Surah Al-Maarij - Filipino Translation by Www.islamhouse.com
سَأَلَ سَآئِلُۢ بِعَذَابٖ وَاقِعٖ
Humiling ang isang humihiling ng isang pagdurusang magaganap
Surah Al-Maarij, Verse 1
لِّلۡكَٰفِرِينَ لَيۡسَ لَهُۥ دَافِعٞ
Para sa mga tagatangging sumampalataya, wala para ritong isang tagahadlang
Surah Al-Maarij, Verse 2
مِّنَ ٱللَّهِ ذِي ٱلۡمَعَارِجِ
laban kay Allāh na may mga pampanik
Surah Al-Maarij, Verse 3
تَعۡرُجُ ٱلۡمَلَـٰٓئِكَةُ وَٱلرُّوحُ إِلَيۡهِ فِي يَوۡمٖ كَانَ مِقۡدَارُهُۥ خَمۡسِينَ أَلۡفَ سَنَةٖ
Pumapanik ang mga anghel at ang Espiritu sa Kanya sa isang araw na ang sukat nito ay limampung libong taon
Surah Al-Maarij, Verse 4
فَٱصۡبِرۡ صَبۡرٗا جَمِيلًا
Kaya magtiis ka nang isang pagtitiis na maganda
Surah Al-Maarij, Verse 5
إِنَّهُمۡ يَرَوۡنَهُۥ بَعِيدٗا
Tunay na sila ay nagtuturing na [ang pagdurusang] ito ay malayo
Surah Al-Maarij, Verse 6
وَنَرَىٰهُ قَرِيبٗا
samantalang nagtuturing Kaming ito ay malapit
Surah Al-Maarij, Verse 7
يَوۡمَ تَكُونُ ٱلسَّمَآءُ كَٱلۡمُهۡلِ
sa Araw na ang langit ay magiging para bang latak ng langis
Surah Al-Maarij, Verse 8
وَتَكُونُ ٱلۡجِبَالُ كَٱلۡعِهۡنِ
ang mga bundok ay magiging para bang nilipad na lana
Surah Al-Maarij, Verse 9
وَلَا يَسۡـَٔلُ حَمِيمٌ حَمِيمٗا
at walang magtatanong na isang kaanak sa isang kaanak
Surah Al-Maarij, Verse 10
يُبَصَّرُونَهُمۡۚ يَوَدُّ ٱلۡمُجۡرِمُ لَوۡ يَفۡتَدِي مِنۡ عَذَابِ يَوۡمِئِذِۭ بِبَنِيهِ
Magkakitaan sila. Magmimithi ang salarin na kung sana tutubusin siya mula sa isang pagdurusa sa Araw na iyon kapalit ng mga anak niya
Surah Al-Maarij, Verse 11
وَصَٰحِبَتِهِۦ وَأَخِيهِ
at ng asawa niya at kapatid niya
Surah Al-Maarij, Verse 12
وَفَصِيلَتِهِ ٱلَّتِي تُـٔۡوِيهِ
at ng angkan niya na nagkakanlong sa kanya
Surah Al-Maarij, Verse 13
وَمَن فِي ٱلۡأَرۡضِ جَمِيعٗا ثُمَّ يُنجِيهِ
at ng sinumang nasa lupa sa kalahatan, pagkatapos ay magliligtas ito sa kanya
Surah Al-Maarij, Verse 14
كَلَّآۖ إِنَّهَا لَظَىٰ
Aba’y hindi! Tunay na iyon ay Alab
Surah Al-Maarij, Verse 15
نَزَّاعَةٗ لِّلشَّوَىٰ
na isang palatuklap ng anit
Surah Al-Maarij, Verse 16
تَدۡعُواْ مَنۡ أَدۡبَرَ وَتَوَلَّىٰ
na nag-aanyaya sa sinumang tumalikod [sa katotohanan] at nagpakalayu-layo
Surah Al-Maarij, Verse 17
وَجَمَعَ فَأَوۡعَىٰٓ
at kumalap [ng yaman] at nag-imbak nito
Surah Al-Maarij, Verse 18
۞إِنَّ ٱلۡإِنسَٰنَ خُلِقَ هَلُوعًا
Tunay na ang tao ay nilikha na ganid
Surah Al-Maarij, Verse 19
إِذَا مَسَّهُ ٱلشَّرُّ جَزُوعٗا
kapag sumaling sa kanya ang masama ay mapaghinaing
Surah Al-Maarij, Verse 20
وَإِذَا مَسَّهُ ٱلۡخَيۡرُ مَنُوعًا
at kapag sumaling sa kanya ang mabuti ay mapagkait
Surah Al-Maarij, Verse 21
إِلَّا ٱلۡمُصَلِّينَ
maliban sa mga nagdarasal
Surah Al-Maarij, Verse 22
ٱلَّذِينَ هُمۡ عَلَىٰ صَلَاتِهِمۡ دَآئِمُونَ
na sila, sa pagdarasal nila, ay mga palagian
Surah Al-Maarij, Verse 23
وَٱلَّذِينَ فِيٓ أَمۡوَٰلِهِمۡ حَقّٞ مَّعۡلُومٞ
at na [sila], sa mga yaman nila, ay may tungkuling nalalaman
Surah Al-Maarij, Verse 24
لِّلسَّآئِلِ وَٱلۡمَحۡرُومِ
para sa nanghihingi at napagkaitan
Surah Al-Maarij, Verse 25
وَٱلَّذِينَ يُصَدِّقُونَ بِيَوۡمِ ٱلدِّينِ
at mga nagpapatotoo sa Araw ng Paggantimpala
