Surah Al-Haaqqa - Filipino Translation by Abdullatif Eduardo M. Arceo
ٱلۡحَآقَّةُ
Ang Tiyak na kaganapan (alalaong baga, ang Araw ng Muling Pagkabuhay)
Surah Al-Haaqqa, Verse 1
مَا ٱلۡحَآقَّةُ
Ano nga ba ang Tiyak na Kaganapan
Surah Al-Haaqqa, Verse 2
وَمَآ أَدۡرَىٰكَ مَا ٱلۡحَآقَّةُ
At ano nga ba ang makakapag-utos sa iyo upang magmuni-muni kung ano ang Tiyak na Kaganapan
Surah Al-Haaqqa, Verse 3
كَذَّبَتۡ ثَمُودُ وَعَادُۢ بِٱلۡقَارِعَةِ
Ang Angkan ni Thamud at ni A’ad ay hindi sumampalataya sa Qariah (ang Araw ng Kaguluhan at Kaingayan sa Oras ng Paghuhukom)
Surah Al-Haaqqa, Verse 4
فَأَمَّا ثَمُودُ فَأُهۡلِكُواْ بِٱلطَّاغِيَةِ
Datapuwa’t sina Thamud; sila ay winasak ng nag-aalimpuyong unos ng kulog at kidlat
Surah Al-Haaqqa, Verse 5
وَأَمَّا عَادٞ فَأُهۡلِكُواْ بِرِيحٖ صَرۡصَرٍ عَاتِيَةٖ
At sina A’ad; sila ay winasak ng nagngangalit na hagupit ng hangin na tunay na mapangwasak
Surah Al-Haaqqa, Verse 6
سَخَّرَهَا عَلَيۡهِمۡ سَبۡعَ لَيَالٖ وَثَمَٰنِيَةَ أَيَّامٍ حُسُومٗاۖ فَتَرَى ٱلۡقَوۡمَ فِيهَا صَرۡعَىٰ كَأَنَّهُمۡ أَعۡجَازُ نَخۡلٍ خَاوِيَةٖ
Hinayaan Niyang salantahin sila sa loob ng sunod-sunod na pitong mahahabang araw, upang mapagmalas ninyo ang mga tao roon na nakahandusay, na waring sila ba’y katawan ng mga nalugmok na punong 904 palmera
Surah Al-Haaqqa, Verse 7
فَهَلۡ تَرَىٰ لَهُم مِّنۢ بَاقِيَةٖ
Sa ngayon, nakikita mo ba ( o Muhammad ) ang mga latak nila
Surah Al-Haaqqa, Verse 8
وَجَآءَ فِرۡعَوۡنُ وَمَن قَبۡلَهُۥ وَٱلۡمُؤۡتَفِكَٰتُ بِٱلۡخَاطِئَةِ
Si Paraon, at ang mga nangauna sa kanya, at ang Pinalugmok na Bayan (ang mga bayan ng pamayanan ni Lut)? Sila ay nagsigawa ng kamalian
Surah Al-Haaqqa, Verse 9
فَعَصَوۡاْ رَسُولَ رَبِّهِمۡ فَأَخَذَهُمۡ أَخۡذَةٗ رَّابِيَةً
Ang bawa’t isa sa kanila ay naghimagsik nang laban sa Tagapagbalita ng kanilang Panginoon, kaya’t Aming ginawaran sila ng mahigpit na sakmal (ng kaparusahan)
Surah Al-Haaqqa, Verse 10
إِنَّا لَمَّا طَغَا ٱلۡمَآءُ حَمَلۡنَٰكُمۡ فِي ٱلۡجَارِيَةِ
Katotohanan! Nang tumaas ang tubig ng labis sa kanyang hangganan (malaking baha o dilubyo sa panahon ni Noe), ay Aming kinandili kayo (O sangkatauhan) sa Lumulutang na Arko (barko na ginawa ni Noe)
Surah Al-Haaqqa, Verse 11
لِنَجۡعَلَهَا لَكُمۡ تَذۡكِرَةٗ وَتَعِيَهَآ أُذُنٞ وَٰعِيَةٞ
