UAE Prayer Times

  • Dubai
  • Abu Dhabi
  • Sharjah
  • Ajman
  • Fujairah
  • Umm Al Quwain
  • Ras Al Khaimah
  • Quran Translations

Surah Al-Qamar - Filipino Translation by Www.islamhouse.com


ٱقۡتَرَبَتِ ٱلسَّاعَةُ وَٱنشَقَّ ٱلۡقَمَرُ

Napalapit ang Huling Sandali at nabiyak ang buwan
Surah Al-Qamar, Verse 1


وَإِن يَرَوۡاْ ءَايَةٗ يُعۡرِضُواْ وَيَقُولُواْ سِحۡرٞ مُّسۡتَمِرّٞ

Kung makakikita sila ng isang himala ay aayaw sila at magsasabi sila: "Isang panggagaway na nagpapatuloy
Surah Al-Qamar, Verse 2


وَكَذَّبُواْ وَٱتَّبَعُوٓاْ أَهۡوَآءَهُمۡۚ وَكُلُّ أَمۡرٖ مُّسۡتَقِرّٞ

Nagpasinungaling sila at sumunod sila sa mga pithaya nila. Bawat bagay ay mananahan
Surah Al-Qamar, Verse 3


وَلَقَدۡ جَآءَهُم مِّنَ ٱلۡأَنۢبَآءِ مَا فِيهِ مُزۡدَجَرٌ

Talaga ngang dumating sa kanila mula sa mga balita ang may pantaboy
Surah Al-Qamar, Verse 4


حِكۡمَةُۢ بَٰلِغَةٞۖ فَمَا تُغۡنِ ٱلنُّذُرُ

Isang masidhing karunungan, ngunit hindi nakapagpapakinabang ang mga mapagbabala
Surah Al-Qamar, Verse 5


فَتَوَلَّ عَنۡهُمۡۘ يَوۡمَ يَدۡعُ ٱلدَّاعِ إِلَىٰ شَيۡءٖ نُّكُرٍ

Kaya tumalikod ka sa kanila sa araw na mananawagan ang tagapanawagan tungo sa isang bagay na kakila-kilabot
Surah Al-Qamar, Verse 6


خُشَّعًا أَبۡصَٰرُهُمۡ يَخۡرُجُونَ مِنَ ٱلۡأَجۡدَاثِ كَأَنَّهُمۡ جَرَادٞ مُّنتَشِرٞ

Habang mga nagpapakumbaba ang mga paningin nila, lalabas sila mula sa mga pinaglibingan na para bang sila ay mga balang na kumakalat
Surah Al-Qamar, Verse 7


مُّهۡطِعِينَ إِلَى ٱلدَّاعِۖ يَقُولُ ٱلۡكَٰفِرُونَ هَٰذَا يَوۡمٌ عَسِرٞ

na mga kumakaripas patungo sa tagatawag. Magsasabi ang mga tagatangging sumampalataya na ito ay isang araw na mahirap
Surah Al-Qamar, Verse 8


۞كَذَّبَتۡ قَبۡلَهُمۡ قَوۡمُ نُوحٖ فَكَذَّبُواْ عَبۡدَنَا وَقَالُواْ مَجۡنُونٞ وَٱزۡدُجِرَ

Nagpasinungaling bago nila ang mga kababayan ni Noe sapagkat nagpasinungaling sila sa lingkod Namin at sinabihan nilang baliw at ipinagtabuyan siya
Surah Al-Qamar, Verse 9


فَدَعَا رَبَّهُۥٓ أَنِّي مَغۡلُوبٞ فَٱنتَصِرۡ

Kaya dumalangin siya sa Panginoon niya: "Tunay na ako ay nadaig kaya mag-adya Ka
Surah Al-Qamar, Verse 10


فَفَتَحۡنَآ أَبۡوَٰبَ ٱلسَّمَآءِ بِمَآءٖ مُّنۡهَمِرٖ

Kaya nagbukas Kami ng mga pinto ng langit na may tubig na bumubuhos
Surah Al-Qamar, Verse 11


وَفَجَّرۡنَا ٱلۡأَرۡضَ عُيُونٗا فَٱلۡتَقَى ٱلۡمَآءُ عَلَىٰٓ أَمۡرٖ قَدۡ قُدِرَ

Nagpabulwak Kami sa lupa ng mga bukal, saka nagtagpo ang tubig [ng langit at lupa] ayon sa isang utos na itinakda
Surah Al-Qamar, Verse 12


وَحَمَلۡنَٰهُ عَلَىٰ ذَاتِ أَلۡوَٰحٖ وَدُسُرٖ

Nagdala Kami sa kanya sa [daong na] may mga tabla at mga pako
Surah Al-Qamar, Verse 13


