فَوَٰكِهُ وَهُم مُّكۡرَمُونَ

mga bungang-kahoy, habang sila ay mga pinararangalan
Surah As-Saaffat, Verse 42


فِي جَنَّـٰتِ ٱلنَّعِيمِ

sa mga hardin ng kaginhawahan
Surah As-Saaffat, Verse 43


عَلَىٰ سُرُرٖ مُّتَقَٰبِلِينَ

sa mga kama na mga magkakaharap
Surah As-Saaffat, Verse 44


يُطَافُ عَلَيۡهِم بِكَأۡسٖ مِّن مَّعِينِۭ

Magpapaikot sa kanila ng kopa mula sa isang [bukal na] umaagos
Surah As-Saaffat, Verse 45


بَيۡضَآءَ لَذَّةٖ لِّلشَّـٰرِبِينَ

na maputi, na kasarapan para sa mga iinom
Surah As-Saaffat, Verse 46


لَا فِيهَا غَوۡلٞ وَلَا هُمۡ عَنۡهَا يُنزَفُونَ

Wala ritong kalanguan at hindi sila buhat dito palalasingin
Surah As-Saaffat, Verse 47


وَعِندَهُمۡ قَٰصِرَٰتُ ٱلطَّرۡفِ عِينٞ

Sa piling nila ay may mga babaing naglilimita ng sulyap, na [may magandang] mga mata
Surah As-Saaffat, Verse 48


كَأَنَّهُنَّ بَيۡضٞ مَّكۡنُونٞ

na para bang sila ay mga itlog na itinatago
Surah As-Saaffat, Verse 49


فَأَقۡبَلَ بَعۡضُهُمۡ عَلَىٰ بَعۡضٖ يَتَسَآءَلُونَ

Kaya lalapit ang iba sa kanila sa iba pa habang nagtatanungan
Surah As-Saaffat, Verse 50


قَالَ قَآئِلٞ مِّنۡهُمۡ إِنِّي كَانَ لِي قَرِينٞ

Sasabihin ng isang magsasabi kabilang sa kanila: "Tunay na ako ay dating may isang kapisan
Surah As-Saaffat, Verse 51


يَقُولُ أَءِنَّكَ لَمِنَ ٱلۡمُصَدِّقِينَ

na nagsasabi: "Tunay na ikaw ba ay talagang kabilang sa mga tagapagpatotoo
Surah As-Saaffat, Verse 52


أَءِذَا مِتۡنَا وَكُنَّا تُرَابٗا وَعِظَٰمًا أَءِنَّا لَمَدِينُونَ

Kapag ba namatay ba kami at kami ay naging alabok at mga buto, tunay bang kami ay talagang mga tutumbasan
Surah As-Saaffat, Verse 53


قَالَ هَلۡ أَنتُم مُّطَّلِعُونَ

Magsasabi ito: "Kayo kaya ay mga titingin
Surah As-Saaffat, Verse 54


فَٱطَّلَعَ فَرَءَاهُ فِي سَوَآءِ ٱلۡجَحِيمِ

Kaya titingin ito saka makikita nito iyon sa kalagitnaan ng Impiyerno
Surah As-Saaffat, Verse 55


قَالَ تَٱللَّهِ إِن كِدتَّ لَتُرۡدِينِ

Magsasabi ito: "Sumpa man kay Allāh, tunay na muntik ka talagang sumawi sa akin
Surah As-Saaffat, Verse 56


وَلَوۡلَا نِعۡمَةُ رَبِّي لَكُنتُ مِنَ ٱلۡمُحۡضَرِينَ

Kung hindi dahil sa biyaya ng Panginoon ko, talaga sanang ako ay naging kabilang na sa mga padadaluhin [sa pagdurusa]
Surah As-Saaffat, Verse 57


أَفَمَا نَحۡنُ بِمَيِّتِينَ

Kaya ba tayo ay hindi mga namatay
Surah As-Saaffat, Verse 58


إِلَّا مَوۡتَتَنَا ٱلۡأُولَىٰ وَمَا نَحۡنُ بِمُعَذَّبِينَ

maliban sa pagkamatay nating una, at tayo ay hindi mga pagdurusahin
Surah As-Saaffat, Verse 59


إِنَّ هَٰذَا لَهُوَ ٱلۡفَوۡزُ ٱلۡعَظِيمُ

Tunay na ito ay talagang ang pagkatamong sukdulan
Surah As-Saaffat, Verse 60


لِمِثۡلِ هَٰذَا فَلۡيَعۡمَلِ ٱلۡعَٰمِلُونَ

Para sa tulad nito ay gumawa ang mga tagagawa
Surah As-Saaffat, Verse 61


أَذَٰلِكَ خَيۡرٞ نُّزُلًا أَمۡ شَجَرَةُ ٱلزَّقُّومِ

Iyon ba ay higit na mabuti bilang tuluyan o ang puno ng zaqqūm
Surah As-Saaffat, Verse 62


