Surah Al-Jinn - Filipino Translation by Www.islamhouse.com
قُلۡ أُوحِيَ إِلَيَّ أَنَّهُ ٱسۡتَمَعَ نَفَرٞ مِّنَ ٱلۡجِنِّ فَقَالُوٓاْ إِنَّا سَمِعۡنَا قُرۡءَانًا عَجَبٗا
Sabihin mo: "Ikinasi sa akin na may nakinig na isang pangkat ng jinn at nagsabi sila: 'Tunay na kami ay nakarinig ng isang pagbigkas na kahanga-hanga
Surah Al-Jinn, Verse 1
يَهۡدِيٓ إِلَى ٱلرُّشۡدِ فَـَٔامَنَّا بِهِۦۖ وَلَن نُّشۡرِكَ بِرَبِّنَآ أَحَدٗا
Nagpapatnubay ito sa kagabayan kaya sumampalataya kami rito at hindi kami magtatambal sa Panginoon namin ng isa man
Surah Al-Jinn, Verse 2
وَأَنَّهُۥ تَعَٰلَىٰ جَدُّ رَبِّنَا مَا ٱتَّخَذَ صَٰحِبَةٗ وَلَا وَلَدٗا
At na Siya - pagkataas-taas ang kabunyian ng Panginoon namin - ay hindi nagkaroon ng asawa ni anak
Surah Al-Jinn, Verse 3
وَأَنَّهُۥ كَانَ يَقُولُ سَفِيهُنَا عَلَى ٱللَّهِ شَطَطٗا
At na laging nagsasabi ang hunghang namin laban kay Allāh ng isang pagkalayu-layo [sa katotohanan]
Surah Al-Jinn, Verse 4
وَأَنَّا ظَنَنَّآ أَن لَّن تَقُولَ ٱلۡإِنسُ وَٱلۡجِنُّ عَلَى ٱللَّهِ كَذِبٗا
At na kami ay nagpalagay na hindi magsasabi ang tao at ang jinn laban kay Allāh ng isang kasinungalingan
Surah Al-Jinn, Verse 5
وَأَنَّهُۥ كَانَ رِجَالٞ مِّنَ ٱلۡإِنسِ يَعُوذُونَ بِرِجَالٖ مِّنَ ٱلۡجِنِّ فَزَادُوهُمۡ رَهَقٗا
At na noon ay may mga lalaki ng tao na nagpapakupkop sa mga lalaki ng jinn, kaya dumagdag ang mga ito sa kanila ng isang kabigatan
Surah Al-Jinn, Verse 6
وَأَنَّهُمۡ ظَنُّواْ كَمَا ظَنَنتُمۡ أَن لَّن يَبۡعَثَ ٱللَّهُ أَحَدٗا
At na sila ay nagpalagay gaya ng ipinagpalagay ninyo na hindi magbubuhay si Allāh ng isa man
Surah Al-Jinn, Verse 7
وَأَنَّا لَمَسۡنَا ٱلسَّمَآءَ فَوَجَدۡنَٰهَا مُلِئَتۡ حَرَسٗا شَدِيدٗا وَشُهُبٗا
At na kami ay nagtangkang umabot sa langit ngunit natagpuan namin na iyon ay pinuno ng mga tanod na matindi at mga bulalakaw
Surah Al-Jinn, Verse 8
وَأَنَّا كُنَّا نَقۡعُدُ مِنۡهَا مَقَٰعِدَ لِلسَّمۡعِۖ فَمَن يَسۡتَمِعِ ٱلۡأٓنَ يَجِدۡ لَهُۥ شِهَابٗا رَّصَدٗا
At na kami dati ay umuupo mula roon sa mga mauupuan para sa pakikinig ngunit ang sinumang makikinig ngayon ay makakatagpo siya para sa kanya ng isang bulalakaw na nakatambang
Surah Al-Jinn, Verse 9
وَأَنَّا لَا نَدۡرِيٓ أَشَرٌّ أُرِيدَ بِمَن فِي ٱلۡأَرۡضِ أَمۡ أَرَادَ بِهِمۡ رَبُّهُمۡ رَشَدٗا
