Surah Al-Muddathir - Filipino Translation by Abdullatif Eduardo M. Arceo
يَـٰٓأَيُّهَا ٱلۡمُدَّثِّرُ
o ikaw (Muhammad) na nababalot (ng balabal)
Surah Al-Muddathir, Verse 1
قُمۡ فَأَنذِرۡ
Magbangon ka at ipahayag mo ang iyong babala
Surah Al-Muddathir, Verse 2
وَرَبَّكَ فَكَبِّرۡ
Ang iyong Panginoon (Allah) ang iyong ipinagbubunyi sa kapurihan
Surah Al-Muddathir, Verse 3
وَثِيَابَكَ فَطَهِّرۡ
Ang iyong kasuotan ay gawin mong dalisay
Surah Al-Muddathir, Verse 4
وَٱلرُّجۡزَ فَٱهۡجُرۡ
Ang lahat ng kabuktutan ay iyong layuan (Ar-Rujz, mga imahen o diyus-diyosan)
Surah Al-Muddathir, Verse 5
وَلَا تَمۡنُن تَسۡتَكۡثِرُ
At huwag maghangad ng ganti kung ikaw ay nagbigay, na dagdag sa makamundong pakinabang (o huwag mong ipalagay na ang gawang kabutihan sa pagsunod kay Allah ay isang biyaya sa Kanya)
Surah Al-Muddathir, Verse 6
وَلِرَبِّكَ فَٱصۡبِرۡ
At maging matimtiman (sa pagtitimpi) sa kapakanan ng iyong Panginoon (alalaong baga, iyong ganapin ang iyong tungkulin sa Kanya)
Surah Al-Muddathir, Verse 7
فَإِذَا نُقِرَ فِي ٱلنَّاقُورِ
At kung hihipan na ang Tambuli (sa kanyang pangalawang pag-ihip)
Surah Al-Muddathir, Verse 8
فَذَٰلِكَ يَوۡمَئِذٖ يَوۡمٌ عَسِيرٌ
Katotohanan! Ang Araw na yaon ay Araw ng Hapis
Surah Al-Muddathir, Verse 9
عَلَى ٱلۡكَٰفِرِينَ غَيۡرُ يَسِيرٖ
Na kasakit-sakit sa mga walang pananalig
Surah Al-Muddathir, Verse 10
ذَرۡنِي وَمَنۡ خَلَقۡتُ وَحِيدٗا
Hayaang Ako lamang (ang makitungo) sa mga (nilalang) na Aking nilikha (na hubad at walang pinagkukunan ng anuman)
Surah Al-Muddathir, Verse 11
وَجَعَلۡتُ لَهُۥ مَالٗا مَّمۡدُودٗا
Na Aking ginawaran ng lahat ng bagay ng kasaganaan
Surah Al-Muddathir, Verse 12
وَبَنِينَ شُهُودٗا
At mga anak na nasa kanyang tabi
Surah Al-Muddathir, Verse 13
وَمَهَّدتُّ لَهُۥ تَمۡهِيدٗا
Aking iginawad ang buhay na maayos at maginhawa sa kanya
Surah Al-Muddathir, Verse 14
ثُمَّ يَطۡمَعُ أَنۡ أَزِيدَ
Datapuwa’t siya ay sakim, - na Ako ay marapat pang magbigay ng higit
Surah Al-Muddathir, Verse 15
كَلَّآۖ إِنَّهُۥ كَانَ لِأٓيَٰتِنَا عَنِيدٗا
Katotohanan, (siya ay pagkakaitan)! Sapagkat siya ay hindi nagbigay ng halaga sa Aming Kapahayagan at Tagubilin (at nanatiling matigas ang ulo)
Surah Al-Muddathir, Verse 16
سَأُرۡهِقُهُۥ صَعُودًا
Hindi magtatagal, siya ay Aming dadalawin ng gabundok na kapahamakan (ang umakyat sa madulas na bundok ng As-Sa’ud sa Impiyerno)
Surah Al-Muddathir, Verse 17
إِنَّهُۥ فَكَّرَ وَقَدَّرَ