إِنَّا جَعَلۡنَٰهَا فِتۡنَةٗ لِّلظَّـٰلِمِينَ

Tunay na Kami ay gumawa roon bilang pagsubok para sa mga tagalabag sa katarungan
Surah As-Saaffat, Verse 63


إِنَّهَا شَجَرَةٞ تَخۡرُجُ فِيٓ أَصۡلِ ٱلۡجَحِيمِ

Tunay na ito ay isang punong-kahoy na lumalabas sa ugat ng Impiyerno
Surah As-Saaffat, Verse 64


طَلۡعُهَا كَأَنَّهُۥ رُءُوسُ ٱلشَّيَٰطِينِ

Ang mga usbong nito ay para bang ang mga iyon ay mga ulo ng mga demonyo
Surah As-Saaffat, Verse 65


فَإِنَّهُمۡ لَأٓكِلُونَ مِنۡهَا فَمَالِـُٔونَ مِنۡهَا ٱلۡبُطُونَ

Saka tunay na sila ay talagang mga kakain mula rito saka mga pupuno mula rito ng mga tiyan
Surah As-Saaffat, Verse 66


ثُمَّ إِنَّ لَهُمۡ عَلَيۡهَا لَشَوۡبٗا مِّنۡ حَمِيمٖ

Pagkatapos tunay na ukol sa kanila higit doon ay talagang isang halo ng nakapapasong tubig
Surah As-Saaffat, Verse 67


ثُمَّ إِنَّ مَرۡجِعَهُمۡ لَإِلَى ٱلۡجَحِيمِ

Pagkatapos tunay na ang babalikan nila ay talagang tungo sa Impiyerno
Surah As-Saaffat, Verse 68


إِنَّهُمۡ أَلۡفَوۡاْ ءَابَآءَهُمۡ ضَآلِّينَ

Tunay na sila ay nakasumpong sa mga magulang nila na mga naliligaw
Surah As-Saaffat, Verse 69


فَهُمۡ عَلَىٰٓ ءَاثَٰرِهِمۡ يُهۡرَعُونَ

Kaya sila sa mga bakas ng mga iyon ay nag-aapura
Surah As-Saaffat, Verse 70


وَلَقَدۡ ضَلَّ قَبۡلَهُمۡ أَكۡثَرُ ٱلۡأَوَّلِينَ

Talaga ngang naligaw bago nila ang higit na marami sa mga sinauna
Surah As-Saaffat, Verse 71


وَلَقَدۡ أَرۡسَلۡنَا فِيهِم مُّنذِرِينَ

Talaga ngang nagsugo Kami sa gitna nila ng mga tagapagbabala
Surah As-Saaffat, Verse 72


فَٱنظُرۡ كَيۡفَ كَانَ عَٰقِبَةُ ٱلۡمُنذَرِينَ

Kaya tumingin ka kung papaano naging ang kinahinatnan ng mga binalaan
Surah As-Saaffat, Verse 73


إِلَّا عِبَادَ ٱللَّهِ ٱلۡمُخۡلَصِينَ

maliban sa mga itinanging lingkod ni Allāh
Surah As-Saaffat, Verse 74


وَلَقَدۡ نَادَىٰنَا نُوحٞ فَلَنِعۡمَ ٱلۡمُجِيبُونَ

Talaga ngang nanawagan sa Amin si Noe, saka talagang kay inam ang Tagatugon
Surah As-Saaffat, Verse 75


وَنَجَّيۡنَٰهُ وَأَهۡلَهُۥ مِنَ ٱلۡكَرۡبِ ٱلۡعَظِيمِ

Nagligtas Kami sa kanya at sa mag-anak niya mula sa dalamhating sukdulan
Surah As-Saaffat, Verse 76


وَجَعَلۡنَا ذُرِّيَّتَهُۥ هُمُ ٱلۡبَاقِينَ

Gumawa Kami sa mga supling niya na sila ay ang mga natitira
Surah As-Saaffat, Verse 77


وَتَرَكۡنَا عَلَيۡهِ فِي ٱلۡأٓخِرِينَ

Nag-iwan Kami para sa kanya sa mga nahuli [ng magandang pagbanggit]
Surah As-Saaffat, Verse 78


