Surah Sad - Filipino Translation by Www.islamhouse.com
صٓۚ وَٱلۡقُرۡءَانِ ذِي ٱلذِّكۡرِ
Ṣād. Sumpa man sa Qur'ān na may paalaala
Surah Sad, Verse 1
بَلِ ٱلَّذِينَ كَفَرُواْ فِي عِزَّةٖ وَشِقَاقٖ
Bagkus ang mga tumangging sumampalataya ay nasa isang kapalaluan at isang hidwaan
Surah Sad, Verse 2
كَمۡ أَهۡلَكۡنَا مِن قَبۡلِهِم مِّن قَرۡنٖ فَنَادَواْ وَّلَاتَ حِينَ مَنَاصٖ
Kay rami ng ipinahamak Namin bago pa nila na salinlahi, saka nanawagan sila at hindi iyon oras ng isang pagtakas
Surah Sad, Verse 3
وَعَجِبُوٓاْ أَن جَآءَهُم مُّنذِرٞ مِّنۡهُمۡۖ وَقَالَ ٱلۡكَٰفِرُونَ هَٰذَا سَٰحِرٞ كَذَّابٌ
Nagtaka sila na may dumating sa kanila na isang tagapagbabala kabilang sa kanila. Nagsabi ang mga tagatangging sumampalataya: "Ito ay isang manggagaway na palasinungaling
Surah Sad, Verse 4
أَجَعَلَ ٱلۡأٓلِهَةَ إِلَٰهٗا وَٰحِدًاۖ إِنَّ هَٰذَا لَشَيۡءٌ عُجَابٞ
Gumawa ba siya sa mga diyos bilang nag-iisang diyos? Tunay na ito ay talagang isang bagay na kataka-taka
Surah Sad, Verse 5
وَٱنطَلَقَ ٱلۡمَلَأُ مِنۡهُمۡ أَنِ ٱمۡشُواْ وَٱصۡبِرُواْ عَلَىٰٓ ءَالِهَتِكُمۡۖ إِنَّ هَٰذَا لَشَيۡءٞ يُرَادُ
Nagdumali ang konseho kabilang sa kanila, na [nagsasabi]: "Magpatuloy kayo at magtiis kayo sa mga diyos ninyo. Walang iba ito kundi talagang isang bagay na ninanais
Surah Sad, Verse 6
مَا سَمِعۡنَا بِهَٰذَا فِي ٱلۡمِلَّةِ ٱلۡأٓخِرَةِ إِنۡ هَٰذَآ إِلَّا ٱخۡتِلَٰقٌ
Hindi tayo nakarinig nito sa kapaniwalaang huli. Walang iba ito kundi isang paglilikha-likha
Surah Sad, Verse 7
أَءُنزِلَ عَلَيۡهِ ٱلذِّكۡرُ مِنۢ بَيۡنِنَاۚ بَلۡ هُمۡ فِي شَكّٖ مِّن ذِكۡرِيۚ بَل لَّمَّا يَذُوقُواْ عَذَابِ
Pinababa ba sa kanya ang paalaala sa gitna natin?" Bagkus sila ay nasa isang pagdududa sa paalaala Ko. Bagkus hindi pa sila lumasap ng pagdurusang dulot Ko
Surah Sad, Verse 8
أَمۡ عِندَهُمۡ خَزَآئِنُ رَحۡمَةِ رَبِّكَ ٱلۡعَزِيزِ ٱلۡوَهَّابِ
O taglay ba nila ang mga imbakan ng awa ng Panginoon mo, ang Makapangyarihan, ang Mapagkaloob
Surah Sad, Verse 9
أَمۡ لَهُم مُّلۡكُ ٱلسَّمَٰوَٰتِ وَٱلۡأَرۡضِ وَمَا بَيۡنَهُمَاۖ فَلۡيَرۡتَقُواْ فِي ٱلۡأَسۡبَٰبِ
O sa kanila ba ang paghahari sa mga langit at lupa at anumang nasa pagitan ng mga ito? Kaya pumaitaas sila sa mga kaparaanan
Surah Sad, Verse 10
جُندٞ مَّا هُنَالِكَ مَهۡزُومٞ مِّنَ ٱلۡأَحۡزَابِ
[Sila ay] hukbo na doon tatalunin kabilang sa mga lapian
