Surah Adh-Dhariyat - Filipino Translation by Www.islamhouse.com
وَٱلذَّـٰرِيَٰتِ ذَرۡوٗا
Sumpa man sa mga [hanging] tagapagpalipad sa pagpapalipad [ng alikabok]
Surah Adh-Dhariyat, Verse 1
فَٱلۡحَٰمِلَٰتِ وِقۡرٗا
saka sa mga [ulap na] tagapagdala ng lulan [na ulap]
Surah Adh-Dhariyat, Verse 2
فَٱلۡجَٰرِيَٰتِ يُسۡرٗا
at sa mga [daong na] tagapaglayag nang magaan
Surah Adh-Dhariyat, Verse 3
فَٱلۡمُقَسِّمَٰتِ أَمۡرًا
saka sa mga [anghel na] tagapagbahagi ng nauukol
Surah Adh-Dhariyat, Verse 4
إِنَّمَا تُوعَدُونَ لَصَادِقٞ
tunay na ang ipinangangako sa inyo ay talagang tapat
Surah Adh-Dhariyat, Verse 5
وَإِنَّ ٱلدِّينَ لَوَٰقِعٞ
at tunay na ang paggagantimpala ay talagang magaganap
Surah Adh-Dhariyat, Verse 6
وَٱلسَّمَآءِ ذَاتِ ٱلۡحُبُكِ
Sumpa man sa langit na may mga daanan
Surah Adh-Dhariyat, Verse 7
إِنَّكُمۡ لَفِي قَوۡلٖ مُّخۡتَلِفٖ
tunay na kayo ay talagang nasa isang pagsasabing nagkakaiba
Surah Adh-Dhariyat, Verse 8
يُؤۡفَكُ عَنۡهُ مَنۡ أُفِكَ
Nalilinlang palayo rito ang sinumang nalinlang
Surah Adh-Dhariyat, Verse 9
قُتِلَ ٱلۡخَرَّـٰصُونَ
Napahamak ang mga palasapantaha
Surah Adh-Dhariyat, Verse 10
ٱلَّذِينَ هُمۡ فِي غَمۡرَةٖ سَاهُونَ
na sila sa isang pagkalubog [sa kamangmangan] ay mga nakaliligta
Surah Adh-Dhariyat, Verse 11
يَسۡـَٔلُونَ أَيَّانَ يَوۡمُ ٱلدِّينِ
Nagtatanong sila: "Kailan ang Araw ng Paggagantimpala
Surah Adh-Dhariyat, Verse 12
يَوۡمَ هُمۡ عَلَى ٱلنَّارِ يُفۡتَنُونَ
Sa araw na sila sa ibabaw ng Apoy ay sinisilaban
Surah Adh-Dhariyat, Verse 13
ذُوقُواْ فِتۡنَتَكُمۡ هَٰذَا ٱلَّذِي كُنتُم بِهِۦ تَسۡتَعۡجِلُونَ
Lasapin ninyo ang pagsilab sa inyo; ito ay ang dati ninyong minamadali
Surah Adh-Dhariyat, Verse 14
إِنَّ ٱلۡمُتَّقِينَ فِي جَنَّـٰتٖ وَعُيُونٍ
Tunay na ang mga tagapangilag magkasala ay nasa mga hardin at mga bukal
Surah Adh-Dhariyat, Verse 15
ءَاخِذِينَ مَآ ءَاتَىٰهُمۡ رَبُّهُمۡۚ إِنَّهُمۡ كَانُواْ قَبۡلَ ذَٰلِكَ مُحۡسِنِينَ
habang mga kumukuha ng anumang ibinigay sa kanila ng Panginoon nila. Tunay na sila dati bago niyon ay mga tagagawa ng maganda
Surah Adh-Dhariyat, Verse 16
كَانُواْ قَلِيلٗا مِّنَ ٱلَّيۡلِ مَا يَهۡجَعُونَ
Sila dati ay kaunti mula sa gabi ang iniidlip
Surah Adh-Dhariyat, Verse 17
وَبِٱلۡأَسۡحَارِ هُمۡ يَسۡتَغۡفِرُونَ
Sa mga huling bahagi ng gabi, sila ay humihingi ng tawad
Surah Adh-Dhariyat, Verse 18
وَفِيٓ أَمۡوَٰلِهِمۡ حَقّٞ لِّلسَّآئِلِ وَٱلۡمَحۡرُومِ
Sa mga yaman nila ay may karapatan para sa nanghihingi at napagkakaitan
Surah Adh-Dhariyat, Verse 19