سَلَٰمٌ عَلَىٰ نُوحٖ فِي ٱلۡعَٰلَمِينَ

Kapayapaan ay sumakay Noe sa mga nilalang
Surah As-Saaffat, Verse 79


إِنَّا كَذَٰلِكَ نَجۡزِي ٱلۡمُحۡسِنِينَ

Tunay na Kami ay gayon gumaganti sa mga tagagawa ng maganda
Surah As-Saaffat, Verse 80


إِنَّهُۥ مِنۡ عِبَادِنَا ٱلۡمُؤۡمِنِينَ

Tunay na siya ay kabilang sa mga lingkod Naming mga mananampalataya
Surah As-Saaffat, Verse 81


ثُمَّ أَغۡرَقۡنَا ٱلۡأٓخَرِينَ

Pagkatapos nilunod Namin ang mga iba pa
Surah As-Saaffat, Verse 82


۞وَإِنَّ مِن شِيعَتِهِۦ لَإِبۡرَٰهِيمَ

Tunay na kabilang sa kakampi niya ay talagang si Abraham
Surah As-Saaffat, Verse 83


إِذۡ جَآءَ رَبَّهُۥ بِقَلۡبٖ سَلِيمٍ

noong dumating siya sa Panginoon niya nang may pusong malinis
Surah As-Saaffat, Verse 84


إِذۡ قَالَ لِأَبِيهِ وَقَوۡمِهِۦ مَاذَا تَعۡبُدُونَ

noong nagsabi siya sa ama niya at mga kababayan niya: "Ano ang sinasamba ninyo
Surah As-Saaffat, Verse 85


أَئِفۡكًا ءَالِهَةٗ دُونَ ٱللَّهِ تُرِيدُونَ

Isang panlilinlang ba na mga diyos bukod pa kay Allāh ay ninanais ninyo
Surah As-Saaffat, Verse 86


فَمَا ظَنُّكُم بِرَبِّ ٱلۡعَٰلَمِينَ

Kaya ano ang palagay ninyo sa Panginoon ng mga nilalang
Surah As-Saaffat, Verse 87


فَنَظَرَ نَظۡرَةٗ فِي ٱلنُّجُومِ

Kaya tumingin siya nang isang tingin sa mga bituin
Surah As-Saaffat, Verse 88


فَقَالَ إِنِّي سَقِيمٞ

saka nagsabi: "Tunay na ako ay maysakit
Surah As-Saaffat, Verse 89


فَتَوَلَّوۡاْ عَنۡهُ مُدۡبِرِينَ

Kaya tumalikod sila palayo sa kanya habang mga lumilisan
Surah As-Saaffat, Verse 90


فَرَاغَ إِلَىٰٓ ءَالِهَتِهِمۡ فَقَالَ أَلَا تَأۡكُلُونَ

Kaya tumalilis siya sa mga diyos nila saka nagsabi: "Hindi ba kayo kumakain
Surah As-Saaffat, Verse 91


مَا لَكُمۡ لَا تَنطِقُونَ

Ano ang mayroon sa inyo na hindi kayo bumibigkas
Surah As-Saaffat, Verse 92


فَرَاغَ عَلَيۡهِمۡ ضَرۡبَۢا بِٱلۡيَمِينِ

Kaya tumalilis siya laban sa kanila ng isang hampas sa pamamagitan ng kanang kamay
Surah As-Saaffat, Verse 93


فَأَقۡبَلُوٓاْ إِلَيۡهِ يَزِفُّونَ

Kaya lumapit [ang mga mananamba] patungo sa kanya, na kumakaripas
Surah As-Saaffat, Verse 94


قَالَ أَتَعۡبُدُونَ مَا تَنۡحِتُونَ

Nagsabi siya: "Sumasamba ba kayo sa nilililok ninyo
Surah As-Saaffat, Verse 95


وَٱللَّهُ خَلَقَكُمۡ وَمَا تَعۡمَلُونَ

samantalang si Allāh ay lumikha sa inyo at sa ginagawa ninyo
Surah As-Saaffat, Verse 96


قَالُواْ ٱبۡنُواْ لَهُۥ بُنۡيَٰنٗا فَأَلۡقُوهُ فِي ٱلۡجَحِيمِ

Nagsabi sila: "Magpatayo kayo para sa kanya ng isang gusali, saka itapon ninyo siya sa Impiyerno
Surah As-Saaffat, Verse 97


فَأَرَادُواْ بِهِۦ كَيۡدٗا فَجَعَلۡنَٰهُمُ ٱلۡأَسۡفَلِينَ

Kaya nagnais sila sa kanya ng isang pakana, ngunit gumawa Kami sa kanila bilang mga pinakamababa
Surah As-Saaffat, Verse 98