Surah Sad, Verse 11
كَذَّبَتۡ قَبۡلَهُمۡ قَوۡمُ نُوحٖ وَعَادٞ وَفِرۡعَوۡنُ ذُو ٱلۡأَوۡتَادِ
Nagpasinungaling bago nila ang mga tao ni Noe, ang [liping] `Ād, si Paraon na may mga tulos
Surah Sad, Verse 12
وَثَمُودُ وَقَوۡمُ لُوطٖ وَأَصۡحَٰبُ لۡـَٔيۡكَةِۚ أُوْلَـٰٓئِكَ ٱلۡأَحۡزَابُ
ang [liping] Thamūd, ang mga kababayan ni Lot, at ang mga naninirahan sa kasukalan. Ang mga iyon ay ang mga lapian
Surah Sad, Verse 13
إِن كُلٌّ إِلَّا كَذَّبَ ٱلرُّسُلَ فَحَقَّ عِقَابِ
Walang iba ang bawat [isa] kundi nagpasinungaling sa mga sugo kaya nagindapat ang parusa Ko
Surah Sad, Verse 14
وَمَا يَنظُرُ هَـٰٓؤُلَآءِ إِلَّا صَيۡحَةٗ وَٰحِدَةٗ مَّا لَهَا مِن فَوَاقٖ
Walang hinihintay ang mga ito kundi nag-iisang hiyaw na wala itong anumang pagpapaliban
Surah Sad, Verse 15
وَقَالُواْ رَبَّنَا عَجِّل لَّنَا قِطَّنَا قَبۡلَ يَوۡمِ ٱلۡحِسَابِ
Nagsabi sila: "Panginoon namin, magpabilis Ka para sa amin ng bahagi namin [sa parusa] bago ng Araw ng Pagtutuos
Surah Sad, Verse 16
ٱصۡبِرۡ عَلَىٰ مَا يَقُولُونَ وَٱذۡكُرۡ عَبۡدَنَا دَاوُۥدَ ذَا ٱلۡأَيۡدِۖ إِنَّهُۥٓ أَوَّابٌ
Magtiis ka sa sinasabi nila at alalahanin mo ang lingkod Naming si David na may mga [malakas na] kamay; tunay na siya ay palabalik [kay Allāh]
Surah Sad, Verse 17
إِنَّا سَخَّرۡنَا ٱلۡجِبَالَ مَعَهُۥ يُسَبِّحۡنَ بِٱلۡعَشِيِّ وَٱلۡإِشۡرَاقِ
Tunay na Kami ay nagpasilbi ng mga bundok, na kasama sa kanya nagluluwalhati ang mga ito sa dapit-hapon at pagsikat [ng araw]
Surah Sad, Verse 18
وَٱلطَّيۡرَ مَحۡشُورَةٗۖ كُلّٞ لَّهُۥٓ أَوَّابٞ
Ang mga ibon ay kinakalap; bawat isa sa kanya ay palabalik
Surah Sad, Verse 19
وَشَدَدۡنَا مُلۡكَهُۥ وَءَاتَيۡنَٰهُ ٱلۡحِكۡمَةَ وَفَصۡلَ ٱلۡخِطَابِ
Nagpatindi Kami sa kaharian niya at nagbigay Kami sa kanya ng karunungan, at kapasyahan sa pakikipag-usap
Surah Sad, Verse 20
۞وَهَلۡ أَتَىٰكَ نَبَؤُاْ ٱلۡخَصۡمِ إِذۡ تَسَوَّرُواْ ٱلۡمِحۡرَابَ
Pumunta kaya sa iyo ang balita ng mga magkaalitan noong umakyat sila sa sambahan
Surah Sad, Verse 21
إِذۡ دَخَلُواْ عَلَىٰ دَاوُۥدَ فَفَزِعَ مِنۡهُمۡۖ قَالُواْ لَا تَخَفۡۖ خَصۡمَانِ بَغَىٰ بَعۡضُنَا عَلَىٰ بَعۡضٖ فَٱحۡكُم بَيۡنَنَا بِٱلۡحَقِّ وَلَا تُشۡطِطۡ وَٱهۡدِنَآ إِلَىٰ سَوَآءِ ٱلصِّرَٰطِ
Noong pumasok sila kay David ay nanghilakbot siya sa kanila. Nagsabi sila: "Huwag kang mangamba; [kami ay] magkaalitan, na lumabag ang iba sa amin sa iba, kaya humatol ka sa pagitan namin ayon sa katotohanan, huwag kang lumampas [doon], at pumatnubay ka sa amin tungo sa kalagitnaan ng landasin
