UAE Prayer Times

  • Dubai
  • Abu Dhabi
  • Sharjah
  • Ajman
  • Fujairah
  • Umm Al Quwain
  • Ras Al Khaimah
  • Quran Translations

Surah At-Tahrim - Filipino Translation by Www.islamhouse.com


يَـٰٓأَيُّهَا ٱلنَّبِيُّ لِمَ تُحَرِّمُ مَآ أَحَلَّ ٱللَّهُ لَكَۖ تَبۡتَغِي مَرۡضَاتَ أَزۡوَٰجِكَۚ وَٱللَّهُ غَفُورٞ رَّحِيمٞ

O Propeta, bakit ka nagbabawal ng ipinahintulot ni Allāh para sa iyo, na naghahangad ng kaluguran ng mga maybahay mo? Si Allāh ay Mapagpatawad, Maawain
Surah At-Tahrim, Verse 1


قَدۡ فَرَضَ ٱللَّهُ لَكُمۡ تَحِلَّةَ أَيۡمَٰنِكُمۡۚ وَٱللَّهُ مَوۡلَىٰكُمۡۖ وَهُوَ ٱلۡعَلِيمُ ٱلۡحَكِيمُ

Nagsatungkulin nga si Allāh para sa inyo ng pagkalas sa mga pangako ninyo. Si Allāh ay ang Tagatangkilik ninyo at Siya ay ang Maalam, ang Marunong
Surah At-Tahrim, Verse 2


وَإِذۡ أَسَرَّ ٱلنَّبِيُّ إِلَىٰ بَعۡضِ أَزۡوَٰجِهِۦ حَدِيثٗا فَلَمَّا نَبَّأَتۡ بِهِۦ وَأَظۡهَرَهُ ٱللَّهُ عَلَيۡهِ عَرَّفَ بَعۡضَهُۥ وَأَعۡرَضَ عَنۢ بَعۡضٖۖ فَلَمَّا نَبَّأَهَا بِهِۦ قَالَتۡ مَنۡ أَنۢبَأَكَ هَٰذَاۖ قَالَ نَبَّأَنِيَ ٱلۡعَلِيمُ ٱلۡخَبِيرُ

[Banggitin] noong nagtapat ang Propeta sa isa sa mga maybahay niya ng isang napag-usapan; at noong nagbalita ito niyon at naghayag naman niyon si Allāh sa kanya ay nagpabatid siya ng isang bahagi nito at nagwalang-bahala sa ibang bahagi. Kaya noong nagbalita siya rito hinggil doon ay nagsabi ito: "Sino ang nagsabalita sa iyo nito?" Nagsabi siya: "Nagbalita sa akin ang Maalam, ang Nakababatid
Surah At-Tahrim, Verse 3


إِن تَتُوبَآ إِلَى ٱللَّهِ فَقَدۡ صَغَتۡ قُلُوبُكُمَاۖ وَإِن تَظَٰهَرَا عَلَيۡهِ فَإِنَّ ٱللَّهَ هُوَ مَوۡلَىٰهُ وَجِبۡرِيلُ وَصَٰلِحُ ٱلۡمُؤۡمِنِينَۖ وَٱلۡمَلَـٰٓئِكَةُ بَعۡدَ ذَٰلِكَ ظَهِيرٌ

[Nagindapat] kung magbabalik-loob kayong dalawa kay Allāh sapagkat lumihis ang mga puso ninyong dalawa. Kung magtataguyuran kayong dalawa laban sa kanya, tunay na si Allāh ay Tagatangkilik niya at si Gabriel at ang maayos sa mga mananampalataya. Ang mga anghel, matapos niyon, ay tagapagtaguyod
Surah At-Tahrim, Verse 4


عَسَىٰ رَبُّهُۥٓ إِن طَلَّقَكُنَّ أَن يُبۡدِلَهُۥٓ أَزۡوَٰجًا خَيۡرٗا مِّنكُنَّ مُسۡلِمَٰتٖ مُّؤۡمِنَٰتٖ قَٰنِتَٰتٖ تَـٰٓئِبَٰتٍ عَٰبِدَٰتٖ سَـٰٓئِحَٰتٖ ثَيِّبَٰتٖ وَأَبۡكَارٗا

