UAE Prayer Times

  • Dubai
  • Abu Dhabi
  • Sharjah
  • Ajman
  • Fujairah
  • Umm Al Quwain
  • Ras Al Khaimah
  • Quran Translations

Surah Qaf - Filipino Translation by Www.islamhouse.com


قٓۚ وَٱلۡقُرۡءَانِ ٱلۡمَجِيدِ

Qāf. Sumpa man sa Qur’ān na maringal
Surah Qaf, Verse 1


بَلۡ عَجِبُوٓاْ أَن جَآءَهُم مُّنذِرٞ مِّنۡهُمۡ فَقَالَ ٱلۡكَٰفِرُونَ هَٰذَا شَيۡءٌ عَجِيبٌ

Bagkus nagtaka sila na dumating sa kanila ang isang tagapagbabala kabilang sa kanila, kaya nagsabi ang mga tagatangging sumampalataya: "Ito ay isang bagay na kataka-taka
Surah Qaf, Verse 2


أَءِذَا مِتۡنَا وَكُنَّا تُرَابٗاۖ ذَٰلِكَ رَجۡعُۢ بَعِيدٞ

[Bubuhaying muli kami] kapag namatay ba kami at kami ay naging alabok? Iyon ay isang pagpapabalik na malayo [nang mangyari]
Surah Qaf, Verse 3


قَدۡ عَلِمۡنَا مَا تَنقُصُ ٱلۡأَرۡضُ مِنۡهُمۡۖ وَعِندَنَا كِتَٰبٌ حَفِيظُۢ

Nakaalam nga Kami sa anumang ibinabawas ng lupa mula sa kanila. Sa piling Namin ay may isang talaang mapag-ingat
Surah Qaf, Verse 4


بَلۡ كَذَّبُواْ بِٱلۡحَقِّ لَمَّا جَآءَهُمۡ فَهُمۡ فِيٓ أَمۡرٖ مَّرِيجٍ

Bagkus nagpasinungaling sila sa katotohanan noong dumating ito sa kanila, kaya sila ay nasa kalagayang natutuliro
Surah Qaf, Verse 5


أَفَلَمۡ يَنظُرُوٓاْ إِلَى ٱلسَّمَآءِ فَوۡقَهُمۡ كَيۡفَ بَنَيۡنَٰهَا وَزَيَّنَّـٰهَا وَمَا لَهَا مِن فُرُوجٖ

Kaya hindi ba sila tumingin sa langit sa ibabaw nila kung papaanong nagpatayo Kami nito at gumayak Kami nito, at wala itong anumang mga bitak
Surah Qaf, Verse 6


وَٱلۡأَرۡضَ مَدَدۡنَٰهَا وَأَلۡقَيۡنَا فِيهَا رَوَٰسِيَ وَأَنۢبَتۡنَا فِيهَا مِن كُلِّ زَوۡجِۭ بَهِيجٖ

Ang lupa, bumanat Kami nito, naglapat Kami rito ng mga matatag na bundok, at nagpatubo Kami rito ng bawat uring marilag
Surah Qaf, Verse 7


تَبۡصِرَةٗ وَذِكۡرَىٰ لِكُلِّ عَبۡدٖ مُّنِيبٖ

bilang pagpapakita at bilang paalaala para sa bawat lingkod na nagsisising nagbabalik
Surah Qaf, Verse 8


وَنَزَّلۡنَا مِنَ ٱلسَّمَآءِ مَآءٗ مُّبَٰرَكٗا فَأَنۢبَتۡنَا بِهِۦ جَنَّـٰتٖ وَحَبَّ ٱلۡحَصِيدِ

Nagbaba Kami mula sa langit ng isang tubig na biniyayaan saka nagpatubo Kami sa pamamagitan niyon ng mga hardin at mga butil na inaani
Surah Qaf, Verse 9


وَٱلنَّخۡلَ بَاسِقَٰتٖ لَّهَا طَلۡعٞ نَّضِيدٞ

at mga puno ng datiles, habang mga pumapaitaas na may bunga na patung-patong
Surah Qaf, Verse 10


رِّزۡقٗا لِّلۡعِبَادِۖ وَأَحۡيَيۡنَا بِهِۦ بَلۡدَةٗ مَّيۡتٗاۚ كَذَٰلِكَ ٱلۡخُرُوجُ

bilang panustos para sa mga lingkod. Nagbigay-buhay Kami sa pamamagitan nito ng isang lupaing patay. Gayon ang paglabas [ng buhay]
Surah Qaf, Verse 11


