Surah Ya-Seen - Filipino Translation by Abdullatif Eduardo M. Arceo
يسٓ
Ya Seen (mga titik Ya, Sa)
Surah Ya-Seen, Verse 1
وَٱلۡقُرۡءَانِ ٱلۡحَكِيمِ
Sa pamamagitan ng Qur’an na Tigib ng Karunungan (alalaong baga, hitik sa mga batas, katibayan, aral, atbp)
Surah Ya-Seen, Verse 2
إِنَّكَ لَمِنَ ٱلۡمُرۡسَلِينَ
Katotohanang ikaw (O Muhammad) ay isa sa mga Tagapagbalita
Surah Ya-Seen, Verse 3
عَلَىٰ صِرَٰطٖ مُّسۡتَقِيمٖ
Sa Tuwid na Landas (alalaong baga, nasa Pananampalataya ni Allah sa Islam at paniniwala sa Kanyang Kaisahan)
Surah Ya-Seen, Verse 4
تَنزِيلَ ٱلۡعَزِيزِ ٱلرَّحِيمِ
(Ito ay isang) Kapahayagan na ipinadala (Niya), ang Pinakamataas sa Kapangyarihan, ang Pinakamaawain
Surah Ya-Seen, Verse 5
لِتُنذِرَ قَوۡمٗا مَّآ أُنذِرَ ءَابَآؤُهُمۡ فَهُمۡ غَٰفِلُونَ
Upang iyong mapaalalahanan ang isang pamayanan na ang mga ninuno ay hindi napaalalahanan, kaya’t sila ay hindi sumunod (sa mga aral ni Allah)
Surah Ya-Seen, Verse 6
لَقَدۡ حَقَّ ٱلۡقَوۡلُ عَلَىٰٓ أَكۡثَرِهِمۡ فَهُمۡ لَا يُؤۡمِنُونَ
Katotohanan, ang Salita (ng kaparusahan) ay ganap na naging totoo laban sa karamihan nila, kaya’t sila ay hindi sasampalataya
Surah Ya-Seen, Verse 7
إِنَّا جَعَلۡنَا فِيٓ أَعۡنَٰقِهِمۡ أَغۡلَٰلٗا فَهِيَ إِلَى ٱلۡأَذۡقَانِ فَهُم مُّقۡمَحُونَ
Tunay nga! Kami (Allah) ay naglagay sa kanilang leeg ng mga tanikalang bakal na umaabot hanggang sa kanilang baba, upang ang kanilang ulo ay hindi makatungo
Surah Ya-Seen, Verse 8
وَجَعَلۡنَا مِنۢ بَيۡنِ أَيۡدِيهِمۡ سَدّٗا وَمِنۡ خَلۡفِهِمۡ سَدّٗا فَأَغۡشَيۡنَٰهُمۡ فَهُمۡ لَا يُبۡصِرُونَ
At Kami ay naglagay ng hadlang (panakip) sa harapan nila at hadlang (panakip) sa likuran nila, at sila ay Aming tinakpan upang sila ay hindi makakita
Surah Ya-Seen, Verse 9
وَسَوَآءٌ عَلَيۡهِمۡ ءَأَنذَرۡتَهُمۡ أَمۡ لَمۡ تُنذِرۡهُمۡ لَا يُؤۡمِنُونَ
Magkatulad lamang ito sa kanila, kahit na sila ay iyong paalalahanan o hindi paalalahanan, sila ay hindi mananampalataya
Surah Ya-Seen, Verse 10
إِنَّمَا تُنذِرُ مَنِ ٱتَّبَعَ ٱلذِّكۡرَ وَخَشِيَ ٱلرَّحۡمَٰنَ بِٱلۡغَيۡبِۖ فَبَشِّرۡهُ بِمَغۡفِرَةٖ وَأَجۡرٖ كَرِيمٍ
Mapapaalalahanan mo lamang siya na sumusunod sa Tagubilin (ng Qur’an) at may pangangamba sa Pinakamapagbigay, Siya na nakalingid (Allah). Ibigay mo sa kanya (na may pananalig at pagkatakot kay Allah) ang magandang balita ng pagpapatawad at nag-uumapaw na gantimpala (Paraiso)
Surah Ya-Seen, Verse 11
إِنَّا نَحۡنُ نُحۡيِ ٱلۡمَوۡتَىٰ وَنَكۡتُبُ مَا قَدَّمُواْ وَءَاثَٰرَهُمۡۚ وَكُلَّ شَيۡءٍ أَحۡصَيۡنَٰهُ فِيٓ إِمَامٖ مُّبِينٖ
Katotohanang Kami ang nagbibigay buhay sa patay, at Kami ang nagtatala kung ano ang kanilang ipinadala sa (kanilang) harapan, at kung ano ang kanilang iniwanan (alalaong baga, ang mga bakas ng kanilang hakbang patungo sa Moske sa pag-aalay ng limang takdang panalangin, Jihad [makadiyos na pakikipaglaban], ang lahat ng mga mabuti at masama na kanilang ginawa, atbp.); at ang lahat ng bagay ay Aming isinulit sa maliwanag na Aklat (bilang katibayan)
Surah Ya-Seen, Verse 12
وَٱضۡرِبۡ لَهُم مَّثَلًا أَصۡحَٰبَ ٱلۡقَرۡيَةِ إِذۡ جَآءَهَا ٱلۡمُرۡسَلُونَ
At iyong ihantad sa kanila sa isang paghahambing (ang kasaysayan) ng mga naninirahan sa bayan (ng Antioch o Antakiya), nang may dumatal sa kanila na mga Tagapagbalita
Surah Ya-Seen, Verse 13
إِذۡ أَرۡسَلۡنَآ إِلَيۡهِمُ ٱثۡنَيۡنِ فَكَذَّبُوهُمَا فَعَزَّزۡنَا بِثَالِثٖ فَقَالُوٓاْ إِنَّآ إِلَيۡكُم مُّرۡسَلُونَ
Nang Aming suguin sa kanila ang dalawang Tagapagbalita, sila ay kapwa nila itinakwil; datapuwa’t Aming pinatibay sila sa pangatlo, na nagsasabi: “Katotohanang kami ay mga Tagapagbalita na isinugo sa inyo para sa isang layunin!”