وَفِي ٱلۡأَرۡضِ ءَايَٰتٞ لِّلۡمُوقِنِينَ
Sa lupa ay may mga tanda para sa mga nakatitiyak
Surah Adh-Dhariyat, Verse 20
وَفِيٓ أَنفُسِكُمۡۚ أَفَلَا تُبۡصِرُونَ
at sa mga sarili ninyo. Kaya hindi ba kayo nakakikita
Surah Adh-Dhariyat, Verse 21
وَفِي ٱلسَّمَآءِ رِزۡقُكُمۡ وَمَا تُوعَدُونَ
Sa langit ay ang panustos ninyo at ang ipinangangako sa inyo
Surah Adh-Dhariyat, Verse 22
فَوَرَبِّ ٱلسَّمَآءِ وَٱلۡأَرۡضِ إِنَّهُۥ لَحَقّٞ مِّثۡلَ مَآ أَنَّكُمۡ تَنطِقُونَ
Kaya sumpa man sa Panginoon ng langit at lupa, tunay na ito ay talagang katotohanan tulad ng anuman na kayo ay bumibigkas [niyon]
Surah Adh-Dhariyat, Verse 23
هَلۡ أَتَىٰكَ حَدِيثُ ضَيۡفِ إِبۡرَٰهِيمَ ٱلۡمُكۡرَمِينَ
Dumating kaya sa iyo ang salaysay ng mga panauhin ni Abraham, na mga pinarangalan
Surah Adh-Dhariyat, Verse 24
إِذۡ دَخَلُواْ عَلَيۡهِ فَقَالُواْ سَلَٰمٗاۖ قَالَ سَلَٰمٞ قَوۡمٞ مُّنكَرُونَ
Noong pumasok sila sa kanya saka nagsabi sila ng kapayapaan ay nagsabi naman siya: "Kapayapaan, mga taong di-kilala
Surah Adh-Dhariyat, Verse 25
فَرَاغَ إِلَىٰٓ أَهۡلِهِۦ فَجَآءَ بِعِجۡلٖ سَمِينٖ
Kaya tumalilis siya sa mag-anak niya, saka naghatid ng isang guyang mataba
Surah Adh-Dhariyat, Verse 26
فَقَرَّبَهُۥٓ إِلَيۡهِمۡ قَالَ أَلَا تَأۡكُلُونَ
Kaya naglapit siya nito sa kanila; nagsabi siya: "Hindi ba kayo kakain
Surah Adh-Dhariyat, Verse 27
فَأَوۡجَسَ مِنۡهُمۡ خِيفَةٗۖ قَالُواْ لَا تَخَفۡۖ وَبَشَّرُوهُ بِغُلَٰمٍ عَلِيمٖ
Kaya nakadama siya mula sa kanila ng pangangamba. Nagsabi sila: "Huwag kang mangamba." Nagbalita sila ng nakagagalak sa kanya hinggil sa isang batang lalaking maalam
Surah Adh-Dhariyat, Verse 28
فَأَقۡبَلَتِ ٱمۡرَأَتُهُۥ فِي صَرَّةٖ فَصَكَّتۡ وَجۡهَهَا وَقَالَتۡ عَجُوزٌ عَقِيمٞ
Kaya lumapit ang maybahay niya habang nasa paghihiyaw saka tinampal nito ang mukha nito at nagsabi: "Matandang babaing baog [ako]
Surah Adh-Dhariyat, Verse 29
قَالُواْ كَذَٰلِكِ قَالَ رَبُّكِۖ إِنَّهُۥ هُوَ ٱلۡحَكِيمُ ٱلۡعَلِيمُ
Nagsabi sila: "Gayon nagsabi ng Panginoon mo; tunay na Siya ay ang Marunong, ang Maalam
Surah Adh-Dhariyat, Verse 30
۞قَالَ فَمَا خَطۡبُكُمۡ أَيُّهَا ٱلۡمُرۡسَلُونَ
Nagsabi siya: "Kaya ano ang sadya ninyo, O mga isinugo
Surah Adh-Dhariyat, Verse 31
قَالُوٓاْ إِنَّآ أُرۡسِلۡنَآ إِلَىٰ قَوۡمٖ مُّجۡرِمِينَ
Nagsabi sila: "Tunay na kami ay isinugo sa mga taong salarin
Surah Adh-Dhariyat, Verse 32
لِنُرۡسِلَ عَلَيۡهِمۡ حِجَارَةٗ مِّن طِينٖ
upang magsugo kami sa kanila ng mga batong yari sa luwad
Surah Adh-Dhariyat, Verse 33
مُّسَوَّمَةً عِندَ رَبِّكَ لِلۡمُسۡرِفِينَ