Katotohanang siya ay nag-isip at nagbalak
Surah Al-Muddathir, Verse 18
فَقُتِلَ كَيۡفَ قَدَّرَ
Kaya’t kasawian sa kanya ( sa kaparusahan)! Paano siya nagbalak
Surah Al-Muddathir, Verse 19
ثُمَّ قُتِلَ كَيۡفَ قَدَّرَ
At minsan pa, kasawian sa kanya (sa kaparusahan), paano siya nagbalak
Surah Al-Muddathir, Verse 20
ثُمَّ نَظَرَ
At siya ay nagmuni-muni (nagmalas sa kanyang kapaligiran)
Surah Al-Muddathir, Verse 21
ثُمَّ عَبَسَ وَبَسَرَ
At siya ay kumunot at siya ay nayamot
Surah Al-Muddathir, Verse 22
ثُمَّ أَدۡبَرَ وَٱسۡتَكۡبَرَ
At siya ay tumalikod at naging palalo
Surah Al-Muddathir, Verse 23
فَقَالَ إِنۡ هَٰذَآ إِلَّا سِحۡرٞ يُؤۡثَرُ
At siya ay nagturing : “Ito ay wala ng iba kundi salamangka, mula pa noong unang panahon
Surah Al-Muddathir, Verse 24
إِنۡ هَٰذَآ إِلَّا قَوۡلُ ٱلۡبَشَرِ
Ito ay wala ng iba maliban sa salita lamang ng isang tao!”
Surah Al-Muddathir, Verse 25
سَأُصۡلِيهِ سَقَرَ
Hindi magtatagal , Aking ihahagis siya sa Apoy ng Impiyerno
Surah Al-Muddathir, Verse 26
وَمَآ أَدۡرَىٰكَ مَا سَقَرُ
Ah! Ano nga ba ang makakapagbigay paliwanag sa iyo kung ano ang Apoy ng Impiyerno
Surah Al-Muddathir, Verse 27
لَا تُبۡقِي وَلَا تَذَرُ
Ito ay hindi nagpapaubaya (sa sinumang makasalanan), gayundin, ito ay hindi nag-iiwan (ng anumang bagay na hindi sunog)
Surah Al-Muddathir, Verse 28
لَوَّاحَةٞ لِّلۡبَشَرِ
Na nagpapaitim at nagpapabago sa kulay ng tao (dahilan sa pagkasunog)
Surah Al-Muddathir, Verse 29
عَلَيۡهَا تِسۡعَةَ عَشَرَ
Sa itaas nito ay may labingsiyam (na mga anghel bilang tagapagbantay at tagapanatili ng Impiyerno)
Surah Al-Muddathir, Verse 30
وَمَا جَعَلۡنَآ أَصۡحَٰبَ ٱلنَّارِ إِلَّا مَلَـٰٓئِكَةٗۖ وَمَا جَعَلۡنَا عِدَّتَهُمۡ إِلَّا فِتۡنَةٗ لِّلَّذِينَ كَفَرُواْ لِيَسۡتَيۡقِنَ ٱلَّذِينَ أُوتُواْ ٱلۡكِتَٰبَ وَيَزۡدَادَ ٱلَّذِينَ ءَامَنُوٓاْ إِيمَٰنٗا وَلَا يَرۡتَابَ ٱلَّذِينَ أُوتُواْ ٱلۡكِتَٰبَ وَٱلۡمُؤۡمِنُونَ وَلِيَقُولَ ٱلَّذِينَ فِي قُلُوبِهِم مَّرَضٞ وَٱلۡكَٰفِرُونَ مَاذَآ أَرَادَ ٱللَّهُ بِهَٰذَا مَثَلٗاۚ كَذَٰلِكَ يُضِلُّ ٱللَّهُ مَن يَشَآءُ وَيَهۡدِي مَن يَشَآءُۚ وَمَا يَعۡلَمُ جُنُودَ رَبِّكَ إِلَّا هُوَۚ وَمَا هِيَ إِلَّا ذِكۡرَىٰ لِلۡبَشَرِ
