UAE Prayer Times

  • Dubai
  • Abu Dhabi
  • Sharjah
  • Ajman
  • Fujairah
  • Umm Al Quwain
  • Ras Al Khaimah
  • Quran Translations

Surah At-Taghabun - Filipino Translation by Www.islamhouse.com


يُسَبِّحُ لِلَّهِ مَا فِي ٱلسَّمَٰوَٰتِ وَمَا فِي ٱلۡأَرۡضِۖ لَهُ ٱلۡمُلۡكُ وَلَهُ ٱلۡحَمۡدُۖ وَهُوَ عَلَىٰ كُلِّ شَيۡءٖ قَدِيرٌ

Nagluluwalhati kay Allāh ang anumang nasa mga langit at ang anumang nasa lupa; ukol sa Kanya ang paghahari at ukol sa Kanya ang papuri. Siya sa bawat bagay ay May-kakayahan
Surah At-Taghabun, Verse 1


هُوَ ٱلَّذِي خَلَقَكُمۡ فَمِنكُمۡ كَافِرٞ وَمِنكُم مُّؤۡمِنٞۚ وَٱللَّهُ بِمَا تَعۡمَلُونَ بَصِيرٌ

Siya ay ang lumikha sa inyo, at kabilang sa inyo ay tumatangging sumampalataya at kabilang sa inyo ay mananampalataya. Si Allāh sa anumang ginagawa ninyo ay Nakakikita
Surah At-Taghabun, Verse 2


خَلَقَ ٱلسَّمَٰوَٰتِ وَٱلۡأَرۡضَ بِٱلۡحَقِّ وَصَوَّرَكُمۡ فَأَحۡسَنَ صُوَرَكُمۡۖ وَإِلَيۡهِ ٱلۡمَصِيرُ

Lumikha Siya ng mga langit at lupa ayon sa katotohanan, nagbigay-anyo Siya sa inyo at saka nagpaganda Siya sa mga anyo ninyo. Tungo sa Kanya ang kahahantungan
Surah At-Taghabun, Verse 3


يَعۡلَمُ مَا فِي ٱلسَّمَٰوَٰتِ وَٱلۡأَرۡضِ وَيَعۡلَمُ مَا تُسِرُّونَ وَمَا تُعۡلِنُونَۚ وَٱللَّهُ عَلِيمُۢ بِذَاتِ ٱلصُّدُورِ

Nakaaalam Siya sa anumang nasa mga langit at lupa at nakaaalam Siya sa anumang inililihim ninyo at anumang inihahayag ninyo. Si Allāh ay Maalam sa nilalaman ng mga dibdib
Surah At-Taghabun, Verse 4


أَلَمۡ يَأۡتِكُمۡ نَبَؤُاْ ٱلَّذِينَ كَفَرُواْ مِن قَبۡلُ فَذَاقُواْ وَبَالَ أَمۡرِهِمۡ وَلَهُمۡ عَذَابٌ أَلِيمٞ

Hindi ba pumunta sa inyo ang ulat hinggil sa mga tumangging sumampalataya noon pa man? Kaya lumasap sila ng kasaklapan ng kalagayan nila, at ukol sa kanila ay isang pagdurusang masakit
Surah At-Taghabun, Verse 5


ذَٰلِكَ بِأَنَّهُۥ كَانَت تَّأۡتِيهِمۡ رُسُلُهُم بِٱلۡبَيِّنَٰتِ فَقَالُوٓاْ أَبَشَرٞ يَهۡدُونَنَا فَكَفَرُواْ وَتَوَلَّواْۖ وَّٱسۡتَغۡنَى ٱللَّهُۚ وَٱللَّهُ غَنِيٌّ حَمِيدٞ

Iyon ay dahil sa noon ay naghahatid sa kanila ang mga sugo nila ng mga malinaw na patunay ngunit nagsabi sila: "Mga tao ba ang papatnubay sa amin?" Kaya tumanggi silang sumampalataya, tumalikod sila, at nagwalang-halaga si Allāh [sa kanila]. Si Allāh ay Walang-pangangailangan, Kapuri-puri
Surah At-Taghabun, Verse 6


زَعَمَ ٱلَّذِينَ كَفَرُوٓاْ أَن لَّن يُبۡعَثُواْۚ قُلۡ بَلَىٰ وَرَبِّي لَتُبۡعَثُنَّ ثُمَّ لَتُنَبَّؤُنَّ بِمَا عَمِلۡتُمۡۚ وَذَٰلِكَ عَلَى ٱللَّهِ يَسِيرٞ

