Surah Al-Haaqqa - Filipino Translation by Www.islamhouse.com
ٱلۡحَآقَّةُ
Ang Magkakatotoo
Surah Al-Haaqqa, Verse 1
مَا ٱلۡحَآقَّةُ
Ano ang Magkakatotoo
Surah Al-Haaqqa, Verse 2
وَمَآ أَدۡرَىٰكَ مَا ٱلۡحَآقَّةُ
At ano ang nagpabatid sa iyo kung ano ang Magkakatotoo
Surah Al-Haaqqa, Verse 3
كَذَّبَتۡ ثَمُودُ وَعَادُۢ بِٱلۡقَارِعَةِ
Nagpasinungaling ang [liping] Thamūd at ang [liping] `Ād sa Dagok
Surah Al-Haaqqa, Verse 4
فَأَمَّا ثَمُودُ فَأُهۡلِكُواْ بِٱلطَّاغِيَةِ
Tungkol sa [liping] Thamūd, pinasawi sila sa pamamagitan ng pagkalabis-labis [na sigaw]
Surah Al-Haaqqa, Verse 5
وَأَمَّا عَادٞ فَأُهۡلِكُواْ بِرِيحٖ صَرۡصَرٍ عَاتِيَةٖ
Tungkol naman sa [liping] `Ād, pinasawi sila sa pamamagitan ng isang hanging malamig na nangangalit
Surah Al-Haaqqa, Verse 6
سَخَّرَهَا عَلَيۡهِمۡ سَبۡعَ لَيَالٖ وَثَمَٰنِيَةَ أَيَّامٍ حُسُومٗاۖ فَتَرَى ٱلۡقَوۡمَ فِيهَا صَرۡعَىٰ كَأَنَّهُمۡ أَعۡجَازُ نَخۡلٍ خَاوِيَةٖ
Nagpataw Siya nito sa kanila ng pitong gabi at walong araw na magkakasunod, kaya makakikita ka sa mga tao roon na mga nakabuwal na para bang sila ay mga punong hungkag ng datiles
Surah Al-Haaqqa, Verse 7
فَهَلۡ تَرَىٰ لَهُم مِّنۢ بَاقِيَةٖ
Kaya nakakikita ka ba para sa kanila ng anumang natitira
Surah Al-Haaqqa, Verse 8
وَجَآءَ فِرۡعَوۡنُ وَمَن قَبۡلَهُۥ وَٱلۡمُؤۡتَفِكَٰتُ بِٱلۡخَاطِئَةِ
At nagdala si Paraon, ang nauna sa kanya, at ang [mga naninirahan sa] mga pinagtauban ng mali
Surah Al-Haaqqa, Verse 9
فَعَصَوۡاْ رَسُولَ رَبِّهِمۡ فَأَخَذَهُمۡ أَخۡذَةٗ رَّابِيَةً
sapagkat sumuway sila sa sugo ng Panginoon nila, kaya dumaklot Siya sa kanila sa isang pagdaklot na lumalago
Surah Al-Haaqqa, Verse 10
إِنَّا لَمَّا طَغَا ٱلۡمَآءُ حَمَلۡنَٰكُمۡ فِي ٱلۡجَارِيَةِ
Tunay na Kami, noong umapaw ang tubig, ay nagdala sa inyo sa naglalayag [na daong]
Surah Al-Haaqqa, Verse 11
لِنَجۡعَلَهَا لَكُمۡ تَذۡكِرَةٗ وَتَعِيَهَآ أُذُنٞ وَٰعِيَةٞ
upang gumawa Kami nito para sa inyo bilang isang pagpapaalaala at magkamalay rito ang isang taingang nakamamalay
Surah Al-Haaqqa, Verse 12
فَإِذَا نُفِخَ فِي ٱلصُّورِ نَفۡخَةٞ وَٰحِدَةٞ
Kaya kapag umihip sa tambuli nang nag-iisang pag-ihip
Surah Al-Haaqqa, Verse 13
وَحُمِلَتِ ٱلۡأَرۡضُ وَٱلۡجِبَالُ فَدُكَّتَا دَكَّةٗ وَٰحِدَةٗ
at dinala ang lupa at ang mga bundok, at dinurog ang mga ito nang nag-iisang pagdurog
Surah Al-Haaqqa, Verse 14
فَيَوۡمَئِذٖ وَقَعَتِ ٱلۡوَاقِعَةُ
sa araw na iyon ay magaganap ang magaganap
Surah Al-Haaqqa, Verse 15
وَٱنشَقَّتِ ٱلسَّمَآءُ فَهِيَ يَوۡمَئِذٖ وَاهِيَةٞ
Mabibiyak ang langit sapagkat ito sa araw na iyon ay marupok