تَجۡرِي بِأَعۡيُنِنَا جَزَآءٗ لِّمَن كَانَ كُفِرَ

Naglalayag ito sa [pagsusubaybay ng] mga mata Namin bilang ganti para sa dating tinanggihang sampalatayanan
Surah Al-Qamar, Verse 14


وَلَقَد تَّرَكۡنَٰهَآ ءَايَةٗ فَهَلۡ مِن مُّدَّكِرٖ

Talaga ngang nag-iwan Kami nito bilang tanda, kaya may tagapag-alaala kaya
Surah Al-Qamar, Verse 15


فَكَيۡفَ كَانَ عَذَابِي وَنُذُرِ

Kaya papaano naging ang pagdurusang dulot Ko at ang mga babala Ko
Surah Al-Qamar, Verse 16


وَلَقَدۡ يَسَّرۡنَا ٱلۡقُرۡءَانَ لِلذِّكۡرِ فَهَلۡ مِن مُّدَّكِرٖ

Talaga ngang nagpadali Kami sa Qur’ān para sa pag-aalaala, kaya may tagapag-alaala kaya
Surah Al-Qamar, Verse 17


كَذَّبَتۡ عَادٞ فَكَيۡفَ كَانَ عَذَابِي وَنُذُرِ

Nagpasinungaling ang [liping] `Ād, kaya papaano naging ang pagdurusang dulot Ko at ang mga babala Ko
Surah Al-Qamar, Verse 18


إِنَّآ أَرۡسَلۡنَا عَلَيۡهِمۡ رِيحٗا صَرۡصَرٗا فِي يَوۡمِ نَحۡسٖ مُّسۡتَمِرّٖ

Tunay na Kami ay nagsugo sa kanila ng isang hanging pagkalamig-lamig sa isang araw ng isang kasawiang-palad na nagpatuloy
Surah Al-Qamar, Verse 19


تَنزِعُ ٱلنَّاسَ كَأَنَّهُمۡ أَعۡجَازُ نَخۡلٖ مُّنقَعِرٖ

Humuhugot ito sa mga tao na para bang sila ay mga tuod ng mga punong datiles na nasungkal
Surah Al-Qamar, Verse 20


فَكَيۡفَ كَانَ عَذَابِي وَنُذُرِ

Kaya papaano naging ang pagdurusang dulot Ko at ang mga babala Ko
Surah Al-Qamar, Verse 21


وَلَقَدۡ يَسَّرۡنَا ٱلۡقُرۡءَانَ لِلذِّكۡرِ فَهَلۡ مِن مُّدَّكِرٖ

Talaga ngang nagpadali Kami sa Qur’ān para sa pagsasaalaala, kaya may tagapagsaalaala ba
Surah Al-Qamar, Verse 22


كَذَّبَتۡ ثَمُودُ بِٱلنُّذُرِ

Nagpasinungaling ang [liping] Thamūd sa mga babala
Surah Al-Qamar, Verse 23


فَقَالُوٓاْ أَبَشَرٗا مِّنَّا وَٰحِدٗا نَّتَّبِعُهُۥٓ إِنَّآ إِذٗا لَّفِي ضَلَٰلٖ وَسُعُرٍ

Kaya nagsabi sila: "Sa isang tao ba kabilang sa amin na nag-iisa susunod kami? Tunay na kami, samakatuwid, ay talagang nasa isang pagkaligaw at isang pagkaulol
Surah Al-Qamar, Verse 24


أَءُلۡقِيَ ٱلذِّكۡرُ عَلَيۡهِ مِنۢ بَيۡنِنَا بَلۡ هُوَ كَذَّابٌ أَشِرٞ

Iniukol ba ang paalaala sa kanya sa gitna namin? Bagkus siya ay isang palasinungaling na hambog
Surah Al-Qamar, Verse 25


سَيَعۡلَمُونَ غَدٗا مَّنِ ٱلۡكَذَّابُ ٱلۡأَشِرُ

Makaaalam sila bukas kung sino ang palasinungaling na hambog
Surah Al-Qamar, Verse 26


إِنَّا مُرۡسِلُواْ ٱلنَّاقَةِ فِتۡنَةٗ لَّهُمۡ فَٱرۡتَقِبۡهُمۡ وَٱصۡطَبِرۡ

Tunay na Kami ay magsusugo ng dumalagang kamelyo bilang tukso para sa kanila, kaya mag-antabay ka sa kanila at magtiyaga ka
Surah Al-Qamar, Verse 27


وَنَبِّئۡهُمۡ أَنَّ ٱلۡمَآءَ قِسۡمَةُۢ بَيۡنَهُمۡۖ كُلُّ شِرۡبٖ مُّحۡتَضَرٞ

Magbalita ka sa kanila na ang tubig ay binabahagi sa pagitan nila; bawat pag-inom ay halinhinan
Surah Al-Qamar, Verse 28