كَذَّبَتۡ قَبۡلَهُمۡ قَوۡمُ نُوحٖ وَأَصۡحَٰبُ ٱلرَّسِّ وَثَمُودُ

Nagpasinungaling bago nila ang mga kababayan ni Noe, ang mga naninirahan sa Rass, ang [mga kalipi ng] Thamud
Surah Qaf, Verse 12


وَعَادٞ وَفِرۡعَوۡنُ وَإِخۡوَٰنُ لُوطٖ

ang [mga kalipi ng] `Ād, si Paraon, at ang mga kapatid ni Lot
Surah Qaf, Verse 13


وَأَصۡحَٰبُ ٱلۡأَيۡكَةِ وَقَوۡمُ تُبَّعٖۚ كُلّٞ كَذَّبَ ٱلرُّسُلَ فَحَقَّ وَعِيدِ

ang mga naninirahan sa kasukalan, at ang mga kalipi ni Tubba`. Bawat [isa] ay nagpasinungaling sa mga sugo kaya nagindapat ang banta Ko
Surah Qaf, Verse 14


أَفَعَيِينَا بِٱلۡخَلۡقِ ٱلۡأَوَّلِۚ بَلۡ هُمۡ فِي لَبۡسٖ مِّنۡ خَلۡقٖ جَدِيدٖ

Kaya nangalupaypay ba Kami sa unang paglikha? Bagkus sila ay nasa isang pagkalito sa paglikhang bago
Surah Qaf, Verse 15


وَلَقَدۡ خَلَقۡنَا ٱلۡإِنسَٰنَ وَنَعۡلَمُ مَا تُوَسۡوِسُ بِهِۦ نَفۡسُهُۥۖ وَنَحۡنُ أَقۡرَبُ إِلَيۡهِ مِنۡ حَبۡلِ ٱلۡوَرِيدِ

Talaga ngang lumikha Kami sa tao, habang nakaaalam Kami sa anumang isinusulsol sa kanya ng sarili niya at Kami ay higit na malapit sa kanya kaysa sa ugat ng leeg
Surah Qaf, Verse 16


إِذۡ يَتَلَقَّى ٱلۡمُتَلَقِّيَانِ عَنِ ٱلۡيَمِينِ وَعَنِ ٱلشِّمَالِ قَعِيدٞ

[Banggitin] kapag tumatanggap ang dalawang [anghel na] tagatanggap sa gawing kanan at sa gawing kaliwa habang nakaupo
Surah Qaf, Verse 17


مَّا يَلۡفِظُ مِن قَوۡلٍ إِلَّا لَدَيۡهِ رَقِيبٌ عَتِيدٞ

Wala siyang binibigkas na anumang pagkakasabi malibang sa tabi niya ay may isang mapagmasid na nakalaang [magtala]
Surah Qaf, Verse 18


وَجَآءَتۡ سَكۡرَةُ ٱلۡمَوۡتِ بِٱلۡحَقِّۖ ذَٰلِكَ مَا كُنتَ مِنۡهُ تَحِيدُ

Maghahatid ang hapdi ng kamatayan ng katotohanan; iyon ay ang dati mong tinatakasan
Surah Qaf, Verse 19


وَنُفِخَ فِي ٱلصُّورِۚ ذَٰلِكَ يَوۡمُ ٱلۡوَعِيدِ

Iihip sa tambuli, iyon ay ang Araw ng Pagbabanta
Surah Qaf, Verse 20


وَجَآءَتۡ كُلُّ نَفۡسٖ مَّعَهَا سَآئِقٞ وَشَهِيدٞ

Darating ang bawat kaluluwa na may kasama itong isang tagaakay at isang saksi
Surah Qaf, Verse 21


لَّقَدۡ كُنتَ فِي غَفۡلَةٖ مِّنۡ هَٰذَا فَكَشَفۡنَا عَنكَ غِطَآءَكَ فَبَصَرُكَ ٱلۡيَوۡمَ حَدِيدٞ

[Sasabihin]: "Talaga ngang ikaw dati ay nasa isang pagkalingat rito, kaya humawi Kami sa iyo ng lambong mo kaya ang paningin mo ngayong araw ay matalas
Surah Qaf, Verse 22


وَقَالَ قَرِينُهُۥ هَٰذَا مَا لَدَيَّ عَتِيدٌ

Magsasabi ang [anghel na] kaugnay niya: "Ito, ang taglay ko, ay nakalaan
Surah Qaf, Verse 23


أَلۡقِيَا فِي جَهَنَّمَ كُلَّ كَفَّارٍ عَنِيدٖ

[Sasabihin sa dalawang anghel]: "Magtapon kayong dalawa sa Impiyerno ng bawat palatanggi na mapagmatigas
Surah Qaf, Verse 24