Surah Al-Haaqqa, Verse 16
وَٱلۡمَلَكُ عَلَىٰٓ أَرۡجَآئِهَاۚ وَيَحۡمِلُ عَرۡشَ رَبِّكَ فَوۡقَهُمۡ يَوۡمَئِذٖ ثَمَٰنِيَةٞ
At ang mga anghel ay nasa mga gilid nito. May magpapasan sa Trono ng Panginoon mo sa ibabaw nila sa araw na iyon; walo [sila]
Surah Al-Haaqqa, Verse 17
يَوۡمَئِذٖ تُعۡرَضُونَ لَا تَخۡفَىٰ مِنكُمۡ خَافِيَةٞ
Sa Araw na iyon ay itatanghal kayo; walang makakukubli mula sa inyo na isang tagakubli
Surah Al-Haaqqa, Verse 18
فَأَمَّا مَنۡ أُوتِيَ كِتَٰبَهُۥ بِيَمِينِهِۦ فَيَقُولُ هَآؤُمُ ٱقۡرَءُواْ كِتَٰبِيَهۡ
Kaya tungkol sa bibigyan ng talaan niya sa kanang kamay niya, magsasabi siya: "Kunin ninyo; basahin ninyo ang talaan ko
Surah Al-Haaqqa, Verse 19
إِنِّي ظَنَنتُ أَنِّي مُلَٰقٍ حِسَابِيَهۡ
Tunay na ako ay nakatiyak na ako ay makikipagkita sa pagtutuos sa akin
Surah Al-Haaqqa, Verse 20
فَهُوَ فِي عِيشَةٖ رَّاضِيَةٖ
Kaya siya ay nasa isang pamumuhay na nakalulugod
Surah Al-Haaqqa, Verse 21
فِي جَنَّةٍ عَالِيَةٖ
sa isang harding mataas
Surah Al-Haaqqa, Verse 22
قُطُوفُهَا دَانِيَةٞ
na ang mga kumpol [ng bunga] niyon ay malapit
Surah Al-Haaqqa, Verse 23
كُلُواْ وَٱشۡرَبُواْ هَنِيٓـَٔۢا بِمَآ أَسۡلَفۡتُمۡ فِي ٱلۡأَيَّامِ ٱلۡخَالِيَةِ
[Sasabihan sa kanila]: "Kumain kayo at uminom kayo nang kaiga-igaya dahil sa inuna ninyo sa mga araw na nagdaan
Surah Al-Haaqqa, Verse 24
وَأَمَّا مَنۡ أُوتِيَ كِتَٰبَهُۥ بِشِمَالِهِۦ فَيَقُولُ يَٰلَيۡتَنِي لَمۡ أُوتَ كِتَٰبِيَهۡ
At tungkol sa bibigyan ng talaan niya sa kaliwang kamay niya, magsasabi siya: "O kung sana ako ay hindi binigyan ng talaan ko
Surah Al-Haaqqa, Verse 25
وَلَمۡ أَدۡرِ مَا حِسَابِيَهۡ
at hindi nakabatid sa kung ano ang pagtutuos sa akin
Surah Al-Haaqqa, Verse 26
يَٰلَيۡتَهَا كَانَتِ ٱلۡقَاضِيَةَ
O kung sana [ang kamatayang] ito ay naging ang tagapagwakas
Surah Al-Haaqqa, Verse 27
مَآ أَغۡنَىٰ عَنِّي مَالِيَهۡۜ
Hindi nakapagdulot para sa akin ang yaman ko
Surah Al-Haaqqa, Verse 28
هَلَكَ عَنِّي سُلۡطَٰنِيَهۡ
Nasawi sa akin ang kapamahalaan ko
Surah Al-Haaqqa, Verse 29
خُذُوهُ فَغُلُّوهُ
[Sasabihin]: "Kunin ninyo siya at ikulyar ninyo siya
Surah Al-Haaqqa, Verse 30
ثُمَّ ٱلۡجَحِيمَ صَلُّوهُ
Pagkatapos sa Impiyerno ay ipasok ninyo siya
Surah Al-Haaqqa, Verse 31
ثُمَّ فِي سِلۡسِلَةٖ ذَرۡعُهَا سَبۡعُونَ ذِرَاعٗا فَٱسۡلُكُوهُ
Pagkatapos sa isang tanikalang ang haba nito ay pitumpung bisig ay isuot ninyo siya
Surah Al-Haaqqa, Verse 32
إِنَّهُۥ كَانَ لَا يُؤۡمِنُ بِٱللَّهِ ٱلۡعَظِيمِ
Tunay na siya noon ay hindi sumasampalataya kay Allāh, ang Sukdulan
Surah Al-Haaqqa, Verse 33