Marahil ang Panginoon niya, kung nagdiborsiyo siya sa inyo, ay magpapalit sa kanya ng mga maybahay na higit na mabuti kaysa sa inyo – mga babaing tagapasakop, mga babaing mananampalataya, mga babaing masunurin, mga babaing tagabalik-loob, mga babaing mananamba, mga babaing tagaayuno, na mga dating nakapag-asawa at mga birhen
Surah At-Tahrim, Verse 5


يَـٰٓأَيُّهَا ٱلَّذِينَ ءَامَنُواْ قُوٓاْ أَنفُسَكُمۡ وَأَهۡلِيكُمۡ نَارٗا وَقُودُهَا ٱلنَّاسُ وَٱلۡحِجَارَةُ عَلَيۡهَا مَلَـٰٓئِكَةٌ غِلَاظٞ شِدَادٞ لَّا يَعۡصُونَ ٱللَّهَ مَآ أَمَرَهُمۡ وَيَفۡعَلُونَ مَا يُؤۡمَرُونَ

O mga sumampalataya, mangalaga kayo sa mga sarili ninyo at mga mag-anak ninyo laban sa Apoy na ang panggatong nito ay ang mga tao at ang mga bato, na sa ibabaw nito ay may mga anghel na mababagsik na matitindi na hindi sumusuway kay Allāh sa anumang ipinag-utos Niya sa kanila at gumagawa sa anumang inuutos sa kanila
Surah At-Tahrim, Verse 6


يَـٰٓأَيُّهَا ٱلَّذِينَ كَفَرُواْ لَا تَعۡتَذِرُواْ ٱلۡيَوۡمَۖ إِنَّمَا تُجۡزَوۡنَ مَا كُنتُمۡ تَعۡمَلُونَ

O mga tumangging sumampalataya, huwag kayong magdahi-dahilan sa araw [na ito]; gagantimpalaan lamang kayo ayon sa dati ninyong ginagawa
Surah At-Tahrim, Verse 7


يَـٰٓأَيُّهَا ٱلَّذِينَ ءَامَنُواْ تُوبُوٓاْ إِلَى ٱللَّهِ تَوۡبَةٗ نَّصُوحًا عَسَىٰ رَبُّكُمۡ أَن يُكَفِّرَ عَنكُمۡ سَيِّـَٔاتِكُمۡ وَيُدۡخِلَكُمۡ جَنَّـٰتٖ تَجۡرِي مِن تَحۡتِهَا ٱلۡأَنۡهَٰرُ يَوۡمَ لَا يُخۡزِي ٱللَّهُ ٱلنَّبِيَّ وَٱلَّذِينَ ءَامَنُواْ مَعَهُۥۖ نُورُهُمۡ يَسۡعَىٰ بَيۡنَ أَيۡدِيهِمۡ وَبِأَيۡمَٰنِهِمۡ يَقُولُونَ رَبَّنَآ أَتۡمِمۡ لَنَا نُورَنَا وَٱغۡفِرۡ لَنَآۖ إِنَّكَ عَلَىٰ كُلِّ شَيۡءٖ قَدِيرٞ

O mga sumampalataya, magbalik-loob kayo kay Allāh ayon sa pagbabalik-loob na tunay. Marahil ang Panginoon ninyo ay magtatakip para sa inyo sa mga masagwang gawa ninyo at magpapasok sa inyo sa mga hardin na dumadaloy mula sa ilalim ng mga ito ang mga ilog, sa Araw na hindi manghihiya si Allāh sa Propeta at mga sumampalataya kasama nito. Ang liwanag nila ay sisinag sa mga harapan nila at sa mga kanang kamay nila, habang nagsasabi: "Panginoon namin, lumubos Ka para sa amin ng liwanag namin at magpatawad Ka sa amin; tunay na Ikaw sa bawat bagay ay May-kakayahan
Surah At-Tahrim, Verse 8


يَـٰٓأَيُّهَا ٱلنَّبِيُّ جَٰهِدِ ٱلۡكُفَّارَ وَٱلۡمُنَٰفِقِينَ وَٱغۡلُظۡ عَلَيۡهِمۡۚ وَمَأۡوَىٰهُمۡ جَهَنَّمُۖ وَبِئۡسَ ٱلۡمَصِيرُ

O Propeta, makibaka ka sa mga tagatangging sumampalataya at mga mapagpaimbabaw at magpakabagsik ka sa kanila. Ang kanlungan nila ay ang Impiyerno. Kay saklap ang kahahantungan
Surah At-Tahrim, Verse 9


