Surah An-Najm - Filipino Translation by Www.islamhouse.com
وَٱلنَّجۡمِ إِذَا هَوَىٰ
Sumpa man sa bituin kapag lumubog ito
Surah An-Najm, Verse 1
مَا ضَلَّ صَاحِبُكُمۡ وَمَا غَوَىٰ
Hindi naligaw ang kasamahan ninyo at hindi siya nalisya
Surah An-Najm, Verse 2
وَمَا يَنطِقُ عَنِ ٱلۡهَوَىٰٓ
Hindi siya bumibigkas ayon sa pithaya
Surah An-Najm, Verse 3
إِنۡ هُوَ إِلَّا وَحۡيٞ يُوحَىٰ
Walang iba ito kundi isang kasi na ikinakasi sa kanya
Surah An-Najm, Verse 4
عَلَّمَهُۥ شَدِيدُ ٱلۡقُوَىٰ
Nagturo sa kanya ang [anghel na] matindi ang lakas
Surah An-Najm, Verse 5
ذُو مِرَّةٖ فَٱسۡتَوَىٰ
na may kapangyarihan saka tumindig sa tunay na anyo
Surah An-Najm, Verse 6
وَهُوَ بِٱلۡأُفُقِ ٱلۡأَعۡلَىٰ
habang ito ay nasa [bahagi ng] abot-tanaw na pinakamataas
Surah An-Najm, Verse 7
ثُمَّ دَنَا فَتَدَلَّىٰ
Pagkatapos lumapit ito saka nagpakalapit-lapit ito
Surah An-Najm, Verse 8
فَكَانَ قَابَ قَوۡسَيۡنِ أَوۡ أَدۡنَىٰ
Kaya ito ay naging nasa layong dalawang pana o higit na malapit
Surah An-Najm, Verse 9
فَأَوۡحَىٰٓ إِلَىٰ عَبۡدِهِۦ مَآ أَوۡحَىٰ
Kaya nagkasi ito sa lingkod Niya ng ikinasi Niya
Surah An-Najm, Verse 10
مَا كَذَبَ ٱلۡفُؤَادُ مَا رَأَىٰٓ
Hindi nagsinungaling ang puso [ng Propeta] sa nakita niya
Surah An-Najm, Verse 11
أَفَتُمَٰرُونَهُۥ عَلَىٰ مَا يَرَىٰ
Kaya makikipagtaltalan ba kayo sa kanya sa nakikita niya
Surah An-Najm, Verse 12
وَلَقَدۡ رَءَاهُ نَزۡلَةً أُخۡرَىٰ
Talaga ngang nakita niya ito sa iba pang pagkababa
Surah An-Najm, Verse 13
عِندَ سِدۡرَةِ ٱلۡمُنتَهَىٰ
sa tabi ng [punong] Sidrah ng Pinagwawakasan
Surah An-Najm, Verse 14
عِندَهَا جَنَّةُ ٱلۡمَأۡوَىٰٓ
sa tabi nito ang Hardin ng Kanlungan
Surah An-Najm, Verse 15
إِذۡ يَغۡشَى ٱلسِّدۡرَةَ مَا يَغۡشَىٰ
noong bumabalot sa [punong] Sidrah ang bumabalot
Surah An-Najm, Verse 16
مَا زَاغَ ٱلۡبَصَرُ وَمَا طَغَىٰ
Hindi lumiko ang paningin [ng Propeta] at hindi ito lumampas
Surah An-Najm, Verse 17
لَقَدۡ رَأَىٰ مِنۡ ءَايَٰتِ رَبِّهِ ٱلۡكُبۡرَىٰٓ
Talaga ngang may nakita siya mula sa pinakamalaking mga tanda ng Panginoon Niya
Surah An-Najm, Verse 18
أَفَرَءَيۡتُمُ ٱللَّـٰتَ وَٱلۡعُزَّىٰ
Kaya nagsaalang-alang ba kayo kina Allāt at Al`uzzā
Surah An-Najm, Verse 19
وَمَنَوٰةَ ٱلثَّالِثَةَ ٱلۡأُخۡرَىٰٓ
at kay Manah, ang ikatlong iba pa
Surah An-Najm, Verse 20
أَلَكُمُ ٱلذَّكَرُ وَلَهُ ٱلۡأُنثَىٰ
