UAE Prayer Times

  • Dubai
  • Abu Dhabi
  • Sharjah
  • Ajman
  • Fujairah
  • Umm Al Quwain
  • Ras Al Khaimah
  • Quran Translations

Surah Al-Mulk - Filipino Translation by Www.islamhouse.com


تَبَٰرَكَ ٱلَّذِي بِيَدِهِ ٱلۡمُلۡكُ وَهُوَ عَلَىٰ كُلِّ شَيۡءٖ قَدِيرٌ

Napakamapagpala Siya na nasa kamay Niya ang paghahari, at Siya sa bawat bagay ay May-kakayahan
Surah Al-Mulk, Verse 1


ٱلَّذِي خَلَقَ ٱلۡمَوۡتَ وَٱلۡحَيَوٰةَ لِيَبۡلُوَكُمۡ أَيُّكُمۡ أَحۡسَنُ عَمَلٗاۚ وَهُوَ ٱلۡعَزِيزُ ٱلۡغَفُورُ

na lumikha sa kamatayan at buhay upang sumubok Siya sa inyo kung alin sa inyo ang pinakamaganda sa gawa. Siya ay ang Makapangyarihan, ang Mapagpatawad
Surah Al-Mulk, Verse 2


ٱلَّذِي خَلَقَ سَبۡعَ سَمَٰوَٰتٖ طِبَاقٗاۖ مَّا تَرَىٰ فِي خَلۡقِ ٱلرَّحۡمَٰنِ مِن تَفَٰوُتٖۖ فَٱرۡجِعِ ٱلۡبَصَرَ هَلۡ تَرَىٰ مِن فُطُورٖ

na lumikha sa pitong langit na nakapatung-patong. Hindi ka makakikita sa pagkakalikha ng Napakamaawain ng anumang pagtataliwasan. Kaya magpanumbalik ka ng paningin, nakikita ka ba ng mga bitak
Surah Al-Mulk, Verse 3


ثُمَّ ٱرۡجِعِ ٱلۡبَصَرَ كَرَّتَيۡنِ يَنقَلِبۡ إِلَيۡكَ ٱلۡبَصَرُ خَاسِئٗا وَهُوَ حَسِيرٞ

Pagkatapos ay magpanumbalik ka ng paningin nang makalawang ulit, babalik sa iyo ang paningin mo na hamak samantalang ito ay pagal
Surah Al-Mulk, Verse 4


وَلَقَدۡ زَيَّنَّا ٱلسَّمَآءَ ٱلدُّنۡيَا بِمَصَٰبِيحَ وَجَعَلۡنَٰهَا رُجُومٗا لِّلشَّيَٰطِينِۖ وَأَعۡتَدۡنَا لَهُمۡ عَذَابَ ٱلسَّعِيرِ

Talaga ngang gumayak Kami sa langit na pinakamababa ng mga lampara at gumawa Kami sa mga iyon na mga pambato sa mga demonyo. Naglaan Kami para sa kanila ng pagdurusa sa Liyab
Surah Al-Mulk, Verse 5


وَلِلَّذِينَ كَفَرُواْ بِرَبِّهِمۡ عَذَابُ جَهَنَّمَۖ وَبِئۡسَ ٱلۡمَصِيرُ

At ukol sa mga tumangging sumampalataya sa Panginoon nila ang pagdurusa sa Impiyerno. Kay saklap ang kahahantungan
Surah Al-Mulk, Verse 6


إِذَآ أُلۡقُواْ فِيهَا سَمِعُواْ لَهَا شَهِيقٗا وَهِيَ تَفُورُ

Kapag itinapon sila roon ay makaririnig sila ng isang singhal habang ito ay kumukulo
Surah Al-Mulk, Verse 7


تَكَادُ تَمَيَّزُ مِنَ ٱلۡغَيۡظِۖ كُلَّمَآ أُلۡقِيَ فِيهَا فَوۡجٞ سَأَلَهُمۡ خَزَنَتُهَآ أَلَمۡ يَأۡتِكُمۡ نَذِيرٞ