Surah Ya-Seen, Verse 14
قَالُواْ مَآ أَنتُمۡ إِلَّا بَشَرٞ مِّثۡلُنَا وَمَآ أَنزَلَ ٱلرَّحۡمَٰنُ مِن شَيۡءٍ إِنۡ أَنتُمۡ إِلَّا تَكۡذِبُونَ
Sila (na mga tao sa bayan) ay nagsasabi: “Kayo ay katulad lamang namin na mga tao; at ang Pinakamapagbigay (Allah) ay hindi nagpadala ng anumang kapahayagan; ikaw ay gumagawa lamang ng mga kasinungalingan.”
Surah Ya-Seen, Verse 15
قَالُواْ رَبُّنَا يَعۡلَمُ إِنَّآ إِلَيۡكُمۡ لَمُرۡسَلُونَ
Ang mga Tagapagbalita ay nagsabi: “Ang aming Panginoon ang nakakabatid na kami ay mga Tagapagbalita na isinugo sa inyo sa isang layunin
Surah Ya-Seen, Verse 16
وَمَا عَلَيۡنَآ إِلَّا ٱلۡبَلَٰغُ ٱلۡمُبِينُ
Ang aming tungkulin ay ipahayag sa inyo ang maliwanag na Mensahe.”
Surah Ya-Seen, Verse 17
قَالُوٓاْ إِنَّا تَطَيَّرۡنَا بِكُمۡۖ لَئِن لَّمۡ تَنتَهُواْ لَنَرۡجُمَنَّكُمۡ وَلَيَمَسَّنَّكُم مِّنَّا عَذَابٌ أَلِيمٞ
Ang (mga tao) ay nagsabi: “Para sa amin, nakikita namin na kayo ay may dalang kamalasan, kaya’t kung kayo ay hindi titigil, katotohanang kayo ay babatuhin namin at isang kasakit-sakit na pagpaparusa ang malalasap ninyo sa amin.”
Surah Ya-Seen, Verse 18
قَالُواْ طَـٰٓئِرُكُم مَّعَكُمۡ أَئِن ذُكِّرۡتُمۚ بَلۡ أَنتُمۡ قَوۡمٞ مُّسۡرِفُونَ
Sila (na mga Tagapagbalita) ay nagsabi: “Ang inyong kamalasan (kasamaan) ay nasa inyong mga sarili! (Tinatawag ba ninyo na kamalasan [kasamaan] ito) kung kayo ay pinapaalalahanan? Hindi, kayo ay mga tao na Mushrifun (mga tampalasan, na sumusuway sa lahat ng hangganan ng paglabag, nagsisigawa ng malalaking kasalanan, atbp.)!”
Surah Ya-Seen, Verse 19
وَجَآءَ مِنۡ أَقۡصَا ٱلۡمَدِينَةِ رَجُلٞ يَسۡعَىٰ قَالَ يَٰقَوۡمِ ٱتَّبِعُواْ ٱلۡمُرۡسَلِينَ
At mayroong isang taong dumating na tumatakbo mula sa malayong bahagi ng bayan na nagsasabi: “o aking pamayanan, sundin ninyo ang mgaTagapagbalita
Surah Ya-Seen, Verse 20
ٱتَّبِعُواْ مَن لَّا يَسۡـَٔلُكُمۡ أَجۡرٗا وَهُم مُّهۡتَدُونَ
Inyong sundin sila na hindi nanghihingi ng anumang kapalit (at pabuya mula sa inyo), sila na tuwid na napapatnubayan.”
