Surah At-Talaq - Filipino Translation by Abdullatif Eduardo M. Arceo
يَـٰٓأَيُّهَا ٱلنَّبِيُّ إِذَا طَلَّقۡتُمُ ٱلنِّسَآءَ فَطَلِّقُوهُنَّ لِعِدَّتِهِنَّ وَأَحۡصُواْ ٱلۡعِدَّةَۖ وَٱتَّقُواْ ٱللَّهَ رَبَّكُمۡۖ لَا تُخۡرِجُوهُنَّ مِنۢ بُيُوتِهِنَّ وَلَا يَخۡرُجۡنَ إِلَّآ أَن يَأۡتِينَ بِفَٰحِشَةٖ مُّبَيِّنَةٖۚ وَتِلۡكَ حُدُودُ ٱللَّهِۚ وَمَن يَتَعَدَّ حُدُودَ ٱللَّهِ فَقَدۡ ظَلَمَ نَفۡسَهُۥۚ لَا تَدۡرِي لَعَلَّ ٱللَّهَ يُحۡدِثُ بَعۡدَ ذَٰلِكَ أَمۡرٗا
O Propeta! Kung kayo ay magdidiborsyo ng mga babae, inyong diborsyuhin sila sa kanilang Iddah (natatakdaang panahon), at inyong bilangin ng buong katumpakan ang kanilang Iddah (natatakdaang panahon), at inyong pangambahan (o mga Muslim) si Allah na inyong Panginoon, at sila ay huwag ninyong itaboy sa kani-kanilang tahanan, at huwag din naman na hayaang sila ay umalis, maliban na lamang kung sila ay nagkakasala ng lantad na kalaswaan (bawal na pakikipagtalik). At ito ang mga hangganan na itinakda ni Allah at sinuman ang lumabag sa mga hangganan ni Allah ay katotohanang nagpahamak ng kanyang sariling kaluluwa. Kayo (na nagdiborsyo ng kanyang asawa) ay hindi nakakabatid na maaaring si Allah, makaraan ito, ay magkaloob ng bagong bagay na mangyayari (alalaong baga, ang ibalik siyang muli [asawa] sa inyo kung ito ang una at pangalawang pagdidiborsyo
Surah At-Talaq, Verse 1
فَإِذَا بَلَغۡنَ أَجَلَهُنَّ فَأَمۡسِكُوهُنَّ بِمَعۡرُوفٍ أَوۡ فَارِقُوهُنَّ بِمَعۡرُوفٖ وَأَشۡهِدُواْ ذَوَيۡ عَدۡلٖ مِّنكُمۡ وَأَقِيمُواْ ٱلشَّهَٰدَةَ لِلَّهِۚ ذَٰلِكُمۡ يُوعَظُ بِهِۦ مَن كَانَ يُؤۡمِنُ بِٱللَّهِ وَٱلۡيَوۡمِ ٱلۡأٓخِرِۚ وَمَن يَتَّقِ ٱللَّهَ يَجۡعَل لَّهُۥ مَخۡرَجٗا
Kaya’t kung naganap na nila ang kanilang natatakdaang panahon, mangyaring muli na sila ay inyong tanggapin o maghiwalay kayo sa makatarungang paraan at kumuha kayo ng dalawang saksi mula sa inyo (mga Muslim) na makatarungan, at inyong itampok ang katibayan sa harap ni Allah. Ito ang mga tagubilin na ibinigay sa kanya na sumasampalataya kay Allah at sa Huling Araw. At sinuman ang mangamba kay Allah at panatilihin ang kanyang tungkulin sa Kanya, Siya ang magbibigay sa kanya ng lunas sa lahat ng mga kahirapan
Surah At-Talaq, Verse 2
وَيَرۡزُقۡهُ مِنۡ حَيۡثُ لَا يَحۡتَسِبُۚ وَمَن يَتَوَكَّلۡ عَلَى ٱللَّهِ فَهُوَ حَسۡبُهُۥٓۚ إِنَّ ٱللَّهَ بَٰلِغُ أَمۡرِهِۦۚ قَدۡ جَعَلَ ٱللَّهُ لِكُلِّ شَيۡءٖ قَدۡرٗا
At ipagkakaloob Niya (ito) sa kanya mula (sa panggagalingan) na hindi niya napag-aakala. At kung sinuman ang magkaloob ng kanyang pagtitiwala kay Allah ay sapat na si Allah para sa kanya. Katotohanang si Allah ay walang pagsalang makapagpapatupad ng Kanyang naisin. Katotohanang sa lahat ng bagay, si Allah ay nagtakda ng ganap at tumpak na sukat
Surah At-Talaq, Verse 3
وَٱلَّـٰٓـِٔي يَئِسۡنَ مِنَ ٱلۡمَحِيضِ مِن نِّسَآئِكُمۡ إِنِ ٱرۡتَبۡتُمۡ فَعِدَّتُهُنَّ ثَلَٰثَةُ أَشۡهُرٖ وَٱلَّـٰٓـِٔي لَمۡ يَحِضۡنَۚ وَأُوْلَٰتُ ٱلۡأَحۡمَالِ أَجَلُهُنَّ أَن يَضَعۡنَ حَمۡلَهُنَّۚ وَمَن يَتَّقِ ٱللَّهَ يَجۡعَل لَّهُۥ مِنۡ أَمۡرِهِۦ يُسۡرٗا