Nag-angkin ang mga tumangging sumampalataya na hindi raw sila bubuhayin. Sabihin mo: "Oo naman; sumpa man sa Panginoon ko, talagang bubuhayin nga kayo, pagkatapos ay talagang babalitaan nga kayo hinggil sa ginawa ninyo. Iyon kay Allāh ay madali
Surah At-Taghabun, Verse 7


فَـَٔامِنُواْ بِٱللَّهِ وَرَسُولِهِۦ وَٱلنُّورِ ٱلَّذِيٓ أَنزَلۡنَاۚ وَٱللَّهُ بِمَا تَعۡمَلُونَ خَبِيرٞ

Kaya sumampalataya kayo kay Allāh, sa Sugo Niya, at sa liwanag na ibinaba Namin. Si Allāh sa anumang ginagawa ninyo ay Nakababatid
Surah At-Taghabun, Verse 8


يَوۡمَ يَجۡمَعُكُمۡ لِيَوۡمِ ٱلۡجَمۡعِۖ ذَٰلِكَ يَوۡمُ ٱلتَّغَابُنِۗ وَمَن يُؤۡمِنۢ بِٱللَّهِ وَيَعۡمَلۡ صَٰلِحٗا يُكَفِّرۡ عَنۡهُ سَيِّـَٔاتِهِۦ وَيُدۡخِلۡهُ جَنَّـٰتٖ تَجۡرِي مِن تَحۡتِهَا ٱلۡأَنۡهَٰرُ خَٰلِدِينَ فِيهَآ أَبَدٗاۚ ذَٰلِكَ ٱلۡفَوۡزُ ٱلۡعَظِيمُ

Sa Araw na magbubuklod Siya sa inyo para sa Araw ng pagbubuklod. Iyon ay ang araw ng lamangan. Ang sinumang sumampalataya kay Allāh at gumawa ng matuwid ay magtatakip Siya rito sa mga masagwang gawa nito at magpapapasok Siya rito sa mga Hardin na dumadaloy mula sa ilalim ng mga ito ang mga ilog habang mga nananatili sa mga ito magpakailanman. Iyon ay ang pagwawaging sukdulan
Surah At-Taghabun, Verse 9


وَٱلَّذِينَ كَفَرُواْ وَكَذَّبُواْ بِـَٔايَٰتِنَآ أُوْلَـٰٓئِكَ أَصۡحَٰبُ ٱلنَّارِ خَٰلِدِينَ فِيهَاۖ وَبِئۡسَ ٱلۡمَصِيرُ

Ang mga tumangging sumampalataya at nagpasinungaling sa mga tanda Namin, ang mga iyon ay ang mga maninirahan sa Apoy bilang mga mananatili roon. Kay saklap ang kahahantungan
Surah At-Taghabun, Verse 10


مَآ أَصَابَ مِن مُّصِيبَةٍ إِلَّا بِإِذۡنِ ٱللَّهِۗ وَمَن يُؤۡمِنۢ بِٱللَّهِ يَهۡدِ قَلۡبَهُۥۚ وَٱللَّهُ بِكُلِّ شَيۡءٍ عَلِيمٞ

Walang tumama na anumang kasawian malibang ayon sa kapahintulutan ni Allāh. Ang sinumang sumampalataya kay Allāh ay magpapatnubay Siya sa puso nito. Si Allāh sa bawat bagay ay Maalam
Surah At-Taghabun, Verse 11


وَأَطِيعُواْ ٱللَّهَ وَأَطِيعُواْ ٱلرَّسُولَۚ فَإِن تَوَلَّيۡتُمۡ فَإِنَّمَا عَلَىٰ رَسُولِنَا ٱلۡبَلَٰغُ ٱلۡمُبِينُ

At tumalima kayo kay Allāh at tumalima kayo sa Sugo. Kaya kung tumalikod kayo, tanging ang [tungkulin] sa Sugo Namin ay ang pagpapaabot na malinaw
Surah At-Taghabun, Verse 12


ٱللَّهُ لَآ إِلَٰهَ إِلَّا هُوَۚ وَعَلَى ٱللَّهِ فَلۡيَتَوَكَّلِ ٱلۡمُؤۡمِنُونَ

Si Allāh, walang Diyos kundi Siya; kaya kay Allāh manalig ang mga mananampalataya
Surah At-Taghabun, Verse 13


