Surah Al-Insan - Filipino Translation by Www.islamhouse.com
هَلۡ أَتَىٰ عَلَى ٱلۡإِنسَٰنِ حِينٞ مِّنَ ٱلدَّهۡرِ لَمۡ يَكُن شَيۡـٔٗا مَّذۡكُورًا
May dumating ba sa tao na isang yugto mula sa panahon na hindi siya naging isang bagay na nababanggit
Surah Al-Insan, Verse 1
إِنَّا خَلَقۡنَا ٱلۡإِنسَٰنَ مِن نُّطۡفَةٍ أَمۡشَاجٖ نَّبۡتَلِيهِ فَجَعَلۡنَٰهُ سَمِيعَۢا بَصِيرًا
Tunay na Kami ay lumikha sa tao mula sa isang patak na mga pinaghalo upang sumubok Kami sa kanya; at gumawa Kami sa kanya na isang madinigin, na nakakikita
Surah Al-Insan, Verse 2
إِنَّا هَدَيۡنَٰهُ ٱلسَّبِيلَ إِمَّا شَاكِرٗا وَإِمَّا كَفُورًا
Tunay na Kami ay nagpatnubay sa kanya sa landas bilang tagapasalamat o bilang mapagkaila sa utang na loob
Surah Al-Insan, Verse 3
إِنَّآ أَعۡتَدۡنَا لِلۡكَٰفِرِينَ سَلَٰسِلَاْ وَأَغۡلَٰلٗا وَسَعِيرًا
Tunay na Kami ay naglaan para sa mga tagatangging sumampalataya ng mga tanikala, mga kulyar, at isang liyab
Surah Al-Insan, Verse 4
إِنَّ ٱلۡأَبۡرَارَ يَشۡرَبُونَ مِن كَأۡسٖ كَانَ مِزَاجُهَا كَافُورًا
Tunay na ang mga nagpapakabuti ay iinom mula sa kopa na ang halo nito ay Kāfūr
Surah Al-Insan, Verse 5
عَيۡنٗا يَشۡرَبُ بِهَا عِبَادُ ٱللَّهِ يُفَجِّرُونَهَا تَفۡجِيرٗا
na isang bukal na iinom doon ang mga lingkod ni Allāh, na magpapabulwak sila roon nang isang pagpapabulwak
Surah Al-Insan, Verse 6
يُوفُونَ بِٱلنَّذۡرِ وَيَخَافُونَ يَوۡمٗا كَانَ شَرُّهُۥ مُسۡتَطِيرٗا
Tumutupad sila sa mga panata at nangangamba sila sa isang araw na ang kasamaan niyon ay magiging maglilipana
Surah Al-Insan, Verse 7
وَيُطۡعِمُونَ ٱلطَّعَامَ عَلَىٰ حُبِّهِۦ مِسۡكِينٗا وَيَتِيمٗا وَأَسِيرًا
Nagpapakain sila, sa kabila ng pagkaibig dito, sa dukha, ulila, at bihag
Surah Al-Insan, Verse 8
إِنَّمَا نُطۡعِمُكُمۡ لِوَجۡهِ ٱللَّهِ لَا نُرِيدُ مِنكُمۡ جَزَآءٗ وَلَا شُكُورًا
[Sinasabi nila sa mga sarili]: "Nagpapakain lamang kami sa inyo para sa [ikasisiya ng] mukha ni Allāh; hindi kami nagnanais mula sa inyo ng isang ganti ni isang pasasalamat
Surah Al-Insan, Verse 9
إِنَّا نَخَافُ مِن رَّبِّنَا يَوۡمًا عَبُوسٗا قَمۡطَرِيرٗا
Tunay na kami ay nangangamba sa Panginoon Namin sa isang araw na nakasimangot, na nakaismid
Surah Al-Insan, Verse 10
فَوَقَىٰهُمُ ٱللَّهُ شَرَّ ذَٰلِكَ ٱلۡيَوۡمِ وَلَقَّىٰهُمۡ نَضۡرَةٗ وَسُرُورٗا
Kaya mangangalaga sa kanila si Allāh sa kasamaan ng Araw na iyon at maggagawad Siya sa kanila ng ningning at galak
Surah Al-Insan, Verse 11
وَجَزَىٰهُم بِمَا صَبَرُواْ جَنَّةٗ وَحَرِيرٗا
At gaganti Siya sa kanila, dahil nagtiis sila, ng hardin at sutla
Surah Al-Insan, Verse 12
مُّتَّكِـِٔينَ فِيهَا عَلَى ٱلۡأَرَآئِكِۖ لَا يَرَوۡنَ فِيهَا شَمۡسٗا وَلَا زَمۡهَرِيرٗا
Mga nakasandal doon sa mga supa, hindi sila makakikita roon ng [init ng] araw ni pagkalamig-lamig
Surah Al-Insan, Verse 13
وَدَانِيَةً عَلَيۡهِمۡ ظِلَٰلُهَا وَذُلِّلَتۡ قُطُوفُهَا تَذۡلِيلٗا
At nakalapit sa ibabaw nila ang mga lilim nito, pinadali ang mga pinipitas dito sa isang pagpapadali
Surah Al-Insan, Verse 14
وَيُطَافُ عَلَيۡهِم بِـَٔانِيَةٖ مِّن فِضَّةٖ وَأَكۡوَابٖ كَانَتۡ قَوَارِيرَا۠
At magpapalibot sa kanila ng mga pinggang yari sa pilak at mga basong naging mga kristal
Surah Al-Insan, Verse 15
قَوَارِيرَاْ مِن فِضَّةٖ قَدَّرُوهَا تَقۡدِيرٗا
mga kristal na yari sa pilak, na sumukat sila sa mga ito sa isang pagsukat
