UAE Prayer Times

  • Dubai
  • Abu Dhabi
  • Sharjah
  • Ajman
  • Fujairah
  • Umm Al Quwain
  • Ras Al Khaimah
  • Quran Translations

Surah Al-Qalam - Filipino Translation by Www.islamhouse.com


نٓۚ وَٱلۡقَلَمِ وَمَا يَسۡطُرُونَ

Nūn. Sumpa man sa panulat at sa itinititik nila
Surah Al-Qalam, Verse 1


مَآ أَنتَ بِنِعۡمَةِ رَبِّكَ بِمَجۡنُونٖ

Ikaw, sa pagpapala ng Panginoon mo, ay hindi isang nabaliw
Surah Al-Qalam, Verse 2


وَإِنَّ لَكَ لَأَجۡرًا غَيۡرَ مَمۡنُونٖ

At tunay na ukol sa iyo ay talagang isang pabuyang hindi matitigil
Surah Al-Qalam, Verse 3


وَإِنَّكَ لَعَلَىٰ خُلُقٍ عَظِيمٖ

At tunay na ikaw ay talagang nasa isang kaasalang sukdulan
Surah Al-Qalam, Verse 4


فَسَتُبۡصِرُ وَيُبۡصِرُونَ

Kaya makikita mo at makikita nila
Surah Al-Qalam, Verse 5


بِأَييِّكُمُ ٱلۡمَفۡتُونُ

kung nasa alin sa inyo ang nauulol
Surah Al-Qalam, Verse 6


إِنَّ رَبَّكَ هُوَ أَعۡلَمُ بِمَن ضَلَّ عَن سَبِيلِهِۦ وَهُوَ أَعۡلَمُ بِٱلۡمُهۡتَدِينَ

Tunay na ang Panginoon mo ay higit na nakaaalam sa kung sino ang naligaw palayo sa landas Niya, at Siya ay higit na nakaaalam sa mga napatnubayan
Surah Al-Qalam, Verse 7


فَلَا تُطِعِ ٱلۡمُكَذِّبِينَ

Kaya huwag kang tumalima sa mga tagapasinungaling
Surah Al-Qalam, Verse 8


وَدُّواْ لَوۡ تُدۡهِنُ فَيُدۡهِنُونَ

Nagmithi sila na kung sana magpapahinuhod ka at magpapahinuhod sila
Surah Al-Qalam, Verse 9


وَلَا تُطِعۡ كُلَّ حَلَّافٖ مَّهِينٍ

At huwag kang tumalima sa bawat palasumpang hamak
Surah Al-Qalam, Verse 10


هَمَّازٖ مَّشَّآءِۭ بِنَمِيمٖ

mapanirang-puri, mapagkalat ng satsat
Surah Al-Qalam, Verse 11


مَّنَّاعٖ لِّلۡخَيۡرِ مُعۡتَدٍ أَثِيمٍ

palahadlang sa kabutihan, tagalabag, makasalanan
Surah Al-Qalam, Verse 12


عُتُلِّۭ بَعۡدَ ذَٰلِكَ زَنِيمٍ

sanggano, matapos niyon, nagpapanggap ng kaangkanan
Surah Al-Qalam, Verse 13


أَن كَانَ ذَا مَالٖ وَبَنِينَ

Dahil siya ay naging may yaman at mga anak
Surah Al-Qalam, Verse 14


إِذَا تُتۡلَىٰ عَلَيۡهِ ءَايَٰتُنَا قَالَ أَسَٰطِيرُ ٱلۡأَوَّلِينَ

kapag binibigkas sa kanya ang mga tanda Namin ay nagsasabi siya: "Mga alamat ng mga sinauna
Surah Al-Qalam, Verse 15


سَنَسِمُهُۥ عَلَى ٱلۡخُرۡطُومِ

Maghehero Kami sa kanya sa nguso
Surah Al-Qalam, Verse 16


إِنَّا بَلَوۡنَٰهُمۡ كَمَا بَلَوۡنَآ أَصۡحَٰبَ ٱلۡجَنَّةِ إِذۡ أَقۡسَمُواْ لَيَصۡرِمُنَّهَا مُصۡبِحِينَ