At Kami ang nagtalaga ng mga anghel bilang tagapagbantay ng Apoy, at Aming itinakda lamang ang kanilang dami (19) bilang isang pagsubok sa mga hindi nananampalataya, - upang ang mga tao ng Angkan ng Kasulatan (mga Hudyo at Kristiyano) ay dumatal sa katiyakan (na ang Qur’an ay katotohanan na umaayon sa kanilang mga Aklat, alalaong baga, ang kanilang bilang [19] ay nasusulat sa Torah [mga Batas] at Ebanghelyo), at upang ang mga sumasampalataya ay lalong mag-ibayo sa Pananalig 922 (sapagkat ang Qur’an ang katotohanan), - at upang ang mga tao ng Angkan ng Kasulatan at ang mga sumasampalataya ay hindi mag-alinlangan dito, at ang mga tao na ang laman ng kanilang puso ay isang sakit (ng pagkukunwari) at ang mga hindi nananampalataya ay makapagsabi: “Ano baga ang ibig ipakahulugan ni Allah sa pamamagitan nito? Kaya’t si Allah ang umaakay na mapaligaw ang sinumang Kanyang maibigan at namamatnubay sa sinumang Kanyang maibigan. At walang sinuman ang nakakatalos ng mga kapangyarihan ng iyong Panginoon maliban sa Kanya. At ito (Impiyerno) ay wala ng iba pa maliban na isang Paala-ala (babala at tagubilin) sa sangkatauhan
Surah Al-Muddathir, Verse 31
كَلَّا وَٱلۡقَمَرِ
Hindi, at katotohanang sa pamamagitan ng Buwan
Surah Al-Muddathir, Verse 32
وَٱلَّيۡلِ إِذۡ أَدۡبَرَ
At sa pamamagitan ng gabi kung ito ay humimlay
Surah Al-Muddathir, Verse 33
وَٱلصُّبۡحِ إِذَآ أَسۡفَرَ
At sa pamamagitan ng bukang liwayway kung ito ay namamanaag
Surah Al-Muddathir, Verse 34
إِنَّهَا لَإِحۡدَى ٱلۡكُبَرِ
Katotohanang ito ay isa lamang sa mga Matitibay na Palatandaan (Impiyerno, o ang kanilang pagtatatwa kay Propeta Muhammad, o ang Araw ng Muling Pagkabuhay)
Surah Al-Muddathir, Verse 35
نَذِيرٗا لِّلۡبَشَرِ
Bilang pagpapaala-ala sa sangkatauhan
Surah Al-Muddathir, Verse 36
لِمَن شَآءَ مِنكُمۡ أَن يَتَقَدَّمَ أَوۡ يَتَأَخَّرَ
Sa sinuman sa inyo na nagpasyang tumahak nang pasulong (sa pamamagitan ng paggawa ng kabutihan), o magpaiwan sa likuran (sa pamamagitan ng paggawa ng kasamaan)
Surah Al-Muddathir, Verse 37
كُلُّ نَفۡسِۭ بِمَا كَسَبَتۡ رَهِينَةٌ
Ang bawat tao (kaluluwa) ay isang sanla sa kanyang mga gawa
Surah Al-Muddathir, Verse 38
إِلَّآ أَصۡحَٰبَ ٱلۡيَمِينِ
Maliban sa kanila na nanatili sa Kanan (alalaong baga, ang mga tunay na nananampalataya sa Kaisahan ni Allah at sa Islam)
Surah Al-Muddathir, Verse 39
فِي جَنَّـٰتٖ يَتَسَآءَلُونَ
Sila ay mapapasa- Halamanan ng Kaligayahan, at nagtatanungan sa isa’t isa
Surah Al-Muddathir, Verse 40
عَنِ ٱلۡمُجۡرِمِينَ
Ng tungkol sa Al-Mujrimun (mga makasalanan, mapagsamba sa diyus-diyosan, walang pananalig, kriminal, atbp.), [at sila ay mangungusap sa kanila]
Surah Al-Muddathir, Verse 41
مَا سَلَكَكُمۡ فِي سَقَرَ
“Ano ang naghatid sa inyo tungo sa Apoy ng Impiyerno?”