Surah Ya-Seen, Verse 21
وَمَالِيَ لَآ أَعۡبُدُ ٱلَّذِي فَطَرَنِي وَإِلَيۡهِ تُرۡجَعُونَ
At bakit ako ay hindi sasamba sa Kanya (kay Allah lamang), na Siyang lumikha sa akin, at kayong lahat sa Kanya ay magbabalik
Surah Ya-Seen, Verse 22
ءَأَتَّخِذُ مِن دُونِهِۦٓ ءَالِهَةً إِن يُرِدۡنِ ٱلرَّحۡمَٰنُ بِضُرّٖ لَّا تُغۡنِ عَنِّي شَفَٰعَتُهُمۡ شَيۡـٔٗا وَلَا يُنقِذُونِ
Ako ba ay magtuturing pa (sa pagsamba) maliban sa Kanya ng iba pang diyos; kung ang Pinakamapagbigay (Allah) ay magnais sa akin ng kapinsalaan, ang kanilang pamamagitan ay walang magiging silbi sa anumang kaparaanan, gayundin, ako ay hindi nila maililigtas
Surah Ya-Seen, Verse 23
إِنِّيٓ إِذٗا لَّفِي ضَلَٰلٖ مُّبِينٍ
Katotohanan! Kung magkagayon, ako ay masasadlak sa maliwanag na kamalian
Surah Ya-Seen, Verse 24
إِنِّيٓ ءَامَنتُ بِرَبِّكُمۡ فَٱسۡمَعُونِ
Katotohanan! Ako ay sumampalataya sa Panginoon ninyong (lahat). Magsipakinig kayo sa akin!”
Surah Ya-Seen, Verse 25
قِيلَ ٱدۡخُلِ ٱلۡجَنَّةَۖ قَالَ يَٰلَيۡتَ قَوۡمِي يَعۡلَمُونَ
At dito ay ipinagbadya (sa kanya na pinatay ng mga hindi sumasampalataya): “Pumasok ka sa Halamanan (Paraiso).” Siya ay nagsabi: “Ah! Kung nalalaman lamang ito ng aking pamayanan
Surah Ya-Seen, Verse 26
بِمَا غَفَرَ لِي رَبِّي وَجَعَلَنِي مِنَ ٱلۡمُكۡرَمِينَ
Na ang aking Panginoon (Allah) ay nagkaloob sa akin ng kapatawaran at ako ay itinalaga Niya na mapabilang sa mga ginawaran ng karangalan!”
Surah Ya-Seen, Verse 27
۞وَمَآ أَنزَلۡنَا عَلَىٰ قَوۡمِهِۦ مِنۢ بَعۡدِهِۦ مِن جُندٖ مِّنَ ٱلسَّمَآءِ وَمَا كُنَّا مُنزِلِينَ
At hindi na Kami nagsugo pa sa kanyang pamayanan, pagkaraan nila (tatlong Tagapagbalita) ng sinumang Tagapagbalita mula sa kalangitan, gayundin, ito ay hindi na kailangan sa Amin na (muling) gawin pa
Surah Ya-Seen, Verse 28
إِن كَانَتۡ إِلَّا صَيۡحَةٗ وَٰحِدَةٗ فَإِذَا هُمۡ خَٰمِدُونَ
dito (ay sapat na) ang isang matinding pagsabog, at pagmasdan! Sila ay katulad (ng abo) na pumatag na (namatay at nawasak)
Surah Ya-Seen, Verse 29
يَٰحَسۡرَةً عَلَى ٱلۡعِبَادِۚ مَا يَأۡتِيهِم مِّن رَّسُولٍ إِلَّا كَانُواْ بِهِۦ يَسۡتَهۡزِءُونَ
Sayang, (sa aba) ng Sangkatauhan! Kailanman ay walang sinumang Tagapagbalita ang dumatal sa kanila na hindi nila tinuya
Surah Ya-Seen, Verse 30
أَلَمۡ يَرَوۡاْ كَمۡ أَهۡلَكۡنَا قَبۡلَهُم مِّنَ ٱلۡقُرُونِ أَنَّهُمۡ إِلَيۡهِمۡ لَا يَرۡجِعُونَ
Hindi baga nila namamasdan kung ilang sali’t saling lahi na, na una pa sa kanila ang Aming winasak? Katotohanang sila ay hindi babalik sa kanila
Surah Ya-Seen, Verse 31
وَإِن كُلّٞ لَّمَّا جَمِيعٞ لَّدَيۡنَا مُحۡضَرُونَ
At katiyakan, ang lahat,- ang bawat isa sa kanila ay itatanghal sa Amin (upang hukuman)
Surah Ya-Seen, Verse 32
وَءَايَةٞ لَّهُمُ ٱلۡأَرۡضُ ٱلۡمَيۡتَةُ أَحۡيَيۡنَٰهَا وَأَخۡرَجۡنَا مِنۡهَا حَبّٗا فَمِنۡهُ يَأۡكُلُونَ
