Surah Nooh - Filipino Translation by Abdullatif Eduardo M. Arceo
إِنَّآ أَرۡسَلۡنَا نُوحًا إِلَىٰ قَوۡمِهِۦٓ أَنۡ أَنذِرۡ قَوۡمَكَ مِن قَبۡلِ أَن يَأۡتِيَهُمۡ عَذَابٌ أَلِيمٞ
Katotohanang Aming isinugo si Noe sa kanyang pamayanan na may tagubilin: “Iyong bigyang babala ang iyong pamayanan bago dumatal sa kanila ang Kasakit- sakit na Kaparusahan”
Surah Nooh, Verse 1
قَالَ يَٰقَوۡمِ إِنِّي لَكُمۡ نَذِيرٞ مُّبِينٌ
Siya (Noe) ay nagbadya: “o aking pamayanan! Katotohanang ako ay isang lantad na Tagapagbabala sa inyo
Surah Nooh, Verse 2
أَنِ ٱعۡبُدُواْ ٱللَّهَ وَٱتَّقُوهُ وَأَطِيعُونِ
(Na nagtatagubilin) na marapat ninyong sambahin si Allah (lamang), at maging masunurin sa inyong tungkulin sa Kanya at ako ay inyong sundin
Surah Nooh, Verse 3
يَغۡفِرۡ لَكُم مِّن ذُنُوبِكُمۡ وَيُؤَخِّرۡكُمۡ إِلَىٰٓ أَجَلٖ مُّسَمًّىۚ إِنَّ أَجَلَ ٱللَّهِ إِذَا جَآءَ لَا يُؤَخَّرُۚ لَوۡ كُنتُمۡ تَعۡلَمُونَ
Upang mapatawad Niya (Allah) ang inyong mga kasalanan at bigyan kayo ng sapat na panahon (palugit) na natatakdaan. Katotohanan, kung ang Takdang Oras ni Allah ay dumatal, ito ay hindi maaaring antalahin kung inyo lamang nababatid.”
Surah Nooh, Verse 4
قَالَ رَبِّ إِنِّي دَعَوۡتُ قَوۡمِي لَيۡلٗا وَنَهَارٗا
(Si Noe) ay nagbadya: o aking Panginoon! Katotohanang aking tinawagan ang aking pamayanan sa gabi at araw (alalaong baga, sa lingid at lantad upang tanggapin ang doktrina ng Kaisahan ni Allah)
Surah Nooh, Verse 5
فَلَمۡ يَزِدۡهُمۡ دُعَآءِيٓ إِلَّا فِرَارٗا
Datapuwa’t ang aking panawagan sa kanila ay higit lamang na nakadagdag sa kanilang pagnanais na mapalayo (sa Tuwid na Landas)
Surah Nooh, Verse 6
وَإِنِّي كُلَّمَا دَعَوۡتُهُمۡ لِتَغۡفِرَ لَهُمۡ جَعَلُوٓاْ أَصَٰبِعَهُمۡ فِيٓ ءَاذَانِهِمۡ وَٱسۡتَغۡشَوۡاْ ثِيَابَهُمۡ وَأَصَرُّواْ وَٱسۡتَكۡبَرُواْ ٱسۡتِكۡبَارٗا
At katotohanan! Sa bawat sandali na sila ay aking pinagtatagubilinan upang sila ay Inyong mapatawad, ay tinatakpan nila ang kanilang mga tainga ng kanilang daliri, at tinatakpan nila ang kanilang sarili ng kanilang kasuotan, at nagpapatuloy sila (sa kanilang Propeta Noe 911 pagtutol) at pinag-iibayo nila ang kanilang kapalaluan
Surah Nooh, Verse 7
ثُمَّ إِنِّي دَعَوۡتُهُمۡ جِهَارٗا
At katotohanang ako ay nananawagan sa kanila nang hayagan (sa malakas na tinig)
Surah Nooh, Verse 8
ثُمَّ إِنِّيٓ أَعۡلَنتُ لَهُمۡ وَأَسۡرَرۡتُ لَهُمۡ إِسۡرَارٗا
At katotohanang ako ay nagpahayag sa kanila sa karamihan at ako ay nagsumamo sa kanila sa pribado (tagong pag-uusap)