وَقَالَ إِنِّي ذَاهِبٌ إِلَىٰ رَبِّي سَيَهۡدِينِ

Nagsabi siya: "Tunay na ako ay pupunta sa Panginoon ko; magpapatnubay Siya sa akin
Surah As-Saaffat, Verse 99


رَبِّ هَبۡ لِي مِنَ ٱلصَّـٰلِحِينَ

Panginoon ko, magkaloob Ka para sa akin [ng anak] kabilang sa mga maayos
Surah As-Saaffat, Verse 100


فَبَشَّرۡنَٰهُ بِغُلَٰمٍ حَلِيمٖ

Kaya nagbalita Kami sa kanya ng nakagagalak hinggil sa isang batang matimpiin
Surah As-Saaffat, Verse 101


فَلَمَّا بَلَغَ مَعَهُ ٱلسَّعۡيَ قَالَ يَٰبُنَيَّ إِنِّيٓ أَرَىٰ فِي ٱلۡمَنَامِ أَنِّيٓ أَذۡبَحُكَ فَٱنظُرۡ مَاذَا تَرَىٰۚ قَالَ يَـٰٓأَبَتِ ٱفۡعَلۡ مَا تُؤۡمَرُۖ سَتَجِدُنِيٓ إِن شَآءَ ٱللَّهُ مِنَ ٱلصَّـٰبِرِينَ

Kaya noong umabot ito kasama sa kanya sa [gulang ng] pagpupunyagi ay nagsabi siya: "O munting anak ko, tunay na ako ay nakakikita sa pagtulog na ako ay kumakatay sa iyo, kaya tumingin ka kung ano nakikita mo." Nagsabi ito: "O ama ko, gawin mo po ang ipinag-uutos sa iyo. Matatagpuan mo po ako, kung niloob ni Allāh, kabilang sa mga nagtitiis
Surah As-Saaffat, Verse 102


فَلَمَّآ أَسۡلَمَا وَتَلَّهُۥ لِلۡجَبِينِ

Kaya noong nagpasailalim silang dalawa at naglapag siya rito sa noo
Surah As-Saaffat, Verse 103


وَنَٰدَيۡنَٰهُ أَن يَـٰٓإِبۡرَٰهِيمُ

nanawagan Kami sa kanya: "O Abraham
Surah As-Saaffat, Verse 104


قَدۡ صَدَّقۡتَ ٱلرُّءۡيَآۚ إِنَّا كَذَٰلِكَ نَجۡزِي ٱلۡمُحۡسِنِينَ

nagpatotoo ka nga sa panaginip. Tunay na Kami ay gayon gumaganti sa mga tagagawa ng maganda
Surah As-Saaffat, Verse 105


إِنَّ هَٰذَا لَهُوَ ٱلۡبَلَـٰٓؤُاْ ٱلۡمُبِينُ

Tunay na ito ay talagang ang paglilitis na malinaw
Surah As-Saaffat, Verse 106


وَفَدَيۡنَٰهُ بِذِبۡحٍ عَظِيمٖ

Tumubos Kami sa kanya sa pamamagitan ng isang alay na dakila
Surah As-Saaffat, Verse 107


وَتَرَكۡنَا عَلَيۡهِ فِي ٱلۡأٓخِرِينَ

Nag-iwan Kami para sa kanya [ng magandang pagbanggit] sa mga nahuli
Surah As-Saaffat, Verse 108


سَلَٰمٌ عَلَىٰٓ إِبۡرَٰهِيمَ

Kapayapaan ay sumakay Abraham
Surah As-Saaffat, Verse 109


كَذَٰلِكَ نَجۡزِي ٱلۡمُحۡسِنِينَ

Gayon Kami gumaganti sa mga tagagawa ng maganda
Surah As-Saaffat, Verse 110


إِنَّهُۥ مِنۡ عِبَادِنَا ٱلۡمُؤۡمِنِينَ

Tunay na siya ay kabilang sa mga lingkod Naming mga mananampalataya
Surah As-Saaffat, Verse 111


وَبَشَّرۡنَٰهُ بِإِسۡحَٰقَ نَبِيّٗا مِّنَ ٱلصَّـٰلِحِينَ

Nagbalita Kami sa kanya ng nakalulugod hinggil kay Isaac bilang propeta kabilang sa mga maayos
Surah As-Saaffat, Verse 112


