UAE Prayer Times

  • Dubai
  • Abu Dhabi
  • Sharjah
  • Ajman
  • Fujairah
  • Umm Al Quwain
  • Ras Al Khaimah
  • Quran Translations

Surah At-Talaq - Filipino Translation by Www.islamhouse.com


يَـٰٓأَيُّهَا ٱلنَّبِيُّ إِذَا طَلَّقۡتُمُ ٱلنِّسَآءَ فَطَلِّقُوهُنَّ لِعِدَّتِهِنَّ وَأَحۡصُواْ ٱلۡعِدَّةَۖ وَٱتَّقُواْ ٱللَّهَ رَبَّكُمۡۖ لَا تُخۡرِجُوهُنَّ مِنۢ بُيُوتِهِنَّ وَلَا يَخۡرُجۡنَ إِلَّآ أَن يَأۡتِينَ بِفَٰحِشَةٖ مُّبَيِّنَةٖۚ وَتِلۡكَ حُدُودُ ٱللَّهِۚ وَمَن يَتَعَدَّ حُدُودَ ٱللَّهِ فَقَدۡ ظَلَمَ نَفۡسَهُۥۚ لَا تَدۡرِي لَعَلَّ ٱللَّهَ يُحۡدِثُ بَعۡدَ ذَٰلِكَ أَمۡرٗا

O Propeta, kapag nagdiborsiyo kayo ng mga maybahay ay magdiborsiyo kayo sa kanila sa [simula ng] panahon ng paghihintay nila, magbilang kayo ng panahon ng paghihintay, at mangilag kayong magkasala kay Allāh na Panginoon ninyo. Huwag kayong magpalayas sa kanila sa mga bahay [ng mga asawa] nila at hindi sila lalayas malibang nakagawa sila ng isang mahalay na malinaw. Iyon ay ang mga hangganan ni Allāh. Ang sinumang lalabag sa mga hangganan ni Allāh ay lumabag nga siya sa katarungan sa sarili niya. Hindi mo nababatid marahil si Allāh ay magpangyari matapos niyon ng isang bagay
Surah At-Talaq, Verse 1


فَإِذَا بَلَغۡنَ أَجَلَهُنَّ فَأَمۡسِكُوهُنَّ بِمَعۡرُوفٍ أَوۡ فَارِقُوهُنَّ بِمَعۡرُوفٖ وَأَشۡهِدُواْ ذَوَيۡ عَدۡلٖ مِّنكُمۡ وَأَقِيمُواْ ٱلشَّهَٰدَةَ لِلَّهِۚ ذَٰلِكُمۡ يُوعَظُ بِهِۦ مَن كَانَ يُؤۡمِنُ بِٱللَّهِ وَٱلۡيَوۡمِ ٱلۡأٓخِرِۚ وَمَن يَتَّقِ ٱللَّهَ يَجۡعَل لَّهُۥ مَخۡرَجٗا

Kaya kapag umabot sila sa taning nila ay magpanatili kayo sa kanila ayon sa nakabubuti o makipaghiwalay kayo sa kanila ayon sa nakabubuti. Magpasaksi kayo sa dalawang may katarungan kabilang sa inyo. Magsagawa kayo ng pagsasaksi kay Allāh. Iyon ay ipinangangaral sa sinumang naging sumasampalataya kay Allāh at sa Huling Araw. Ang sinumang nangingilag magkasala kay Allāh ay gagawa Siya para rito ng isang malalabasan [sa kagipitan]
Surah At-Talaq, Verse 2


وَيَرۡزُقۡهُ مِنۡ حَيۡثُ لَا يَحۡتَسِبُۚ وَمَن يَتَوَكَّلۡ عَلَى ٱللَّهِ فَهُوَ حَسۡبُهُۥٓۚ إِنَّ ٱللَّهَ بَٰلِغُ أَمۡرِهِۦۚ قَدۡ جَعَلَ ٱللَّهُ لِكُلِّ شَيۡءٖ قَدۡرٗا

at magtutustos Siya rito mula sa hindi nito inaasahan. Ang sinumang nananalig kay Allāh, Siya ay sapat na rito. Tunay na si Allāh ay nagpapatupad sa utos Niya. Gumawa nga si Allāh para sa bawat bagay ng isang pagtatakda
Surah At-Talaq, Verse 3


وَٱلَّـٰٓـِٔي يَئِسۡنَ مِنَ ٱلۡمَحِيضِ مِن نِّسَآئِكُمۡ إِنِ ٱرۡتَبۡتُمۡ فَعِدَّتُهُنَّ ثَلَٰثَةُ أَشۡهُرٖ وَٱلَّـٰٓـِٔي لَمۡ يَحِضۡنَۚ وَأُوْلَٰتُ ٱلۡأَحۡمَالِ أَجَلُهُنَّ أَن يَضَعۡنَ حَمۡلَهُنَّۚ وَمَن يَتَّقِ ٱللَّهَ يَجۡعَل لَّهُۥ مِنۡ أَمۡرِهِۦ يُسۡرٗا