Surah Nooh, Verse 9
فَقُلۡتُ ٱسۡتَغۡفِرُواْ رَبَّكُمۡ إِنَّهُۥ كَانَ غَفَّارٗا
Na nagsasabi: “Humingi kayo ng kapatawaran mula sa inyong Panginoon; katotohanang Siya ay Lagi nang Nagpapatawad
Surah Nooh, Verse 10
يُرۡسِلِ ٱلسَّمَآءَ عَلَيۡكُم مِّدۡرَارٗا
Kayo ay pagkakalooban Niya ng saganang ulan
Surah Nooh, Verse 11
وَيُمۡدِدۡكُم بِأَمۡوَٰلٖ وَبَنِينَ وَيَجۡعَل لَّكُمۡ جَنَّـٰتٖ وَيَجۡعَل لَّكُمۡ أَنۡهَٰرٗا
At kayo ay gagawaran Niya ng higit pang kayamanan at mga anak, at ipagkakaloob Niya sa inyo ang halamanan at gayundin ng mga batis (na may tubig na nagsisidaloy).”
Surah Nooh, Verse 12
مَّا لَكُمۡ لَا تَرۡجُونَ لِلَّهِ وَقَارٗا
Ano ang nagpapagulo sa inyo at hindi ninyo pinangangambahan si Allah (sa Kanyang kaparusahan), at kayo ay hindi umaasam ng gantimpala mula kay Allah o kayo ay hindi sumasampalataya sa Kanyang Kaisahan
Surah Nooh, Verse 13
وَقَدۡ خَلَقَكُمۡ أَطۡوَارًا
Samantalang kayo ay nilikha Niya sa (iba’t ibang) antas (alalaong baga, ang una ay Nutfah, sumunod ay Alaqa at sumunod ay Mudgha. [Tunghayan ang Quran)
Surah Nooh, Verse 14
أَلَمۡ تَرَوۡاْ كَيۡفَ خَلَقَ ٱللَّهُ سَبۡعَ سَمَٰوَٰتٖ طِبَاقٗا
Hindi baga ninyo napagmamalas kung paano nilikha ni Allah ang pitong kalangitan, ng suson-suson (ang bawat isa ay mataas sa iba)
Surah Nooh, Verse 15
وَجَعَلَ ٱلۡقَمَرَ فِيهِنَّ نُورٗا وَجَعَلَ ٱلشَّمۡسَ سِرَاجٗا
At ginawa Niya ang buwan bilang liwanag doon at ng araw bilang isang ilaw
Surah Nooh, Verse 16
وَٱللَّهُ أَنۢبَتَكُم مِّنَ ٱلۡأَرۡضِ نَبَاتٗا
At nilikha kayo ni Allah mula sa alabok ng lupa (na dahan-dahan sa paglaki at pagyabong)
Surah Nooh, Verse 17
ثُمَّ يُعِيدُكُمۡ فِيهَا وَيُخۡرِجُكُمۡ إِخۡرَاجٗا
At pagkaraan, kayo ay ibabalik Niyang muli rito (sa lupa), at Kanyang ibabangon kayong (muli sa Araw ng Muling Pagkabuhay)
Surah Nooh, Verse 18
وَٱللَّهُ جَعَلَ لَكُمُ ٱلۡأَرۡضَ بِسَاطٗا
At si Allah ang gumawa para sa inyo ng kalupaan na nakalatag nang malawak
Surah Nooh, Verse 19
لِّتَسۡلُكُواْ مِنۡهَا سُبُلٗا فِجَاجٗا
Upang kayo ay makapaglakad dito sa malalapad na landas
Surah Nooh, Verse 20
قَالَ نُوحٞ رَّبِّ إِنَّهُمۡ عَصَوۡنِي وَٱتَّبَعُواْ مَن لَّمۡ يَزِدۡهُ مَالُهُۥ وَوَلَدُهُۥٓ إِلَّا خَسَارٗا
Si Noe ay nagbadya: “Aking Panginoon! Katotohanang sila ay sumuway sa akin at sila ay sumunod sa kanya na ang 912 kayamanan at mga anak ay hindi makakapagbigay sa kanya ng kapakinabangan bagkus ay kapahamakan (pagkatalo).”