وَبَٰرَكۡنَا عَلَيۡهِ وَعَلَىٰٓ إِسۡحَٰقَۚ وَمِن ذُرِّيَّتِهِمَا مُحۡسِنٞ وَظَالِمٞ لِّنَفۡسِهِۦ مُبِينٞ

Pinagpala Namin siya at si Isaac. Kabilang sa mga supling nilang dalawa ay tagagawa ng maganda at malinaw na tagalabag sa katarungan sa sarili nito
Surah As-Saaffat, Verse 113


وَلَقَدۡ مَنَنَّا عَلَىٰ مُوسَىٰ وَهَٰرُونَ

Talagang nagmagandang-loob Kami kina Moises at Aaron
Surah As-Saaffat, Verse 114


وَنَجَّيۡنَٰهُمَا وَقَوۡمَهُمَا مِنَ ٱلۡكَرۡبِ ٱلۡعَظِيمِ

Nagligtas Kami sa kanilang dalawa at sa mag-anak nilang dalawa mula sa dalamhating sukdulan
Surah As-Saaffat, Verse 115


وَنَصَرۡنَٰهُمۡ فَكَانُواْ هُمُ ٱلۡغَٰلِبِينَ

Nag-adya Kami sa kanila kaya sila ay naging ang mga nananaig
Surah As-Saaffat, Verse 116


وَءَاتَيۡنَٰهُمَا ٱلۡكِتَٰبَ ٱلۡمُسۡتَبِينَ

Nagbigay Kami sa kanilang dalawa ng Kasulatang naglilinaw
Surah As-Saaffat, Verse 117


وَهَدَيۡنَٰهُمَا ٱلصِّرَٰطَ ٱلۡمُسۡتَقِيمَ

Nagpatnubay Kami sa kanilang dalawa sa landasing tuwid
Surah As-Saaffat, Verse 118


وَتَرَكۡنَا عَلَيۡهِمَا فِي ٱلۡأٓخِرِينَ

Nag-iwan Kami para sa kanilang dalawa [ng magandang pagbanggit] sa mga nahuli
Surah As-Saaffat, Verse 119


سَلَٰمٌ عَلَىٰ مُوسَىٰ وَهَٰرُونَ

Kapayapaan ay sumakina Moises at Aaron
Surah As-Saaffat, Verse 120


إِنَّا كَذَٰلِكَ نَجۡزِي ٱلۡمُحۡسِنِينَ

Tunay na Kami ay gayon gumaganti sa mga tagagawa ng maganda
Surah As-Saaffat, Verse 121


إِنَّهُمَا مِنۡ عِبَادِنَا ٱلۡمُؤۡمِنِينَ

Tunay na silang dalawa ay kabilang sa mga lingkod Naming mga mananampalataya
Surah As-Saaffat, Verse 122


وَإِنَّ إِلۡيَاسَ لَمِنَ ٱلۡمُرۡسَلِينَ

Tunay na si Elias ay talagang kabilang sa mga isinugo
Surah As-Saaffat, Verse 123


إِذۡ قَالَ لِقَوۡمِهِۦٓ أَلَا تَتَّقُونَ

noong nagsabi siya sa mga kalipi niya: "Hindi ba kayo mangingilag magkasala
Surah As-Saaffat, Verse 124


أَتَدۡعُونَ بَعۡلٗا وَتَذَرُونَ أَحۡسَنَ ٱلۡخَٰلِقِينَ

Dumadalangin ba kayo kay Baal at nagtatatwa kayo sa pinakamagaling sa mga tagalikha
Surah As-Saaffat, Verse 125


ٱللَّهَ رَبَّكُمۡ وَرَبَّ ءَابَآئِكُمُ ٱلۡأَوَّلِينَ

kay Allāh na Panginoon ninyo at Panginoon ng mga ninuno ninyong mga sinauna
Surah As-Saaffat, Verse 126


فَكَذَّبُوهُ فَإِنَّهُمۡ لَمُحۡضَرُونَ

Ngunit nagpasinungaling sila sa kanya kaya tunay na sila ay talagang mga padadaluhin [sa pagdurusa]
Surah As-Saaffat, Verse 127


إِلَّا عِبَادَ ٱللَّهِ ٱلۡمُخۡلَصِينَ

maliban sa mga itinanging lingkod ni Allāh
Surah As-Saaffat, Verse 128


وَتَرَكۡنَا عَلَيۡهِ فِي ٱلۡأٓخِرِينَ

Nag-iwan Kami para sa kanya [ng magandang pagbanggit] sa mga nahuli
Surah As-Saaffat, Verse 129


