Surah Al-Muzzammil - Filipino Translation by Www.islamhouse.com
يَـٰٓأَيُّهَا ٱلۡمُزَّمِّلُ
O nakabalot
Surah Al-Muzzammil, Verse 1
قُمِ ٱلَّيۡلَ إِلَّا قَلِيلٗا
bumangon ka [upang magdasal] sa gabi, maliban sa kaunting [bahagi nito]
Surah Al-Muzzammil, Verse 2
نِّصۡفَهُۥٓ أَوِ ٱنقُصۡ مِنۡهُ قَلِيلًا
kalahati nito, o magbawas ka mula rito ng kaunti
Surah Al-Muzzammil, Verse 3
أَوۡ زِدۡ عَلَيۡهِ وَرَتِّلِ ٱلۡقُرۡءَانَ تَرۡتِيلًا
o magdagdag ka rito at bumigkas ka sa Qur’ān sa isang [tamang] pagbigkas
Surah Al-Muzzammil, Verse 4
إِنَّا سَنُلۡقِي عَلَيۡكَ قَوۡلٗا ثَقِيلًا
Tunay na Kami ay magpupukol sa iyo ng isang sinasabing mabigat
Surah Al-Muzzammil, Verse 5
إِنَّ نَاشِئَةَ ٱلَّيۡلِ هِيَ أَشَدُّ وَطۡـٔٗا وَأَقۡوَمُ قِيلًا
Tunay na ang [pagsambang] namumutawi sa gabi ay higit na matindi sa pagtalab at higit na matuwid sa pagsabi
Surah Al-Muzzammil, Verse 6
إِنَّ لَكَ فِي ٱلنَّهَارِ سَبۡحٗا طَوِيلٗا
Tunay na ukol sa iyo sa maghapon ay isang magagawang mahaba
Surah Al-Muzzammil, Verse 7
وَٱذۡكُرِ ٱسۡمَ رَبِّكَ وَتَبَتَّلۡ إِلَيۡهِ تَبۡتِيلٗا
At bumanggit ka sa pangalan ng Panginoon mo at mag-ukol ka [ng sarili sa pagsamba] sa Kanya sa isang [tapat na] pag-uukol
Surah Al-Muzzammil, Verse 8
رَّبُّ ٱلۡمَشۡرِقِ وَٱلۡمَغۡرِبِ لَآ إِلَٰهَ إِلَّا هُوَ فَٱتَّخِذۡهُ وَكِيلٗا
Ang Panginoon ng silangan at kanluran, walang Diyos kundi Siya; kaya gumawa ka sa Kanya bilang Pinagkakatiwalaan
Surah Al-Muzzammil, Verse 9
وَٱصۡبِرۡ عَلَىٰ مَا يَقُولُونَ وَٱهۡجُرۡهُمۡ هَجۡرٗا جَمِيلٗا
At magtiis ka sa sinasabi nila at umiwan ka sa kanila ayon sa isang pag-iwang maganda
Surah Al-Muzzammil, Verse 10
وَذَرۡنِي وَٱلۡمُكَذِّبِينَ أُوْلِي ٱلنَّعۡمَةِ وَمَهِّلۡهُمۡ قَلِيلًا
At magpaubaya Ka sa akin sa mga tagapasinungaling na may biyaya, at mag-anta-antabay ka sa kanila nang kaunti
Surah Al-Muzzammil, Verse 11
إِنَّ لَدَيۡنَآ أَنكَالٗا وَجَحِيمٗا
Tunay na taglay Namin ay mga panggapos at isang impiyerno
Surah Al-Muzzammil, Verse 12
وَطَعَامٗا ذَا غُصَّةٖ وَعَذَابًا أَلِيمٗا
at isang pagkain na may pambara at isang pagdurusang masakit
Surah Al-Muzzammil, Verse 13
يَوۡمَ تَرۡجُفُ ٱلۡأَرۡضُ وَٱلۡجِبَالُ وَكَانَتِ ٱلۡجِبَالُ كَثِيبٗا مَّهِيلًا
sa Araw na yayanig ang lupa at ang mga bundok, at ang mga bundok ay magiging bunton ng buhanging gumuguho
Surah Al-Muzzammil, Verse 14
إِنَّآ أَرۡسَلۡنَآ إِلَيۡكُمۡ رَسُولٗا شَٰهِدًا عَلَيۡكُمۡ كَمَآ أَرۡسَلۡنَآ إِلَىٰ فِرۡعَوۡنَ رَسُولٗا
Tunay na Kami ay nagsugo sa inyo ng isang Sugo na tagasaksi sa inyo kung paanong nagsugo Kami kay Paraon ng isang sugo
Surah Al-Muzzammil, Verse 15