Surah Sad, Verse 22
إِنَّ هَٰذَآ أَخِي لَهُۥ تِسۡعٞ وَتِسۡعُونَ نَعۡجَةٗ وَلِيَ نَعۡجَةٞ وَٰحِدَةٞ فَقَالَ أَكۡفِلۡنِيهَا وَعَزَّنِي فِي ٱلۡخِطَابِ
Tunay na ito ay kapatid ko; mayroon siyang siyamnapu’t siyam na tupang babae at mayroon akong nag-iisang tupang babae, saka nagsabi siya: 'Ipaaruga mo sa akin iyan.’ Nangibabaw ito sa akin sa talumpati
Surah Sad, Verse 23
قَالَ لَقَدۡ ظَلَمَكَ بِسُؤَالِ نَعۡجَتِكَ إِلَىٰ نِعَاجِهِۦۖ وَإِنَّ كَثِيرٗا مِّنَ ٱلۡخُلَطَآءِ لَيَبۡغِي بَعۡضُهُمۡ عَلَىٰ بَعۡضٍ إِلَّا ٱلَّذِينَ ءَامَنُواْ وَعَمِلُواْ ٱلصَّـٰلِحَٰتِ وَقَلِيلٞ مَّا هُمۡۗ وَظَنَّ دَاوُۥدُ أَنَّمَا فَتَنَّـٰهُ فَٱسۡتَغۡفَرَ رَبَّهُۥ وَخَرَّۤ رَاكِعٗاۤ وَأَنَابَ۩
Nagsabi siya: "Talaga ngang lumabag siya sa iyo sa katarungan sa paghiling ng pagsasama ng babaing tupa mo sa mga babaing tupa niya. Tunay na marami sa mga kasosyo ay talagang lumalabag ang iba sa kanila sa iba maliban sa mga sumampalataya at gumawa ng mga maayos – at kakaunti sila." Nakatiyak si David na sinubok lamang siya kaya humingi siya ng tawad sa Panginoon niya. Bumagsak siya na nakayukod at nanumbalik [kay Allāh]
Surah Sad, Verse 24
فَغَفَرۡنَا لَهُۥ ذَٰلِكَۖ وَإِنَّ لَهُۥ عِندَنَا لَزُلۡفَىٰ وَحُسۡنَ مَـَٔابٖ
Kaya nagpatawad Kami sa kanya niyon, habang tunay na mayroon siya sa ganang Amin na talagang kadikitan at kagandahan ng babalikan
Surah Sad, Verse 25
يَٰدَاوُۥدُ إِنَّا جَعَلۡنَٰكَ خَلِيفَةٗ فِي ٱلۡأَرۡضِ فَٱحۡكُم بَيۡنَ ٱلنَّاسِ بِٱلۡحَقِّ وَلَا تَتَّبِعِ ٱلۡهَوَىٰ فَيُضِلَّكَ عَن سَبِيلِ ٱللَّهِۚ إِنَّ ٱلَّذِينَ يَضِلُّونَ عَن سَبِيلِ ٱللَّهِ لَهُمۡ عَذَابٞ شَدِيدُۢ بِمَا نَسُواْ يَوۡمَ ٱلۡحِسَابِ
[Sinabi]: "O David, tunay na Kami ay gumawa sa iyo bilang kahalili sa lupa, kaya humatol ka sa pagitan ng mga tao ayon sa katotohanan at huwag kang sumunod sa pithaya para magligaw ito sa iyo palayo sa landas ni Allāh." Tunay na ang mga naliligaw palayo sa landas ni Allāh, ukol sa kanila ay isang pagdurusang matindi dahil lumimot sila sa Araw ng Pagtutuos
Surah Sad, Verse 26
وَمَا خَلَقۡنَا ٱلسَّمَآءَ وَٱلۡأَرۡضَ وَمَا بَيۡنَهُمَا بَٰطِلٗاۚ ذَٰلِكَ ظَنُّ ٱلَّذِينَ كَفَرُواْۚ فَوَيۡلٞ لِّلَّذِينَ كَفَرُواْ مِنَ ٱلنَّارِ