At ang isang Tanda sa kanila ay ang kalupaan na patay (tigang); binigyan Namin ito ng buhay (ulan) at nagpasibol dito ng mga butil na kanilang kinakain
Surah Ya-Seen, Verse 33
وَجَعَلۡنَا فِيهَا جَنَّـٰتٖ مِّن نَّخِيلٖ وَأَعۡنَٰبٖ وَفَجَّرۡنَا فِيهَا مِنَ ٱلۡعُيُونِ
At nagpatubo Kami rito ng halamanan ng palmera at mga ubas, at hinayaan Namin na dumaloy dito ang tubig mula sa mga saluysoy
Surah Ya-Seen, Verse 34
لِيَأۡكُلُواْ مِن ثَمَرِهِۦ وَمَا عَمِلَتۡهُ أَيۡدِيهِمۡۚ أَفَلَا يَشۡكُرُونَ
Upang kanilang makain ang kanilang mga bunga. Ang may gawa nito ay hindi ang kanilang mga kamay. Hindi baga sila kung gayon, magbibigay ng pasasalamat
Surah Ya-Seen, Verse 35
سُبۡحَٰنَ ٱلَّذِي خَلَقَ ٱلۡأَزۡوَٰجَ كُلَّهَا مِمَّا تُنۢبِتُ ٱلۡأَرۡضُ وَمِنۡ أَنفُسِهِمۡ وَمِمَّا لَا يَعۡلَمُونَ
Luwalhatiin si Allah na lumikha sa lahat ng bagay na magkapares, na tumutubo sa kalupaan, gayundin ng kanilang mga sarili (lalaki at babae), at ng iba pang bagay na wala silang kaalaman
Surah Ya-Seen, Verse 36
وَءَايَةٞ لَّهُمُ ٱلَّيۡلُ نَسۡلَخُ مِنۡهُ ٱلنَّهَارَ فَإِذَا هُم مُّظۡلِمُونَ
At ang isang Tanda sa kanila ay ang gabi. Hinatak Namin dito ang liwanag (araw), at pagmasdan, sila ay nasa kadiliman
Surah Ya-Seen, Verse 37
وَٱلشَّمۡسُ تَجۡرِي لِمُسۡتَقَرّٖ لَّهَاۚ ذَٰلِكَ تَقۡدِيرُ ٱلۡعَزِيزِ ٱلۡعَلِيمِ
At ang araw ay umiinog sa kanyang takdang landas sa natataningang panahon. Ito ang pag-uutos ng Kataas-taasan sa Kapangyarihan, ang Pinakamaalam
Surah Ya-Seen, Verse 38
وَٱلۡقَمَرَ قَدَّرۡنَٰهُ مَنَازِلَ حَتَّىٰ عَادَ كَٱلۡعُرۡجُونِ ٱلۡقَدِيمِ
At ng buwan; Aming sinukat sa kanya (upang kanyang tahakin) ang mga himpilan (palasyo) hanggang sa siya ay magbalik na katulad ng lanta at tuyot na sungot ng palmera
Surah Ya-Seen, Verse 39
لَا ٱلشَّمۡسُ يَنۢبَغِي لَهَآ أَن تُدۡرِكَ ٱلۡقَمَرَ وَلَا ٱلَّيۡلُ سَابِقُ ٱلنَّهَارِۚ وَكُلّٞ فِي فَلَكٖ يَسۡبَحُونَ
Hindi pinahihintulutan na maabot (malampasan) ng araw ang buwan, gayundin ang gabi na mahigtan ang maghapon. Sila ay kapwa lumalangoy (nakalutang) sa kanilang orbito (landas)
Surah Ya-Seen, Verse 40
وَءَايَةٞ لَّهُمۡ أَنَّا حَمَلۡنَا ذُرِّيَّتَهُمۡ فِي ٱلۡفُلۡكِ ٱلۡمَشۡحُونِ
At ang isang Ayah (Tanda) sa kanila ay yaong Aming ipinanganak ang kanilang supling sa nakakargahang barko (Arko ni Noe)
Surah Ya-Seen, Verse 41
وَخَلَقۡنَا لَهُم مِّن مِّثۡلِهِۦ مَا يَرۡكَبُونَ
At nilikha Namin para sa kanila ang nakakatulad (na barko) na kanilang sinasakyan
Surah Ya-Seen, Verse 42
وَإِن نَّشَأۡ نُغۡرِقۡهُمۡ فَلَا صَرِيخَ لَهُمۡ وَلَا هُمۡ يُنقَذُونَ
At kung Aming naisin, sila ay maaari Naming lunurin; at walang sinumang kawaksi roon (na makakarinig sa kanilang sigaw), gayundin, sila ay hindi maililigtas
Surah Ya-Seen, Verse 43
إِلَّا رَحۡمَةٗ مِّنَّا وَمَتَٰعًا إِلَىٰ حِينٖ