Halos nagkakapira-piraso iyon sa ngitngit. Tuwing nakapagtapon sa loob niyon ng isang pulutong ay magtatanong sa kanila ang mga tanod niyon: "Wala bang pumunta sa inyo na isang tagapagbabala
Surah Al-Mulk, Verse 8


قَالُواْ بَلَىٰ قَدۡ جَآءَنَا نَذِيرٞ فَكَذَّبۡنَا وَقُلۡنَا مَا نَزَّلَ ٱللَّهُ مِن شَيۡءٍ إِنۡ أَنتُمۡ إِلَّا فِي ضَلَٰلٖ كَبِيرٖ

Magsasabi sila: "Oo, may pumunta nga sa amin na isang tagapagbabala ngunit nagpasinungaling kami at nagsabi kami: Hindi nagbaba si Allāh ng anuman; walang iba kayo kundi nasa isang pagkaligaw na malaki
Surah Al-Mulk, Verse 9


وَقَالُواْ لَوۡ كُنَّا نَسۡمَعُ أَوۡ نَعۡقِلُ مَا كُنَّا فِيٓ أَصۡحَٰبِ ٱلسَّعِيرِ

At magsasabi sila: "Kung sakaling kami noon ay nakikinig o nakapag-iisip, hindi sana kami naging mga naninirahan sa Liyab
Surah Al-Mulk, Verse 10


فَٱعۡتَرَفُواْ بِذَنۢبِهِمۡ فَسُحۡقٗا لِّأَصۡحَٰبِ ٱلسَّعِيرِ

Kaya aamin sila ng pagkakasala nila, kaya pagkalayu-layo ay ukol sa mga maninirahan sa Liyab
Surah Al-Mulk, Verse 11


إِنَّ ٱلَّذِينَ يَخۡشَوۡنَ رَبَّهُم بِٱلۡغَيۡبِ لَهُم مَّغۡفِرَةٞ وَأَجۡرٞ كَبِيرٞ

Tunay na ang mga natatakot sa Panginoon nila nang lingid, ukol sa kanila ay isang kapatawaran at isang gantimpalang malaki
Surah Al-Mulk, Verse 12


وَأَسِرُّواْ قَوۡلَكُمۡ أَوِ ٱجۡهَرُواْ بِهِۦٓۖ إِنَّهُۥ عَلِيمُۢ بِذَاتِ ٱلصُّدُورِ

At maglihim kayo ng sinabi ninyo o maghayag kayo nito, tunay na Siya ay Maalam sa nilalaman ng mga dibdib
Surah Al-Mulk, Verse 13


أَلَا يَعۡلَمُ مَنۡ خَلَقَ وَهُوَ ٱللَّطِيفُ ٱلۡخَبِيرُ

Hindi ba nakaaalam ang lumikha samantalang Siya ay ang Nakatatalos, ang Nakababatid
Surah Al-Mulk, Verse 14


هُوَ ٱلَّذِي جَعَلَ لَكُمُ ٱلۡأَرۡضَ ذَلُولٗا فَٱمۡشُواْ فِي مَنَاكِبِهَا وَكُلُواْ مِن رِّزۡقِهِۦۖ وَإِلَيۡهِ ٱلنُّشُورُ

Siya ay ang gumawa para sa inyo ng lupa na [maging] maamo, kaya maglakad kayo sa mga dako nito at kumain kayo mula sa panustos Niya. Tungo sa Kanya ang pagbubuhay
Surah Al-Mulk, Verse 15


ءَأَمِنتُم مَّن فِي ٱلسَّمَآءِ أَن يَخۡسِفَ بِكُمُ ٱلۡأَرۡضَ فَإِذَا هِيَ تَمُورُ

Natiwasay ba kayo sa Kanya na nasa langit na magpalamon Siya sa inyo sa lupa at biglang ito ay mayayanig
Surah Al-Mulk, Verse 16