Hindi Kami lumikha ng langit at lupa at anumang nasa pagitan ng dalawang ito nang walang-kabuluhan. Iyon ay palagay ng mga tumangging sumampalataya, kaya kapighatian ay ukol sa mga tumangging sumampalataya mula sa Apoy
Surah Sad, Verse 27
أَمۡ نَجۡعَلُ ٱلَّذِينَ ءَامَنُواْ وَعَمِلُواْ ٱلصَّـٰلِحَٰتِ كَٱلۡمُفۡسِدِينَ فِي ٱلۡأَرۡضِ أَمۡ نَجۡعَلُ ٱلۡمُتَّقِينَ كَٱلۡفُجَّارِ
O gagawa Kami sa mga sumampalataya at gumawa ng mga maayos gaya ng mga tagagulo sa lupa? O gagawa Kami sa mga tagapangilag magkasala gaya ng mga masamang-loob
Surah Sad, Verse 28
كِتَٰبٌ أَنزَلۡنَٰهُ إِلَيۡكَ مُبَٰرَكٞ لِّيَدَّبَّرُوٓاْ ءَايَٰتِهِۦ وَلِيَتَذَكَّرَ أُوْلُواْ ٱلۡأَلۡبَٰبِ
[Ito ay] isang pinagpalang Aklat na pinababa Namin sa iyo upang magmuni-muni sila sa mga talata nito at upang magsaalaala ang mga may isip
Surah Sad, Verse 29
وَوَهَبۡنَا لِدَاوُۥدَ سُلَيۡمَٰنَۚ نِعۡمَ ٱلۡعَبۡدُ إِنَّهُۥٓ أَوَّابٌ
Ipinagkaloob Namin kay David si Solomon. Kay inam na lingkod! Tunay na siya ay palabalik [kay Allāh]
Surah Sad, Verse 30
إِذۡ عُرِضَ عَلَيۡهِ بِٱلۡعَشِيِّ ٱلصَّـٰفِنَٰتُ ٱلۡجِيَادُ
[Banggitin] noong inilahad sa kanya sa dapit-hapon ang mga kabayong nakatayong nakaangat ang isang paa, na matutulin
Surah Sad, Verse 31
فَقَالَ إِنِّيٓ أَحۡبَبۡتُ حُبَّ ٱلۡخَيۡرِ عَن ذِكۡرِ رَبِّي حَتَّىٰ تَوَارَتۡ بِٱلۡحِجَابِ
Kaya nagsabi siya: "Tunay na ako ay umibig ng pagkaibig sa mabuting [bagay] sa halip ng pag-alaala sa Panginoon ko hanggang sa natakpan [ang araw] ng tabing
Surah Sad, Verse 32
رُدُّوهَا عَلَيَّۖ فَطَفِقَ مَسۡحَۢا بِٱلسُّوقِ وَٱلۡأَعۡنَاقِ
Isauli ninyo ang mga ito sa akin." Kaya nagsimula siya sa pagtaga sa mga lulod at mga leeg [ng mga ito]
Surah Sad, Verse 33
وَلَقَدۡ فَتَنَّا سُلَيۡمَٰنَ وَأَلۡقَيۡنَا عَلَىٰ كُرۡسِيِّهِۦ جَسَدٗا ثُمَّ أَنَابَ
Talaga ngang sumubok Kami kay Solomon at naglagay Kami sa silya niya ng isang katawan, pagkatapos nagsisising bumalik siya
Surah Sad, Verse 34
قَالَ رَبِّ ٱغۡفِرۡ لِي وَهَبۡ لِي مُلۡكٗا لَّا يَنۢبَغِي لِأَحَدٖ مِّنۢ بَعۡدِيٓۖ إِنَّكَ أَنتَ ٱلۡوَهَّابُ
Nagsabi siya: "Panginoon ko, magpatawad Ka sa akin at magkaloob Ka sa akin ng isang paghaharing hindi nararapat para sa isa matapos ko; tunay na Ikaw ay ang Tagapagkaloob
Surah Sad, Verse 35
فَسَخَّرۡنَا لَهُ ٱلرِّيحَ تَجۡرِي بِأَمۡرِهِۦ رُخَآءً حَيۡثُ أَصَابَ