At na kami ay hindi nakababatid kung may kasamaan na ninais ba para sa mga nasa lupa o nagnais sa kanila ang Panginoon nila ng isang pagkagabay
Surah Al-Jinn, Verse 10
وَأَنَّا مِنَّا ٱلصَّـٰلِحُونَ وَمِنَّا دُونَ ذَٰلِكَۖ كُنَّا طَرَآئِقَ قِدَدٗا
At na kabilang sa amin ang mga maayos at kabilang sa amin ang mababa pa roon; kami noon ay mga kaparaanang magkakaiba
Surah Al-Jinn, Verse 11
وَأَنَّا ظَنَنَّآ أَن لَّن نُّعۡجِزَ ٱللَّهَ فِي ٱلۡأَرۡضِ وَلَن نُّعۡجِزَهُۥ هَرَبٗا
Na kami ay nakatiyak na hindi kami makapagpapawalang-kakayahan kay Allāh sa lupa at hindi kami makapagpapawalang-kakayahan sa Kanya sa pagtakas
Surah Al-Jinn, Verse 12
وَأَنَّا لَمَّا سَمِعۡنَا ٱلۡهُدَىٰٓ ءَامَنَّا بِهِۦۖ فَمَن يُؤۡمِنۢ بِرَبِّهِۦ فَلَا يَخَافُ بَخۡسٗا وَلَا رَهَقٗا
At na kami, noong nakarinig kami sa patnubay, ay sumampalataya rito; at ang sinumang sumampalataya sa Panginoon niya ay hindi mangangamba sa kabawasan ni kabigatan
Surah Al-Jinn, Verse 13
وَأَنَّا مِنَّا ٱلۡمُسۡلِمُونَ وَمِنَّا ٱلۡقَٰسِطُونَۖ فَمَنۡ أَسۡلَمَ فَأُوْلَـٰٓئِكَ تَحَرَّوۡاْ رَشَدٗا
At na kabilang sa amin ang mga tagapasakop at kabilang sa amin ang mga tagalihis; at ang sinumang nagpasakop, ang mga iyon ay nagsadya sa isang paggabay
Surah Al-Jinn, Verse 14
وَأَمَّا ٱلۡقَٰسِطُونَ فَكَانُواْ لِجَهَنَّمَ حَطَبٗا
At tungkol naman sa mga tagalihis; sila para sa Impiyerno ay magiging mga panggatong
Surah Al-Jinn, Verse 15
وَأَلَّوِ ٱسۡتَقَٰمُواْ عَلَى ٱلطَّرِيقَةِ لَأَسۡقَيۡنَٰهُم مَّآءً غَدَقٗا
At na kung sakaling nagpakatuwid sila sa daan ay talaga sanang nagpatubig Kami sa kanila ng tubig na masagana
Surah Al-Jinn, Verse 16
لِّنَفۡتِنَهُمۡ فِيهِۚ وَمَن يُعۡرِضۡ عَن ذِكۡرِ رَبِّهِۦ يَسۡلُكۡهُ عَذَابٗا صَعَدٗا
upang sumubok Kami sa kanila dito. Ang sinumang umayaw sa paalaala sa Panginoon nito ay magsisingit Siya rito sa isang pagdurusang paakyat
Surah Al-Jinn, Verse 17
وَأَنَّ ٱلۡمَسَٰجِدَ لِلَّهِ فَلَا تَدۡعُواْ مَعَ ٱللَّهِ أَحَدٗا
At na ang mga masjid ay ukol kay Allāh, kaya huwag kayong manalangin kasama kay Allāh sa isa man
Surah Al-Jinn, Verse 18
وَأَنَّهُۥ لَمَّا قَامَ عَبۡدُ ٱللَّهِ يَدۡعُوهُ كَادُواْ يَكُونُونَ عَلَيۡهِ لِبَدٗا
At na noong tumindig ang lingkod ni Allāh na dumadalangin sa Kanya, halos sila sa kanya ay nagiging patung-patong
Surah Al-Jinn, Verse 19