فَعَصَىٰ فِرۡعَوۡنُ ٱلرَّسُولَ فَأَخَذۡنَٰهُ أَخۡذٗا وَبِيلٗا
Ngunit sumuway si Paraon sa sugo kaya dumaklot Kami sa kanya sa isang pagdaklot na mabigat
Surah Al-Muzzammil, Verse 16
فَكَيۡفَ تَتَّقُونَ إِن كَفَرۡتُمۡ يَوۡمٗا يَجۡعَلُ ٱلۡوِلۡدَٰنَ شِيبًا
Kaya papaano kayong mangingilag kung tumanggi kayong sumampalataya, sa isang araw na gagawa sa mga bata na ubanin
Surah Al-Muzzammil, Verse 17
ٱلسَّمَآءُ مُنفَطِرُۢ بِهِۦۚ كَانَ وَعۡدُهُۥ مَفۡعُولًا
Ang langit ay mabibitak sa [Araw na] iyon. Laging ang pangako Niya ay magagawa
Surah Al-Muzzammil, Verse 18
إِنَّ هَٰذِهِۦ تَذۡكِرَةٞۖ فَمَن شَآءَ ٱتَّخَذَ إِلَىٰ رَبِّهِۦ سَبِيلًا
Tunay na ito ay isang pagpapaalaala, kaya ang sinumang lumuob ay gumawa siya tungo sa Panginoon niya ng isang landas
Surah Al-Muzzammil, Verse 19
۞إِنَّ رَبَّكَ يَعۡلَمُ أَنَّكَ تَقُومُ أَدۡنَىٰ مِن ثُلُثَيِ ٱلَّيۡلِ وَنِصۡفَهُۥ وَثُلُثَهُۥ وَطَآئِفَةٞ مِّنَ ٱلَّذِينَ مَعَكَۚ وَٱللَّهُ يُقَدِّرُ ٱلَّيۡلَ وَٱلنَّهَارَۚ عَلِمَ أَن لَّن تُحۡصُوهُ فَتَابَ عَلَيۡكُمۡۖ فَٱقۡرَءُواْ مَا تَيَسَّرَ مِنَ ٱلۡقُرۡءَانِۚ عَلِمَ أَن سَيَكُونُ مِنكُم مَّرۡضَىٰ وَءَاخَرُونَ يَضۡرِبُونَ فِي ٱلۡأَرۡضِ يَبۡتَغُونَ مِن فَضۡلِ ٱللَّهِ وَءَاخَرُونَ يُقَٰتِلُونَ فِي سَبِيلِ ٱللَّهِۖ فَٱقۡرَءُواْ مَا تَيَسَّرَ مِنۡهُۚ وَأَقِيمُواْ ٱلصَّلَوٰةَ وَءَاتُواْ ٱلزَّكَوٰةَ وَأَقۡرِضُواْ ٱللَّهَ قَرۡضًا حَسَنٗاۚ وَمَا تُقَدِّمُواْ لِأَنفُسِكُم مِّنۡ خَيۡرٖ تَجِدُوهُ عِندَ ٱللَّهِ هُوَ خَيۡرٗا وَأَعۡظَمَ أَجۡرٗاۚ وَٱسۡتَغۡفِرُواْ ٱللَّهَۖ إِنَّ ٱللَّهَ غَفُورٞ رَّحِيمُۢ
Tunay na ang Panginoon mo ay nakaaalam na ikaw ay tumatayo [sa pagdarasal] sa pinakamalapit sa dalawang-katlo ng magdamag o kalahati nito o isang katlo nito, at [gayon din] ang isang pangkat kabilang sa mga kasama sa iyo. Si Allāh ay nagtatakda sa [sukat ng] magdamag at maghapon. Nakaalam Siya na hindi kayo makakakaya niyon, at tumanggap Siya sa inyo ng pagbabalik-loob kaya bumigkas kayo ng anumang naging madali mula sa Qur’ān. Nakaalam Siya na kabilang sa inyo ay magiging mga may-sakit, may mga iba na maglalakbay sa lupain habang naghahanap ng kabutihang-loob ni Allāh, at may mga iba pa na makikipaglaban sa landas ni Allāh. Kaya bumigkas kayo ng anumang naging madali mula rito. Magpanatili kayo ng pagdarasal, magbigay kayo ng zakāh, at magpautang kayo kay Allāh ng isang pautang na maganda. Ang anumang ipinauuna ninyo para sa mga sarili ninyo na kabutihan ay makatatagpo kayo rito, sa ganang kay Allāh, ng isang higit na mabuti at isang higit na mabigat sa pabuya. Humingi kayo ng tawad kay Allāh; tunay na si Allāh ay Mapagpatawad, Maawain
Surah Al-Muzzammil, Verse 20