At sa inyong mga kababaihan na lumagpas na sa panahon ng kanilang buwanang dalaw, ang Iddah (natatakdaang panahon) para sa kanila, kung kayo ay may alinlangan (tungkol sa kanilang panahon), ay tatlong buwan, at sa mga wala pang buwanang dalaw (alalaong baga, bata pa o matanda na), ang kanilang Iddah (natatakdaang panahon) ay gayon din naman, malibang ang sanhi ay kamatayan. At sa mga may dinadalang buhay sa kanilang sinapupunan (kahit na sila ay diborsyada na o patay na ang kanilang asawa), ang kanilang Iddah (natatakdaang panahon), ay hanggang sila ay makapagluwal ng kanilang dinadala. At sa mga may pangangamba kay Allah (at nagpapanatili ng kanyang tungkulin sa Kanya), ay gagawin Niya na magaan sa kanila ang daan
Surah At-Talaq, Verse 4
ذَٰلِكَ أَمۡرُ ٱللَّهِ أَنزَلَهُۥٓ إِلَيۡكُمۡۚ وَمَن يَتَّقِ ٱللَّهَ يُكَفِّرۡ عَنۡهُ سَيِّـَٔاتِهِۦ وَيُعۡظِمۡ لَهُۥٓ أَجۡرًا
Ito ang Pag-uutos ni Allah na Kanyang ipinanaog sa inyo, at sinuman ang may pagkatakot kay Allah (at nagpapanatili ng kanyang tungkulin sa Kanya) ay lulunasan Niya ang kanyang mga karamdaman at suliranin (mga kasalanan) at pag-iibayuhin Niya ang kanyang gantimpala
Surah At-Talaq, Verse 5
أَسۡكِنُوهُنَّ مِنۡ حَيۡثُ سَكَنتُم مِّن وُجۡدِكُمۡ وَلَا تُضَآرُّوهُنَّ لِتُضَيِّقُواْ عَلَيۡهِنَّۚ وَإِن كُنَّ أُوْلَٰتِ حَمۡلٖ فَأَنفِقُواْ عَلَيۡهِنَّ حَتَّىٰ يَضَعۡنَ حَمۡلَهُنَّۚ فَإِنۡ أَرۡضَعۡنَ لَكُمۡ فَـَٔاتُوهُنَّ أُجُورَهُنَّ وَأۡتَمِرُواْ بَيۡنَكُم بِمَعۡرُوفٖۖ وَإِن تَعَاسَرۡتُمۡ فَسَتُرۡضِعُ لَهُۥٓ أُخۡرَىٰ
Hayaan ang mga nadiborsyong babae ay manahan kung saan kayo tumitira, ng ayon sa inyong kakayahan, at sila ay huwag ninyong pakitunguhan sa masamang paraan, upang sila ay mapilitan na umalis. At kung sila ay may dinadalang buhay sa kanilang sinapupunan, kung gayon, kayo ay gumugol ng inyong yaman sa kanila hanggang sila ay makapagluwal ng kanilang dinadala, at kung sila ay nagpapasuso ng inyong supling ay inyong bigyan sila ng kabayaran at kayo ay magpaalalahanan (at magpayo) sa isa’t isa kung ano ang makatarungan at makatuwiran, datapuwa’t kung kayo ay malagay sa kahirapan, hayaan ang ibang babae ang magpasuso para sa kanya (sa kapakanan ng ama ng bata)
Surah At-Talaq, Verse 6
لِيُنفِقۡ ذُو سَعَةٖ مِّن سَعَتِهِۦۖ وَمَن قُدِرَ عَلَيۡهِ رِزۡقُهُۥ فَلۡيُنفِقۡ مِمَّآ ءَاتَىٰهُ ٱللَّهُۚ لَا يُكَلِّفُ ٱللَّهُ نَفۡسًا إِلَّا مَآ ءَاتَىٰهَاۚ سَيَجۡعَلُ ٱللَّهُ بَعۡدَ عُسۡرٖ يُسۡرٗا
Hayaan ang lalaki na may kakayahan ay gumugol ng ayon sa kanyang kakayahan, at ang lalaki na ang pinagkukunan (ng kabuhayan) ay sapat-sapat lamang, hayaang gumugol siya ng ayon sa anumang ipinagkaloob sa kanya ni Allah. Si Allah ay hindi magbibigay ng pasakit (o dalahin) sa isang tao ng higit sa ipinagkaloob Niya sa kanya. At pagkatapos ng kahirapan, si Allah ang magkakaloob sa kanya ng kaginhawahan
