Surah Al-Jinn - Filipino Translation by Abdullatif Eduardo M. Arceo
قُلۡ أُوحِيَ إِلَيَّ أَنَّهُ ٱسۡتَمَعَ نَفَرٞ مِّنَ ٱلۡجِنِّ فَقَالُوٓاْ إِنَّا سَمِعۡنَا قُرۡءَانًا عَجَبٗا
Ipagbadya ( o Muhammad): “Ipinahayag sa akin na ang isang pangkat ng Jinn (na may bilang mula tatlo hanggang sampu) ay nakinig (sa Qur’an).” Sila ay nagsasabi: “Katotohanang aming napakinggan ang isang Maindayog at Kamangha-manghang Pagbigkas (sa Quran)!”
Surah Al-Jinn, Verse 1
يَهۡدِيٓ إِلَى ٱلرُّشۡدِ فَـَٔامَنَّا بِهِۦۖ وَلَن نُّشۡرِكَ بِرَبِّنَآ أَحَدٗا
Na namamatnubay sa Tuwid na Landas (katuwiran at kagalingan), at kami ay sumampalataya rito at hindi kailanman kami ay magtatambal ng anuman (sa pagsamba) sa aming Panginoon (Allah)
Surah Al-Jinn, Verse 2
وَأَنَّهُۥ تَعَٰلَىٰ جَدُّ رَبِّنَا مَا ٱتَّخَذَ صَٰحِبَةٗ وَلَا وَلَدٗا
At ganap na Kaluwalhatian ang Kataasan ng aming Panginoon. Siya (Allah) ay hindi nag-angkin sa Kanyang sarili ng asawa o ng anak (o mga supling o mga anak)
Surah Al-Jinn, Verse 3
وَأَنَّهُۥ كَانَ يَقُولُ سَفِيهُنَا عَلَى ٱللَّهِ شَطَطٗا
At ang mga luku- luko (at baliw) sa lipon namin (alalaong baga, si Iblis o ang mga Jinn na mapagsamba sa mga diyus-diyosan) ay nagpapahayag ng kasinungalingan laban kay Allah na hindi nararapat
Surah Al-Jinn, Verse 4
وَأَنَّا ظَنَنَّآ أَن لَّن تَقُولَ ٱلۡإِنسُ وَٱلۡجِنُّ عَلَى ٱللَّهِ كَذِبٗا
Katotohanan! Ang sangkatauhan at mga Jinn ay hindi marapat na magturing ng kasinungalingan laban kay Allah
Surah Al-Jinn, Verse 5
وَأَنَّهُۥ كَانَ رِجَالٞ مِّنَ ٱلۡإِنسِ يَعُوذُونَ بِرِجَالٖ مِّنَ ٱلۡجِنِّ فَزَادُوهُمۡ رَهَقٗا
At katotohanan na may mga tao sa lipon ng sangkatauhan ang nananahan sa matitipunong mga tao sa gitna ng mga Jinn, datapuwa’t sila (Jinn) ay lalong naglulong (sa sangkatauhan) sa kasalanan at kawalan ng pananalig
Surah Al-Jinn, Verse 6
وَأَنَّهُمۡ ظَنُّواْ كَمَا ظَنَنتُمۡ أَن لَّن يَبۡعَثَ ٱللَّهُ أَحَدٗا
At katotohanang sila ay nag-akala na katulad ng inyong pag-aakala na si Allah ay hindi magsusugo ng sinumang tagapagbalita (sa sangkatauhan at sa Jinn)
Surah Al-Jinn, Verse 7
وَأَنَّا لَمَسۡنَا ٱلسَّمَآءَ فَوَجَدۡنَٰهَا مُلِئَتۡ حَرَسٗا شَدِيدٗا وَشُهُبٗا
At ang mga Jinn ay nagsabi: “At kami ay sumilip (sa mga lihim) ng kalangitan, datapuwa’t aming natagpuan na tigib ito ng mga mahihigpit na tagapagbantay at naglalagablab na apoy.”