Tunay na Kami ay sumubok sa kanila kung paanong sumubok Kami sa mga may-ari ng hardin noong sumumpa ang mga ito na talagang pipitas nga ang mga ito doon pagkaumaga
Surah Al-Qalam, Verse 17


وَلَا يَسۡتَثۡنُونَ

habang hindi humihiling ng pahintulot [kay Allāh]
Surah Al-Qalam, Verse 18


فَطَافَ عَلَيۡهَا طَآئِفٞ مِّن رَّبِّكَ وَهُمۡ نَآئِمُونَ

Kaya may umikot doon na isang umiikot [na apoy] mula sa Panginoon mo habang sila ay mga natutulog
Surah Al-Qalam, Verse 19


فَأَصۡبَحَتۡ كَٱلصَّرِيمِ

Kaya kinaumagahan iyon ay naging para bang madilim na gabi
Surah Al-Qalam, Verse 20


فَتَنَادَوۡاْ مُصۡبِحِينَ

Kaya nagtawagan sila kinaumagahan
Surah Al-Qalam, Verse 21


أَنِ ٱغۡدُواْ عَلَىٰ حَرۡثِكُمۡ إِن كُنتُمۡ صَٰرِمِينَ

na [mga nagsasabi]: "Magpakaaga kayo sa pananim ninyo kung kayo ay mga mamimitas
Surah Al-Qalam, Verse 22


فَٱنطَلَقُواْ وَهُمۡ يَتَخَٰفَتُونَ

Kaya humayo sila habang sila ay nagbubulungan
Surah Al-Qalam, Verse 23


أَن لَّا يَدۡخُلَنَّهَا ٱلۡيَوۡمَ عَلَيۡكُم مِّسۡكِينٞ

na [nagsasabi]: "Wala ngang papasok ngayong araw sa inyo na isang dukha
Surah Al-Qalam, Verse 24


وَغَدَوۡاْ عَلَىٰ حَرۡدٖ قَٰدِرِينَ

Nagpakaaga sila sa layon habang [nag-aakalang] mga makakakaya
Surah Al-Qalam, Verse 25


فَلَمَّا رَأَوۡهَا قَالُوٓاْ إِنَّا لَضَآلُّونَ

Ngunit noong nakita nila iyon ay nagsabi sila: "Tunay na tayo ay talagang mga naliligaw
Surah Al-Qalam, Verse 26


بَلۡ نَحۡنُ مَحۡرُومُونَ

bagkus tayo ay mga pinagkaitan
Surah Al-Qalam, Verse 27


قَالَ أَوۡسَطُهُمۡ أَلَمۡ أَقُل لَّكُمۡ لَوۡلَا تُسَبِّحُونَ

Nagsabi ang pinakamaigi sa kanila: "Hindi ba ako nagsabi sa inyo na bakit kasi hindi kayo nagluluwalhati [kay Allāh]
Surah Al-Qalam, Verse 28


قَالُواْ سُبۡحَٰنَ رَبِّنَآ إِنَّا كُنَّا ظَٰلِمِينَ

Nagsabi sila: "Kaluwalhatian sa Panginoon natin! Tunay na tayo dati ay mga tagalabag sa katarungan
Surah Al-Qalam, Verse 29


فَأَقۡبَلَ بَعۡضُهُمۡ عَلَىٰ بَعۡضٖ يَتَلَٰوَمُونَ

Kaya lumapit ang ilan sa kanila sa iba pa habang nagsisisihan
Surah Al-Qalam, Verse 30


قَالُواْ يَٰوَيۡلَنَآ إِنَّا كُنَّا طَٰغِينَ

Nagsabi sila: "O kapighatian sa atin; tayo dati ay mga tagamalabis
Surah Al-Qalam, Verse 31


عَسَىٰ رَبُّنَآ أَن يُبۡدِلَنَا خَيۡرٗا مِّنۡهَآ إِنَّآ إِلَىٰ رَبِّنَا رَٰغِبُونَ

Marahil ang Panginoon natin ay magpalit sa atin ng higit na mabuti kaysa roon; tunay na tayo sa Panginoon natin ay mga naghahangad
Surah Al-Qalam, Verse 32