tinatakan sa ganang Panginoon mo na para sa mga tagapagmalabis
Surah Adh-Dhariyat, Verse 34
فَأَخۡرَجۡنَا مَن كَانَ فِيهَا مِنَ ٱلۡمُؤۡمِنِينَ
Kaya nagpalabas Kami ng sinumang dati ay naroon kabilang sa mga mananampalataya
Surah Adh-Dhariyat, Verse 35
فَمَا وَجَدۡنَا فِيهَا غَيۡرَ بَيۡتٖ مِّنَ ٱلۡمُسۡلِمِينَ
Ngunit wala kaming natagpuan doon maliban sa isang sambahayan ng mga tagapagpasakop
Surah Adh-Dhariyat, Verse 36
وَتَرَكۡنَا فِيهَآ ءَايَةٗ لِّلَّذِينَ يَخَافُونَ ٱلۡعَذَابَ ٱلۡأَلِيمَ
Nag-iwan Kami roon ng isang tanda para sa mga nangangamba sa pagdurusang masakit
Surah Adh-Dhariyat, Verse 37
وَفِي مُوسَىٰٓ إِذۡ أَرۡسَلۡنَٰهُ إِلَىٰ فِرۡعَوۡنَ بِسُلۡطَٰنٖ مُّبِينٖ
Kay Moises [ay may tanda] noong nagsugo Kami sa kanya kay Paraon kalakip ng isang katunayang malinaw
Surah Adh-Dhariyat, Verse 38
فَتَوَلَّىٰ بِرُكۡنِهِۦ وَقَالَ سَٰحِرٌ أَوۡ مَجۡنُونٞ
Ngunit tumalikod siya kasabay ng kampon niya at nagsabi: "Manggagaway o baliw
Surah Adh-Dhariyat, Verse 39
فَأَخَذۡنَٰهُ وَجُنُودَهُۥ فَنَبَذۡنَٰهُمۡ فِي ٱلۡيَمِّ وَهُوَ مُلِيمٞ
Kaya kinuha Namin siya at ang mga kawal niya saka itinapon Namin sila sa dagat habang siya ay masisisi
Surah Adh-Dhariyat, Verse 40
وَفِي عَادٍ إِذۡ أَرۡسَلۡنَا عَلَيۡهِمُ ٱلرِّيحَ ٱلۡعَقِيمَ
Sa `Ād [ay may tanda] noong nagsugo Kami sa kanila ng hanging baog
Surah Adh-Dhariyat, Verse 41
مَا تَذَرُ مِن شَيۡءٍ أَتَتۡ عَلَيۡهِ إِلَّا جَعَلَتۡهُ كَٱلرَّمِيمِ
Hindi ito nagpapabaya ng anumang bagay na pinuntahan nito malibang ginawa nito iyon gaya ng nalansag
Surah Adh-Dhariyat, Verse 42
وَفِي ثَمُودَ إِذۡ قِيلَ لَهُمۡ تَمَتَّعُواْ حَتَّىٰ حِينٖ
Sa Thamūd [ay may tanda] noong sinabi sa kanila: "Magtamasa kayo hanggang sa pansamantala
Surah Adh-Dhariyat, Verse 43
فَعَتَوۡاْ عَنۡ أَمۡرِ رَبِّهِمۡ فَأَخَذَتۡهُمُ ٱلصَّـٰعِقَةُ وَهُمۡ يَنظُرُونَ
Ngunit nagpakapalalo sila sa utos ng Panginoon nila kaya dumaklot sa kanila ang lintik habang sila ay nakatingin
Surah Adh-Dhariyat, Verse 44
فَمَا ٱسۡتَطَٰعُواْ مِن قِيَامٖ وَمَا كَانُواْ مُنتَصِرِينَ
Kaya hindi sila nakakaya ng pagtayo at hindi sila dati mga naiaadya
Surah Adh-Dhariyat, Verse 45
وَقَوۡمَ نُوحٖ مِّن قَبۡلُۖ إِنَّهُمۡ كَانُواْ قَوۡمٗا فَٰسِقِينَ
[Nagpahamak Kami] sa mga kababayan ni Noe bago pa niyon; tunay na sila dati ay mga taong suwail
Surah Adh-Dhariyat, Verse 46
وَٱلسَّمَآءَ بَنَيۡنَٰهَا بِأَيۡيْدٖ وَإِنَّا لَمُوسِعُونَ
Ang langit ay ipinatayo Namin ito sa pamamagitan ng kapangyarihan at tunay na Kami ay talagang tagapagpalawak [nito]
Surah Adh-Dhariyat, Verse 47