Surah Al-Insan, Verse 16
وَيُسۡقَوۡنَ فِيهَا كَأۡسٗا كَانَ مِزَاجُهَا زَنجَبِيلًا
Paiinumin sila roon ng isang kopa [ng alak] na ang panghalo nito ay luya
Surah Al-Insan, Verse 17
عَيۡنٗا فِيهَا تُسَمَّىٰ سَلۡسَبِيلٗا
[mula sa] isang bukal doon na pinangangalanang Salsabīl
Surah Al-Insan, Verse 18
۞وَيَطُوفُ عَلَيۡهِمۡ وِلۡدَٰنٞ مُّخَلَّدُونَ إِذَا رَأَيۡتَهُمۡ حَسِبۡتَهُمۡ لُؤۡلُؤٗا مَّنثُورٗا
May lilibot sa kanila na mga batang lalaki na mga pinamalaging [bata]. Kapag nakita mo sila ay mag-aakala kang sila ay mga mutyang isinabog
Surah Al-Insan, Verse 19
وَإِذَا رَأَيۡتَ ثَمَّ رَأَيۡتَ نَعِيمٗا وَمُلۡكٗا كَبِيرًا
At kapag nakakita ka roon ay makakikita ka ng isang kaginhawahan at isang paghaharing malaki
Surah Al-Insan, Verse 20
عَٰلِيَهُمۡ ثِيَابُ سُندُسٍ خُضۡرٞ وَإِسۡتَبۡرَقٞۖ وَحُلُّوٓاْ أَسَاوِرَ مِن فِضَّةٖ وَسَقَىٰهُمۡ رَبُّهُمۡ شَرَابٗا طَهُورًا
May nakasuot sa kanila na mga kasuutan na manipis na sutlang luntian at makapal na sutla. Hihiyasan sila ng mga pulseras na yari sa pilak at magpapainom sa kanila ang Panginoon nila ng inuming naipandadalisay
Surah Al-Insan, Verse 21
إِنَّ هَٰذَا كَانَ لَكُمۡ جَزَآءٗ وَكَانَ سَعۡيُكُم مَّشۡكُورًا
[Sasabihin]: "Tunay na ito ay naging para sa inyo bilang ganti at ang pagpupunyagi ninyo ay naging isang kinikilala
Surah Al-Insan, Verse 22
إِنَّا نَحۡنُ نَزَّلۡنَا عَلَيۡكَ ٱلۡقُرۡءَانَ تَنزِيلٗا
Tunay na Kami ay nagbaba sa iyo ng Qur’ān sa [unti-unting] pagbababa
Surah Al-Insan, Verse 23
فَٱصۡبِرۡ لِحُكۡمِ رَبِّكَ وَلَا تُطِعۡ مِنۡهُمۡ ءَاثِمًا أَوۡ كَفُورٗا
Kaya magtiis ka sa kahatulan ng Panginoon mo at huwag kang tumalima kabilang sa kanila sa isang nagkakasala o palatangging sumampalataya
Surah Al-Insan, Verse 24
وَٱذۡكُرِ ٱسۡمَ رَبِّكَ بُكۡرَةٗ وَأَصِيلٗا
At bumanggit ka sa pangalan ng Panginoon mo sa umaga at sa hapon
Surah Al-Insan, Verse 25
وَمِنَ ٱلَّيۡلِ فَٱسۡجُدۡ لَهُۥ وَسَبِّحۡهُ لَيۡلٗا طَوِيلًا
At sa bahagi ng gabi ay magpatirapa ka sa Kanya at magluwalhati ka sa Kanya sa gabi nang matagal
Surah Al-Insan, Verse 26
إِنَّ هَـٰٓؤُلَآءِ يُحِبُّونَ ٱلۡعَاجِلَةَ وَيَذَرُونَ وَرَآءَهُمۡ يَوۡمٗا ثَقِيلٗا
Tunay na ang mga ito ay umiibig sa Panandaliang-buhay at nag-iiwan sa likuran nila ng isang araw na mabigat
Surah Al-Insan, Verse 27
نَّحۡنُ خَلَقۡنَٰهُمۡ وَشَدَدۡنَآ أَسۡرَهُمۡۖ وَإِذَا شِئۡنَا بَدَّلۡنَآ أَمۡثَٰلَهُمۡ تَبۡدِيلًا
Kami ay lumikha sa kanila at nagpapatatag sa pagkalalang sa kanila. Kapag niloob Namin ay magpapalit Kami ng mga tulad nila sa isang pagpapalit
Surah Al-Insan, Verse 28
إِنَّ هَٰذِهِۦ تَذۡكِرَةٞۖ فَمَن شَآءَ ٱتَّخَذَ إِلَىٰ رَبِّهِۦ سَبِيلٗا
Tunay na ito ay isang pagpapaalaala, kaya ang sinumang lumuob ay gumawa siya tungo sa Panginoon niya ng isang landas
Surah Al-Insan, Verse 29
وَمَا تَشَآءُونَ إِلَّآ أَن يَشَآءَ ٱللَّهُۚ إِنَّ ٱللَّهَ كَانَ عَلِيمًا حَكِيمٗا
At hindi ninyo loloobin maliban na loobin ni Allāh. Tunay na si Allāh ay laging Maalam, Marunong
Surah Al-Insan, Verse 30
يُدۡخِلُ مَن يَشَآءُ فِي رَحۡمَتِهِۦۚ وَٱلظَّـٰلِمِينَ أَعَدَّ لَهُمۡ عَذَابًا أَلِيمَۢا
Magpapapasok Siya ng sinumang niloloob Niya sa awa niya samantalang sa mga tagalabag sa katarungan ay naghanda Siya para sa kanila ng isang pagdurusang masakit
Surah Al-Insan, Verse 31