Upang gawin Namin ito bilang Tagapagpaala-ala sa inyo, upang ang tainga na nakakarinig ay mapananganan ito bilang isang aral na magugunita
Surah Al-Haaqqa, Verse 12
فَإِذَا نُفِخَ فِي ٱلصُّورِ نَفۡخَةٞ وَٰحِدَةٞ
At sa sandaling ang Tambuli ay hipan ng isang matinding pagsabog (sa unang ihip)
Surah Al-Haaqqa, Verse 13
وَحُمِلَتِ ٱلۡأَرۡضُ وَٱلۡجِبَالُ فَدُكَّتَا دَكَّةٗ وَٰحِدَةٗ
At ang kalupaan at kabundukan ay matinag sa kanilang lugar, at mayanig at madurog sa minsan lamang
Surah Al-Haaqqa, Verse 14
فَيَوۡمَئِذٖ وَقَعَتِ ٱلۡوَاقِعَةُ
At sa Araw na yaon, ang dakilang Pangyayari (Sindak) ay magaganap
Surah Al-Haaqqa, Verse 15
وَٱنشَقَّتِ ٱلسَّمَآءُ فَهِيَ يَوۡمَئِذٖ وَاهِيَةٞ
At ang kalangitan ay mahahati, sapagkat sa Araw na yaon, ito ay magiging marupok (at mahina), at mapupunit
Surah Al-Haaqqa, Verse 16
وَٱلۡمَلَكُ عَلَىٰٓ أَرۡجَآئِهَاۚ وَيَحۡمِلُ عَرۡشَ رَبِّكَ فَوۡقَهُمۡ يَوۡمَئِذٖ ثَمَٰنِيَةٞ
At ang mga anghel ay nasa magkabilang panig nito, at walong anghel ang pumapasan sa Araw na yaon, sa Luklukan ng inyong Panginoon sa ulunan nila
Surah Al-Haaqqa, Verse 17
يَوۡمَئِذٖ تُعۡرَضُونَ لَا تَخۡفَىٰ مِنكُمۡ خَافِيَةٞ
Sa Araw na yaon, kayo ay ihaharap sa Pagsusulit at walang anumang lihim ang inyong maikukubli
Surah Al-Haaqqa, Verse 18
فَأَمَّا مَنۡ أُوتِيَ كِتَٰبَهُۥ بِيَمِينِهِۦ فَيَقُولُ هَآؤُمُ ٱقۡرَءُواْ كِتَٰبِيَهۡ
At tunay ngang siya na bibigyan ng kanyang Talaan sa kanyang kanang kamay ay magsasabi: “Tingnan ninyo at basahin ang aking Aklat
Surah Al-Haaqqa, Verse 19
إِنِّي ظَنَنتُ أَنِّي مُلَٰقٍ حِسَابِيَهۡ
Tunay ngang talastas ko na kakaharapin ko ang aking pag-uulat!”
Surah Al-Haaqqa, Verse 20
فَهُوَ فِي عِيشَةٖ رَّاضِيَةٖ
At sa gayon, siya ay makakaranas ng buhay ng kaligayahan
Surah Al-Haaqqa, Verse 21
فِي جَنَّةٍ عَالِيَةٖ
Sa Mataas na Halamanan (Paraiso)
Surah Al-Haaqqa, Verse 22
قُطُوفُهَا دَانِيَةٞ
Na ang kumpol ng mga bunga ay malapit at mababa (abot-kamay sa pagpitas)
Surah Al-Haaqqa, Verse 23
كُلُواْ وَٱشۡرَبُواْ هَنِيٓـَٔۢا بِمَآ أَسۡلَفۡتُمۡ فِي ٱلۡأَيَّامِ ٱلۡخَالِيَةِ
(At sa kanila ay ipagtuturing): “Magsikain kayo at uminom ng ganap at nasisiyahan bilang gantimpala sa (kabutihan) na inyong ginawa sa mga panahong nagdaan!”