مَّنَّاعٖ لِّلۡخَيۡرِ مُعۡتَدٖ مُّرِيبٍ

palakait ng kabutihan, tagalabag, tagapag-alinlangan
Surah Qaf, Verse 25


ٱلَّذِي جَعَلَ مَعَ ٱللَّهِ إِلَٰهًا ءَاخَرَ فَأَلۡقِيَاهُ فِي ٱلۡعَذَابِ ٱلشَّدِيدِ

na gumawa kasama kay Allāh ng isang diyos na iba pa. Kaya itapon ninyong dalawa siya sa pagdurusang matindi
Surah Qaf, Verse 26


۞قَالَ قَرِينُهُۥ رَبَّنَا مَآ أَطۡغَيۡتُهُۥ وَلَٰكِن كَانَ فِي ضَلَٰلِۭ بَعِيدٖ

Magsasabi ang [demonyong] kaugnay niya: "Panginoon namin, hindi ako nagpalabis sa kanya, subalit siya dati ay nasa isang pagkaligaw na malayo
Surah Qaf, Verse 27


قَالَ لَا تَخۡتَصِمُواْ لَدَيَّ وَقَدۡ قَدَّمۡتُ إِلَيۡكُم بِٱلۡوَعِيدِ

Magsasabi Siya: "Huwag kayong magkaalitan sa piling Ko at nagpauna na Ako para sa inyo ng banta
Surah Qaf, Verse 28


مَا يُبَدَّلُ ٱلۡقَوۡلُ لَدَيَّ وَمَآ أَنَا۠ بِظَلَّـٰمٖ لِّلۡعَبِيدِ

Hindi napapalitan ang sabi sa piling Ko at Ako ay hindi palalabag sa katarungan sa mga alipin
Surah Qaf, Verse 29


يَوۡمَ نَقُولُ لِجَهَنَّمَ هَلِ ٱمۡتَلَأۡتِ وَتَقُولُ هَلۡ مِن مَّزِيدٖ

Sa Araw na magsasabi Kami sa Impiyerno: "Napuno ka kaya?" at magsasabi ito: "May dagdag pa kaya
Surah Qaf, Verse 30


وَأُزۡلِفَتِ ٱلۡجَنَّةُ لِلۡمُتَّقِينَ غَيۡرَ بَعِيدٍ

Palalapitin ang Paraiso para sa mga tagapangilag magkasala nang hindi malayo
Surah Qaf, Verse 31


هَٰذَا مَا تُوعَدُونَ لِكُلِّ أَوَّابٍ حَفِيظٖ

[Sasabihin]: "Ito ay ang ipinangangako sa inyo – para sa bawat palabalik, mapag-ingat
Surah Qaf, Verse 32


مَّنۡ خَشِيَ ٱلرَّحۡمَٰنَ بِٱلۡغَيۡبِ وَجَآءَ بِقَلۡبٖ مُّنِيبٍ

na sinumang natakot sa Napakamaawain nang lingid at naghatid ng isang pusong nagsisising bumabalik
Surah Qaf, Verse 33


ٱدۡخُلُوهَا بِسَلَٰمٖۖ ذَٰلِكَ يَوۡمُ ٱلۡخُلُودِ

Pumasok kayo rito sa kapayapaan; iyon ay ang Araw ng Pamamalagi
Surah Qaf, Verse 34


لَهُم مَّا يَشَآءُونَ فِيهَا وَلَدَيۡنَا مَزِيدٞ

Ukol sa kanila ang anumang niloloob nila rito at mayroon Kaming isang dagdag
Surah Qaf, Verse 35


وَكَمۡ أَهۡلَكۡنَا قَبۡلَهُم مِّن قَرۡنٍ هُمۡ أَشَدُّ مِنۡهُم بَطۡشٗا فَنَقَّبُواْ فِي ٱلۡبِلَٰدِ هَلۡ مِن مَّحِيصٍ

Kay rami ng ipinahamak Namin bago nila na salinlahi na higit na matindi kaysa sa kanila sa bagsik, saka gumalugad sila sa bayan; may mapupuslitan kaya
Surah Qaf, Verse 36


إِنَّ فِي ذَٰلِكَ لَذِكۡرَىٰ لِمَن كَانَ لَهُۥ قَلۡبٌ أَوۡ أَلۡقَى ٱلسَّمۡعَ وَهُوَ شَهِيدٞ

Tunay na sa gayon ay talagang may paalaala para sa sinumang may puso o nag-ukol ng pakikinig habang siya ay saksi
Surah Qaf, Verse 37


