UAE Prayer Times

  • Dubai
  • Abu Dhabi
  • Sharjah
  • Ajman
  • Fujairah
  • Umm Al Quwain
  • Ras Al Khaimah
  • Quran Translations

Surah Al-Munafiqoon - Filipino Translation by Www.islamhouse.com


إِذَا جَآءَكَ ٱلۡمُنَٰفِقُونَ قَالُواْ نَشۡهَدُ إِنَّكَ لَرَسُولُ ٱللَّهِۗ وَٱللَّهُ يَعۡلَمُ إِنَّكَ لَرَسُولُهُۥ وَٱللَّهُ يَشۡهَدُ إِنَّ ٱلۡمُنَٰفِقِينَ لَكَٰذِبُونَ

Kapag dumating sa iyo ang mga mapagpaimbabaw ay nagsasabi sila: "Sumasaksi kami na tunay na ikaw ay talagang Sugo ni Allāh." Si Allāh ay nakaaalam na tunay na ikaw ay talagang Sugo Niya. Si Allāh ay sumasaksi na tunay na ang mga mapagpaimbabaw ay talagang mga sinungaling
Surah Al-Munafiqoon, Verse 1


ٱتَّخَذُوٓاْ أَيۡمَٰنَهُمۡ جُنَّةٗ فَصَدُّواْ عَن سَبِيلِ ٱللَّهِۚ إِنَّهُمۡ سَآءَ مَا كَانُواْ يَعۡمَلُونَ

Gumawa sila sa mga panunumpa nila bilang isang panangga kaya nakasagabal sila sa landas ni Allāh. Tunay na sila ay sumagwa ang kanilang dating ginagawa
Surah Al-Munafiqoon, Verse 2


ذَٰلِكَ بِأَنَّهُمۡ ءَامَنُواْ ثُمَّ كَفَرُواْ فَطُبِعَ عَلَىٰ قُلُوبِهِمۡ فَهُمۡ لَا يَفۡقَهُونَ

Iyon ay dahil sila ay sumampalataya, pagkatapos ay tumanggi silang sumampalataya; kaya nagpinid sa mga puso nila, at sila ay hindi nakapag-uunawa
Surah Al-Munafiqoon, Verse 3


۞وَإِذَا رَأَيۡتَهُمۡ تُعۡجِبُكَ أَجۡسَامُهُمۡۖ وَإِن يَقُولُواْ تَسۡمَعۡ لِقَوۡلِهِمۡۖ كَأَنَّهُمۡ خُشُبٞ مُّسَنَّدَةٞۖ يَحۡسَبُونَ كُلَّ صَيۡحَةٍ عَلَيۡهِمۡۚ هُمُ ٱلۡعَدُوُّ فَٱحۡذَرۡهُمۡۚ قَٰتَلَهُمُ ٱللَّهُۖ أَنَّىٰ يُؤۡفَكُونَ

Kapag nakakita ka sa kanila ay magpapahanga sa iyo ang mga anyo nila; at kung magsasabi sila ay makikinig ka sa sabi nila. Para bang sila ay mga kahoy na isinandal. Nag-aakala sila na bawat sigaw ay laban sa kanila. Sila ay ang mga kalaban kaya mag-ingat ka sa kanila. Sumpain sila ni Allāh! Paanong nalilinlang sila
Surah Al-Munafiqoon, Verse 4


وَإِذَا قِيلَ لَهُمۡ تَعَالَوۡاْ يَسۡتَغۡفِرۡ لَكُمۡ رَسُولُ ٱللَّهِ لَوَّوۡاْ رُءُوسَهُمۡ وَرَأَيۡتَهُمۡ يَصُدُّونَ وَهُم مُّسۡتَكۡبِرُونَ

Kapag sinabi sa kanila: "Halikayo, hihingi ng tawad para sa inyo ang Sugo ni Allāh," ay umiiling-iling sila ng mga ulo nila at nakakikita ka sa kanila na umiiwas habang sila ay mga nagmamalaki
Surah Al-Munafiqoon, Verse 5


سَوَآءٌ عَلَيۡهِمۡ أَسۡتَغۡفَرۡتَ لَهُمۡ أَمۡ لَمۡ تَسۡتَغۡفِرۡ لَهُمۡ لَن يَغۡفِرَ ٱللَّهُ لَهُمۡۚ إِنَّ ٱللَّهَ لَا يَهۡدِي ٱلۡقَوۡمَ ٱلۡفَٰسِقِينَ

Magkapantay sa kanila na humingi ka man ng tawad para sa kanila o hindi ka humingi ng tawad para sa kanila; hindi magpapatawad si Allāh sa kanila. Tunay na si Allāh ay hindi nagpapatnubay sa mga taong suwail
Surah Al-Munafiqoon, Verse 6