At ang mga babaing nawalan na ng regla kabilang sa mga maybahay ninyo, kung nag-alinlangan kayo, ang panahon ng paghihintay nila ay tatlong buwan, at [pati] ang babaing hindi na niregla. Ang mga may dinadalang-tao, ang taning [ng paghihintay] nila ay na magsilang sila ng dinadalang-tao nila. Ang sinumang nangingilag magkasala kay Allāh, gagawa Siya para rito mula sa kalagayan nito ng isang kaluwagan
Surah At-Talaq, Verse 4


ذَٰلِكَ أَمۡرُ ٱللَّهِ أَنزَلَهُۥٓ إِلَيۡكُمۡۚ وَمَن يَتَّقِ ٱللَّهَ يُكَفِّرۡ عَنۡهُ سَيِّـَٔاتِهِۦ وَيُعۡظِمۡ لَهُۥٓ أَجۡرًا

Iyon ay utos ni Allāh; nagbaba Siya nito sa inyo. Ang sinumang nangingilag magkasala kay Allāh ay magtatakip Siya rito sa mga masagwang gawa nito at magpaparami Siya para rito ng pabuya
Surah At-Talaq, Verse 5


أَسۡكِنُوهُنَّ مِنۡ حَيۡثُ سَكَنتُم مِّن وُجۡدِكُمۡ وَلَا تُضَآرُّوهُنَّ لِتُضَيِّقُواْ عَلَيۡهِنَّۚ وَإِن كُنَّ أُوْلَٰتِ حَمۡلٖ فَأَنفِقُواْ عَلَيۡهِنَّ حَتَّىٰ يَضَعۡنَ حَمۡلَهُنَّۚ فَإِنۡ أَرۡضَعۡنَ لَكُمۡ فَـَٔاتُوهُنَّ أُجُورَهُنَّ وَأۡتَمِرُواْ بَيۡنَكُم بِمَعۡرُوفٖۖ وَإِن تَعَاسَرۡتُمۡ فَسَتُرۡضِعُ لَهُۥٓ أُخۡرَىٰ

Magpatira kayo sa kanila kung saan kayo nakatira ayon sa kaya ninyo at huwag kayong maminsala sa kanila upang manggipit kayo sa kanila. Kung sila ay mga may dinadalang-tao, gumugol kayo sa kanila hanggang sa magsilang sila ng dinadalang-tao nila; at kung nagpasuso sila para sa inyo [ng anak ninyo] ay magbigay kayo sa kanila ng mga upa nila at mag-utusan kayo sa pagitan ninyo ayon sa nakabubuti. Kung nagkapahirapan kayo ay magpapasuso para rito ang ibang babae
Surah At-Talaq, Verse 6


لِيُنفِقۡ ذُو سَعَةٖ مِّن سَعَتِهِۦۖ وَمَن قُدِرَ عَلَيۡهِ رِزۡقُهُۥ فَلۡيُنفِقۡ مِمَّآ ءَاتَىٰهُ ٱللَّهُۚ لَا يُكَلِّفُ ٱللَّهُ نَفۡسًا إِلَّا مَآ ءَاتَىٰهَاۚ سَيَجۡعَلُ ٱللَّهُ بَعۡدَ عُسۡرٖ يُسۡرٗا

Gumugol ang may kariwasaan mula sa kariwasaan niya. Ang sinumang pinakapos ang panustos sa kanya ay gumugol siya mula sa ibinigay sa kanya ni Allāh. Hindi nag-aatang si Allāh sa isang kaluluwa malibang ayon sa ibinigay Niya rito. Gagawa si Allāh, matapos ng isang hirap, ng isang ginhawa
Surah At-Talaq, Verse 7


وَكَأَيِّن مِّن قَرۡيَةٍ عَتَتۡ عَنۡ أَمۡرِ رَبِّهَا وَرُسُلِهِۦ فَحَاسَبۡنَٰهَا حِسَابٗا شَدِيدٗا وَعَذَّبۡنَٰهَا عَذَابٗا نُّكۡرٗا

Kay raming pamayanang naghimagsik sa kautusan ng Panginoon ng mga ito at ng sugo ng mga ito. Kaya tumuos Kami sa mga ito ng isang pagtutuos na matindi at pinagdusa Namin ang mga ito ng isang pagdurusang pagkasama-sama
Surah At-Talaq, Verse 8