Surah Al-Maarij, Verse 26
وَٱلَّذِينَ هُم مِّنۡ عَذَابِ رَبِّهِم مُّشۡفِقُونَ
at na sila, sa pagdurusang dulot ng Panginoon nila, ay mga nababagabag
Surah Al-Maarij, Verse 27
إِنَّ عَذَابَ رَبِّهِمۡ غَيۡرُ مَأۡمُونٖ
tunay na ang pagdurusang dulot ng Panginoon nila ay walang natitiwasay
Surah Al-Maarij, Verse 28
وَٱلَّذِينَ هُمۡ لِفُرُوجِهِمۡ حَٰفِظُونَ
at na sila, sa mga puri nila, ay mga nangangalaga
Surah Al-Maarij, Verse 29
إِلَّا عَلَىٰٓ أَزۡوَٰجِهِمۡ أَوۡ مَا مَلَكَتۡ أَيۡمَٰنُهُمۡ فَإِنَّهُمۡ غَيۡرُ مَلُومِينَ
maliban sa mga maybahay nila o sa mga [babaing] minay-ari ng mga kanang kamay nila sapagkat tunay na sila ay hindi mga masisisi
Surah Al-Maarij, Verse 30
فَمَنِ ٱبۡتَغَىٰ وَرَآءَ ذَٰلِكَ فَأُوْلَـٰٓئِكَ هُمُ ٱلۡعَادُونَ
ngunit ang sinumang naghangad ng higit pa roon, ang mga iyon ay ang mga lumalabag
Surah Al-Maarij, Verse 31
وَٱلَّذِينَ هُمۡ لِأَمَٰنَٰتِهِمۡ وَعَهۡدِهِمۡ رَٰعُونَ
at na sila, sa mga ipinagkakatiwala sa kanila at sa kasunduan sa kanila ay mga nag-iingat
Surah Al-Maarij, Verse 32
وَٱلَّذِينَ هُم بِشَهَٰدَٰتِهِمۡ قَآئِمُونَ
at na sila, sa mga pagsasaksi nila, ay mga naninindigan
Surah Al-Maarij, Verse 33
وَٱلَّذِينَ هُمۡ عَلَىٰ صَلَاتِهِمۡ يُحَافِظُونَ
at na sila, sa pagdarasal nila, ay nangangalaga
Surah Al-Maarij, Verse 34
أُوْلَـٰٓئِكَ فِي جَنَّـٰتٖ مُّكۡرَمُونَ
ang mga iyon sa mga hardin ay mga pararangalan
Surah Al-Maarij, Verse 35
فَمَالِ ٱلَّذِينَ كَفَرُواْ قِبَلَكَ مُهۡطِعِينَ
Kaya ano ang mayroon sa mga tumangging sumampalataya na sa dako mo ay mga nagdadali-dali
Surah Al-Maarij, Verse 36
عَنِ ٱلۡيَمِينِ وَعَنِ ٱلشِّمَالِ عِزِينَ
sa gawing kanan at sa gawing kaliwa sa magkakahiwalay na umpukan
Surah Al-Maarij, Verse 37
أَيَطۡمَعُ كُلُّ ٱمۡرِيٕٖ مِّنۡهُمۡ أَن يُدۡخَلَ جَنَّةَ نَعِيمٖ
Naghahangad ba ang bawat tao kabilang sa kanila na papasukin sa isang hardin ng kaginhawahan
Surah Al-Maarij, Verse 38
كَلَّآۖ إِنَّا خَلَقۡنَٰهُم مِّمَّا يَعۡلَمُونَ
Aba’y hindi! Tunay na Kami ay lumikha sa kanila mula sa nalalaman nila
Surah Al-Maarij, Verse 39
فَلَآ أُقۡسِمُ بِرَبِّ ٱلۡمَشَٰرِقِ وَٱلۡمَغَٰرِبِ إِنَّا لَقَٰدِرُونَ
Kaya talagang sumusumpa Ako sa Panginoon ng mga sikatan at mga lubugan: "Tunay na Kami ay talagang Nakakakaya
Surah Al-Maarij, Verse 40
عَلَىٰٓ أَن نُّبَدِّلَ خَيۡرٗا مِّنۡهُمۡ وَمَا نَحۡنُ بِمَسۡبُوقِينَ
na magpalit Kami ng higit na mabuti kaysa sa kanila, at Kami ay hindi mauunahan
Surah Al-Maarij, Verse 41
فَذَرۡهُمۡ يَخُوضُواْ وَيَلۡعَبُواْ حَتَّىٰ يُلَٰقُواْ يَوۡمَهُمُ ٱلَّذِي يُوعَدُونَ
Kaya hayaan mo silang sumuong [sa kabulaanan] at maglaro hanggang sa makipagkita sila sa araw nilang pinangangakuan sila
Surah Al-Maarij, Verse 42
يَوۡمَ يَخۡرُجُونَ مِنَ ٱلۡأَجۡدَاثِ سِرَاعٗا كَأَنَّهُمۡ إِلَىٰ نُصُبٖ يُوفِضُونَ
sa araw na labas sila mula sa mga puntod nang mabibilis na para bang sila tungo sa mga estatwa ay nagmamadali
Surah Al-Maarij, Verse 43
خَٰشِعَةً أَبۡصَٰرُهُمۡ تَرۡهَقُهُمۡ ذِلَّةٞۚ ذَٰلِكَ ٱلۡيَوۡمُ ٱلَّذِي كَانُواْ يُوعَدُونَ
Nagpapakumbaba ang mga paningin nila, nilulukob sila ng isang kadustaan! Iyon ay ang araw na sila noon ay pinangangakuan
Surah Al-Maarij, Verse 44