Surah Al-Munafiqoon - Filipino Translation by Abdullatif Eduardo M. Arceo
إِذَا جَآءَكَ ٱلۡمُنَٰفِقُونَ قَالُواْ نَشۡهَدُ إِنَّكَ لَرَسُولُ ٱللَّهِۗ وَٱللَّهُ يَعۡلَمُ إِنَّكَ لَرَسُولُهُۥ وَٱللَّهُ يَشۡهَدُ إِنَّ ٱلۡمُنَٰفِقِينَ لَكَٰذِبُونَ
Kung ang mga mapagkunwari ay nagsisilapit sa iyo (O Muhammad), sila ay nagsasabi: “Kami ay nagpapatotoo na tunay ngang ikaw ay Tagapagbalita ni Allah.” Katotohanang si Allah ang nakakaalam na ikaw ay tunay Niyang Tagapagbalita, at si Allah ang nagpapatotoo na ang mga mapagkunwari ay katotohanang mga sinungaling
Surah Al-Munafiqoon, Verse 1
ٱتَّخَذُوٓاْ أَيۡمَٰنَهُمۡ جُنَّةٗ فَصَدُّواْ عَن سَبِيلِ ٱللَّهِۚ إِنَّهُمۡ سَآءَ مَا كَانُواْ يَعۡمَلُونَ
Kanilang ginawa ang kanilang mga panunumpa (pangako) bilang isang pangubli (ng kanilang mga pagkukunwari); kaya’t kanilang hinahadlangan (ang mga tao) tungo sa Landas ni Allah. Katotohanan, ang kanilang mga gawa ay kasamaan
Surah Al-Munafiqoon, Verse 2
ذَٰلِكَ بِأَنَّهُمۡ ءَامَنُواْ ثُمَّ كَفَرُواْ فَطُبِعَ عَلَىٰ قُلُوبِهِمۡ فَهُمۡ لَا يَفۡقَهُونَ
Ito’y sa dahilang sila ay nagsisampalataya, at 882 muli ay nagtakwil sa pananampalataya, kaya’t ang kanilang puso ay natakpan, at sa gayon sila ay hindi nakakaunawa
Surah Al-Munafiqoon, Verse 3
۞وَإِذَا رَأَيۡتَهُمۡ تُعۡجِبُكَ أَجۡسَامُهُمۡۖ وَإِن يَقُولُواْ تَسۡمَعۡ لِقَوۡلِهِمۡۖ كَأَنَّهُمۡ خُشُبٞ مُّسَنَّدَةٞۖ يَحۡسَبُونَ كُلَّ صَيۡحَةٍ عَلَيۡهِمۡۚ هُمُ ٱلۡعَدُوُّ فَٱحۡذَرۡهُمۡۚ قَٰتَلَهُمُ ٱللَّهُۖ أَنَّىٰ يُؤۡفَكُونَ
Kung pagmamasdan mo sila, ang kanilang panglabas na katawanaynakakaakitsaiyo, atkungsilaaynagsisipangusap, ikaw ay nakikinig sa kanilang mga salita. Sila ay mga walang halaga na tulad ng kahoy (na walang laman sa loob) na (hindi makakatayo sa kanilang sarili). Sila ay nag-aakala na ang bawat panambitan ay laban sa kanila. Sila ay mga kaaway, kaya’t magsipag-ingat sa kanila. Ang kaparusahan (at poot) ni Allah ay mapapasakanila. Paano sila nagtatwa (o napaligaw) sa katotohanan
Surah Al-Munafiqoon, Verse 4
وَإِذَا قِيلَ لَهُمۡ تَعَالَوۡاْ يَسۡتَغۡفِرۡ لَكُمۡ رَسُولُ ٱللَّهِ لَوَّوۡاْ رُءُوسَهُمۡ وَرَأَيۡتَهُمۡ يَصُدُّونَ وَهُم مُّسۡتَكۡبِرُونَ
At kung ipinangungusap sa kanila: “Halina kayo, upang ang Tagapagbalita ni Allah ay manalangin tungo sa inyong kapatawaran mula kay Allah”, ay kanilang ibinabaling ang kanilang ulo at inyong mapagmamasdan sila na tumatalikod na ang kanilang mukha ay tigib ng pagmamataas
Surah Al-Munafiqoon, Verse 5
سَوَآءٌ عَلَيۡهِمۡ أَسۡتَغۡفَرۡتَ لَهُمۡ أَمۡ لَمۡ تَسۡتَغۡفِرۡ لَهُمۡ لَن يَغۡفِرَ ٱللَّهُ لَهُمۡۚ إِنَّ ٱللَّهَ لَا يَهۡدِي ٱلۡقَوۡمَ ٱلۡفَٰسِقِينَ
Ito ay magkatulad sa kanila kahit na sila ay iyong ipagdasal (o Muhammad) tungo sa kanilang kapatawaran o hindi ka humingi sa kanilang kapatawaran. Katotohanang si Allah ay hindi namamatnubay sa mga tao na Fasiqun (mapaghimagsik at palasuway kay Allah)