Maliban sa pamamagitan ng Habag mula sa Amin, at bilang pagbibigay ng pansamantalang kasiyahan sa kanila
Surah Ya-Seen, Verse 44
وَإِذَا قِيلَ لَهُمُ ٱتَّقُواْ مَا بَيۡنَ أَيۡدِيكُمۡ وَمَا خَلۡفَكُمۡ لَعَلَّكُمۡ تُرۡحَمُونَ
At nang ito ay ipagbadya sa kanila: “Mag-ingat kayo sa nasa harapan ninyo (pangmundong mga parusa) at nasa likuran ninyo (kaparusahan sa Kabilang Buhay), upang kayo ay magsitanggap ng Habag (alalaong baga, kung kayo ay mananalig sa Pananampalataya ni Allah, sa Islam at sa Kanyang Kaisahan, at iiwas sa pagsamba sa mga diyus-diyosan at susunod kay Allah sa mabubuting gawa)
Surah Ya-Seen, Verse 45
وَمَا تَأۡتِيهِم مِّنۡ ءَايَةٖ مِّنۡ ءَايَٰتِ رَبِّهِمۡ إِلَّا كَانُواْ عَنۡهَا مُعۡرِضِينَ
At hindi kailanman dumating sa kanila ang isang Ayah (Tanda) mula sa karamihan ng Ayat (mga tanda, katibayan, kapahayagan, aral, atbp.) mula sa kanilang Panginoon, ang hindi nila itinakwil
Surah Ya-Seen, Verse 46
وَإِذَا قِيلَ لَهُمۡ أَنفِقُواْ مِمَّا رَزَقَكُمُ ٱللَّهُ قَالَ ٱلَّذِينَ كَفَرُواْ لِلَّذِينَ ءَامَنُوٓاْ أَنُطۡعِمُ مَن لَّوۡ يَشَآءُ ٱللَّهُ أَطۡعَمَهُۥٓ إِنۡ أَنتُمۡ إِلَّا فِي ضَلَٰلٖ مُّبِينٖ
At kung sa kanila ay ipinagbabadya: “Gugulin ninyo (ang biyaya) na ipinagkaloob sa inyo ni Allah”; ang mga hindi sumasampalataya ay nagsasabi sa mga sumasampalataya: “Amin bagang pakakainin siya, na kung nanaisin lamang ni Allah, siya ay Kanyang mapapakain? Ikaw ay nasa maliwanag na kamalian lamang.”
Surah Ya-Seen, Verse 47
وَيَقُولُونَ مَتَىٰ هَٰذَا ٱلۡوَعۡدُ إِن كُنتُمۡ صَٰدِقِينَ
At sila ay nagsasabi: “Kailan kaya matutupad ang pangakong ito (ang Pagkabuhay na Mag-uli) kung ikaw ay nagsasabi ng katotohanan?”
Surah Ya-Seen, Verse 48
مَا يَنظُرُونَ إِلَّا صَيۡحَةٗ وَٰحِدَةٗ تَأۡخُذُهُمۡ وَهُمۡ يَخِصِّمُونَ
Hindi sila marapat maghintay sa isang matinding pagsabog lamang; ito ay sasaklot sa kanila habang sila ay nagsisipagtalo sa kanilang mga sarili
Surah Ya-Seen, Verse 49
فَلَا يَسۡتَطِيعُونَ تَوۡصِيَةٗ وَلَآ إِلَىٰٓ أَهۡلِهِمۡ يَرۡجِعُونَ
At sila ay hindi magkakaroon ng panahon na makapagpamana, gayundin, sila ay hindi na makakabalik pa sa kanilang pamilya
Surah Ya-Seen, Verse 50
وَنُفِخَ فِي ٱلصُّورِ فَإِذَا هُم مِّنَ ٱلۡأَجۡدَاثِ إِلَىٰ رَبِّهِمۡ يَنسِلُونَ
At ang Tambuli ay hihipan (sa pangalawang pagkakataon), at pagmasdan! Mula sa mga libingan ay magsisilabas (ang mga tao) patungo sa kanilang Panginoon
Surah Ya-Seen, Verse 51
قَالُواْ يَٰوَيۡلَنَا مَنۢ بَعَثَنَا مِن مَّرۡقَدِنَاۜۗ هَٰذَا مَا وَعَدَ ٱلرَّحۡمَٰنُ وَصَدَقَ ٱلۡمُرۡسَلُونَ
Sila ay magsasabi: “Ah! Kasawian sa amin! Sino ang nagpabangon sa amin mula sa aming lugar ng pagkakatulog?” (Isang tinig ang maririnig): “Ito ang ipinangako ng Pinakamapagbigay (Allah), at ang mga Tagapagbalita ay nagsaysay ng Katotohanan!”