كَذَٰلِكَ ٱلۡعَذَابُۖ وَلَعَذَابُ ٱلۡأٓخِرَةِ أَكۡبَرُۚ لَوۡ كَانُواْ يَعۡلَمُونَ

Gayon ang pagdurusa at talagang ang pagdurusa sa Kabilang -buhay ay higit na malaki, kung sakaling sila ay nakaaalam
Surah Al-Qalam, Verse 33


إِنَّ لِلۡمُتَّقِينَ عِندَ رَبِّهِمۡ جَنَّـٰتِ ٱلنَّعِيمِ

Tunay na ukol sa mga tagapangilag magkasala, sa piling ng Panginoon nila, ang mga hardin ng kaginhawahan
Surah Al-Qalam, Verse 34


أَفَنَجۡعَلُ ٱلۡمُسۡلِمِينَ كَٱلۡمُجۡرِمِينَ

Kaya gagawa ba Kami sa mga Muslim gaya ng mga salarin
Surah Al-Qalam, Verse 35


مَا لَكُمۡ كَيۡفَ تَحۡكُمُونَ

Ano ang mayroon sa inyo? Papaano kayong humahatol
Surah Al-Qalam, Verse 36


أَمۡ لَكُمۡ كِتَٰبٞ فِيهِ تَدۡرُسُونَ

O mayroon ba kayong isang kasulatan na doon ay nag-aaral kayo
Surah Al-Qalam, Verse 37


إِنَّ لَكُمۡ فِيهِ لَمَا تَخَيَّرُونَ

na tunay na ukol sa inyo roon ay talagang ang minamabuti ninyo
Surah Al-Qalam, Verse 38


أَمۡ لَكُمۡ أَيۡمَٰنٌ عَلَيۡنَا بَٰلِغَةٌ إِلَىٰ يَوۡمِ ٱلۡقِيَٰمَةِ إِنَّ لَكُمۡ لَمَا تَحۡكُمُونَ

O mayroon ba kayong mga pinanumpaan sa Amin, na aabot hanggang sa Araw ng Pagbangon, na tunay na ukol sa inyo ay ang hinahatol ninyo
Surah Al-Qalam, Verse 39


سَلۡهُمۡ أَيُّهُم بِذَٰلِكَ زَعِيمٌ

Magtanong ka sa kanila kung alin sa kanila roon ay tagaako
Surah Al-Qalam, Verse 40


أَمۡ لَهُمۡ شُرَكَآءُ فَلۡيَأۡتُواْ بِشُرَكَآئِهِمۡ إِن كَانُواْ صَٰدِقِينَ

O mayroon ba silang mga pantambal at magdala sila ng mga pantambal nila kung sila ay mga tapat
Surah Al-Qalam, Verse 41


يَوۡمَ يُكۡشَفُ عَن سَاقٖ وَيُدۡعَوۡنَ إِلَى ٱلسُّجُودِ فَلَا يَسۡتَطِيعُونَ

[Bumanggit ka] ng Araw na may itatambad na isang lulod at tatawagin sila tungo sa pagpapatirapa ngunit hindi sila nakakakaya
Surah Al-Qalam, Verse 42


خَٰشِعَةً أَبۡصَٰرُهُمۡ تَرۡهَقُهُمۡ ذِلَّةٞۖ وَقَدۡ كَانُواْ يُدۡعَوۡنَ إِلَى ٱلسُّجُودِ وَهُمۡ سَٰلِمُونَ

Nakatungo ang mga paningin nila, nilulukob sila ng isang kaabahan! Sila nga noon ay tinatawag tungo sa pagpatirapa samantalang sila ay malusog
Surah Al-Qalam, Verse 43


فَذَرۡنِي وَمَن يُكَذِّبُ بِهَٰذَا ٱلۡحَدِيثِۖ سَنَسۡتَدۡرِجُهُم مِّنۡ حَيۡثُ لَا يَعۡلَمُونَ

Kaya hayaan mo Ako at ang sinumang nagpapasinungaling sa pakikipag-usap na ito. Mag-uunti-unti Kami sa kanila mula sa hindi nila nalalaman
Surah Al-Qalam, Verse 44