فَنَادَوۡاْ صَاحِبَهُمۡ فَتَعَاطَىٰ فَعَقَرَ

Ngunit nanawagan sila sa kasamahan nila, kaya kinuha nito [iyon] at kinatay nito
Surah Al-Qamar, Verse 29


فَكَيۡفَ كَانَ عَذَابِي وَنُذُرِ

Kaya papaano naging ang pagdurusang dulot Ko at ang mga babala Ko
Surah Al-Qamar, Verse 30


إِنَّآ أَرۡسَلۡنَا عَلَيۡهِمۡ صَيۡحَةٗ وَٰحِدَةٗ فَكَانُواْ كَهَشِيمِ ٱلۡمُحۡتَظِرِ

Tunay na Kami ay nagsugo sa kanila ng hiyaw na nag-iisa kaya sila ay naging gaya ng mga tuyot na sanga ng nagkukural
Surah Al-Qamar, Verse 31


وَلَقَدۡ يَسَّرۡنَا ٱلۡقُرۡءَانَ لِلذِّكۡرِ فَهَلۡ مِن مُّدَّكِرٖ

Talaga ngang nagpadali Kami sa Qur’ān para sa pagsasaalaala, kaya may tagapagsaalaala ba
Surah Al-Qamar, Verse 32


كَذَّبَتۡ قَوۡمُ لُوطِۭ بِٱلنُّذُرِ

Nagpasinungaling ang mga kababayan ni Lot sa mga babala
Surah Al-Qamar, Verse 33


إِنَّآ أَرۡسَلۡنَا عَلَيۡهِمۡ حَاصِبًا إِلَّآ ءَالَ لُوطٖۖ نَّجَّيۡنَٰهُم بِسَحَرٖ

Tunay na Kami ay nagsugo sa kanila ng mga bato maiban sa mag-anak ni Lot; nagligtas Kami sa kanila sa huling bahagi ng gabi
Surah Al-Qamar, Verse 34


نِّعۡمَةٗ مِّنۡ عِندِنَاۚ كَذَٰلِكَ نَجۡزِي مَن شَكَرَ

bilang pagpapala mula sa ganang Amin. Gayon Kami gumaganti sa sinumang nagpasalamat
Surah Al-Qamar, Verse 35


وَلَقَدۡ أَنذَرَهُم بَطۡشَتَنَا فَتَمَارَوۡاْ بِٱلنُّذُرِ

Talaga ngang nagbabala siya sa kanila ng pagsunggab Namin ngunit nag-alinlangan sila sa mga babala
Surah Al-Qamar, Verse 36


وَلَقَدۡ رَٰوَدُوهُ عَن ضَيۡفِهِۦ فَطَمَسۡنَآ أَعۡيُنَهُمۡ فَذُوقُواْ عَذَابِي وَنُذُرِ

Talaga ngang humiling sila sa kanya [na manghalay] sa panauhin niya kaya pumawi Kami sa mga mata nila, [na nagsasabi:] "Kaya lumasap kayo ng pagdurusang dulot Ko at mga babala Ko
Surah Al-Qamar, Verse 37


وَلَقَدۡ صَبَّحَهُم بُكۡرَةً عَذَابٞ مُّسۡتَقِرّٞ

Talaga ngang may sumapit sa kanila sa umaga na isang pagdurusang nananahan
Surah Al-Qamar, Verse 38


فَذُوقُواْ عَذَابِي وَنُذُرِ

Kaya lumasap kayo ng pagdurusang dulot Ko at mga babala Ko
Surah Al-Qamar, Verse 39


وَلَقَدۡ يَسَّرۡنَا ٱلۡقُرۡءَانَ لِلذِّكۡرِ فَهَلۡ مِن مُّدَّكِرٖ

Talaga ngang nagpadali Kami sa Qur’ān para sa pag-aalaala, kaya may tagapag-alaala kaya
Surah Al-Qamar, Verse 40


وَلَقَدۡ جَآءَ ءَالَ فِرۡعَوۡنَ ٱلنُّذُرُ

Talaga ngang dumating sa mga alagad ni Paraon ang mga babala
Surah Al-Qamar, Verse 41


كَذَّبُواْ بِـَٔايَٰتِنَا كُلِّهَا فَأَخَذۡنَٰهُمۡ أَخۡذَ عَزِيزٖ مُّقۡتَدِرٍ

Nagpasinungaling sila sa mga tanda Namin sa kabuuan ng mga ito kaya dumaklot Kami sa kanila ng pagdaklot ng isang Makapangyarihan, isang Kumakaya
Surah Al-Qamar, Verse 42