Ukol ba sa inyo ang lalaki at ukol sa Kanya ang babae
Surah An-Najm, Verse 21
تِلۡكَ إِذٗا قِسۡمَةٞ ضِيزَىٰٓ
Iyon, sa makatuwid, ay isang paghahating liku-liko
Surah An-Najm, Verse 22
إِنۡ هِيَ إِلَّآ أَسۡمَآءٞ سَمَّيۡتُمُوهَآ أَنتُمۡ وَءَابَآؤُكُم مَّآ أَنزَلَ ٱللَّهُ بِهَا مِن سُلۡطَٰنٍۚ إِن يَتَّبِعُونَ إِلَّا ٱلظَّنَّ وَمَا تَهۡوَى ٱلۡأَنفُسُۖ وَلَقَدۡ جَآءَهُم مِّن رَّبِّهِمُ ٱلۡهُدَىٰٓ
Walang iba ang mga [anitong] ito kundi mga pangalang ipinangalan ninyo mismo at ng mga ninuno ninyo. Hindi nagpababa si Allāh kaugnay sa mga ito ng anumang katunayan. Hindi sila sumusunod maliban sa pagpapalagay at pinipithaya ng mga sarili. Talaga ngang dumating sa kanila mula sa Panginoon nila ang patnubay
Surah An-Najm, Verse 23
أَمۡ لِلۡإِنسَٰنِ مَا تَمَنَّىٰ
O ukol ba sa tao ang minithi niya
Surah An-Najm, Verse 24
فَلِلَّهِ ٱلۡأٓخِرَةُ وَٱلۡأُولَىٰ
Ngunit sa kay Allāh ang huling buhay at ang unang buhay
Surah An-Najm, Verse 25
۞وَكَم مِّن مَّلَكٖ فِي ٱلسَّمَٰوَٰتِ لَا تُغۡنِي شَفَٰعَتُهُمۡ شَيۡـًٔا إِلَّا مِنۢ بَعۡدِ أَن يَأۡذَنَ ٱللَّهُ لِمَن يَشَآءُ وَيَرۡضَىٰٓ
Kay rami ng anghel sa mga langit na hindi nakapagdudulot ang pamamagitan nila ng anuman maliban nang matapos na magpahintulot si Allāh sa sinumang niloloob Niya at kinalulugdan Niya
Surah An-Najm, Verse 26
إِنَّ ٱلَّذِينَ لَا يُؤۡمِنُونَ بِٱلۡأٓخِرَةِ لَيُسَمُّونَ ٱلۡمَلَـٰٓئِكَةَ تَسۡمِيَةَ ٱلۡأُنثَىٰ
Tunay na ang mga hindi sumasampalataya sa Kabilang-buhay ay talagang nagpapangalan sa mga anghel ng pagpapangalan sa babae
Surah An-Najm, Verse 27
وَمَا لَهُم بِهِۦ مِنۡ عِلۡمٍۖ إِن يَتَّبِعُونَ إِلَّا ٱلظَّنَّۖ وَإِنَّ ٱلظَّنَّ لَا يُغۡنِي مِنَ ٱلۡحَقِّ شَيۡـٔٗا
Walang ukol sa kanila rito na anumang kaalaman. Wala silang sinusunod kundi ang pagpapalagay. Tunay na ang pagpapalagay ay hindi nakapagdudulot kapalit ng katotohanan ng anuman
Surah An-Najm, Verse 28
فَأَعۡرِضۡ عَن مَّن تَوَلَّىٰ عَن ذِكۡرِنَا وَلَمۡ يُرِدۡ إِلَّا ٱلۡحَيَوٰةَ ٱلدُّنۡيَا
Kaya umayaw ka sa sinumang tumalikod sa pag-alaala sa Amin at hindi nagnais kundi ng buhay na pangmundo
Surah An-Najm, Verse 29
ذَٰلِكَ مَبۡلَغُهُم مِّنَ ٱلۡعِلۡمِۚ إِنَّ رَبَّكَ هُوَ أَعۡلَمُ بِمَن ضَلَّ عَن سَبِيلِهِۦ وَهُوَ أَعۡلَمُ بِمَنِ ٱهۡتَدَىٰ
