UAE Prayer Times

  • Dubai
  • Abu Dhabi
  • Sharjah
  • Ajman
  • Fujairah
  • Umm Al Quwain
  • Ras Al Khaimah
  • Quran Translations

Surah Al-Qiyama - Filipino Translation by Www.islamhouse.com


لَآ أُقۡسِمُ بِيَوۡمِ ٱلۡقِيَٰمَةِ

Talagang sumusumpa Ako sa Araw ng Pagbangon
Surah Al-Qiyama, Verse 1


وَلَآ أُقۡسِمُ بِٱلنَّفۡسِ ٱللَّوَّامَةِ

Talagang sumusumpa Ako sa mapanising kaluluwa
Surah Al-Qiyama, Verse 2


أَيَحۡسَبُ ٱلۡإِنسَٰنُ أَلَّن نَّجۡمَعَ عِظَامَهُۥ

Nag-aakala ba ang tao na hindi Kami kakalap sa mga buto niya
Surah Al-Qiyama, Verse 3


بَلَىٰ قَٰدِرِينَ عَلَىٰٓ أَن نُّسَوِّيَ بَنَانَهُۥ

Oo; nakakakaya na bumuo Kami sa mga dulo ng daliri niya
Surah Al-Qiyama, Verse 4


بَلۡ يُرِيدُ ٱلۡإِنسَٰنُ لِيَفۡجُرَ أَمَامَهُۥ

Bagkus nagnanais ang tao para magmasamang-loob sa harapan niya
Surah Al-Qiyama, Verse 5


يَسۡـَٔلُ أَيَّانَ يَوۡمُ ٱلۡقِيَٰمَةِ

Nagtatanong siya: "Kailan ang Araw ng Pagbangon
Surah Al-Qiyama, Verse 6


فَإِذَا بَرِقَ ٱلۡبَصَرُ

Kaya kapag nagitla ang paningin
Surah Al-Qiyama, Verse 7


وَخَسَفَ ٱلۡقَمَرُ

at nagdilim ang buwan
Surah Al-Qiyama, Verse 8


وَجُمِعَ ٱلشَّمۡسُ وَٱلۡقَمَرُ

at ipinagsama ang araw at ang buwan
Surah Al-Qiyama, Verse 9


يَقُولُ ٱلۡإِنسَٰنُ يَوۡمَئِذٍ أَيۡنَ ٱلۡمَفَرُّ

magsasabi ang tao sa Araw na iyon: "Saan ang matatakasan
Surah Al-Qiyama, Verse 10


كَلَّا لَا وَزَرَ

Aba’y hindi! Wala nang kublihan
Surah Al-Qiyama, Verse 11


إِلَىٰ رَبِّكَ يَوۡمَئِذٍ ٱلۡمُسۡتَقَرُّ

Tungo sa Panginoon mo, sa Araw na iyon, ang pinagtitigilan
Surah Al-Qiyama, Verse 12


يُنَبَّؤُاْ ٱلۡإِنسَٰنُ يَوۡمَئِذِۭ بِمَا قَدَّمَ وَأَخَّرَ

Babalitaan ang tao sa Araw na iyon hinggil sa ipinauna niya at ipinahuli niya
Surah Al-Qiyama, Verse 13


بَلِ ٱلۡإِنسَٰنُ عَلَىٰ نَفۡسِهِۦ بَصِيرَةٞ

Bagkus ang tao laban sa sarili niya ay isang patunay
Surah Al-Qiyama, Verse 14


وَلَوۡ أَلۡقَىٰ مَعَاذِيرَهُۥ

At kahit pa man naglahad siya ng mga dahi-dahilan niya
Surah Al-Qiyama, Verse 15


لَا تُحَرِّكۡ بِهِۦ لِسَانَكَ لِتَعۡجَلَ بِهِۦٓ

Huwag kang magpagalaw ng dila mo kasabay nito upang magmadali ka nito
Surah Al-Qiyama, Verse 16


إِنَّ عَلَيۡنَا جَمۡعَهُۥ وَقُرۡءَانَهُۥ

Tunay na nasa Amin ang pagtitipon nito at ang pagpapabigkas nito
Surah Al-Qiyama, Verse 17


فَإِذَا قَرَأۡنَٰهُ فَٱتَّبِعۡ قُرۡءَانَهُۥ

Kaya kapag bumigkas Kami nito ay sumunod ka sa pagpapabigkas nito
Surah Al-Qiyama, Verse 18


ثُمَّ إِنَّ عَلَيۡنَا بَيَانَهُۥ

Pagkatapos ay tunay na nasa Amin ang paglilinaw nito
Surah Al-Qiyama, Verse 19


كَلَّا بَلۡ تُحِبُّونَ ٱلۡعَاجِلَةَ

Aba’y hindi! Bagkus iniibig ninyo ang Panandaliang-buhay
Surah Al-Qiyama, Verse 20