أَكُفَّارُكُمۡ خَيۡرٞ مِّنۡ أُوْلَـٰٓئِكُمۡ أَمۡ لَكُم بَرَآءَةٞ فِي ٱلزُّبُرِ

Ang mga tagatangging sumampalataya ninyo ba ay higit na mabuti kaysa sa mga iyon o mayroon kayong kawalang-kaugnayan sa [pagdurusang nasaad sa] mga kasulatan
Surah Al-Qamar, Verse 43


أَمۡ يَقُولُونَ نَحۡنُ جَمِيعٞ مُّنتَصِرٞ

O nagsasabi sila: "Kami ay katipunang naiaadya
Surah Al-Qamar, Verse 44


سَيُهۡزَمُ ٱلۡجَمۡعُ وَيُوَلُّونَ ٱلدُّبُرَ

Matatalo ang pagkakabuklod at magbabaling sila ng mga likod
Surah Al-Qamar, Verse 45


بَلِ ٱلسَّاعَةُ مَوۡعِدُهُمۡ وَٱلسَّاعَةُ أَدۡهَىٰ وَأَمَرُّ

Bagkus ang Huling Sandali ay ang tipanan nila at ang Huling Sandali ay higit na masaklap at higit na mapait
Surah Al-Qamar, Verse 46


إِنَّ ٱلۡمُجۡرِمِينَ فِي ضَلَٰلٖ وَسُعُرٖ

Tunay na ang mga salarin ay nasa isang pagkaligaw at isang pagdurusa
Surah Al-Qamar, Verse 47


يَوۡمَ يُسۡحَبُونَ فِي ٱلنَّارِ عَلَىٰ وُجُوهِهِمۡ ذُوقُواْ مَسَّ سَقَرَ

Sa araw na kakaladkarin sila sa Apoy sa [pagkasubsob ng] mga mukha nila [ay sasabihin]: "Lumasap kayo ng saling ng [impiyernong] Init
Surah Al-Qamar, Verse 48


إِنَّا كُلَّ شَيۡءٍ خَلَقۡنَٰهُ بِقَدَرٖ

Tunay na Kami sa bawat bagay ay lumikha ayon sa isang takda
Surah Al-Qamar, Verse 49


وَمَآ أَمۡرُنَآ إِلَّا وَٰحِدَةٞ كَلَمۡحِۭ بِٱلۡبَصَرِ

Walang iba ang utos Namin kundi nag-iisa gaya ng kisap ng paningin
Surah Al-Qamar, Verse 50


وَلَقَدۡ أَهۡلَكۡنَآ أَشۡيَاعَكُمۡ فَهَلۡ مِن مُّدَّكِرٖ

Talaga ngang nagpahamak Kami ng mga kakampi ninyo, kaya may tagapag-alaala kaya
Surah Al-Qamar, Verse 51


وَكُلُّ شَيۡءٖ فَعَلُوهُ فِي ٱلزُّبُرِ

Bawat bagay na ginawa nila ay nasa mga kasulatan
Surah Al-Qamar, Verse 52


وَكُلُّ صَغِيرٖ وَكَبِيرٖ مُّسۡتَطَرٌ

Bawat maliit at malaki ay nakatitik
Surah Al-Qamar, Verse 53


إِنَّ ٱلۡمُتَّقِينَ فِي جَنَّـٰتٖ وَنَهَرٖ

Tunay na ang mga tagapangilag magkasala ay nasa mga hardin at mga ilog
Surah Al-Qamar, Verse 54


فِي مَقۡعَدِ صِدۡقٍ عِندَ مَلِيكٖ مُّقۡتَدِرِۭ

sa upuan ng katapatan sa piling ng Haring Kumakaya
Surah Al-Qamar, Verse 55


Author: Www.islamhouse.com


<< Surah 53
>> Surah 55

Filipino Translations by other Authors


Filipino Translation By Abdullatif Eduardo M. Arceo
Filipino Translation By Www.islamhouse.com
Popular Areas
Apartments for rent in Dubai Apartments for rent Abu Dhabi Villas for rent in Dubai House for rent Abu Dhabi Apartments for sale in Dubai Apartments for sale in Abu Dhabi Flat for rent Sharjah
Popular Searches
Studios for rent in UAE Apartments for rent in UAE Villas for rent in UAE Apartments for sale in UAE Villas for sale in UAE Land for sale in UAE Dubai Real Estate
Trending Areas
Apartments for rent in Dubai Marina Apartments for sale in Dubai Marina Villa for rent in Sharjah Villa for sale in Dubai Flat for rent in Ajman Studio for rent in Abu Dhabi Villa for rent in Ajman
Trending Searches
Villa for rent in Abu Dhabi Shop for rent in Dubai Villas for sale in Ajman Studio for rent in Sharjah 1 Bedroom Apartment for rent in Dubai Property for rent in Abu Dhabi Commercial properties for sale
© Copyright Dubai Prayer Time. All Rights Reserved
Designed by Prayer Time In Dubai