Surah Al-Jinn, Verse 8
وَأَنَّا كُنَّا نَقۡعُدُ مِنۡهَا مَقَٰعِدَ لِلسَّمۡعِۖ فَمَن يَسۡتَمِعِ ٱلۡأٓنَ يَجِدۡ لَهُۥ شِهَابٗا رَّصَدٗا
At katotohanang kami ay lagi nang nakaupo roon (sa nakukubling lugar) upang (makaulinig) ng mapapakinggan, datapuwa’t sinuman ang nakikinig ngayon ay makakatagpo ng isang naglalagablab na apoy na naghihintay sa kanya upang tambangan
Surah Al-Jinn, Verse 9
وَأَنَّا لَا نَدۡرِيٓ أَشَرٌّ أُرِيدَ بِمَن فِي ٱلۡأَرۡضِ أَمۡ أَرَادَ بِهِمۡ رَبُّهُمۡ رَشَدٗا
At hindi namin napag-uunawa kung ang kasamaan (o panganib) ay nakalaan sa lahat ng nasa kalupaan, o kung ang kanilang Panginoon ay nagnanais na sila ay patnubayan sa Tuwid na Landas
Surah Al-Jinn, Verse 10
وَأَنَّا مِنَّا ٱلصَّـٰلِحُونَ وَمِنَّا دُونَ ذَٰلِكَۖ كُنَّا طَرَآئِقَ قِدَدٗا
At sa karamihan namin ay mayroong ilan na matutuwid (sa asal) at ang ilan ay malayo sa (matutuwid na asal). Kami ay mga pangkatin na sumusunod sa magkakahiwalay na landas (iba’t ibang sekta ng pananampalataya, atbp)
Surah Al-Jinn, Verse 11
وَأَنَّا ظَنَنَّآ أَن لَّن نُّعۡجِزَ ٱللَّهَ فِي ٱلۡأَرۡضِ وَلَن نُّعۡجِزَهُۥ هَرَبٗا
At nababatid namin na kami ay hindi makakatakas sa (kaparusahan) ni Allah dito sa kalupaan, at hindi rin kami makakawala (sa kaparusahan) sa pamamagitan ng pagtakas
Surah Al-Jinn, Verse 12
وَأَنَّا لَمَّا سَمِعۡنَا ٱلۡهُدَىٰٓ ءَامَنَّا بِهِۦۖ فَمَن يُؤۡمِنۢ بِرَبِّهِۦ فَلَا يَخَافُ بَخۡسٗا وَلَا رَهَقٗا
At katotohanan na aming napakinggan ang Pahayag (Qur’an), kami ay nagsisampalataya rito (sa Kaisahan ni Allah), at sinuman ang manampalataya sa kanyang Panginoon ay walang ipangangamba maging ito man ay sa pagkabawas ng gantimpala sa kanyang mabubuting gawa o sa dagdag na kaparusahan sa kanyang mga kasalanan. ** Mga nilikha ni Allah na hindi natin nakikita, subalit katulad din ng mga tao ay may pananagutan sa kanilang gawa, may kalayaan sila na gumawa ng mabuti at masama, ang sumunod o sumuway kay Allah at sa Kanyang kautusan, at sa kanila ay may paghuhukom din na darating at may kabayaran ng gantimpala o kaparusahan ayon sa kanilang ginawa
Surah Al-Jinn, Verse 13
وَأَنَّا مِنَّا ٱلۡمُسۡلِمُونَ وَمِنَّا ٱلۡقَٰسِطُونَۖ فَمَنۡ أَسۡلَمَ فَأُوْلَـٰٓئِكَ تَحَرَّوۡاْ رَشَدٗا
At ang ilan sa karamihan namin ay mga Muslim (na nagsuko ng kanilang kalooban kay Allah matapos na makinig sa Qur’an), at may mga ilan sa karamihan namin ay Al-Qasitun (mga walang pananalig at lumihis sa Tuwid na Landas). At sinuman ang magsuko ng kanyang kalooban kay Allah (alalaong baga, ang yumakap sa Islam), katotohanang sila ay nagkamit ng Tuwid na Landas (sa mabuting asal)