سَلَٰمٌ عَلَىٰٓ إِلۡ يَاسِينَ

Kapayapaan ay sumakay Elias
Surah As-Saaffat, Verse 130


إِنَّا كَذَٰلِكَ نَجۡزِي ٱلۡمُحۡسِنِينَ

Tunay na Kami ay gayon gumaganti sa mga tagagawa ng maganda
Surah As-Saaffat, Verse 131


إِنَّهُۥ مِنۡ عِبَادِنَا ٱلۡمُؤۡمِنِينَ

Tunay na siya ay kabilang sa mga lingkod Naming mga mananampalataya
Surah As-Saaffat, Verse 132


وَإِنَّ لُوطٗا لَّمِنَ ٱلۡمُرۡسَلِينَ

Tunay na si Lot ay talagang kabilang sa mga isinugo
Surah As-Saaffat, Verse 133


إِذۡ نَجَّيۡنَٰهُ وَأَهۡلَهُۥٓ أَجۡمَعِينَ

noong nagligtas Kami sa kanya at sa mag-anak niya nang magkakasama
Surah As-Saaffat, Verse 134


إِلَّا عَجُوزٗا فِي ٱلۡغَٰبِرِينَ

maliban sa isang matandang babae sa mga nagpapaiwan
Surah As-Saaffat, Verse 135


ثُمَّ دَمَّرۡنَا ٱلۡأٓخَرِينَ

Pagkatapos winasak Namin ang mga iba pa
Surah As-Saaffat, Verse 136


وَإِنَّكُمۡ لَتَمُرُّونَ عَلَيۡهِم مُّصۡبِحِينَ

Tunay na kayo ay talagang nagdaraan sa kanila sa umaga
Surah As-Saaffat, Verse 137


وَبِٱلَّيۡلِۚ أَفَلَا تَعۡقِلُونَ

at sa gabi. Kaya hindi ba kayo nakapag-uunawa
Surah As-Saaffat, Verse 138


وَإِنَّ يُونُسَ لَمِنَ ٱلۡمُرۡسَلِينَ

Tunay na si Jonas ay talagang kabilang sa mga isinugo
Surah As-Saaffat, Verse 139


إِذۡ أَبَقَ إِلَى ٱلۡفُلۡكِ ٱلۡمَشۡحُونِ

noong tumakas siya patungo sa daong na nilulanan
Surah As-Saaffat, Verse 140


فَسَاهَمَ فَكَانَ مِنَ ٱلۡمُدۡحَضِينَ

Kaya nakipagpalabunutan siya ngunit siya ay naging kabilang sa mga natalo
Surah As-Saaffat, Verse 141


فَٱلۡتَقَمَهُ ٱلۡحُوتُ وَهُوَ مُلِيمٞ

Kaya nilamon siya ng isda habang siya ay masisisi
Surah As-Saaffat, Verse 142


فَلَوۡلَآ أَنَّهُۥ كَانَ مِنَ ٱلۡمُسَبِّحِينَ

Kaya kung hindi dahil siya ay naging kabilang sa mga tagapagluwalhati
Surah As-Saaffat, Verse 143


لَلَبِثَ فِي بَطۡنِهِۦٓ إِلَىٰ يَوۡمِ يُبۡعَثُونَ

talaga sanang namalagi siya sa tiyan niyon hanggang sa Araw na bubuhaying muli sila
Surah As-Saaffat, Verse 144


۞فَنَبَذۡنَٰهُ بِٱلۡعَرَآءِ وَهُوَ سَقِيمٞ

Ngunit itinapon Namin siya sa baybaying hungkag habang siya ay maysakit
Surah As-Saaffat, Verse 145


وَأَنۢبَتۡنَا عَلَيۡهِ شَجَرَةٗ مِّن يَقۡطِينٖ

Nagpatubo Kami sa ibabaw niya ng isang puno ng malakalabasa
Surah As-Saaffat, Verse 146


وَأَرۡسَلۡنَٰهُ إِلَىٰ مِاْئَةِ أَلۡفٍ أَوۡ يَزِيدُونَ

Nagsugo Kami sa kanya sa isang daang libo o nakahihigit sila
Surah As-Saaffat, Verse 147


فَـَٔامَنُواْ فَمَتَّعۡنَٰهُمۡ إِلَىٰ حِينٖ

Kaya sumampalataya sila kaya nagpatamasa Kami sa kanila hanggang sa isang panahon
Surah As-Saaffat, Verse 148


فَٱسۡتَفۡتِهِمۡ أَلِرَبِّكَ ٱلۡبَنَاتُ وَلَهُمُ ٱلۡبَنُونَ

Kaya magpahabilin ka sa kanila: "Ukol ba sa Panginoon mo ay ang mga anak na babae at ukol sa kanila at ang mga anak na lalaki
Surah As-Saaffat, Verse 149