وَأُمۡلِي لَهُمۡۚ إِنَّ كَيۡدِي مَتِينٌ

At magpapalugit Ako para sa kanila. Tunay na ang pakana Ko ay matibay
Surah Al-Qalam, Verse 45


أَمۡ تَسۡـَٔلُهُمۡ أَجۡرٗا فَهُم مِّن مَّغۡرَمٖ مُّثۡقَلُونَ

O humihingi ka ba sa kanila ng pabuya, kaya sila sa multa ay mga pinabibigatan
Surah Al-Qalam, Verse 46


أَمۡ عِندَهُمُ ٱلۡغَيۡبُ فَهُمۡ يَكۡتُبُونَ

O taglay ba nila ang [kaalaman sa] Lingid kaya sila ay magsusulat [nito]
Surah Al-Qalam, Verse 47


فَٱصۡبِرۡ لِحُكۡمِ رَبِّكَ وَلَا تَكُن كَصَاحِبِ ٱلۡحُوتِ إِذۡ نَادَىٰ وَهُوَ مَكۡظُومٞ

Kaya magtiis ka sa hatol ng Panginoon mo at huwag kang maging gaya ng kasamahan ng isda noong nanawagan siya samantalang siya ay nahahapis
Surah Al-Qalam, Verse 48


لَّوۡلَآ أَن تَدَٰرَكَهُۥ نِعۡمَةٞ مِّن رَّبِّهِۦ لَنُبِذَ بِٱلۡعَرَآءِ وَهُوَ مَذۡمُومٞ

Kung sakaling hindi nakaabot sa kanya ang isang pagpapala mula sa Panginoon niya ay talaga sanang ihinagis siya sa kahawanan samantalang siya ay pinupulaan
Surah Al-Qalam, Verse 49


فَٱجۡتَبَٰهُ رَبُّهُۥ فَجَعَلَهُۥ مِنَ ٱلصَّـٰلِحِينَ

Ngunit humirang sa kanya ang Panginoon niya, at gumawa sa kanya kabilang sa mga maayos
Surah Al-Qalam, Verse 50


وَإِن يَكَادُ ٱلَّذِينَ كَفَرُواْ لَيُزۡلِقُونَكَ بِأَبۡصَٰرِهِمۡ لَمَّا سَمِعُواْ ٱلذِّكۡرَ وَيَقُولُونَ إِنَّهُۥ لَمَجۡنُونٞ

Tunay na halos ang mga tumangging sumampalataya ay talagang magpapadulas sa iyo sa pamamagitan ng mga tingin nila noong nakarinig sila sa paalaala at nagsasabi sila: "Tunay na siya ay talagang isang baliw
Surah Al-Qalam, Verse 51


وَمَا هُوَ إِلَّا ذِكۡرٞ لِّلۡعَٰلَمِينَ

At walang iba ito kundi isang paalaala para sa mga nilalang
Surah Al-Qalam, Verse 52


Author: Www.islamhouse.com


<< Surah 67
>> Surah 69

Filipino Translations by other Authors


Filipino Translation By Abdullatif Eduardo M. Arceo
Filipino Translation By Www.islamhouse.com
Popular Areas
Apartments for rent in Dubai Apartments for rent Abu Dhabi Villas for rent in Dubai House for rent Abu Dhabi Apartments for sale in Dubai Apartments for sale in Abu Dhabi Flat for rent Sharjah
Popular Searches
Studios for rent in UAE Apartments for rent in UAE Villas for rent in UAE Apartments for sale in UAE Villas for sale in UAE Land for sale in UAE Dubai Real Estate
Trending Areas
Apartments for rent in Dubai Marina Apartments for sale in Dubai Marina Villa for rent in Sharjah Villa for sale in Dubai Flat for rent in Ajman Studio for rent in Abu Dhabi Villa for rent in Ajman
Trending Searches
Villa for rent in Abu Dhabi Shop for rent in Dubai Villas for sale in Ajman Studio for rent in Sharjah 1 Bedroom Apartment for rent in Dubai Property for rent in Abu Dhabi Commercial properties for sale
© Copyright Dubai Prayer Time. All Rights Reserved
Designed by Prayer Time In Dubai