Surah Al-Jinn, Verse 14
وَأَمَّا ٱلۡقَٰسِطُونَ فَكَانُواْ لِجَهَنَّمَ حَطَبٗا
At sa Qasitun (mga walang pananalig at katarungan na lumihis sa Tuwid na Landas), sila ang magiging panggatong (sa Apoy) ng Impiyerno
Surah Al-Jinn, Verse 15
وَأَلَّوِ ٱسۡتَقَٰمُواْ عَلَى ٱلطَّرِيقَةِ لَأَسۡقَيۡنَٰهُم مَّآءً غَدَقٗا
At kung sila (na sumasamba sa diyus-diyosan, hindi mga Muslim) ay sumampalataya kay Allah at namalagi lamang sa Tuwid na Landas (Islam), katotohanang Kami ay magkakaloob sa kanila ng saganang ulan
Surah Al-Jinn, Verse 16
لِّنَفۡتِنَهُمۡ فِيهِۚ وَمَن يُعۡرِضۡ عَن ذِكۡرِ رَبِّهِۦ يَسۡلُكۡهُ عَذَابٗا صَعَدٗا
Upang sila ay Aming masubukan sa gayong paraan. Datapuwa’t sinuman ang tumalikod sa Paala-ala ng kanyang Panginoon (alalaong baga, sa Qur’an at hindi nagsagawa sa mga batas at pag-uutos nito), ay igagawad Niya sa kanya ang pumasok sa Matinding Kaparusahan (Impiyerno)
Surah Al-Jinn, Verse 17
وَأَنَّ ٱلۡمَسَٰجِدَ لِلَّهِ فَلَا تَدۡعُواْ مَعَ ٱللَّهِ أَحَدٗا
At ang mga Moske o lugar ng pagpapatirapa (sa pagsamba) ay tanging kay Allah (lamang), kaya’t huwag manalangin sa sinuman (bilang kahati) ni Allah
Surah Al-Jinn, Verse 18
وَأَنَّهُۥ لَمَّا قَامَ عَبۡدُ ٱللَّهِ يَدۡعُوهُ كَادُواْ يَكُونُونَ عَلَيۡهِ لِبَدٗا
(Ipinahayag sa akin) nang ang alipin ni Allah (Muhammad) ay tumindig sa paninikluhod (sa kanyang Panginoon, kay Allah) sa pananalangin, sila (na mga Jinn) ay pumalibot sa kanya sa makapal na lipon na wari bang sila ay dikit-dikit sa isa’t isa (upang sila ay makinig sa pagdalit ng Propeta)
Surah Al-Jinn, Verse 19
قُلۡ إِنَّمَآ أَدۡعُواْ رَبِّي وَلَآ أُشۡرِكُ بِهِۦٓ أَحَدٗا
Ipagbadya ( o Muhammad): “Ako ay nananalangin lamang sa aking Panginoon (kay Allah lamang), at ako ay hindi nagtatambal sa Kanya ng iba pang huwad na diyos.”
Surah Al-Jinn, Verse 20
قُلۡ إِنِّي لَآ أَمۡلِكُ لَكُمۡ ضَرّٗا وَلَا رَشَدٗا
Ipagbadya: “Katotohanang ako ay walang kapamahalaan upang ilagay kayo sa kapahamakan, o dalhin kayo sa Tuwid na Landas.”
Surah Al-Jinn, Verse 21
قُلۡ إِنِّي لَن يُجِيرَنِي مِنَ ٱللَّهِ أَحَدٞ وَلَنۡ أَجِدَ مِن دُونِهِۦ مُلۡتَحَدًا
(Ipagbadya O Muhammad): “Katotohanang walang makakapagligtas sa akin sa kaparusahan ni Allah (kung ako ay susuway sa kanya), gayundin, ako ay hindi makakatagpo ng kaligtasan maliban sa Kanya.”