أَمۡ خَلَقۡنَا ٱلۡمَلَـٰٓئِكَةَ إِنَٰثٗا وَهُمۡ شَٰهِدُونَ

O lumikha ba Kami ng mga anghel bilang mga babae habang sila ay mga sumasaksi
Surah As-Saaffat, Verse 150


أَلَآ إِنَّهُم مِّنۡ إِفۡكِهِمۡ لَيَقُولُونَ

Pansinin, tunay na sila dala ng kabulaanan nila ay talagang nagsasabi
Surah As-Saaffat, Verse 151


وَلَدَ ٱللَّهُ وَإِنَّهُمۡ لَكَٰذِبُونَ

Nagkaanak si Allāh." Tunay na sila ay talagang mga sinungaling
Surah As-Saaffat, Verse 152


أَصۡطَفَى ٱلۡبَنَاتِ عَلَى ٱلۡبَنِينَ

Humirang ba Siya ng mga anak na babae higit sa mga anak na lalaki
Surah As-Saaffat, Verse 153


مَا لَكُمۡ كَيۡفَ تَحۡكُمُونَ

Ano ang mayroon sa inyo? Papaano kayong humahatol
Surah As-Saaffat, Verse 154


أَفَلَا تَذَكَّرُونَ

Kaya hindi ba kayo magsasaalaala
Surah As-Saaffat, Verse 155


أَمۡ لَكُمۡ سُلۡطَٰنٞ مُّبِينٞ

O mayroon ba kayong isang kapamahalaang malinaw
Surah As-Saaffat, Verse 156


فَأۡتُواْ بِكِتَٰبِكُمۡ إِن كُنتُمۡ صَٰدِقِينَ

Kaya maglahad kayo ng kasulatan ninyo kung kayo ay mga tapat
Surah As-Saaffat, Verse 157


وَجَعَلُواْ بَيۡنَهُۥ وَبَيۡنَ ٱلۡجِنَّةِ نَسَبٗاۚ وَلَقَدۡ عَلِمَتِ ٱلۡجِنَّةُ إِنَّهُمۡ لَمُحۡضَرُونَ

Nag-angkin sila sa pagitan Niya at ng mga [anghel na] nakakubli ng isang pagkakamag-anak. Talaga ngang nalaman ng mga [anghel na] nakakubli na tunay na sila ay talagang mga padadaluhin [sa pagdurusa]
Surah As-Saaffat, Verse 158


سُبۡحَٰنَ ٱللَّهِ عَمَّا يَصِفُونَ

Kaluwalhatian kay Allāh higit sa anumang inilalarawan nila
Surah As-Saaffat, Verse 159


إِلَّا عِبَادَ ٱللَّهِ ٱلۡمُخۡلَصِينَ

maliban sa mga itinanging lingkod ni Allāh
Surah As-Saaffat, Verse 160


فَإِنَّكُمۡ وَمَا تَعۡبُدُونَ

Kaya tunay na kayo at ang anumang sinasamba ninyo
Surah As-Saaffat, Verse 161


مَآ أَنتُمۡ عَلَيۡهِ بِفَٰتِنِينَ

kayo palayo sa Kanya ay hindi mga makatutukso
Surah As-Saaffat, Verse 162


إِلَّا مَنۡ هُوَ صَالِ ٱلۡجَحِيمِ

maliban sa sinumang masusunog sa Impiyerno
Surah As-Saaffat, Verse 163


وَمَامِنَّآ إِلَّا لَهُۥ مَقَامٞ مَّعۡلُومٞ

[Magsasabi ang mga anghel]: "Walang kabilang sa amin malibang mayroon siyang isang katayuang nalalaman
Surah As-Saaffat, Verse 164


وَإِنَّا لَنَحۡنُ ٱلصَّآفُّونَ

Tunay na kami ay talagang kami ang mga nakahanay
Surah As-Saaffat, Verse 165


وَإِنَّا لَنَحۡنُ ٱلۡمُسَبِّحُونَ

Tunay na kami ay talagang kami ang mga tagaluwalhati
Surah As-Saaffat, Verse 166


وَإِن كَانُواْ لَيَقُولُونَ

Tunay na sila dati ay talagang nagsasabi
Surah As-Saaffat, Verse 167


لَوۡ أَنَّ عِندَنَا ذِكۡرٗا مِّنَ ٱلۡأَوَّلِينَ

Kung sakaling mayroon tayong isang paalaala mula sa mga sinauna
Surah As-Saaffat, Verse 168