Kaya pinagsilbi Namin para sa kanya ang hangin na dumadaloy ayon sa utos niya nang banayad saanman niya ipatama
Surah Sad, Verse 36
وَٱلشَّيَٰطِينَ كُلَّ بَنَّآءٖ وَغَوَّاصٖ
at ang mga demonyo: bawat tagapagpatayo at maninisid
Surah Sad, Verse 37
وَءَاخَرِينَ مُقَرَّنِينَ فِي ٱلۡأَصۡفَادِ
at may mga ibang pinaggagapos sa mga posas
Surah Sad, Verse 38
هَٰذَا عَطَآؤُنَا فَٱمۡنُنۡ أَوۡ أَمۡسِكۡ بِغَيۡرِ حِسَابٖ
Ito ay bigay Namin, kaya magmagandang-loob ka o magpigil ka nang walang pagtutuos
Surah Sad, Verse 39
وَإِنَّ لَهُۥ عِندَنَا لَزُلۡفَىٰ وَحُسۡنَ مَـَٔابٖ
Tunay na mayroon siya sa ganang Amin na talagang kadikitan at kagandahan ng babalikan
Surah Sad, Verse 40
وَٱذۡكُرۡ عَبۡدَنَآ أَيُّوبَ إِذۡ نَادَىٰ رَبَّهُۥٓ أَنِّي مَسَّنِيَ ٱلشَّيۡطَٰنُ بِنُصۡبٖ وَعَذَابٍ
Banggitin mo ang lingkod Naming si Job noong nanawagan siya sa Panginoon niya: "Tunay na ako ay sinaling ng demonyo ng isang pagkapagal at isang pagdurusa
Surah Sad, Verse 41
ٱرۡكُضۡ بِرِجۡلِكَۖ هَٰذَا مُغۡتَسَلُۢ بَارِدٞ وَشَرَابٞ
[Sinabi]: "Magpadyak ka ng paa mo." Ito ay isang paliguang malamig at isang inumin
Surah Sad, Verse 42
وَوَهَبۡنَا لَهُۥٓ أَهۡلَهُۥ وَمِثۡلَهُم مَّعَهُمۡ رَحۡمَةٗ مِّنَّا وَذِكۡرَىٰ لِأُوْلِي ٱلۡأَلۡبَٰبِ
Nagkaloob Kami sa kanya ng mag-anak niya at tulad nila kasama sa kanila bilang awa mula sa Amin at bilang paalaala para sa mga may isip
Surah Sad, Verse 43
وَخُذۡ بِيَدِكَ ضِغۡثٗا فَٱضۡرِب بِّهِۦ وَلَا تَحۡنَثۡۗ إِنَّا وَجَدۡنَٰهُ صَابِرٗاۚ نِّعۡمَ ٱلۡعَبۡدُ إِنَّهُۥٓ أَوَّابٞ
[Sinabi]: "Kumuha ka gamit ng kamay mo ng isang bungkos at pumalo ka gamit nito. Huwag kang sumira sa sinumpaan." Tunay na Kami ay nakatagpo sa kanya na nagtitiis. Kay inam ang lingkod! Tunay na siya ay palabalik [kay Allāh]
Surah Sad, Verse 44
وَٱذۡكُرۡ عِبَٰدَنَآ إِبۡرَٰهِيمَ وَإِسۡحَٰقَ وَيَعۡقُوبَ أُوْلِي ٱلۡأَيۡدِي وَٱلۡأَبۡصَٰرِ
Banggitin mo ang mga lingkod Naming sina Abraham, Isaac, at Jacob na mga may lakas at mga pagtalos
Surah Sad, Verse 45
إِنَّآ أَخۡلَصۡنَٰهُم بِخَالِصَةٖ ذِكۡرَى ٱلدَّارِ
Tunay na Kami ay nagtangi sa kanila dahil sa isang natatanging katangian na pag-alaala sa tahanan [sa kabilang-buhay]
Surah Sad, Verse 46
وَإِنَّهُمۡ عِندَنَا لَمِنَ ٱلۡمُصۡطَفَيۡنَ ٱلۡأَخۡيَارِ
Tunay na sila, sa ganang Amin, ay talagang kabilang sa mga hinirang na mga mabuti
Surah Sad, Verse 47