Surah Nooh, Verse 21
وَمَكَرُواْ مَكۡرٗا كُبَّارٗا
At sila ay nagpakana ng malaking balak
Surah Nooh, Verse 22
وَقَالُواْ لَا تَذَرُنَّ ءَالِهَتَكُمۡ وَلَا تَذَرُنَّ وَدّٗا وَلَا سُوَاعٗا وَلَا يَغُوثَ وَيَعُوقَ وَنَسۡرٗا
At sila ay nagsipag-usapan sa isa’t-isa: “Huwag ninyong tatalikdan ang inyong mga diyos, gayundin ay huwag ninyong iiwan si Wadd, at si Suwa, at si Yaguth, at si Ya’uq, at si Nasr (mga pangalan ng mga imahen at rebulto);”
Surah Nooh, Verse 23
وَقَدۡ أَضَلُّواْ كَثِيرٗاۖ وَلَا تَزِدِ ٱلظَّـٰلِمِينَ إِلَّا ضَلَٰلٗا
At katotohanang inakay nila ang karamihan sa pagkaligaw. At (o Allah)! “Huwag Kayong magbigay ng dagdag sa Zalimun (mga mapagsamba sa diyus-diyosan, mapaggawa ng kamalian, walang pananalig, atbp.), maliban sa kamalian.”
Surah Nooh, Verse 24
مِّمَّا خَطِيٓـَٰٔتِهِمۡ أُغۡرِقُواْ فَأُدۡخِلُواْ نَارٗا فَلَمۡ يَجِدُواْ لَهُم مِّن دُونِ ٱللَّهِ أَنصَارٗا
dahilan sa kanilang mga kasalanan sila ay nilunod (sa dilubyo ng baha), at pinag-utusan na magsipasok sa Apoy (ng kaparusahan), at sila ay hindi nakatagpo ng sinuman na makakatulong sa kanila sa halip (bilang kapalit) ni Allah
Surah Nooh, Verse 25
وَقَالَ نُوحٞ رَّبِّ لَا تَذَرۡ عَلَى ٱلۡأَرۡضِ مِنَ ٱلۡكَٰفِرِينَ دَيَّارًا
At si Noe ay nagturing: “Aking Panginoon! Huwag Kayong mag-iwan sa kalupaan ng kahit na isang hindi nananampalataya
Surah Nooh, Verse 26
إِنَّكَ إِن تَذَرۡهُمۡ يُضِلُّواْ عِبَادَكَ وَلَا يَلِدُوٓاْ إِلَّا فَاجِرٗا كَفَّارٗا
Kung sila ay Inyong iwan, ay kanilang ililigaw ang Inyong matatapat na alipin, at sila ay magpapakarami (mga tao) na hindi hihigit pa sa pag- uugali maliban sa kabuktutan at kawalan ng utang na loob
Surah Nooh, Verse 27
رَّبِّ ٱغۡفِرۡ لِي وَلِوَٰلِدَيَّ وَلِمَن دَخَلَ بَيۡتِيَ مُؤۡمِنٗا وَلِلۡمُؤۡمِنِينَ وَٱلۡمُؤۡمِنَٰتِۖ وَلَا تَزِدِ ٱلظَّـٰلِمِينَ إِلَّا تَبَارَۢا
Aking Panginoon! Inyong patawarin ako at ang aking mga magulang, at sa sinuman na pumapasok sa aking tahanan ng may pananalig, at lahat ng mga sumasampalatayang lalaki at sumasampalatayang babae, at huwag Ninyong pagkalooban ang mga tampalasan (ng anuman) maliban sa kapahamakan at pagkawasak!”
Surah Nooh, Verse 28