Iyon ay ang inaabot nila mula sa kaalaman. Tunay na ang Panginoon mo ay higit na maalam sa sinumang naligaw palayo sa landas Niya at higit na maalam sa sinumang napatnubayan
Surah An-Najm, Verse 30
وَلِلَّهِ مَا فِي ٱلسَّمَٰوَٰتِ وَمَا فِي ٱلۡأَرۡضِ لِيَجۡزِيَ ٱلَّذِينَ أَسَـٰٓـُٔواْ بِمَا عَمِلُواْ وَيَجۡزِيَ ٱلَّذِينَ أَحۡسَنُواْ بِٱلۡحُسۡنَى
Sa kay Allāh ang anumang nasa mga langit at ang anumang nasa lupa upang gumanti Siya sa mga gumawa ng masagwa ayon sa anumang ginawa nila at gumanti Siya sa mga gumawa ng maganda ayon sa pinakamaganda
Surah An-Najm, Verse 31
ٱلَّذِينَ يَجۡتَنِبُونَ كَبَـٰٓئِرَ ٱلۡإِثۡمِ وَٱلۡفَوَٰحِشَ إِلَّا ٱللَّمَمَۚ إِنَّ رَبَّكَ وَٰسِعُ ٱلۡمَغۡفِرَةِۚ هُوَ أَعۡلَمُ بِكُمۡ إِذۡ أَنشَأَكُم مِّنَ ٱلۡأَرۡضِ وَإِذۡ أَنتُمۡ أَجِنَّةٞ فِي بُطُونِ أُمَّهَٰتِكُمۡۖ فَلَا تُزَكُّوٓاْ أَنفُسَكُمۡۖ هُوَ أَعۡلَمُ بِمَنِ ٱتَّقَىٰٓ
Ang mga umiiwas sa mga malaki sa kasalanan at mga mahalay maliban sa mga kasalanang maliit, tunay na ang Panginoon mo ay malawak ang kapatawaran. Siya ay higit na maalam sa inyo noong nagpaluwal Siya sa inyo mula sa lupa at noong kayo ay mga bilig sa mga tiyan ng mga ina ninyo. Kaya huwag kayong magmalinis ng mga sarili ninyo; Siya ay higit na maalam sa sinumang nangilag magkasala
Surah An-Najm, Verse 32
أَفَرَءَيۡتَ ٱلَّذِي تَوَلَّىٰ
Kaya nakita mo ba ang tumalikod [sa Islām]
Surah An-Najm, Verse 33
وَأَعۡطَىٰ قَلِيلٗا وَأَكۡدَىٰٓ
at nagbibigay ng kaunti at nagmaramot
Surah An-Najm, Verse 34
أَعِندَهُۥ عِلۡمُ ٱلۡغَيۡبِ فَهُوَ يَرَىٰٓ
Taglay ba niya ang kaalaman sa Lingid kaya siya ay nakakikita
Surah An-Najm, Verse 35
أَمۡ لَمۡ يُنَبَّأۡ بِمَا فِي صُحُفِ مُوسَىٰ
O hindi siya binalitaan hinggil sa nasa mga kalatas ni Moises
Surah An-Najm, Verse 36
وَإِبۡرَٰهِيمَ ٱلَّذِي وَفَّىٰٓ
at ni Abraham na tumupad
Surah An-Najm, Verse 37
أَلَّا تَزِرُ وَازِرَةٞ وِزۡرَ أُخۡرَىٰ
na hindi magpapasan ang isang tagapasan ng pasanin ng iba
Surah An-Najm, Verse 38
وَأَن لَّيۡسَ لِلۡإِنسَٰنِ إِلَّا مَا سَعَىٰ
na walang ukol sa tao kundi ang pinagpunyagian niya
Surah An-Najm, Verse 39
وَأَنَّ سَعۡيَهُۥ سَوۡفَ يُرَىٰ
at na ang pagpupunyagi niya ay makikita
Surah An-Najm, Verse 40
ثُمَّ يُجۡزَىٰهُ ٱلۡجَزَآءَ ٱلۡأَوۡفَىٰ
Pagkatapos gagantihan siya ng ganting pinakasapat
Surah An-Najm, Verse 41
وَأَنَّ إِلَىٰ رَبِّكَ ٱلۡمُنتَهَىٰ