وَٱذۡكُرۡ إِسۡمَٰعِيلَ وَٱلۡيَسَعَ وَذَا ٱلۡكِفۡلِۖ وَكُلّٞ مِّنَ ٱلۡأَخۡيَارِ
Banggitin mo sina Ismael, Eliseo, at Dhulkifl. Bawat [isa] ay kabilang sa mga mabuti
Surah Sad, Verse 48
هَٰذَا ذِكۡرٞۚ وَإِنَّ لِلۡمُتَّقِينَ لَحُسۡنَ مَـَٔابٖ
Ito ay isang pagbanggit. Tunay na ukol sa mga tagapangilag magkasala ay talagang isang kagandahan ng uuwian
Surah Sad, Verse 49
جَنَّـٰتِ عَدۡنٖ مُّفَتَّحَةٗ لَّهُمُ ٱلۡأَبۡوَٰبُ
mga Hardin ng Pamamalagian na pinagbubuksan para sa kanila ang mga pintuan
Surah Sad, Verse 50
مُتَّكِـِٔينَ فِيهَا يَدۡعُونَ فِيهَا بِفَٰكِهَةٖ كَثِيرَةٖ وَشَرَابٖ
Habang mga nakasandal sa loob ng mga iyon, mananawagan sila sa loob ng mga iyon ng prutas na marami at inumin
Surah Sad, Verse 51
۞وَعِندَهُمۡ قَٰصِرَٰتُ ٱلطَّرۡفِ أَتۡرَابٌ
Sa piling nila ay may mga babaing naglilimita ng sulyap, na mga magkasinggulang
Surah Sad, Verse 52
هَٰذَا مَا تُوعَدُونَ لِيَوۡمِ ٱلۡحِسَابِ
Ito ay ang ipinangangako sa inyo para sa Araw ng Pagtutuos
Surah Sad, Verse 53
إِنَّ هَٰذَا لَرِزۡقُنَا مَا لَهُۥ مِن نَّفَادٍ
Tunay na ito ay talagang and panustos Namin, na wala itong anumang pagkaubos
Surah Sad, Verse 54
هَٰذَاۚ وَإِنَّ لِلطَّـٰغِينَ لَشَرَّ مَـَٔابٖ
Ito nga. Tunay na para sa mga tagapagmalabis ay talagang isang kasamaan ng uuwian
Surah Sad, Verse 55
جَهَنَّمَ يَصۡلَوۡنَهَا فَبِئۡسَ ٱلۡمِهَادُ
Ang Impiyerno na masusunog sila roon. Kaya kay saklap ang himlayan
Surah Sad, Verse 56
هَٰذَا فَلۡيَذُوقُوهُ حَمِيمٞ وَغَسَّاقٞ
Ito nga, kaya lasapin nila ito – isang nakapapasong tubig at nana
Surah Sad, Verse 57
وَءَاخَرُ مِن شَكۡلِهِۦٓ أَزۡوَٰجٌ
at iba pa, kabilang sa kaanyo nito, na mga uri
Surah Sad, Verse 58
هَٰذَا فَوۡجٞ مُّقۡتَحِمٞ مَّعَكُمۡ لَا مَرۡحَبَۢا بِهِمۡۚ إِنَّهُمۡ صَالُواْ ٱلنَّارِ
[Sasabihin]: "Ito ay isang pulutong na susugod kasama sa inyo. Walang mabuting pagtanggap sa kanila. Tunay na sila ay masusunog sa Apoy
Surah Sad, Verse 59
قَالُواْ بَلۡ أَنتُمۡ لَا مَرۡحَبَۢا بِكُمۡۖ أَنتُمۡ قَدَّمۡتُمُوهُ لَنَاۖ فَبِئۡسَ ٱلۡقَرَارُ
Magsasabi sila: "Bagkus kayo! Walang mabuting pagtanggap sa inyo. Kayo ay nagpauna nito sa amin. Kaya kay saklap ang pamamalagian
Surah Sad, Verse 60
قَالُواْ رَبَّنَا مَن قَدَّمَ لَنَا هَٰذَا فَزِدۡهُ عَذَابٗا ضِعۡفٗا فِي ٱلنَّارِ
Magsasabi sila: "Panginoon namin, ang sinumang naghain sa amin nito ay magdagdag Ka sa kanya ng isang ibayong pagdurusa sa Apoy