Surah Ya-Seen, Verse 52
إِن كَانَتۡ إِلَّا صَيۡحَةٗ وَٰحِدَةٗ فَإِذَا هُمۡ جَمِيعٞ لَّدَيۡنَا مُحۡضَرُونَ
dito ay sapat na ang isang matinding pagsabog, kaya’t pagmasdan! Silang lahat ay itatanghal sa harapan Namin
Surah Ya-Seen, Verse 53
فَٱلۡيَوۡمَ لَا تُظۡلَمُ نَفۡسٞ شَيۡـٔٗا وَلَا تُجۡزَوۡنَ إِلَّا مَا كُنتُمۡ تَعۡمَلُونَ
Sa Araw na ito (Araw ng Muling Pagkabuhay), walang sinuman ang gagawaran sa anuman ng hindi katampatan, at kayo ay hindi babayaran maliban lamang ng ayon sa antas nang inyong mga gawa
Surah Ya-Seen, Verse 54
إِنَّ أَصۡحَٰبَ ٱلۡجَنَّةِ ٱلۡيَوۡمَ فِي شُغُلٖ فَٰكِهُونَ
Katotohanan, ang mga naninirahan sa Halamanan (Paraiso), sa Araw na yaon ay magkakaroon ng kasiyahan sa lahat nilang ginagawa
Surah Ya-Seen, Verse 55
هُمۡ وَأَزۡوَٰجُهُمۡ فِي ظِلَٰلٍ عَلَى ٱلۡأَرَآئِكِ مُتَّكِـُٔونَ
Sila at ang kanilang kadaupang palad ay mapapasatabi ng kaaya- ayang lilim, na nakahilig sa matataas na diban
Surah Ya-Seen, Verse 56
لَهُمۡ فِيهَا فَٰكِهَةٞ وَلَهُم مَّا يَدَّعُونَ
Sasakanila ang lahat ng (uri ng) bungangkahoy, at lahat ng kanilang hilingin
Surah Ya-Seen, Verse 57
سَلَٰمٞ قَوۡلٗا مِّن رَّبّٖ رَّحِيمٖ
(At sa kanila ay ipagtuturing): “Salamun (Ang Kapayapaan ay sumainyo)!” Isang Salita (ng pagbati) mula sa Panginoon (Allah), ang Pinakamaawain
Surah Ya-Seen, Verse 58
وَٱمۡتَٰزُواْ ٱلۡيَوۡمَ أَيُّهَا ٱلۡمُجۡرِمُونَ
(At dito ay ipagsasaysay): “At, O kayong Al-Mujrimun (mga tampalasan, kriminal, mapagsamba sa mga diyus- diyosan, walang pananalig kay Allah, buktot, atbp.)! Magsilayo kayo sa Araw na ito (sa mga sumasampalataya)
Surah Ya-Seen, Verse 59
۞أَلَمۡ أَعۡهَدۡ إِلَيۡكُمۡ يَٰبَنِيٓ ءَادَمَ أَن لَّا تَعۡبُدُواْ ٱلشَّيۡطَٰنَۖ إِنَّهُۥ لَكُمۡ عَدُوّٞ مُّبِينٞ
Hindi baga ipinagtagubilin Ko sa inyo, O angkan ni Adan na huwag ninyong sambahin si Satanas? Katotohanang siya sa inyo ay isang lantad na kaaway
Surah Ya-Seen, Verse 60
وَأَنِ ٱعۡبُدُونِيۚ هَٰذَا صِرَٰطٞ مُّسۡتَقِيمٞ
At kayo ay marapat na sumamba sa Akin (lamang, sa Aking Kaisahan, at huwag sumamba at mag-akibat sa Akin ng mga diyus-diyosan). Ito ang Tuwid na Landas
Surah Ya-Seen, Verse 61
وَلَقَدۡ أَضَلَّ مِنكُمۡ جِبِلّٗا كَثِيرًاۖ أَفَلَمۡ تَكُونُواْ تَعۡقِلُونَ
At katotohanang iniligaw niya (Satanas) ang malaking karamihan sa inyo, hindi baga kayo nakakaunawa
Surah Ya-Seen, Verse 62
هَٰذِهِۦ جَهَنَّمُ ٱلَّتِي كُنتُمۡ تُوعَدُونَ
Ito ang Impiyerno na sa inyo ay ipinangako
Surah Ya-Seen, Verse 63
ٱصۡلَوۡهَا ٱلۡيَوۡمَ بِمَا كُنتُمۡ تَكۡفُرُونَ
Yakapin ninyo ang Apoy sa Araw na ito sapagkat kayo (ay patuloy) na nagtatwa (sa katotohanan)
Surah Ya-Seen, Verse 64
ٱلۡيَوۡمَ نَخۡتِمُ عَلَىٰٓ أَفۡوَٰهِهِمۡ وَتُكَلِّمُنَآ أَيۡدِيهِمۡ وَتَشۡهَدُ أَرۡجُلُهُم بِمَا كَانُواْ يَكۡسِبُونَ