قُلۡ إِنَّمَآ أَدۡعُواْ رَبِّي وَلَآ أُشۡرِكُ بِهِۦٓ أَحَدٗا
Sabihin mo: "Dumadalangin ako sa Panginoon ko lamang at hindi ako nagtatambal sa Kanya ng isa man
Surah Al-Jinn, Verse 20
قُلۡ إِنِّي لَآ أَمۡلِكُ لَكُمۡ ضَرّٗا وَلَا رَشَدٗا
Sabihin mo: "Tunay na ako ay hindi nakapagdudulot sa inyo ng isang pinsala ni isang paggabay
Surah Al-Jinn, Verse 21
قُلۡ إِنِّي لَن يُجِيرَنِي مِنَ ٱللَّهِ أَحَدٞ وَلَنۡ أَجِدَ مِن دُونِهِۦ مُلۡتَحَدًا
Sabihin mo: "Tunay na ako ay hindi maipagsasanggalang laban kay Allāh ng isa man at hindi makatatagpo ng bukod pa sa Kanya na isang madadaupan
Surah Al-Jinn, Verse 22
إِلَّا بَلَٰغٗا مِّنَ ٱللَّهِ وَرِسَٰلَٰتِهِۦۚ وَمَن يَعۡصِ ٱللَّهَ وَرَسُولَهُۥ فَإِنَّ لَهُۥ نَارَ جَهَنَّمَ خَٰلِدِينَ فِيهَآ أَبَدًا
ngunit [makapagdudulot ako] ng isang pagpapaabot mula kay Allāh at mga pasugo Niya." Ang mga sumusuway kay Allāh at sa Sugo Niya ay tunay na ukol sa kanila ang Apoy ng Impiyerno bilang mga mananatili roon magpakailanman
Surah Al-Jinn, Verse 23
حَتَّىٰٓ إِذَا رَأَوۡاْ مَا يُوعَدُونَ فَسَيَعۡلَمُونَ مَنۡ أَضۡعَفُ نَاصِرٗا وَأَقَلُّ عَدَدٗا
Hanggang sa kapag nakita na nila ang ipinangako sa kanila ay makaaalam sila kung sino ang higit na mahina sa tagapag-adya at higit na kaunti sa bilang
Surah Al-Jinn, Verse 24
قُلۡ إِنۡ أَدۡرِيٓ أَقَرِيبٞ مَّا تُوعَدُونَ أَمۡ يَجۡعَلُ لَهُۥ رَبِّيٓ أَمَدًا
Sabihin mo: "Hindi ako nakababatid kung malapit ba ang ipinangako sa inyo o maglalagay para rito ang Panginoon ko ng isang [mahabang] yugto
Surah Al-Jinn, Verse 25
عَٰلِمُ ٱلۡغَيۡبِ فَلَا يُظۡهِرُ عَلَىٰ غَيۡبِهِۦٓ أَحَدًا
[Siya] ang Nakaaalam sa Lingid, at hindi Siya naghahayag sa Lingid Niya sa isa man
Surah Al-Jinn, Verse 26
إِلَّا مَنِ ٱرۡتَضَىٰ مِن رَّسُولٖ فَإِنَّهُۥ يَسۡلُكُ مِنۢ بَيۡنِ يَدَيۡهِ وَمِنۡ خَلۡفِهِۦ رَصَدٗا
maliban sa sinumang kinalugdan Niya na isang sugo sapagkat tunay na Siya ay nagpapatahak mula sa harapan nito at mula sa likuran nito ng [mga anghel na nakatambang]
Surah Al-Jinn, Verse 27
لِّيَعۡلَمَ أَن قَدۡ أَبۡلَغُواْ رِسَٰلَٰتِ رَبِّهِمۡ وَأَحَاطَ بِمَا لَدَيۡهِمۡ وَأَحۡصَىٰ كُلَّ شَيۡءٍ عَدَدَۢا
upang makaalam ito na nagpaabot nga sila ng mga pasugo ng Panginoon nila. Sumaklaw Siya sa anumang taglay nila at nag-isa-isa Siya sa bawat bagay sa bilang
Surah Al-Jinn, Verse 28