Surah Al-Muzzammil - Filipino Translation by Abdullatif Eduardo M. Arceo
يَـٰٓأَيُّهَا ٱلۡمُزَّمِّلُ
o ikaw na nababalutan ng kasuotan (alalaong baga, si Propeta Muhammad)
Surah Al-Muzzammil, Verse 1
قُمِ ٱلَّيۡلَ إِلَّا قَلِيلٗا
Tumindig ka (sa pananalangin) sa buong magdamag, maliban sa kaunting oras lamang
Surah Al-Muzzammil, Verse 2
نِّصۡفَهُۥٓ أَوِ ٱنقُصۡ مِنۡهُ قَلِيلًا
Sa kalahati nito (ng magdamag), o kulang pa rito
Surah Al-Muzzammil, Verse 3
أَوۡ زِدۡ عَلَيۡهِ وَرَتِّلِ ٱلۡقُرۡءَانَ تَرۡتِيلًا
o humigit pa rito; at iyong dalitin ang Qur’an (nang malakas) sa marahan at matimyas na pagbigkas
Surah Al-Muzzammil, Verse 4
إِنَّا سَنُلۡقِي عَلَيۡكَ قَوۡلٗا ثَقِيلًا
Katotohanan na Aming ipapanaog sa iyo ang isang mayamang Pahayag (at Tagubilin sa mga batas, katungkulan, atbp)
Surah Al-Muzzammil, Verse 5
إِنَّ نَاشِئَةَ ٱلَّيۡلِ هِيَ أَشَدُّ وَطۡـٔٗا وَأَقۡوَمُ قِيلًا
Katotohanan, ang iyong pagbangon sa gabi (Tahajjud na panalangin) ay siyang oras na napakahirap (datapuwa’t) mabisa at mainam sa pamamatnubay ng (iyong kaluluwa), at pinakaangkop sa (pang-unawa) sa Salita (ni Allah)
Surah Al-Muzzammil, Verse 6
إِنَّ لَكَ فِي ٱلنَّهَارِ سَبۡحٗا طَوِيلٗا
Katotohanang nasa iyo sa maghapon (sa liwanag ng araw) ang paghanap ng iyong ikabubuhay at pagganap sa mga pangkaraniwang gawain
Surah Al-Muzzammil, Verse 7
وَٱذۡكُرِ ٱسۡمَ رَبِّكَ وَتَبَتَّلۡ إِلَيۡهِ تَبۡتِيلٗا
At lagi mong alalahanin ang Pangalan ng iyong Panginoon at ibuhos mo ang iyong pansin sa Kanya nang ganap at taimtim
Surah Al-Muzzammil, Verse 8
رَّبُّ ٱلۡمَشۡرِقِ وَٱلۡمَغۡرِبِ لَآ إِلَٰهَ إِلَّا هُوَ فَٱتَّخِذۡهُ وَكِيلٗا
Tanging Siya 918 (lamang) ang Panginoon ng Silangan at Kanluran. La ilaha illa Allah (wala ng iba pang diyos na karapat-dapat pag- ukulan ng pagsamba maliban kay Allah). Kaya’t panaligan mo lamang Siya bilang iyong wakil (tagapamahala ng iyong kapakanan)
Surah Al-Muzzammil, Verse 9
وَٱصۡبِرۡ عَلَىٰ مَا يَقُولُونَ وَٱهۡجُرۡهُمۡ هَجۡرٗا جَمِيلٗا
At maging matiyaga (o Muhammad) sa kanila (na hindi sumasampalataya) sa kanilang sinasabi, at lumayokasakanilasamabutingparaan
Surah Al-Muzzammil, Verse 10
وَذَرۡنِي وَٱلۡمُكَذِّبِينَ أُوْلِي ٱلنَّعۡمَةِ وَمَهِّلۡهُمۡ قَلِيلًا
Atiyonghayaanna Ako (ang tanging) makitungo sa mga bulaan (na nagtatatwa ng Aking mga Talata, atbp.), at sila na naghahawak ng mga mabubuting bagay sa buhay. At iyong bigyan sila ng palugit sa maigsing panahon
Surah Al-Muzzammil, Verse 11
إِنَّ لَدَيۡنَآ أَنكَالٗا وَجَحِيمٗا
Katotohanan! Nasa Amin ang mga panggapos (na magtatali sa kanila) at Nag-aalimpuyong Apoy (na tutupok sa kanila)
Surah Al-Muzzammil, Verse 12
وَطَعَامٗا ذَا غُصَّةٖ وَعَذَابًا أَلِيمٗا
At pagkain na babalalak sa kanilang lalamunan (na nakakabunsol) at Kasakit-sakit na Kaparusahan
Surah Al-Muzzammil, Verse 13
يَوۡمَ تَرۡجُفُ ٱلۡأَرۡضُ وَٱلۡجِبَالُ وَكَانَتِ ٱلۡجِبَالُ كَثِيبٗا مَّهِيلًا
Sa Araw na ang kalupaan at kabundukan ay mayayanig nang matindi, at ang kabundukan ay magiging pinong tumpok ng buhangin na bumubuhos at umaagos nang pababa
Surah Al-Muzzammil, Verse 14
إِنَّآ أَرۡسَلۡنَآ إِلَيۡكُمۡ رَسُولٗا شَٰهِدًا عَلَيۡكُمۡ كَمَآ أَرۡسَلۡنَآ إِلَىٰ فِرۡعَوۡنَ رَسُولٗا
Katotohanan! Kami ay nagsugo sa inyo (O mga tao) ng isang Tagapagbalita (Muhammad) na magiging saksi sa harapan ninyo, kung paano Kami nagsugo ng isang Tagapagbalita (Moises) kay Paraon