وَلَا يَحُضُّ عَلَىٰ طَعَامِ ٱلۡمِسۡكِينِ
at hindi humihimok sa pagpapakain sa dukha
Surah Al-Haaqqa, Verse 34
فَلَيۡسَ لَهُ ٱلۡيَوۡمَ هَٰهُنَا حَمِيمٞ
Kaya walang ukol sa kanya sa Araw na ito rito na isang tagapagtanggol
Surah Al-Haaqqa, Verse 35
وَلَا طَعَامٌ إِلَّا مِنۡ غِسۡلِينٖ
at walang pagkain kundi mula sa tagas ng sugat
Surah Al-Haaqqa, Verse 36
لَّا يَأۡكُلُهُۥٓ إِلَّا ٱلۡخَٰطِـُٔونَ
Walang kakain niyon kundi ang mga nagkakasala
Surah Al-Haaqqa, Verse 37
فَلَآ أُقۡسِمُ بِمَا تُبۡصِرُونَ
Kaya talagang Ako ay sumusumpa sa anumang nakikita ninyo
Surah Al-Haaqqa, Verse 38
وَمَا لَا تُبۡصِرُونَ
at sa anumang hindi ninyo nakikita
Surah Al-Haaqqa, Verse 39
إِنَّهُۥ لَقَوۡلُ رَسُولٖ كَرِيمٖ
Tunay na [ang Qur’ān na] ito ay talagang sinabi ng isang Sugong marangal
Surah Al-Haaqqa, Verse 40
وَمَا هُوَ بِقَوۡلِ شَاعِرٖۚ قَلِيلٗا مَّا تُؤۡمِنُونَ
At ito ay hindi sinabi ng isang manunula. Kakaunti ang sinasampalatayanan ninyo
Surah Al-Haaqqa, Verse 41
وَلَا بِقَوۡلِ كَاهِنٖۚ قَلِيلٗا مَّا تَذَكَّرُونَ
At hindi sinabi ng isang manghuhula. Kakaunti ang isinasaalaala ninyo
Surah Al-Haaqqa, Verse 42
تَنزِيلٞ مِّن رَّبِّ ٱلۡعَٰلَمِينَ
Isang pagbababa [ito] mula sa Panginoon ng mga nilalang
Surah Al-Haaqqa, Verse 43
وَلَوۡ تَقَوَّلَ عَلَيۡنَا بَعۡضَ ٱلۡأَقَاوِيلِ
At kung sakaling nagsabi-sabi siya laban sa Amin ng ilang mga sabi-sabi
Surah Al-Haaqqa, Verse 44
لَأَخَذۡنَا مِنۡهُ بِٱلۡيَمِينِ
talaga sanang dumaklot Kami sa kanya sa pamamagitan ng kanang kamay
Surah Al-Haaqqa, Verse 45
ثُمَّ لَقَطَعۡنَا مِنۡهُ ٱلۡوَتِينَ
pagkatapos ay talaga sanang pumutol Kami mula sa kanya ng ugat sa puso
Surah Al-Haaqqa, Verse 46
فَمَا مِنكُم مِّنۡ أَحَدٍ عَنۡهُ حَٰجِزِينَ
Kaya walang kabilang sa inyo na isa man na para sa kanya ay mga tagahadlang
Surah Al-Haaqqa, Verse 47
وَإِنَّهُۥ لَتَذۡكِرَةٞ لِّلۡمُتَّقِينَ
At tunay na [ang Qur’ān na] ito ay talagang isang pagpapaalaala para sa mga tagapangilag magkasala
Surah Al-Haaqqa, Verse 48
وَإِنَّا لَنَعۡلَمُ أَنَّ مِنكُم مُّكَذِّبِينَ
At tunay na Kami ay talagang nakaaalam na mayroon sa inyo na mga tagapasinungaling
Surah Al-Haaqqa, Verse 49
وَإِنَّهُۥ لَحَسۡرَةٌ عَلَى ٱلۡكَٰفِرِينَ
At tunay na ito ay talagang isang panghihinayang sa mga tagatangging sumampalataya
Surah Al-Haaqqa, Verse 50
وَإِنَّهُۥ لَحَقُّ ٱلۡيَقِينِ
At tunay na [ang Qur’ān na] ito ay talagang ang katotohanan ng katiyakan
Surah Al-Haaqqa, Verse 51
فَسَبِّحۡ بِٱسۡمِ رَبِّكَ ٱلۡعَظِيمِ
Kaya magluwalhati ka sa pangalan ng Panginoon mo, ang Sukdulan
Surah Al-Haaqqa, Verse 52