Surah Sad, Verse 61
وَقَالُواْ مَا لَنَا لَا نَرَىٰ رِجَالٗا كُنَّا نَعُدُّهُم مِّنَ ٱلۡأَشۡرَارِ
Magsasabi sila: "Ano ang mayroon sa atin na hindi tayo nakakikita ng mga lalaking dati nating ibinibilang sila kabilang sa mga masama
Surah Sad, Verse 62
أَتَّخَذۡنَٰهُمۡ سِخۡرِيًّا أَمۡ زَاغَتۡ عَنۡهُمُ ٱلۡأَبۡصَٰرُ
Gumawa ba tayo sa kanila ng isang panunuya o lumiko palayo sa kanila ang mga paningin
Surah Sad, Verse 63
إِنَّ ذَٰلِكَ لَحَقّٞ تَخَاصُمُ أَهۡلِ ٱلنَّارِ
Tunay na iyon ay talagang isang katotohanan: ang pag-aalitan ng mga mamamayan ng Apoy
Surah Sad, Verse 64
قُلۡ إِنَّمَآ أَنَا۠ مُنذِرٞۖ وَمَا مِنۡ إِلَٰهٍ إِلَّا ٱللَّهُ ٱلۡوَٰحِدُ ٱلۡقَهَّارُ
Sabihin mo: "Ako ay isang tagapagbabala lamang. Walang anumang Diyos kundi si Allāh, ang Nag-iisa, ang Palalupig
Surah Sad, Verse 65
رَبُّ ٱلسَّمَٰوَٰتِ وَٱلۡأَرۡضِ وَمَا بَيۡنَهُمَا ٱلۡعَزِيزُ ٱلۡغَفَّـٰرُ
ang Panginoon ng mga langit at lupa at anumang nasa pagitan ng mga ito, ang Makapangyarihan, ang Palapatawad
Surah Sad, Verse 66
قُلۡ هُوَ نَبَؤٌاْ عَظِيمٌ
Sabihin mo: "Ito ay isang balitang dakila
Surah Sad, Verse 67
أَنتُمۡ عَنۡهُ مُعۡرِضُونَ
na kayo rito ay mga umaayaw
Surah Sad, Verse 68
مَا كَانَ لِيَ مِنۡ عِلۡمِۭ بِٱلۡمَلَإِ ٱلۡأَعۡلَىٰٓ إِذۡ يَخۡتَصِمُونَ
Hindi nagkaroon para sa akin ng anumang kaalaman hinggil sa konsehong pinakamataas noong nag-aalitan sila
Surah Sad, Verse 69
إِن يُوحَىٰٓ إِلَيَّ إِلَّآ أَنَّمَآ أَنَا۠ نَذِيرٞ مُّبِينٌ
Walang ikinasi sa akin kundi ako ay isang mapagbabalang malinaw lamang
Surah Sad, Verse 70
إِذۡ قَالَ رَبُّكَ لِلۡمَلَـٰٓئِكَةِ إِنِّي خَٰلِقُۢ بَشَرٗا مِّن طِينٖ
[Banggitin] noong nagsabi ang Panginoon mo sa mga anghel: "Tunay na Ako ay lilikha ng isang mortal mula sa putik
Surah Sad, Verse 71
فَإِذَا سَوَّيۡتُهُۥ وَنَفَخۡتُ فِيهِ مِن رُّوحِي فَقَعُواْ لَهُۥ سَٰجِدِينَ
Kaya noong humubog Ako rito at umihip Ako rito mula sa espiritu Ko ay magsibagsak kayo sa kanya na mga nakapatirapa
Surah Sad, Verse 72
فَسَجَدَ ٱلۡمَلَـٰٓئِكَةُ كُلُّهُمۡ أَجۡمَعُونَ
Kaya nagpatirapa ang mga anghel sa kabuuan nila nang magkakasama
Surah Sad, Verse 73
إِلَّآ إِبۡلِيسَ ٱسۡتَكۡبَرَ وَكَانَ مِنَ ٱلۡكَٰفِرِينَ
maliban si Satanas; nagmalaki siya at siya ay naging kabilang sa mga tagatangging sumampalataya
Surah Sad, Verse 74