Sa Araw na ito, Aming ilalapat ang kanilang bibig, at ang kanilang kamay ay mangungusap sa Amin, at ang kanilang binti ay magbibigay saksi sa kanilang pinagdaanang gawa
Surah Ya-Seen, Verse 65
وَلَوۡ نَشَآءُ لَطَمَسۡنَا عَلَىٰٓ أَعۡيُنِهِمۡ فَٱسۡتَبَقُواْ ٱلصِّرَٰطَ فَأَنَّىٰ يُبۡصِرُونَ
At kung Amin lamang ninais, tunay nga na magagawa Namin na bulagin ang kanilang mga mata, upang sila ay magsumikap na tumahak sa Landas, subalit paano sila kung gayon makakakita
Surah Ya-Seen, Verse 66
وَلَوۡ نَشَآءُ لَمَسَخۡنَٰهُمۡ عَلَىٰ مَكَانَتِهِمۡ فَمَا ٱسۡتَطَٰعُواْ مُضِيّٗا وَلَا يَرۡجِعُونَ
At kung Amin lamang ninais, magagawa Namin na palitan sila (bilang mga hayop o walang buhay na nilikha) sa kanilang kinalalagyan. Sa gayon, sila ay hindi makakapangyari na lumakad nang pasulong (lumibot), o di kaya ay makatalikod
Surah Ya-Seen, Verse 67
وَمَن نُّعَمِّرۡهُ نُنَكِّسۡهُ فِي ٱلۡخَلۡقِۚ أَفَلَا يَعۡقِلُونَ
At siya na ginawaran Namin ng mahabang buhay, Aming pinanumbalik muli ang kanyang pagkalikha (mula sa pagiging mahina hanggang sa maging malakas sa paglaki, at muli sa pagiging mahina sa kanyang pagtanda). Hindi baga sila nakakaunawa
Surah Ya-Seen, Verse 68
وَمَا عَلَّمۡنَٰهُ ٱلشِّعۡرَ وَمَا يَنۢبَغِي لَهُۥٓۚ إِنۡ هُوَ إِلَّا ذِكۡرٞ وَقُرۡءَانٞ مُّبِينٞ
At hindi Namin tinuruan siya (Muhammad) ng tulain (pagtula), gayundin ito ay hindi nalalayon sa kanya; ito ay hindi hihigit pa maliban sa isang Paala-ala at isang Qur’an na nagbibigay ng kaliwanagan sa mga bagay
Surah Ya-Seen, Verse 69
لِّيُنذِرَ مَن كَانَ حَيّٗا وَيَحِقَّ ٱلۡقَوۡلُ عَلَى ٱلۡكَٰفِرِينَ
Upang ito (ang Qur’an) o siya (Muhammad) ay magbigay ng paala-ala sa sinuman na nabubuhay (may malusog na pag-iisip, isang may pananalig), upang ang salita ay mapatibayan laban sa mga hindi sumasampalataya (patay, sapagkat sila ay nagtatakwil sa mga babala)
Surah Ya-Seen, Verse 70
أَوَلَمۡ يَرَوۡاْ أَنَّا خَلَقۡنَا لَهُم مِّمَّا عَمِلَتۡ أَيۡدِينَآ أَنۡعَٰمٗا فَهُمۡ لَهَا مَٰلِكُونَ
Hindi baga nila napagmamasdan kung paano Namin nilikha sa kanila; kung ano ang nilikha ng Aming mga Kamay, ang mga hayupan (bakahan), upang sila ang maging tagapag-ari nito
Surah Ya-Seen, Verse 71
وَذَلَّلۡنَٰهَا لَهُمۡ فَمِنۡهَا رَكُوبُهُمۡ وَمِنۡهَا يَأۡكُلُونَ
At Aming ipinailalim sila (hayupan, bakahan) sa kanila (sa paggamit). Ang iba ay kanilang sinasakyan at ang iba ay kanilang kinakain
Surah Ya-Seen, Verse 72
وَلَهُمۡ فِيهَا مَنَٰفِعُ وَمَشَارِبُۚ أَفَلَا يَشۡكُرُونَ
At sila ay mayroon (pang ibang) kapakinabangan sa kanila (maliban pa rito), sila ay nakakakuha (ng gatas) bilang inumin. Hindi baga sila magkakaroon ng utang na loob ng pasasalamat
Surah Ya-Seen, Verse 73
وَٱتَّخَذُواْ مِن دُونِ ٱللَّهِ ءَالِهَةٗ لَّعَلَّهُمۡ يُنصَرُونَ
Datapuwa’t sila ay nagturing (sa pagsamba) ng iba pang diyos bukod pa kay Allah, (na umaasa) na sila ay matutulungan (ng kanilang itinuturing na mga diyos)