Surah At-Talaq, Verse 7
وَكَأَيِّن مِّن قَرۡيَةٍ عَتَتۡ عَنۡ أَمۡرِ رَبِّهَا وَرُسُلِهِۦ فَحَاسَبۡنَٰهَا حِسَابٗا شَدِيدٗا وَعَذَّبۡنَٰهَا عَذَابٗا نُّكۡرٗا
At gaano karami sa sangkatauhan ang lantarang sumasalansang sa Pag-uutos ng kanyang Panginoon at ng Kanyang mga Tagapagbalita, at Aming tinawag sila sa matinding pagsusulit (alalaong baga, kaparusahan sa mundong ito). At ipapataw Namin sa kanila ang isang kalagim-lagim na kaparusahan (sa Impiyerno sa Kabilang Buhay)
Surah At-Talaq, Verse 8
فَذَاقَتۡ وَبَالَ أَمۡرِهَا وَكَانَ عَٰقِبَةُ أَمۡرِهَا خُسۡرًا
At kanilang nalasap ang masamang kinasapitan ng kanilang mga gawa (kawalan ng pananalig) at ang kinahinatnan ng kanilang kawalan ng pananalig ay pagkalugi (kapinsalaan sa buhay na ito at walang hanggang kapahamakan sa Kabilang Buhay)
Surah At-Talaq, Verse 9
أَعَدَّ ٱللَّهُ لَهُمۡ عَذَابٗا شَدِيدٗاۖ فَٱتَّقُواْ ٱللَّهَ يَـٰٓأُوْلِي ٱلۡأَلۡبَٰبِ ٱلَّذِينَ ءَامَنُواْۚ قَدۡ أَنزَلَ ٱللَّهُ إِلَيۡكُمۡ ذِكۡرٗا
Si Allah ang naghanda para sa kanila ng isang kasakit-sakit na kaparusahan (sa Kabilang Buhay). Kaya’t inyong pangambahan si Allah at panatilihin ang inyong tungkulin sa Kanya, O mga tao na may pang-unawa at nagsisampalataya! Sapagka’t si Allah ay katotohanang nagpapanaog sa inyo ng isang Paala-ala (ang Qur’an)
Surah At-Talaq, Verse 10
رَّسُولٗا يَتۡلُواْ عَلَيۡكُمۡ ءَايَٰتِ ٱللَّهِ مُبَيِّنَٰتٖ لِّيُخۡرِجَ ٱلَّذِينَ ءَامَنُواْ وَعَمِلُواْ ٱلصَّـٰلِحَٰتِ مِنَ ٱلظُّلُمَٰتِ إِلَى ٱلنُّورِۚ وَمَن يُؤۡمِنۢ بِٱللَّهِ وَيَعۡمَلۡ صَٰلِحٗا يُدۡخِلۡهُ جَنَّـٰتٖ تَجۡرِي مِن تَحۡتِهَا ٱلۡأَنۡهَٰرُ خَٰلِدِينَ فِيهَآ أَبَدٗاۖ قَدۡ أَحۡسَنَ ٱللَّهُ لَهُۥ رِزۡقًا
(At nagparating din sa inyo) ng isang Tagapagbalita (Muhammad), na nagpapaala- ala at dumadalit sa mga Talata ni Allah (ang Qur’an), na nagtataglay ng malilinaw na paliwanag upang kanyang maakay ang mga sumasampalataya at nagsisigawa ng katuwiran mula sa kailaliman ng kadiliman (ng pagsamba sa mga diyus-diyosan at kawalan ng pananalig) sa kaliwanagan (Kaisahan ni Allah at Tunay na Pananampalataya). At sa mga nananampalataya kay Allah at nagsisigawa ng kabutihan ay Kanyang tatanggapin sila sa mga Hardin na sa ilalim nito ay may mga ilog na nagsisidaloy (Paraiso) upang manahan dito magpakailanman. Katotohanang si Allah ang nagkaloob sa kanila ng katangi-tanging kabuhayan
Surah At-Talaq, Verse 11
ٱللَّهُ ٱلَّذِي خَلَقَ سَبۡعَ سَمَٰوَٰتٖ وَمِنَ ٱلۡأَرۡضِ مِثۡلَهُنَّۖ يَتَنَزَّلُ ٱلۡأَمۡرُ بَيۡنَهُنَّ لِتَعۡلَمُوٓاْ أَنَّ ٱللَّهَ عَلَىٰ كُلِّ شَيۡءٖ قَدِيرٞ وَأَنَّ ٱللَّهَ قَدۡ أَحَاطَ بِكُلِّ شَيۡءٍ عِلۡمَۢا
Si Allah ang lumikha ng pitong kalangitan at ng kalupaan sa gayong ding bilang (pito). Ang Kanyang pag- uutos ay bumababa sa pagitan nila (ng langit at lupa), upang inyong maalaman na si Allah ang may kapangyarihan sa lahat ng bagay at si Allah ang Nakakaalam ng lahat ng bagay sa (Kanyang karunungan)
Surah At-Talaq, Verse 12