Surah Al-Muddathir, Verse 42
قَالُواْ لَمۡ نَكُ مِنَ ٱلۡمُصَلِّينَ
Sila ay magsasabi: “Kami ay kabilang sa mga hindi nag-aalay ng palagiang panalangin
Surah Al-Muddathir, Verse 43
وَلَمۡ نَكُ نُطۡعِمُ ٱلۡمِسۡكِينَ
At kami rin ay hindi kabilang sa nagbibigay ng pagkain sa naghihikahos
Surah Al-Muddathir, Verse 44
وَكُنَّا نَخُوضُ مَعَ ٱلۡخَآئِضِينَ
Bagkus kami ay nangag-uusap ng kabulaanan (na kinamumuhiang lahat ni Allah) sa mga walang saysay na pangungusap
Surah Al-Muddathir, Verse 45
وَكُنَّا نُكَذِّبُ بِيَوۡمِ ٱلدِّينِ
At kami ay lagi nang nagpapasinungaling sa Araw ng Paghuhukom
Surah Al-Muddathir, Verse 46
حَتَّىٰٓ أَتَىٰنَا ٱلۡيَقِينُ
Hanggang sa sumapit sa amin ang tiyak na Takdang Oras (kamatayan).”
Surah Al-Muddathir, Verse 47
فَمَا تَنفَعُهُمۡ شَفَٰعَةُ ٱلشَّـٰفِعِينَ
At ang pamamagitan ng mga namamagitan ay walang kapakinabangan sa kanila
Surah Al-Muddathir, Verse 48
فَمَا لَهُمۡ عَنِ ٱلتَّذۡكِرَةِ مُعۡرِضِينَ
Kung gayon, ano ang nagpapagulo sa kanila (alalaong baga,angmgahindisumasampalataya),atsilaaytumatalikod (sa pagtanggap) ng Paala-ala
Surah Al-Muddathir, Verse 49
كَأَنَّهُمۡ حُمُرٞ مُّسۡتَنفِرَةٞ
Na wari bang sila ay mga nasisindaknaasno
Surah Al-Muddathir, Verse 50
فَرَّتۡ مِن قَسۡوَرَةِۭ
Natumatalilissaleon
Surah Al-Muddathir, Verse 51
بَلۡ يُرِيدُ كُلُّ ٱمۡرِيٕٖ مِّنۡهُمۡ أَن يُؤۡتَىٰ صُحُفٗا مُّنَشَّرَةٗ
Katotohanan! Ang bawat isa sa kanila ay nagnanais na sila ay bigyan ng nakaladlad na dahon ng kapahayagan (mula kay Allah, na may nakasulat na ang Islam ang tamang Pananampalataya, at si Muhammad ay dumatal na may dalang katotohanan mula kay Allah, ang Panginoon ng kalangitan at kalupaan, atbp)
Surah Al-Muddathir, Verse 52
كَلَّاۖ بَل لَّا يَخَافُونَ ٱلۡأٓخِرَةَ
Hindi, sa anumang kaparaanan! Sapagkat sila ay hindi nangangamba sa (kaparusahan ni Allah) sa Kabilang Buhay
Surah Al-Muddathir, Verse 53
كَلَّآ إِنَّهُۥ تَذۡكِرَةٞ
Hindi! Katotohanang ito (ang Qur’an) ay isang Paala-ala
Surah Al-Muddathir, Verse 54
فَمَن شَآءَ ذَكَرَهُۥ
Kaya’t sinuman ang magnais, (hayaan siyang bumasa nito), at tumanggap ng tagubilin (mula rito)
Surah Al-Muddathir, Verse 55
وَمَا يَذۡكُرُونَ إِلَّآ أَن يَشَآءَ ٱللَّهُۚ هُوَ أَهۡلُ ٱلتَّقۡوَىٰ وَأَهۡلُ ٱلۡمَغۡفِرَةِ
Datapuwa’t sila ay hindi tatanggap ng tagubilin malibang pahintulutan ni Allah. Siya ang Panginoon ng Kabutihan at Panginoon ng Pagpapatawad (alalaong baga, sinuman ang umiwas sa masamang gawa na Kanyang ipinagbabawal at gumawa ng mabuti na Kanyang ipinag-uutos, Siya [kung gayon] ay magpapatawad sa kanila at sila ay hindi Niya parurusahan
Surah Al-Muddathir, Verse 56