Surah Al-Muzzammil, Verse 15
فَعَصَىٰ فِرۡعَوۡنُ ٱلرَّسُولَ فَأَخَذۡنَٰهُ أَخۡذٗا وَبِيلٗا
Datapuwa’t si Paraon ay sumuway sa Aming Tagapagbalita (Moises), kaya’t Aming sinakmal siya ng matinding kaparusahan
Surah Al-Muzzammil, Verse 16
فَكَيۡفَ تَتَّقُونَ إِن كَفَرۡتُمۡ يَوۡمٗا يَجۡعَلُ ٱلۡوِلۡدَٰنَ شِيبًا
Kaya’t paano ninyo iiwasan ang kaparusahan kung kayo ay walang paniniwala (kay Allah), sa Araw na ang mga bata ay magiging lanta (sa kulay na pilak ng kanilang buhok) sa (Araw ng Muling Pagkabuhay)
Surah Al-Muzzammil, Verse 17
ٱلسَّمَآءُ مُنفَطِرُۢ بِهِۦۚ كَانَ وَعۡدُهُۥ مَفۡعُولًا
Na roon ang kalangitan ay mawawarak? Ang Kanyang pangako ay katiyakang matutupad
Surah Al-Muzzammil, Verse 18
إِنَّ هَٰذِهِۦ تَذۡكِرَةٞۖ فَمَن شَآءَ ٱتَّخَذَ إِلَىٰ رَبِّهِۦ سَبِيلًا
Katotohanan! Ito ay isang Paala-ala (at Tagubilin). Kaya’t sinuman ang magnais, hayaan siyang tumahak sa tuwid na landas patungo sa kanyang Panginoon
Surah Al-Muzzammil, Verse 19
۞إِنَّ رَبَّكَ يَعۡلَمُ أَنَّكَ تَقُومُ أَدۡنَىٰ مِن ثُلُثَيِ ٱلَّيۡلِ وَنِصۡفَهُۥ وَثُلُثَهُۥ وَطَآئِفَةٞ مِّنَ ٱلَّذِينَ مَعَكَۚ وَٱللَّهُ يُقَدِّرُ ٱلَّيۡلَ وَٱلنَّهَارَۚ عَلِمَ أَن لَّن تُحۡصُوهُ فَتَابَ عَلَيۡكُمۡۖ فَٱقۡرَءُواْ مَا تَيَسَّرَ مِنَ ٱلۡقُرۡءَانِۚ عَلِمَ أَن سَيَكُونُ مِنكُم مَّرۡضَىٰ وَءَاخَرُونَ يَضۡرِبُونَ فِي ٱلۡأَرۡضِ يَبۡتَغُونَ مِن فَضۡلِ ٱللَّهِ وَءَاخَرُونَ يُقَٰتِلُونَ فِي سَبِيلِ ٱللَّهِۖ فَٱقۡرَءُواْ مَا تَيَسَّرَ مِنۡهُۚ وَأَقِيمُواْ ٱلصَّلَوٰةَ وَءَاتُواْ ٱلزَّكَوٰةَ وَأَقۡرِضُواْ ٱللَّهَ قَرۡضًا حَسَنٗاۚ وَمَا تُقَدِّمُواْ لِأَنفُسِكُم مِّنۡ خَيۡرٖ تَجِدُوهُ عِندَ ٱللَّهِ هُوَ خَيۡرٗا وَأَعۡظَمَ أَجۡرٗاۚ وَٱسۡتَغۡفِرُواْ ٱللَّهَۖ إِنَّ ٱللَّهَ غَفُورٞ رَّحِيمُۢ
Katotohanan! Ang iyong Panginoon ay nakakabatid na ikaw ay nagpupuyat sa pananalangin (sa kahabaan ng gabi), ng maigsi sa dalawang katlo (2/3) ng gabi, o kalahati (1/2) ng gabi, o isang katlo (1/3) ng gabi, gayundin naman ang isang pangkat na iyong kasama-sama. At si Allah ang nagtalaga (sa inyo) ng Gabi at Araw sa ganap na sukat. Talastas Niya na ikaw ay hindi makakapanalangin sa buong magdamag, kaya’t Siya ay naggawad sa iyo ng Kanyang Habag. Kaya’t iyong ipagsaysay ang Qur’an sa iyong makakaya, sa paraan na magaan sa iyo. Talastas Niya na mayroong ilan sa inyo ang may sakit, at ang iba naman ay naglalakbay sa kalupaan sa paghahanap ng (saganang) Biyaya ni Allah, at ang iba ay nakikipaglaban tungo sa Kapakanan ni Allah. Kaya’t iyong ipagsaysay ang Qur’an sa iyong makakaya, sa paraang magaan sa iyo, at ikaw ay mag-alay ng pang-araw-araw na panalangin (Iqamat-as-Salah) nang mahinusay, at magbigay ng Zakah (katungkulang kawanggawa), at magpautang kay Allah ng isang Magandang Pautang (alalaong baga, gumugol sa Kapakanan ni Allah). At anumang mabuting bagay ang inyong ipinadala patungkol sa inyong kaluluwa (mga gawa ng pagsamba tulad ng pagdarasal, kawanggawa, pag-aayuno, Hajj, Umra, atbp.) ay katiyakang matatagpuan ninyo ito sa harapan ni Allah. Katotohanan! Ito ay mainam at sagana sa kabayaran ng gantimpala. At inyong paghanapin ang Biyaya (at Pagpapatawad) ni Allah. Katotohanang si Allah ay Lagi nang Nagpapatawad, ang Lubos na Mahabagin. 920 siyA nA nABABAlutAn
Surah Al-Muzzammil, Verse 20