لَكُنَّا عِبَادَ ٱللَّهِ ٱلۡمُخۡلَصِينَ

talaga sanang tayo ay naging mga itinatanging lingkod ni Allāh
Surah As-Saaffat, Verse 169


فَكَفَرُواْ بِهِۦۖ فَسَوۡفَ يَعۡلَمُونَ

Ngunit tumanggi silang sumampalataya rito, kaya malalaman nila
Surah As-Saaffat, Verse 170


وَلَقَدۡ سَبَقَتۡ كَلِمَتُنَا لِعِبَادِنَا ٱلۡمُرۡسَلِينَ

Talaga ngang nauna ang salita Namin para sa mga lingkod Naming mga isinugo
Surah As-Saaffat, Verse 171


إِنَّهُمۡ لَهُمُ ٱلۡمَنصُورُونَ

Tunay na sila, ukol sa kanila [na maging] ang mga iaadya
Surah As-Saaffat, Verse 172


وَإِنَّ جُندَنَا لَهُمُ ٱلۡغَٰلِبُونَ

at tunay na ang mga kawal Namin, ukol sa kanila [na maging] ang tagadaig
Surah As-Saaffat, Verse 173


فَتَوَلَّ عَنۡهُمۡ حَتَّىٰ حِينٖ

Kaya tumalikod ka palayo sa kanila hanggang sa isang panahon
Surah As-Saaffat, Verse 174


وَأَبۡصِرۡهُمۡ فَسَوۡفَ يُبۡصِرُونَ

Tumingin ka sa kanila sapagkat makikita nila
Surah As-Saaffat, Verse 175


أَفَبِعَذَابِنَا يَسۡتَعۡجِلُونَ

Kaya ba sa pagdurusang dulot Namin ay nagmamadali sila
Surah As-Saaffat, Verse 176


فَإِذَا نَزَلَ بِسَاحَتِهِمۡ فَسَآءَ صَبَاحُ ٱلۡمُنذَرِينَ

Ngunit kapag bumaba ito sa bakuran nila, kay sagwa ang umaga ng mga binalaan
Surah As-Saaffat, Verse 177


وَتَوَلَّ عَنۡهُمۡ حَتَّىٰ حِينٖ

Tumalikod ka palayo sa kanila hanggang sa isang panahon
Surah As-Saaffat, Verse 178


وَأَبۡصِرۡ فَسَوۡفَ يُبۡصِرُونَ

Tumingin ka sapagkat makikita nila
Surah As-Saaffat, Verse 179


سُبۡحَٰنَ رَبِّكَ رَبِّ ٱلۡعِزَّةِ عَمَّا يَصِفُونَ

Kaluwalhatian sa Panginoon mo, ang Panginoon ng Kapangyarihan, higit sa anumang inilalarawan nila
Surah As-Saaffat, Verse 180


وَسَلَٰمٌ عَلَى ٱلۡمُرۡسَلِينَ

Kapayapaan sa mga isinugo
Surah As-Saaffat, Verse 181


وَٱلۡحَمۡدُ لِلَّهِ رَبِّ ٱلۡعَٰلَمِينَ

Ang papuri ay ukol kay Allāh, ang Panginoon ng mga nilalang
Surah As-Saaffat, Verse 182


Author: Www.islamhouse.com


<< Surah 36
>> Surah 38

Filipino Translations by other Authors


Filipino Translation By Abdullatif Eduardo M. Arceo
Filipino Translation By Www.islamhouse.com
Popular Areas
Apartments for rent in Dubai Apartments for rent Abu Dhabi Villas for rent in Dubai House for rent Abu Dhabi Apartments for sale in Dubai Apartments for sale in Abu Dhabi Flat for rent Sharjah
Popular Searches
Studios for rent in UAE Apartments for rent in UAE Villas for rent in UAE Apartments for sale in UAE Villas for sale in UAE Land for sale in UAE Dubai Real Estate
Trending Areas
Apartments for rent in Dubai Marina Apartments for sale in Dubai Marina Villa for rent in Sharjah Villa for sale in Dubai Flat for rent in Ajman Studio for rent in Abu Dhabi Villa for rent in Ajman
Trending Searches
Villa for rent in Abu Dhabi Shop for rent in Dubai Villas for sale in Ajman Studio for rent in Sharjah 1 Bedroom Apartment for rent in Dubai Property for rent in Abu Dhabi Commercial properties for sale
© Copyright Dubai Prayer Time. All Rights Reserved
Designed by Prayer Time In Dubai