أَمۡ أَمِنتُم مَّن فِي ٱلسَّمَآءِ أَن يُرۡسِلَ عَلَيۡكُمۡ حَاصِبٗاۖ فَسَتَعۡلَمُونَ كَيۡفَ نَذِيرِ

O natiwasay kayo sa Kanya na nasa langit na magpadala Siya sa inyo ng isang unos ng mga bato, kaya makaaalam kayo kung papaano ang pagbabala Ko
Surah Al-Mulk, Verse 17


وَلَقَدۡ كَذَّبَ ٱلَّذِينَ مِن قَبۡلِهِمۡ فَكَيۡفَ كَانَ نَكِيرِ

Talaga ngang nagpasinungaling ang mga kabilang sa nauna sa kanila, kaya papaano naging ang pagtutol Ko
Surah Al-Mulk, Verse 18


أَوَلَمۡ يَرَوۡاْ إِلَى ٱلطَّيۡرِ فَوۡقَهُمۡ صَـٰٓفَّـٰتٖ وَيَقۡبِضۡنَۚ مَا يُمۡسِكُهُنَّ إِلَّا ٱلرَّحۡمَٰنُۚ إِنَّهُۥ بِكُلِّ شَيۡءِۭ بَصِيرٌ

Hindi ba sila nakakita sa mga ibon sa ibabaw nila na mga nakabuka at nagtitiklop [ng mga pakpak]? Walang pumipigil sa mga iyon kundi ang Napakamaawain. Tunay na Siya sa bawat bagay ay Nakakikita
Surah Al-Mulk, Verse 19


أَمَّنۡ هَٰذَا ٱلَّذِي هُوَ جُندٞ لَّكُمۡ يَنصُرُكُم مِّن دُونِ ٱلرَّحۡمَٰنِۚ إِنِ ٱلۡكَٰفِرُونَ إِلَّا فِي غُرُورٍ

O sino itong isang hukbo para sa inyo na mag-aadya sa inyo bukod pa sa Napakamaawain? Walang iba ang mga tagatangging sumampalataya kundi nasa isang pagkalinlang
Surah Al-Mulk, Verse 20


أَمَّنۡ هَٰذَا ٱلَّذِي يَرۡزُقُكُمۡ إِنۡ أَمۡسَكَ رِزۡقَهُۥۚ بَل لَّجُّواْ فِي عُتُوّٖ وَنُفُورٍ

O sino itong magtutustos sa inyo kung pumigil Siya sa panustos Niya? Bagkus nagmatigas sila sa pagpapakapalalo at pagkainis
Surah Al-Mulk, Verse 21


أَفَمَن يَمۡشِي مُكِبًّا عَلَىٰ وَجۡهِهِۦٓ أَهۡدَىٰٓ أَمَّن يَمۡشِي سَوِيًّا عَلَىٰ صِرَٰطٖ مُّسۡتَقِيمٖ

Kaya ang naglalakad ba na nakasubsob sa mukha niya ay higit na napatnubayan o ang naglalakad na nakatindig sa isang landasing tuwid
Surah Al-Mulk, Verse 22


قُلۡ هُوَ ٱلَّذِيٓ أَنشَأَكُمۡ وَجَعَلَ لَكُمُ ٱلسَّمۡعَ وَٱلۡأَبۡصَٰرَ وَٱلۡأَفۡـِٔدَةَۚ قَلِيلٗا مَّا تَشۡكُرُونَ

Sabihin mo: "Siya ang nagpaluwal sa inyo at gumawa para sa inyo ng pandinig, mga paningin, at mga puso. Kay dalang kayong nagpapasalamat
Surah Al-Mulk, Verse 23


قُلۡ هُوَ ٱلَّذِي ذَرَأَكُمۡ فِي ٱلۡأَرۡضِ وَإِلَيۡهِ تُحۡشَرُونَ

Sabihin mo: "Siya ang lumalang sa inyo sa lupa at tungo sa Kanya titipunin kayo
Surah Al-Mulk, Verse 24