وَلَقَدۡ خَلَقۡنَا ٱلسَّمَٰوَٰتِ وَٱلۡأَرۡضَ وَمَا بَيۡنَهُمَا فِي سِتَّةِ أَيَّامٖ وَمَا مَسَّنَا مِن لُّغُوبٖ

Talaga ngang lumikha Kami ng mga langit at lupa at anumang nasa pagitan ng mga ito sa anim na araw at walang sumaling sa Amin na anumang kapagalan
Surah Qaf, Verse 38


فَٱصۡبِرۡ عَلَىٰ مَا يَقُولُونَ وَسَبِّحۡ بِحَمۡدِ رَبِّكَ قَبۡلَ طُلُوعِ ٱلشَّمۡسِ وَقَبۡلَ ٱلۡغُرُوبِ

Kaya magtiis ka sa sinasabi nila at magluwalhati ka kasabay ng pagpupuri sa Panginoon mo bago ng pagsikat ng araw at bago ng paglubog
Surah Qaf, Verse 39


وَمِنَ ٱلَّيۡلِ فَسَبِّحۡهُ وَأَدۡبَٰرَ ٱلسُّجُودِ

Sa bahagi ng gabi ay magluwalhati ka sa Kanya at sa mga katapusan ng pagpapatirapa
Surah Qaf, Verse 40


وَٱسۡتَمِعۡ يَوۡمَ يُنَادِ ٱلۡمُنَادِ مِن مَّكَانٖ قَرِيبٖ

Makinig ka sa Araw na mananawagan ang tagapanawagan mula sa isang pook na malapit
Surah Qaf, Verse 41


يَوۡمَ يَسۡمَعُونَ ٱلصَّيۡحَةَ بِٱلۡحَقِّۚ ذَٰلِكَ يَوۡمُ ٱلۡخُرُوجِ

sa Araw na maririnig nila ang Sigaw kalakip ng katotohanan. Iyon ay ang Araw ng Paglabas
Surah Qaf, Verse 42


إِنَّا نَحۡنُ نُحۡيِۦ وَنُمِيتُ وَإِلَيۡنَا ٱلۡمَصِيرُ

Tunay na Kami mismo ay nagbibigay-buhay at nagbibigay-kamatayan at tungo sa Amin ang kahahantungan
Surah Qaf, Verse 43


يَوۡمَ تَشَقَّقُ ٱلۡأَرۡضُ عَنۡهُمۡ سِرَاعٗاۚ ذَٰلِكَ حَشۡرٌ عَلَيۡنَا يَسِيرٞ

sa araw na magkakabiyak-biyak ang lupa palayo sa kanila habang nasa pagmamadali. Iyon ay isang pagkakalap, na sa Amin ay madali
Surah Qaf, Verse 44


نَّحۡنُ أَعۡلَمُ بِمَا يَقُولُونَۖ وَمَآ أَنتَ عَلَيۡهِم بِجَبَّارٖۖ فَذَكِّرۡ بِٱلۡقُرۡءَانِ مَن يَخَافُ وَعِيدِ

Kami ay higit na maalam sa anumang sinasabi nila. Ikaw sa kanila ay hindi isang mapaniil, kaya magpaalaala ka sa pamamagitan ng Qur’ān sa sinumang nangangamba sa banta Ko
Surah Qaf, Verse 45


Author: Www.islamhouse.com


<< Surah 49
>> Surah 51

Filipino Translations by other Authors


Filipino Translation By Abdullatif Eduardo M. Arceo
Filipino Translation By Www.islamhouse.com
Popular Areas
Apartments for rent in Dubai Apartments for rent Abu Dhabi Villas for rent in Dubai House for rent Abu Dhabi Apartments for sale in Dubai Apartments for sale in Abu Dhabi Flat for rent Sharjah
Popular Searches
Studios for rent in UAE Apartments for rent in UAE Villas for rent in UAE Apartments for sale in UAE Villas for sale in UAE Land for sale in UAE Dubai Real Estate
Trending Areas
Apartments for rent in Dubai Marina Apartments for sale in Dubai Marina Villa for rent in Sharjah Villa for sale in Dubai Flat for rent in Ajman Studio for rent in Abu Dhabi Villa for rent in Ajman
Trending Searches
Villa for rent in Abu Dhabi Shop for rent in Dubai Villas for sale in Ajman Studio for rent in Sharjah 1 Bedroom Apartment for rent in Dubai Property for rent in Abu Dhabi Commercial properties for sale
© Copyright Dubai Prayer Time. All Rights Reserved
Designed by Prayer Time In Dubai