Surah Al-Haaqqa, Verse 24
وَأَمَّا مَنۡ أُوتِيَ كِتَٰبَهُۥ بِشِمَالِهِۦ فَيَقُولُ يَٰلَيۡتَنِي لَمۡ أُوتَ كِتَٰبِيَهۡ
At siya na pagkakalooban ng kanyang Talaan sa kanyang kaliwang kamay ay magsasabi: “Sana’y hindi na ako pinagkalooban ng aking Aklat
Surah Al-Haaqqa, Verse 25
وَلَمۡ أَدۡرِ مَا حِسَابِيَهۡ
At nang hindi ko na mapagbalikan ang aking mga gawa (at ano ang aking ipagsusulit)
Surah Al-Haaqqa, Verse 26
يَٰلَيۡتَهَا كَانَتِ ٱلۡقَاضِيَةَ
Ah! Sana’y ito na ang aking naging wakas (kamatayan)
Surah Al-Haaqqa, Verse 27
مَآ أَغۡنَىٰ عَنِّي مَالِيَهۡۜ
Ang kayamanan ko ay nawalang saysay
Surah Al-Haaqqa, Verse 28
هَلَكَ عَنِّي سُلۡطَٰنِيَهۡ
Ang kapangyarihan ko ay kagyat na pumanaw!”
Surah Al-Haaqqa, Verse 29
خُذُوهُ فَغُلُّوهُ
(At ang makapangyarihang utos ay ipagbabadya): Kunin siya at igapos (ng kadena)
Surah Al-Haaqqa, Verse 30
ثُمَّ ٱلۡجَحِيمَ صَلُّوهُ
At sunugin siya sa Naglalagablab na Apoy
Surah Al-Haaqqa, Verse 31
ثُمَّ فِي سِلۡسِلَةٖ ذَرۡعُهَا سَبۡعُونَ ذِرَاعٗا فَٱسۡلُكُوهُ
At bukod pa rito, taliansiyangtanikalanaanghabanitoaypitumpongkubiko
Surah Al-Haaqqa, Verse 32
إِنَّهُۥ كَانَ لَا يُؤۡمِنُ بِٱللَّهِ ٱلۡعَظِيمِ
Katotohanang siya ay hindi sumampalataya kay Allah, ang Kataas-taasang Diyos
Surah Al-Haaqqa, Verse 33
وَلَا يَحُضُّ عَلَىٰ طَعَامِ ٱلۡمِسۡكِينِ
At hindi nagmamalasakit na pakainin ang mga kapus-palad
Surah Al-Haaqqa, Verse 34
فَلَيۡسَ لَهُ ٱلۡيَوۡمَ هَٰهُنَا حَمِيمٞ
Kaya’t siya ay walang kaibigan dito sa Araw na ito
Surah Al-Haaqqa, Verse 35
وَلَا طَعَامٌ إِلَّا مِنۡ غِسۡلِينٖ
At wala siyang anumang pagkain maliban sa mabahong nana mula sa pinaghugasan ng mga sugat
Surah Al-Haaqqa, Verse 36
لَّا يَأۡكُلُهُۥٓ إِلَّا ٱلۡخَٰطِـُٔونَ
At walang ibang magsisikain nito maliban sa Khati’un (mga makasalanan, walang pananampalataya, mapagsamba sa diyus-diyosan, atbp)
Surah Al-Haaqqa, Verse 37
فَلَآ أُقۡسِمُ بِمَا تُبۡصِرُونَ
Kaya’t tinatawagan Ko ang lahat (ng mga nilikha) na inyong nakikita upang sumaksi
Surah Al-Haaqqa, Verse 38
وَمَا لَا تُبۡصِرُونَ
At ang lahat (ng nilikha) na hindi ninyo nakikita
Surah Al-Haaqqa, Verse 39
إِنَّهُۥ لَقَوۡلُ رَسُولٖ كَرِيمٖ