Surah Al-Munafiqoon, Verse 6
هُمُ ٱلَّذِينَ يَقُولُونَ لَا تُنفِقُواْ عَلَىٰ مَنۡ عِندَ رَسُولِ ٱللَّهِ حَتَّىٰ يَنفَضُّواْۗ وَلِلَّهِ خَزَآئِنُ ٱلسَّمَٰوَٰتِ وَٱلۡأَرۡضِ وَلَٰكِنَّ ٱلۡمُنَٰفِقِينَ لَا يَفۡقَهُونَ
Sila ang mga nagsasabi: “Huwag kayong gumugol ng anuman sa mga tao na kapanalig ng Tagapagbalita ni Allah, hanggang sa siya ay iwanan nila.” At si Allah ang nag- aangkin ng mga kayamanan ng kalangitan at kalupaan, datapuwa’t ang mga mapagkunwari ay hindi nakakaunawa
Surah Al-Munafiqoon, Verse 7
يَقُولُونَ لَئِن رَّجَعۡنَآ إِلَى ٱلۡمَدِينَةِ لَيُخۡرِجَنَّ ٱلۡأَعَزُّ مِنۡهَا ٱلۡأَذَلَّۚ وَلِلَّهِ ٱلۡعِزَّةُ وَلِرَسُولِهِۦ وَلِلۡمُؤۡمِنِينَ وَلَٰكِنَّ ٱلۡمُنَٰفِقِينَ لَا يَعۡلَمُونَ
Sila na (mga mapagkunwari) ay nagsasabi: “Kung kami ay babalik sa Al-Madinah, katotohanan, ang higit na kapita- pitagan (Abdullah Bin Ubaiy Bin Salul), ang pinuno ng mga mapagkunwari sa Al-Madinah ay makapagpapaalis sa mababa (alalaong baga, ang Tagapagbalita ni Allah). Datapuwa’t ang karangalan ay nalalaan kay Allah at sa Kanyang Tagapagbalita at sa mga sumasampalataya, subalit ang mga mapagkunwari ay hindi nakakabatid
Surah Al-Munafiqoon, Verse 8
يَـٰٓأَيُّهَا ٱلَّذِينَ ءَامَنُواْ لَا تُلۡهِكُمۡ أَمۡوَٰلُكُمۡ وَلَآ أَوۡلَٰدُكُمۡ عَن ذِكۡرِ ٱللَّهِۚ وَمَن يَفۡعَلۡ ذَٰلِكَ فَأُوْلَـٰٓئِكَ هُمُ ٱلۡخَٰسِرُونَ
O kayong nagsisisampalataya! Huwag ninyong hayaan na ang inyong mga kayamanan at ang inyong mga anak ay makahadlang sa inyo upang alalahaning lagi si Allah. At kung sinuman ang gumawa ng gayon, sila ang mga talunan
Surah Al-Munafiqoon, Verse 9
وَأَنفِقُواْ مِن مَّا رَزَقۡنَٰكُم مِّن قَبۡلِ أَن يَأۡتِيَ أَحَدَكُمُ ٱلۡمَوۡتُ فَيَقُولَ رَبِّ لَوۡلَآ أَخَّرۡتَنِيٓ إِلَىٰٓ أَجَلٖ قَرِيبٖ فَأَصَّدَّقَ وَأَكُن مِّنَ ٱلصَّـٰلِحِينَ
At gumugol kayo ng halaga (sa kawanggawa) mula sa mga biyaya na Aming ipinagkaloob sa inyo, bago sumapit ang kamatayan sa sinuman sa inyo at siya ay magsabi: “o aking Panginoon! Kung ako ay bibigyan lamang Ninyo ng kaunting panahon na makabalik (sa buhay sa mundong ito), kung gayon, ako ay magkakaloob ng Sadaqa (alalaong baga, ng Zakah,- katungkulang kawanggawa), mula sa aking kayamanan, at nang ako ay maging isa sa mga mapaggawa ng kabutihan (alalaong baga, ang makapagsagawa ng Hajj, - Pilgrimahe sa Makkah)
Surah Al-Munafiqoon, Verse 10
وَلَن يُؤَخِّرَ ٱللَّهُ نَفۡسًا إِذَا جَآءَ أَجَلُهَاۚ وَٱللَّهُ خَبِيرُۢ بِمَا تَعۡمَلُونَ
Datapuwa’t walang sinumang kaluluwa ang pagkakalooban ni Allah ng palugit kung ang itinakdang panahon (kamatayan) ay sumapit na sa kanya. At si Allah ang Lubos na Nakakaalam ng lahat ninyong ginagawa
Surah Al-Munafiqoon, Verse 11