Surah Ya-Seen, Verse 74
لَا يَسۡتَطِيعُونَ نَصۡرَهُمۡ وَهُمۡ لَهُمۡ جُندٞ مُّحۡضَرُونَ
Sila (mga diyus-diyosan) ay walang kapangyarihan na tulungan sila, datapuwa’t sila (mga diyus-diyosan) ay itatambad bilang isang pangkat laban sa mga sumamba sa kanila (sa Sandali ng Pagsusulit)
Surah Ya-Seen, Verse 75
فَلَا يَحۡزُنكَ قَوۡلُهُمۡۘ إِنَّا نَعۡلَمُ مَا يُسِرُّونَ وَمَا يُعۡلِنُونَ
Kaya’t huwag hayaan ang kanilang pananalita ay makapagpalumbay sa iyo (o Muhammad). Katotohanang batid Namin kung ano ang kanilang ikinukubli at kung ano ang kanilang inilalantad
Surah Ya-Seen, Verse 76
أَوَلَمۡ يَرَ ٱلۡإِنسَٰنُ أَنَّا خَلَقۡنَٰهُ مِن نُّطۡفَةٖ فَإِذَا هُوَ خَصِيمٞ مُّبِينٞ
Hindi baga namamalas ng tao na Aming nilikha siya mula sa Nutfah (magkahalong semilya ng lalaki at babae)? Datapuwa’t pagmasdan! Siya (ay nakatindig) bilang isang lantad na kaaway
Surah Ya-Seen, Verse 77
وَضَرَبَ لَنَا مَثَلٗا وَنَسِيَ خَلۡقَهُۥۖ قَالَ مَن يُحۡيِ ٱلۡعِظَٰمَ وَهِيَ رَمِيمٞ
At nagturing siya sa Amin ng isang talinghaga, at nakalimot sa kanyang sariling pagkalikha. Siya ay nagsasabi: “Sino ang magbibigay buhay sa mga butong ito na nangabulok na at naging abo?”
Surah Ya-Seen, Verse 78
قُلۡ يُحۡيِيهَا ٱلَّذِيٓ أَنشَأَهَآ أَوَّلَ مَرَّةٖۖ وَهُوَ بِكُلِّ خَلۡقٍ عَلِيمٌ
Ipagbadya (o Muhammad): “Siya ang magbibigay buhay sa kanila na Siyang lumikha sa kanila noong una! At siya ang Lubos na Nakakaalam ng lahat ng Kanyang mga nilikha
Surah Ya-Seen, Verse 79
ٱلَّذِي جَعَلَ لَكُم مِّنَ ٱلشَّجَرِ ٱلۡأَخۡضَرِ نَارٗا فَإِذَآ أَنتُم مِّنۡهُ تُوقِدُونَ
Siya rin ang naggawad sa inyo ng apoy mula sa luntiang puno (alalaong baga, ang tuyong kahoy ay ginagamit na panggatong), at pagmasdan! Kayo ay nakapagpaparingas ng apoy dito
Surah Ya-Seen, Verse 80
أَوَلَيۡسَ ٱلَّذِي خَلَقَ ٱلسَّمَٰوَٰتِ وَٱلۡأَرۡضَ بِقَٰدِرٍ عَلَىٰٓ أَن يَخۡلُقَ مِثۡلَهُمۚ بَلَىٰ وَهُوَ ٱلۡخَلَّـٰقُ ٱلۡعَلِيمُ
Hindi baga Siya na lumikha ng kalangitan at kalupaan ay makakagawa rin na makalikha ng katulad nila? Tunay nga, walang pagsala! Sapagkat Siya ang Ganap na Maalam, ang Sukdol na Manlilikha (na batbat ng kaalaman at karunungang walang maliw)
Surah Ya-Seen, Verse 81
إِنَّمَآ أَمۡرُهُۥٓ إِذَآ أَرَادَ شَيۡـًٔا أَن يَقُولَ لَهُۥ كُن فَيَكُونُ
Katotohanang kung Siya ay magnais (na gumawa) ng isang bagay, ang Kanyang pag- uutos lamang ay: “Mangyari nga!” At ito ay magaganap
Surah Ya-Seen, Verse 82
فَسُبۡحَٰنَ ٱلَّذِي بِيَدِهِۦ مَلَكُوتُ كُلِّ شَيۡءٖ وَإِلَيۡهِ تُرۡجَعُونَ
Kayat luwalhatiin Siya. Higit Siyang Mataas sa lahat ng mga itinatambal sa Kanya, at nasa Kanyang mga Kamay ang paghahari at kapamahalaan ng lahat ng bagay, at kayong lahat sa Kanya ay magbabalik
Surah Ya-Seen, Verse 83