وَيَقُولُونَ مَتَىٰ هَٰذَا ٱلۡوَعۡدُ إِن كُنتُمۡ صَٰدِقِينَ

Magsasabi sila: "Kailan ang pangakong ito kung kayo ay mga tapat
Surah Al-Mulk, Verse 25


قُلۡ إِنَّمَا ٱلۡعِلۡمُ عِندَ ٱللَّهِ وَإِنَّمَآ أَنَا۠ نَذِيرٞ مُّبِينٞ

Sabihin mo: "Ang kaalaman ay nasa ganang kay Allāh lamang at ako ay isang tagapagbabalang malinaw lamang
Surah Al-Mulk, Verse 26


فَلَمَّا رَأَوۡهُ زُلۡفَةٗ سِيٓـَٔتۡ وُجُوهُ ٱلَّذِينَ كَفَرُواْ وَقِيلَ هَٰذَا ٱلَّذِي كُنتُم بِهِۦ تَدَّعُونَ

Ngunit kapag nakakita sila nito sa kalapitan ay sasagwa ang mga mukha ng mga tumangging sumampalataya at sasabihin: "Ito ang dati ninyong pinananawagan
Surah Al-Mulk, Verse 27


قُلۡ أَرَءَيۡتُمۡ إِنۡ أَهۡلَكَنِيَ ٱللَّهُ وَمَن مَّعِيَ أَوۡ رَحِمَنَا فَمَن يُجِيرُ ٱلۡكَٰفِرِينَ مِنۡ عَذَابٍ أَلِيمٖ

Sabihin mo: "Nakabatid ba kayo kung nagpasawi sa akin si Allāh at sa sinumang kasama sa akin o naawa Siya sa amin, sino ang magsasanggalang sa mga tagatangging sumampalataya laban sa isang pagdurusang masakit
Surah Al-Mulk, Verse 28


قُلۡ هُوَ ٱلرَّحۡمَٰنُ ءَامَنَّا بِهِۦ وَعَلَيۡهِ تَوَكَّلۡنَاۖ فَسَتَعۡلَمُونَ مَنۡ هُوَ فِي ضَلَٰلٖ مُّبِينٖ

Sabihin mo: "Siya ay ang Napakamaawain; sumampalataya kami sa Kanya at sa Kanya kami nanalig. Kaya makaaalam kayo kung sino ang nasa isang pagkaligaw na malinaw
Surah Al-Mulk, Verse 29


قُلۡ أَرَءَيۡتُمۡ إِنۡ أَصۡبَحَ مَآؤُكُمۡ غَوۡرٗا فَمَن يَأۡتِيكُم بِمَآءٖ مَّعِينِۭ

Sabihin mo: "Nakabatid ba kayo kung ang tubig ninyo ay naging lubog, sino ang maghahatid sa inyo ng isang tubig na umaagos
Surah Al-Mulk, Verse 30


Author: Www.islamhouse.com


<< Surah 66
>> Surah 68

Filipino Translations by other Authors


Filipino Translation By Abdullatif Eduardo M. Arceo
Filipino Translation By Www.islamhouse.com
Popular Areas
Apartments for rent in Dubai Apartments for rent Abu Dhabi Villas for rent in Dubai House for rent Abu Dhabi Apartments for sale in Dubai Apartments for sale in Abu Dhabi Flat for rent Sharjah
Popular Searches
Studios for rent in UAE Apartments for rent in UAE Villas for rent in UAE Apartments for sale in UAE Villas for sale in UAE Land for sale in UAE Dubai Real Estate
Trending Areas
Apartments for rent in Dubai Marina Apartments for sale in Dubai Marina Villa for rent in Sharjah Villa for sale in Dubai Flat for rent in Ajman Studio for rent in Abu Dhabi Villa for rent in Ajman
Trending Searches
Villa for rent in Abu Dhabi Shop for rent in Dubai Villas for sale in Ajman Studio for rent in Sharjah 1 Bedroom Apartment for rent in Dubai Property for rent in Abu Dhabi Commercial properties for sale
© Copyright Dubai Prayer Time. All Rights Reserved
Designed by Prayer Time In Dubai