ضَرَبَ ٱللَّهُ مَثَلٗا لِّلَّذِينَ كَفَرُواْ ٱمۡرَأَتَ نُوحٖ وَٱمۡرَأَتَ لُوطٖۖ كَانَتَا تَحۡتَ عَبۡدَيۡنِ مِنۡ عِبَادِنَا صَٰلِحَيۡنِ فَخَانَتَاهُمَا فَلَمۡ يُغۡنِيَا عَنۡهُمَا مِنَ ٱللَّهِ شَيۡـٔٗا وَقِيلَ ٱدۡخُلَا ٱلنَّارَ مَعَ ٱلدَّـٰخِلِينَ

Naglahad si Allāh ng isang paghahalintulad, para sa mga tumangging sumampalataya, sa maybahay ni Noe at sa maybahay ni Lot. Silang dalawa noon ay nasa ilalim ng dalawang lingkod na kabilang sa mga lingkod Naming maaayos, ngunit nagtaksil silang dalawa sa dalawang ito kaya hindi nakapagdulot ang dalawang ito para sa kanilang dalawa laban kay Allāh ng anuman. Sasabihin [sa kanilang dalawa]: "Pumasok kayong dalawa sa Apoy kasama ng mga papasok
Surah At-Tahrim, Verse 10


وَضَرَبَ ٱللَّهُ مَثَلٗا لِّلَّذِينَ ءَامَنُواْ ٱمۡرَأَتَ فِرۡعَوۡنَ إِذۡ قَالَتۡ رَبِّ ٱبۡنِ لِي عِندَكَ بَيۡتٗا فِي ٱلۡجَنَّةِ وَنَجِّنِي مِن فِرۡعَوۡنَ وَعَمَلِهِۦ وَنَجِّنِي مِنَ ٱلۡقَوۡمِ ٱلظَّـٰلِمِينَ

Naglahad si Allāh ng isang paghahalintulad, para sa mga sumampalataya, sa maybahay ni Paraon noong nagsabi siya: "Panginoon ko, magpatayo Ka para sa akin sa piling Mo ng isang bahay sa Paraiso, magligtas Ka sa akin laban kay Paraon at sa gawain niya, at magligtas Ka sa akin laban sa mga taong tagalabag sa katarungan
Surah At-Tahrim, Verse 11


وَمَرۡيَمَ ٱبۡنَتَ عِمۡرَٰنَ ٱلَّتِيٓ أَحۡصَنَتۡ فَرۡجَهَا فَنَفَخۡنَا فِيهِ مِن رُّوحِنَا وَصَدَّقَتۡ بِكَلِمَٰتِ رَبِّهَا وَكُتُبِهِۦ وَكَانَتۡ مِنَ ٱلۡقَٰنِتِينَ

[Naglahad Siya ng isang paghahalintulad] kay Maria na anak ni `Imrān, na nangalaga sa puri niya; kaya umihip Kami doon [sa bulsa ng baro] sa pamamagitan ng Espiritu Namin, at nagpatotoo siya sa mga salita ng Panginoon niya at mga kasulatan Nito, at siya noon ay kabilang sa mga masunurin
Surah At-Tahrim, Verse 12


Author: Www.islamhouse.com


<< Surah 65
>> Surah 67

Filipino Translations by other Authors


Filipino Translation By Abdullatif Eduardo M. Arceo
Filipino Translation By Www.islamhouse.com
Popular Areas
Apartments for rent in Dubai Apartments for rent Abu Dhabi Villas for rent in Dubai House for rent Abu Dhabi Apartments for sale in Dubai Apartments for sale in Abu Dhabi Flat for rent Sharjah
Popular Searches
Studios for rent in UAE Apartments for rent in UAE Villas for rent in UAE Apartments for sale in UAE Villas for sale in UAE Land for sale in UAE Dubai Real Estate
Trending Areas
Apartments for rent in Dubai Marina Apartments for sale in Dubai Marina Villa for rent in Sharjah Villa for sale in Dubai Flat for rent in Ajman Studio for rent in Abu Dhabi Villa for rent in Ajman
Trending Searches
Villa for rent in Abu Dhabi Shop for rent in Dubai Villas for sale in Ajman Studio for rent in Sharjah 1 Bedroom Apartment for rent in Dubai Property for rent in Abu Dhabi Commercial properties for sale
© Copyright Dubai Prayer Time. All Rights Reserved
Designed by Prayer Time In Dubai