هُمُ ٱلَّذِينَ يَقُولُونَ لَا تُنفِقُواْ عَلَىٰ مَنۡ عِندَ رَسُولِ ٱللَّهِ حَتَّىٰ يَنفَضُّواْۗ وَلِلَّهِ خَزَآئِنُ ٱلسَّمَٰوَٰتِ وَٱلۡأَرۡضِ وَلَٰكِنَّ ٱلۡمُنَٰفِقِينَ لَا يَفۡقَهُونَ

Sila ay ang mga nagsasabi: "Huwag kayong gumugol sa mga kapiling ng Sugo ni Allāh hanggang sa nagsikalat sila." Sa kay Allāh ang mga ingatang-yaman ng mga langit at lupa, subalit ang mga mapagpaimbabaw ay hindi nakapag-uunawa
Surah Al-Munafiqoon, Verse 7


يَقُولُونَ لَئِن رَّجَعۡنَآ إِلَى ٱلۡمَدِينَةِ لَيُخۡرِجَنَّ ٱلۡأَعَزُّ مِنۡهَا ٱلۡأَذَلَّۚ وَلِلَّهِ ٱلۡعِزَّةُ وَلِرَسُولِهِۦ وَلِلۡمُؤۡمِنِينَ وَلَٰكِنَّ ٱلۡمُنَٰفِقِينَ لَا يَعۡلَمُونَ

Nagsasabi sila: "Talagang kung manunumbalik kami sa Madīnah ay talaga ngang magpapalayas ang pinakamakapangyarihan mula roon sa pinakaaba." Sa kay Allāh ang karangalan, sa Sugo Niya, at sa mga mananampalataya, subalit ang mga mapagpaimbabaw ay hindi nakaaalam
Surah Al-Munafiqoon, Verse 8


يَـٰٓأَيُّهَا ٱلَّذِينَ ءَامَنُواْ لَا تُلۡهِكُمۡ أَمۡوَٰلُكُمۡ وَلَآ أَوۡلَٰدُكُمۡ عَن ذِكۡرِ ٱللَّهِۚ وَمَن يَفۡعَلۡ ذَٰلِكَ فَأُوْلَـٰٓئِكَ هُمُ ٱلۡخَٰسِرُونَ

O mga sumampalataya, huwag lumibang sa inyo ang mga yaman ninyo ni ang mga anak ninyo palayo sa pag-alaala kay Allāh. Ang sinumang gumawa niyon, ang mga iyon ang mga lugi
Surah Al-Munafiqoon, Verse 9


وَأَنفِقُواْ مِن مَّا رَزَقۡنَٰكُم مِّن قَبۡلِ أَن يَأۡتِيَ أَحَدَكُمُ ٱلۡمَوۡتُ فَيَقُولَ رَبِّ لَوۡلَآ أَخَّرۡتَنِيٓ إِلَىٰٓ أَجَلٖ قَرِيبٖ فَأَصَّدَّقَ وَأَكُن مِّنَ ٱلصَّـٰلِحِينَ

At gumugol kayo mula sa itinustos Namin sa inyo bago pa pumunta sa isa sa inyo ang kamatayan at saka siya magsasabi: "Panginoon ko, bakit hindi Ka nag-aantala sa akin hanggang sa isang taning na malapit para magkawanggawa ako at ako ay maging kabilang sa mga maayos
Surah Al-Munafiqoon, Verse 10


وَلَن يُؤَخِّرَ ٱللَّهُ نَفۡسًا إِذَا جَآءَ أَجَلُهَاۚ وَٱللَّهُ خَبِيرُۢ بِمَا تَعۡمَلُونَ

Hindi mag-aantala si Allāh sa isang kaluluwa kapag dumating ang taning nito. Si Allāh ay Nakababatid sa anumang ginagawa ninyo
Surah Al-Munafiqoon, Verse 11


Author: Www.islamhouse.com


<< Surah 62
>> Surah 64

Filipino Translations by other Authors


Filipino Translation By Abdullatif Eduardo M. Arceo
Filipino Translation By Www.islamhouse.com
Popular Areas
Apartments for rent in Dubai Apartments for rent Abu Dhabi Villas for rent in Dubai House for rent Abu Dhabi Apartments for sale in Dubai Apartments for sale in Abu Dhabi Flat for rent Sharjah
Popular Searches
Studios for rent in UAE Apartments for rent in UAE Villas for rent in UAE Apartments for sale in UAE Villas for sale in UAE Land for sale in UAE Dubai Real Estate
Trending Areas
Apartments for rent in Dubai Marina Apartments for sale in Dubai Marina Villa for rent in Sharjah Villa for sale in Dubai Flat for rent in Ajman Studio for rent in Abu Dhabi Villa for rent in Ajman
Trending Searches
Villa for rent in Abu Dhabi Shop for rent in Dubai Villas for sale in Ajman Studio for rent in Sharjah 1 Bedroom Apartment for rent in Dubai Property for rent in Abu Dhabi Commercial properties for sale
© Copyright Dubai Prayer Time. All Rights Reserved
Designed by Prayer Time In Dubai