وَٱلۡأَرۡضَ فَرَشۡنَٰهَا فَنِعۡمَ ٱلۡمَٰهِدُونَ
Ang lupa ay inilatag Namin ito, saka kay inam na tagapaghimlay [Kami]
Surah Adh-Dhariyat, Verse 48
وَمِن كُلِّ شَيۡءٍ خَلَقۡنَا زَوۡجَيۡنِ لَعَلَّكُمۡ تَذَكَّرُونَ
Mula sa bawat bagay ay lumikha kami ng magkapares, nang sa gayon kayo ay magsasaalaala
Surah Adh-Dhariyat, Verse 49
فَفِرُّوٓاْ إِلَى ٱللَّهِۖ إِنِّي لَكُم مِّنۡهُ نَذِيرٞ مُّبِينٞ
Kaya tumakas kayo patungo kay Allāh; tunay na ako para sa inyo laban dito ay isang mapagbabalang malinaw
Surah Adh-Dhariyat, Verse 50
وَلَا تَجۡعَلُواْ مَعَ ٱللَّهِ إِلَٰهًا ءَاخَرَۖ إِنِّي لَكُم مِّنۡهُ نَذِيرٞ مُّبِينٞ
Huwag kayong gumawa kasama kay Allāh ng isang diyos na iba pa; tunay na ako para sa inyo laban dito ay isang mapagbabalang malinaw
Surah Adh-Dhariyat, Verse 51
كَذَٰلِكَ مَآ أَتَى ٱلَّذِينَ مِن قَبۡلِهِم مِّن رَّسُولٍ إِلَّا قَالُواْ سَاحِرٌ أَوۡ مَجۡنُونٌ
Gayon din, walang pumunta sa mga [tao] bago pa nila na isang sugo malibang nagsabi sila: "Isang manggagaway o isang baliw
Surah Adh-Dhariyat, Verse 52
أَتَوَاصَوۡاْ بِهِۦۚ بَلۡ هُمۡ قَوۡمٞ طَاغُونَ
Nagtagubilinan ba sila hinggil dito? Bagkus sila ay mga taong tagapagmalabis
Surah Adh-Dhariyat, Verse 53
فَتَوَلَّ عَنۡهُمۡ فَمَآ أَنتَ بِمَلُومٖ
Kaya tumalikod ka palayo sa kanila sapagkat ikaw ay hindi masisisi
Surah Adh-Dhariyat, Verse 54
وَذَكِّرۡ فَإِنَّ ٱلذِّكۡرَىٰ تَنفَعُ ٱلۡمُؤۡمِنِينَ
Magpaalaala ka sapagkat tunay na ang paalaala ay nagpapakinabang sa mga mananampalataya
Surah Adh-Dhariyat, Verse 55
وَمَا خَلَقۡتُ ٱلۡجِنَّ وَٱلۡإِنسَ إِلَّا لِيَعۡبُدُونِ
Hindi Ako lumikha ng jinn at tao kundi upang sumamba sila sa Akin
Surah Adh-Dhariyat, Verse 56
مَآ أُرِيدُ مِنۡهُم مِّن رِّزۡقٖ وَمَآ أُرِيدُ أَن يُطۡعِمُونِ
Hindi Ako nagnanais mula sa kanila ng anumang panustos at hindi Ako nagnanais na magpakain sila sa Akin
Surah Adh-Dhariyat, Verse 57
إِنَّ ٱللَّهَ هُوَ ٱلرَّزَّاقُ ذُو ٱلۡقُوَّةِ ٱلۡمَتِينُ
Tunay na si Allāh ay ang Palatustos, ang May Lakas, ang Matibay
Surah Adh-Dhariyat, Verse 58
فَإِنَّ لِلَّذِينَ ظَلَمُواْ ذَنُوبٗا مِّثۡلَ ذَنُوبِ أَصۡحَٰبِهِمۡ فَلَا يَسۡتَعۡجِلُونِ
Saka tunay na ukol sa mga lumabag sa katarungan ay mga pagkakasalang tulad ng mga pagkakasala ng mga kasamahan nila, kaya huwag silang magmadali sa Akin
Surah Adh-Dhariyat, Verse 59
فَوَيۡلٞ لِّلَّذِينَ كَفَرُواْ مِن يَوۡمِهِمُ ٱلَّذِي يُوعَدُونَ
Kaya kasawian ay ukol sa mga tumangging sumampalataya mula sa araw nila na pinangangakuan sila [ng pagdurusa]
Surah Adh-Dhariyat, Verse 60