وَتَذَرُونَ ٱلۡأٓخِرَةَ

at hinahayaan ninyo ang Kabilang-buhay
Surah Al-Qiyama, Verse 21


وُجُوهٞ يَوۡمَئِذٖ نَّاضِرَةٌ

May mga mukha, sa Araw na iyon, na nagniningning
Surah Al-Qiyama, Verse 22


إِلَىٰ رَبِّهَا نَاظِرَةٞ

tungo sa Panginoon nila ay nakatingin
Surah Al-Qiyama, Verse 23


وَوُجُوهٞ يَوۡمَئِذِۭ بَاسِرَةٞ

At may mga mukha, sa Araw na iyon, na nakangiwi
Surah Al-Qiyama, Verse 24


تَظُنُّ أَن يُفۡعَلَ بِهَا فَاقِرَةٞ

Nakatitiyak sila na gagawa sa kanila ng isang makababali ng likod
Surah Al-Qiyama, Verse 25


كَلَّآ إِذَا بَلَغَتِ ٱلتَّرَاقِيَ

Aba’y hindi! Bagkus kapag umabot [ang kaluluwang] ito sa balagat
Surah Al-Qiyama, Verse 26


وَقِيلَ مَنۡۜ رَاقٖ

sasabihin: "Sino ang lulunas
Surah Al-Qiyama, Verse 27


وَظَنَّ أَنَّهُ ٱلۡفِرَاقُ

At nakatiyak siya na ito ay ang pakikipaghiwalay
Surah Al-Qiyama, Verse 28


وَٱلۡتَفَّتِ ٱلسَّاقُ بِٱلسَّاقِ

At pupulupot ang binti sa binti
Surah Al-Qiyama, Verse 29


إِلَىٰ رَبِّكَ يَوۡمَئِذٍ ٱلۡمَسَاقُ

Tungo sa Panginoon mo, sa Araw na iyon, ang pag-aakayan
Surah Al-Qiyama, Verse 30


فَلَا صَدَّقَ وَلَا صَلَّىٰ

Ngunit hindi siya nagpatotoo at hindi siya nagdasal
Surah Al-Qiyama, Verse 31


وَلَٰكِن كَذَّبَ وَتَوَلَّىٰ

bagkus nagpasinungaling siya at tumalikod siya
Surah Al-Qiyama, Verse 32


ثُمَّ ذَهَبَ إِلَىٰٓ أَهۡلِهِۦ يَتَمَطَّىٰٓ

Pagkatapos ay pumunta siya sa mag-anak niya, na nagmamagilas sa paglakad
Surah Al-Qiyama, Verse 33


أَوۡلَىٰ لَكَ فَأَوۡلَىٰ

Kasawian sa iyo at saka kasawian sa iyo
Surah Al-Qiyama, Verse 34


ثُمَّ أَوۡلَىٰ لَكَ فَأَوۡلَىٰٓ

Pagkatapos ay kasawian sa iyo at saka kasawian sa iyo
Surah Al-Qiyama, Verse 35


أَيَحۡسَبُ ٱلۡإِنسَٰنُ أَن يُتۡرَكَ سُدًى

Nag-aakala ba ang tao na iiwan siya na nakaligtaan
Surah Al-Qiyama, Verse 36


أَلَمۡ يَكُ نُطۡفَةٗ مِّن مَّنِيّٖ يُمۡنَىٰ

Hindi ba siya noon ay isang patak mula sa punlay na ibinuhos
Surah Al-Qiyama, Verse 37


ثُمَّ كَانَ عَلَقَةٗ فَخَلَقَ فَسَوَّىٰ

Pagkatapos siya ay naging isang malalinta, lumikha [si Allāh] at saka bumuo [sa kanya]
Surah Al-Qiyama, Verse 38


فَجَعَلَ مِنۡهُ ٱلزَّوۡجَيۡنِ ٱلذَّكَرَ وَٱلۡأُنثَىٰٓ

Saka gumawa Siya mula sa kanya ng magkapares: ang lalaki at ang babae
Surah Al-Qiyama, Verse 39


أَلَيۡسَ ذَٰلِكَ بِقَٰدِرٍ عَلَىٰٓ أَن يُحۡـِۧيَ ٱلۡمَوۡتَىٰ

Hindi ba Iyon ay Nakakakaya na magbigay-buhay sa mga patay
Surah Al-Qiyama, Verse 40


Author: Www.islamhouse.com


<< Surah 74
>> Surah 76

Filipino Translations by other Authors


Filipino Translation By Abdullatif Eduardo M. Arceo
Filipino Translation By Www.islamhouse.com
Popular Areas
Apartments for rent in Dubai Apartments for rent Abu Dhabi Villas for rent in Dubai House for rent Abu Dhabi Apartments for sale in Dubai Apartments for sale in Abu Dhabi Flat for rent Sharjah
Popular Searches
Studios for rent in UAE Apartments for rent in UAE Villas for rent in UAE Apartments for sale in UAE Villas for sale in UAE Land for sale in UAE Dubai Real Estate
Trending Areas
Apartments for rent in Dubai Marina Apartments for sale in Dubai Marina Villa for rent in Sharjah Villa for sale in Dubai Flat for rent in Ajman Studio for rent in Abu Dhabi Villa for rent in Ajman
Trending Searches
Villa for rent in Abu Dhabi Shop for rent in Dubai Villas for sale in Ajman Studio for rent in Sharjah 1 Bedroom Apartment for rent in Dubai Property for rent in Abu Dhabi Commercial properties for sale
© Copyright Dubai Prayer Time. All Rights Reserved
Designed by Prayer Time In Dubai