Surah Al-Jinn, Verse 22
إِلَّا بَلَٰغٗا مِّنَ ٱللَّهِ وَرِسَٰلَٰتِهِۦۚ وَمَن يَعۡصِ ٱللَّهَ وَرَسُولَهُۥ فَإِنَّ لَهُۥ نَارَ جَهَنَّمَ خَٰلِدِينَ فِيهَآ أَبَدًا
(Ang aking tungkulin ) ay iparating sa inyo (ang Katotohanan) na mula kay Allah at sa Kanyang Kapahayagan (Kaisahan ni Allah), at sinumang sumuway kay Allah at sa Kanyang Tagapagbalita, kung gayon, katotohanang sasakanya ang Apoy ng Impiyerno, mananahan siya rito magpakailanman
Surah Al-Jinn, Verse 23
حَتَّىٰٓ إِذَا رَأَوۡاْ مَا يُوعَدُونَ فَسَيَعۡلَمُونَ مَنۡ أَضۡعَفُ نَاصِرٗا وَأَقَلُّ عَدَدٗا
Hanggang sa sumapit ang Araw na itatambad (sa harap ng kanilang mga mata) ang bagay na sa kanila ay ipinangako (na kanilang pinag-aalinlanganan), ay mapag- aalaman nila kung sino ang mahina (sa kanyang) kapanalig (kawaksi) at walang halaga sa (karamihan) ng bilang
Surah Al-Jinn, Verse 24
قُلۡ إِنۡ أَدۡرِيٓ أَقَرِيبٞ مَّا تُوعَدُونَ أَمۡ يَجۡعَلُ لَهُۥ رَبِّيٓ أَمَدًا
Ipagbadya ( O Muhammad ): “Hindi ko nababatid kung ang kaparusahan na ipinangako sa inyo ay nalalapit na, o kung ang Panginoon ay magtatakda roon sa matagal pang panahon.”
Surah Al-Jinn, Verse 25
عَٰلِمُ ٱلۡغَيۡبِ فَلَا يُظۡهِرُ عَلَىٰ غَيۡبِهِۦٓ أَحَدًا
Siya lamang ang lubos na nakakatalastas ng Al-Ghaib (mga nakalingid at Kabilang Buhay) at hindi Niya ipinahahayag sa kaninuman ang Kanyang Ghaib (lihim at nakalingid)
Surah Al-Jinn, Verse 26
إِلَّا مَنِ ٱرۡتَضَىٰ مِن رَّسُولٖ فَإِنَّهُۥ يَسۡلُكُ مِنۢ بَيۡنِ يَدَيۡهِ وَمِنۡ خَلۡفِهِۦ رَصَدٗا
Maliban sa isang Tagapagbalita (sa sangkatauhan) na Kanyang hinirang (Siya ay nagpapahayag sa kanya sa Kanyang nais), at nagtalaga Siya ng pangkat ng tagapagbantay (mga anghel) upang manguna sa kanyang harapan at kanyang likuran
Surah Al-Jinn, Verse 27
لِّيَعۡلَمَ أَن قَدۡ أَبۡلَغُواْ رِسَٰلَٰتِ رَبِّهِمۡ وَأَحَاطَ بِمَا لَدَيۡهِمۡ وَأَحۡصَىٰ كُلَّ شَيۡءٍ عَدَدَۢا
Siya [Allah] ang nangangalaga sa kanila [mga Tagapagbalita]), hanggang sa Kanyang mamalas na katotohanang ipinahayag nila (mga Tagapagbalita) ang Kapahayagan (Tagubilin) ng kanilang Panginoon. At Kanyang nilulukuban ang lahat ng nasa kanilang (paghahawak), at Siya ang naghahawak sa pagsusulit ng lahat ng bagay (alalaong baga, lubos Niyang batid ang ganap na bilang ng bawat bagay). siyA nA nABABAlutAn ng kAsuutAn
Surah Al-Jinn, Verse 28