Na katotohanang ito ang salita ng kapuri-puring Tagapagbalita (alalaong baga, si Gabriel o Muhammad na kanyang dinala mula kay Allah)
Surah Al-Haaqqa, Verse 40
وَمَا هُوَ بِقَوۡلِ شَاعِرٖۚ قَلِيلٗا مَّا تُؤۡمِنُونَ
Ito ay hindi salita ng isang makata, kakarampot lamang ang inyong pinaniniwalaan
Surah Al-Haaqqa, Verse 41
وَلَا بِقَوۡلِ كَاهِنٖۚ قَلِيلٗا مَّا تَذَكَّرُونَ
At hindi rin ito salita ng isang manggagaway (o isang manghuhula), kakatiting lamang ang inyong nagugunita
Surah Al-Haaqqa, Verse 42
تَنزِيلٞ مِّن رَّبِّ ٱلۡعَٰلَمِينَ
Ito ay isang Kapahayagan na ipinanaog (sa inyo) mula sa Panginoon ng lahat ng mga nilalang
Surah Al-Haaqqa, Verse 43
وَلَوۡ تَقَوَّلَ عَلَيۡنَا بَعۡضَ ٱلۡأَقَاوِيلِ
At kung siya (Muhammad) ay gumawa ng salita ng kabulaanan tungkol sa Amin (Allah)
Surah Al-Haaqqa, Verse 44
لَأَخَذۡنَا مِنۡهُ بِٱلۡيَمِينِ
Katotohanang siya ay Aming sasakmalin sa kanyang kanang kamay (ng may kapangyarihan at lakas)
Surah Al-Haaqqa, Verse 45
ثُمَّ لَقَطَعۡنَا مِنۡهُ ٱلۡوَتِينَ
At katotohanang Aming puputulin ang ugat ng kanyang puso
Surah Al-Haaqqa, Verse 46
فَمَا مِنكُم مِّنۡ أَحَدٍ عَنۡهُ حَٰجِزِينَ
At walang sinuman sa inyo ang makakapananggalang sa Amin upang (parusahan) siya
Surah Al-Haaqqa, Verse 47
وَإِنَّهُۥ لَتَذۡكِرَةٞ لِّلۡمُتَّقِينَ
Datapuwa’t katotohanan, ang Quran ay isang Paala-ala para sa Muttaqun (mga may pangangamba kay Allah, matimtiman at mapaggawa ng kabutihan, at umiiwas sa lahat ng kasalanan, atbp)
Surah Al-Haaqqa, Verse 48
وَإِنَّا لَنَعۡلَمُ أَنَّ مِنكُم مُّكَذِّبِينَ
At katotohanang talastas Namin na sa lipon ninyo ay may mga nagpapabulaan (sa Qur’an)
Surah Al-Haaqqa, Verse 49
وَإِنَّهُۥ لَحَسۡرَةٌ عَلَى ٱلۡكَٰفِرِينَ
At katotohanan, ang Kapahayagan (Qur’an) ay makakapagpaligalig sa mga hindi sumasampalataya (sa Araw ng Muling Pagkabuhay)
Surah Al-Haaqqa, Verse 50
وَإِنَّهُۥ لَحَقُّ ٱلۡيَقِينِ
At tunay ngang ito (ang Qur’an) ay isang lubos na Katotohanan na may katiyakan
Surah Al-Haaqqa, Verse 51
فَسَبِّحۡ بِٱسۡمِ رَبِّكَ ٱلۡعَظِيمِ
Kaya’t luwalhatiin ninyo ang Pangalan ng inyong Panginoon, ang Pinakadakila
Surah Al-Haaqqa, Verse 52