Na tungo sa Panginoon mo ang pinagwawakasan
Surah An-Najm, Verse 42
وَأَنَّهُۥ هُوَ أَضۡحَكَ وَأَبۡكَىٰ
Na Siya ay nagpatawa at nagpaiyak
Surah An-Najm, Verse 43
وَأَنَّهُۥ هُوَ أَمَاتَ وَأَحۡيَا
Na Siya ay nagbigay-kamatayan at nagbibigay-buhay
Surah An-Najm, Verse 44
وَأَنَّهُۥ خَلَقَ ٱلزَّوۡجَيۡنِ ٱلذَّكَرَ وَٱلۡأُنثَىٰ
Na Siya ay lumikha sa magkaparis, ang lalaki at ang babae
Surah An-Najm, Verse 45
مِن نُّطۡفَةٍ إِذَا تُمۡنَىٰ
mula sa patak kapag ibinuhos ito
Surah An-Najm, Verse 46
وَأَنَّ عَلَيۡهِ ٱلنَّشۡأَةَ ٱلۡأُخۡرَىٰ
Na nasa Kanya ang pagpapaluwal na iba pa
Surah An-Najm, Verse 47
وَأَنَّهُۥ هُوَ أَغۡنَىٰ وَأَقۡنَىٰ
Na Siya ay nagpayaman at nagbigay-kasiyahan
Surah An-Najm, Verse 48
وَأَنَّهُۥ هُوَ رَبُّ ٱلشِّعۡرَىٰ
Na Siya ay ang Panginoon ng [bituing] Sirius
Surah An-Najm, Verse 49
وَأَنَّهُۥٓ أَهۡلَكَ عَادًا ٱلۡأُولَىٰ
Na Siya ay nagpahamak sa [liping] `Ād na sinauna
Surah An-Najm, Verse 50
وَثَمُودَاْ فَمَآ أَبۡقَىٰ
at [liping] Thamūd, kaya hindi Siya nagtira
Surah An-Najm, Verse 51
وَقَوۡمَ نُوحٖ مِّن قَبۡلُۖ إِنَّهُمۡ كَانُواْ هُمۡ أَظۡلَمَ وَأَطۡغَىٰ
[Nagpahamak Siya] sa mga kababayan ni Noe bago pa niyon; tunay na sila dati ay higit na tagalabag sa katarungan at higit na tagapagmalabis
Surah An-Najm, Verse 52
وَٱلۡمُؤۡتَفِكَةَ أَهۡوَىٰ
Ang itinaob [na mga lungsod] ay pinalagpak Niya
Surah An-Najm, Verse 53
فَغَشَّىٰهَا مَا غَشَّىٰ
saka bumalot Siya sa mga ito ng ibinalot Niya
Surah An-Najm, Verse 54
فَبِأَيِّ ءَالَآءِ رَبِّكَ تَتَمَارَىٰ
Kaya sa alin sa mga grasya ng Panginoon mo nag-aalinlangan ka
Surah An-Najm, Verse 55
هَٰذَا نَذِيرٞ مِّنَ ٱلنُّذُرِ ٱلۡأُولَىٰٓ
[Ang Sugong] ito ay isang mapagbabala kabilang sa mga mapagbabalang sinauna
Surah An-Najm, Verse 56
أَزِفَتِ ٱلۡأٓزِفَةُ
Nalapit ang Papalapit
Surah An-Najm, Verse 57
لَيۡسَ لَهَا مِن دُونِ ٱللَّهِ كَاشِفَةٌ
Walang ukol dito bukod pa kay Allāh na isang tagahawi
Surah An-Najm, Verse 58
أَفَمِنۡ هَٰذَا ٱلۡحَدِيثِ تَعۡجَبُونَ
Kaya ba sa salaysay na ito nagtataka kayo
Surah An-Najm, Verse 59
وَتَضۡحَكُونَ وَلَا تَبۡكُونَ
Tumatawa kayo at hindi kayo umiiyak
Surah An-Najm, Verse 60
وَأَنتُمۡ سَٰمِدُونَ
habang kayo ay mga nagsasaya
Surah An-Najm, Verse 61
فَٱسۡجُدُواْۤ لِلَّهِۤ وَٱعۡبُدُواْ۩
Kaya magpatirapa kayo kay Allāh at sumamba kayo
Surah An-Najm, Verse 62