يَـٰٓأَيُّهَا ٱلَّذِينَ ءَامَنُوٓاْ إِنَّ مِنۡ أَزۡوَٰجِكُمۡ وَأَوۡلَٰدِكُمۡ عَدُوّٗا لَّكُمۡ فَٱحۡذَرُوهُمۡۚ وَإِن تَعۡفُواْ وَتَصۡفَحُواْ وَتَغۡفِرُواْ فَإِنَّ ٱللَّهَ غَفُورٞ رَّحِيمٌ

O mga sumampalataya, tunay na mayroon sa mga maybahay ninyo at mga anak ninyo na kaaway para sa inyo kaya mag-ingat kayo sa kanila. Kung magpapaumanhin kayo, magpapalampas kayo, at magpapatawad kayo, tunay na si Allāh ay Mapagpatawad, Maawain
Surah At-Taghabun, Verse 14


إِنَّمَآ أَمۡوَٰلُكُمۡ وَأَوۡلَٰدُكُمۡ فِتۡنَةٞۚ وَٱللَّهُ عِندَهُۥٓ أَجۡرٌ عَظِيمٞ

Ang mga yaman ninyo at ang mga anak ninyo ay isang tukso lamang samantalang si Allāh sa piling Niya ay isang pabuyang sukdulan
Surah At-Taghabun, Verse 15


فَٱتَّقُواْ ٱللَّهَ مَا ٱسۡتَطَعۡتُمۡ وَٱسۡمَعُواْ وَأَطِيعُواْ وَأَنفِقُواْ خَيۡرٗا لِّأَنفُسِكُمۡۗ وَمَن يُوقَ شُحَّ نَفۡسِهِۦ فَأُوْلَـٰٓئِكَ هُمُ ٱلۡمُفۡلِحُونَ

Kaya mangilag kayong magkasala kay Allāh sa abot ng makakaya ninyo, makinig kayo, tumalima kayo, at gumugol kayo sa mabuti para sa mga sarili ninyo. Ang sinumang napangangalagaan sa kasakiman ng sarili niya, ang mga iyon ay ang mga magtatagumpay
Surah At-Taghabun, Verse 16


إِن تُقۡرِضُواْ ٱللَّهَ قَرۡضًا حَسَنٗا يُضَٰعِفۡهُ لَكُمۡ وَيَغۡفِرۡ لَكُمۡۚ وَٱللَّهُ شَكُورٌ حَلِيمٌ

Kung magpapautang kayo kay Allāh ng isang pautang na maganda ay magpapaibayo Siya nito para sa inyo at magpapatatawad Siya sa inyo. Si Allāh ay Mapagpasalamat, Matimpiin
Surah At-Taghabun, Verse 17


عَٰلِمُ ٱلۡغَيۡبِ وَٱلشَّهَٰدَةِ ٱلۡعَزِيزُ ٱلۡحَكِيمُ

ang Nakaaalam sa Lingid at Hayag, ang Makapangyarihan, ang Marunong
Surah At-Taghabun, Verse 18


Author: Www.islamhouse.com


<< Surah 63
>> Surah 65

Filipino Translations by other Authors


Filipino Translation By Abdullatif Eduardo M. Arceo
Filipino Translation By Www.islamhouse.com
Popular Areas
Apartments for rent in Dubai Apartments for rent Abu Dhabi Villas for rent in Dubai House for rent Abu Dhabi Apartments for sale in Dubai Apartments for sale in Abu Dhabi Flat for rent Sharjah
Popular Searches
Studios for rent in UAE Apartments for rent in UAE Villas for rent in UAE Apartments for sale in UAE Villas for sale in UAE Land for sale in UAE Dubai Real Estate
Trending Areas
Apartments for rent in Dubai Marina Apartments for sale in Dubai Marina Villa for rent in Sharjah Villa for sale in Dubai Flat for rent in Ajman Studio for rent in Abu Dhabi Villa for rent in Ajman
Trending Searches
Villa for rent in Abu Dhabi Shop for rent in Dubai Villas for sale in Ajman Studio for rent in Sharjah 1 Bedroom Apartment for rent in Dubai Property for rent in Abu Dhabi Commercial properties for sale
© Copyright Dubai Prayer Time. All Rights Reserved
Designed by Prayer Time In Dubai