قَالَ يَـٰٓإِبۡلِيسُ مَا مَنَعَكَ أَن تَسۡجُدَ لِمَا خَلَقۡتُ بِيَدَيَّۖ أَسۡتَكۡبَرۡتَ أَمۡ كُنتَ مِنَ ٱلۡعَالِينَ
Nagsabi Siya: "O Satanas, ano ang pumigil sa iyo na magpatirapa ka sa nilikha Ko sa pamamagitan ng dalawang kamay Ko? Nagmalaki ka ba o naging kabilang ka sa mga nagpakamataas
Surah Sad, Verse 75
قَالَ أَنَا۠ خَيۡرٞ مِّنۡهُ خَلَقۡتَنِي مِن نَّارٖ وَخَلَقۡتَهُۥ مِن طِينٖ
Nagsabi ito: "Ako ay higit na mabuti kaysa sa kanya; lumikha Ka sa akin mula sa isang apoy at lumikha Ka sa kanya mula sa isang putik
Surah Sad, Verse 76
قَالَ فَٱخۡرُجۡ مِنۡهَا فَإِنَّكَ رَجِيمٞ
Nagsabi Siya: "Kaya lumabas ka mula rito sapagkat tunay na ikaw ay isang kasumpa-sumpa
Surah Sad, Verse 77
وَإِنَّ عَلَيۡكَ لَعۡنَتِيٓ إِلَىٰ يَوۡمِ ٱلدِّينِ
at tunay na sumaiyo ang sumpa Ko hanggang sa Araw ng Paggantimpala
Surah Sad, Verse 78
قَالَ رَبِّ فَأَنظِرۡنِيٓ إِلَىٰ يَوۡمِ يُبۡعَثُونَ
Nagsabi ito: "Panginoon ko, kaya magpaantala Ka sa akin hanggang sa Araw na bubuhayin sila
Surah Sad, Verse 79
قَالَ فَإِنَّكَ مِنَ ٱلۡمُنظَرِينَ
Nagsabi Siya: "Kaya tunay na ikaw ay kabilang sa mga inaantala
Surah Sad, Verse 80
إِلَىٰ يَوۡمِ ٱلۡوَقۡتِ ٱلۡمَعۡلُومِ
hanggang sa Araw ng panahong nalalaman
Surah Sad, Verse 81
قَالَ فَبِعِزَّتِكَ لَأُغۡوِيَنَّهُمۡ أَجۡمَعِينَ
Nagsabi ito: "Kaya sumpa man sa kapangyarihan Mo, talagang maglilisya nga ako sa kanila nang magkakasama
Surah Sad, Verse 82
إِلَّا عِبَادَكَ مِنۡهُمُ ٱلۡمُخۡلَصِينَ
maliban sa mga lingkod Mo kabilang sa kanila na mga itinangi
Surah Sad, Verse 83
قَالَ فَٱلۡحَقُّ وَٱلۡحَقَّ أَقُولُ
Nagsabi Siya: "Sapagkat ang katotohanan [ay mula sa Akin] at ang katotohanan ay sinasabi Ko
Surah Sad, Verse 84
لَأَمۡلَأَنَّ جَهَنَّمَ مِنكَ وَمِمَّن تَبِعَكَ مِنۡهُمۡ أَجۡمَعِينَ
Talagang magpupuno nga Ako ng Impiyerno mula sa iyo at mula sa sinumang sumunod sa iyo kabilang sa kanila nang magkakasama
Surah Sad, Verse 85
قُلۡ مَآ أَسۡـَٔلُكُمۡ عَلَيۡهِ مِنۡ أَجۡرٖ وَمَآ أَنَا۠ مِنَ ٱلۡمُتَكَلِّفِينَ
Sabihin mo: "Hindi ako humihingi sa inyo dahil doon ng anumang pabuya. Ako ay hindi kabilang sa mga nagkukunwari
Surah Sad, Verse 86
إِنۡ هُوَ إِلَّا ذِكۡرٞ لِّلۡعَٰلَمِينَ
Walang iba ito kundi isang paalaala para sa mga nilalang
Surah Sad, Verse 87
وَلَتَعۡلَمُنَّ نَبَأَهُۥ بَعۡدَ حِينِۭ
Talagang makaaalam nga kayo ng balita nito matapos ng isang panahon
Surah Sad, Verse 88