فَذَاقَتۡ وَبَالَ أَمۡرِهَا وَكَانَ عَٰقِبَةُ أَمۡرِهَا خُسۡرًا

Kaya lumasap ang mga ito ng kasaklapan ng kalagayan ng mga ito at ang naging kinahinatnan ng kalagayan ng mga ito ay isang pagkalugi
Surah At-Talaq, Verse 9


أَعَدَّ ٱللَّهُ لَهُمۡ عَذَابٗا شَدِيدٗاۖ فَٱتَّقُواْ ٱللَّهَ يَـٰٓأُوْلِي ٱلۡأَلۡبَٰبِ ٱلَّذِينَ ءَامَنُواْۚ قَدۡ أَنزَلَ ٱللَّهُ إِلَيۡكُمۡ ذِكۡرٗا

Naghanda si Allāh para sa kanila ng isang pagdurusang matindi, kaya mangilag kayong magkasala kay Allāh, O mga may isip na mga sumampalataya. Nagbaba nga si Allāh sa inyo ng isang paalaala
Surah At-Talaq, Verse 10


رَّسُولٗا يَتۡلُواْ عَلَيۡكُمۡ ءَايَٰتِ ٱللَّهِ مُبَيِّنَٰتٖ لِّيُخۡرِجَ ٱلَّذِينَ ءَامَنُواْ وَعَمِلُواْ ٱلصَّـٰلِحَٰتِ مِنَ ٱلظُّلُمَٰتِ إِلَى ٱلنُّورِۚ وَمَن يُؤۡمِنۢ بِٱللَّهِ وَيَعۡمَلۡ صَٰلِحٗا يُدۡخِلۡهُ جَنَّـٰتٖ تَجۡرِي مِن تَحۡتِهَا ٱلۡأَنۡهَٰرُ خَٰلِدِينَ فِيهَآ أَبَدٗاۖ قَدۡ أَحۡسَنَ ٱللَّهُ لَهُۥ رِزۡقًا

isang Sugo na bumibigkas sa inyo ng mga tanda ni Allāh, na mga naglilinaw, upang magpalabas Siya sa mga sumampalataya at gumawa ng mga maayos mula sa mga kadiliman tungo sa liwanag. Ang sinumang sumasampalataya kay Allāh at gumagawa ng maayos ay magpapapasok Siya rito sa mga hardin na dumadaloy mula sa ilalim ng mga ito ang mga ilog bilang mga mananatili sa mga ito magpakailanman. Gumawa nga ng maganda si Allāh para rito sa pagtustos
Surah At-Talaq, Verse 11


ٱللَّهُ ٱلَّذِي خَلَقَ سَبۡعَ سَمَٰوَٰتٖ وَمِنَ ٱلۡأَرۡضِ مِثۡلَهُنَّۖ يَتَنَزَّلُ ٱلۡأَمۡرُ بَيۡنَهُنَّ لِتَعۡلَمُوٓاْ أَنَّ ٱللَّهَ عَلَىٰ كُلِّ شَيۡءٖ قَدِيرٞ وَأَنَّ ٱللَّهَ قَدۡ أَحَاطَ بِكُلِّ شَيۡءٍ عِلۡمَۢا

Si Allāh ay ang lumikha ng pitong langit at mula sa lupa ng tulad sa mga ito. Nagbababaan ang kautusan sa pagitan ng mga ito upang makaalam kayo na si Allāh sa bawat bagay ay May-kakayahan, at na si Allāh ay sumaklaw nga sa bawat bagay sa kaalaman
Surah At-Talaq, Verse 12


Author: Www.islamhouse.com


<< Surah 64
>> Surah 66

Filipino Translations by other Authors


Filipino Translation By Abdullatif Eduardo M. Arceo
Filipino Translation By Www.islamhouse.com
Popular Areas
Apartments for rent in Dubai Apartments for rent Abu Dhabi Villas for rent in Dubai House for rent Abu Dhabi Apartments for sale in Dubai Apartments for sale in Abu Dhabi Flat for rent Sharjah
Popular Searches
Studios for rent in UAE Apartments for rent in UAE Villas for rent in UAE Apartments for sale in UAE Villas for sale in UAE Land for sale in UAE Dubai Real Estate
Trending Areas
Apartments for rent in Dubai Marina Apartments for sale in Dubai Marina Villa for rent in Sharjah Villa for sale in Dubai Flat for rent in Ajman Studio for rent in Abu Dhabi Villa for rent in Ajman
Trending Searches
Villa for rent in Abu Dhabi Shop for rent in Dubai Villas for sale in Ajman Studio for rent in Sharjah 1 Bedroom Apartment for rent in Dubai Property for rent in Abu Dhabi Commercial properties for sale
© Copyright Dubai Prayer Time. All Rights Reserved
Designed by Prayer Time In Dubai