UAE Prayer Times

  • Dubai
  • Abu Dhabi
  • Sharjah
  • Ajman
  • Fujairah
  • Umm Al Quwain
  • Ras Al Khaimah
  • Quran Translations

Surah Al-Mursalat - Filipino Translation by Www.islamhouse.com


وَٱلۡمُرۡسَلَٰتِ عُرۡفٗا

Sumpa man sa mga [hanging] isinusugo nang sunud-sunod
Surah Al-Mursalat, Verse 1


فَٱلۡعَٰصِفَٰتِ عَصۡفٗا

at sa mga [hanging] bumubugso sa isang pagbugso
Surah Al-Mursalat, Verse 2


وَٱلنَّـٰشِرَٰتِ نَشۡرٗا

sumpa man sa mga [anghel na] nagkakalat [ng ulan] sa isang pagpapakalat
Surah Al-Mursalat, Verse 3


فَٱلۡفَٰرِقَٰتِ فَرۡقٗا

at sa mga [anghel na] nagbubukod sa isang pagbubukod
Surah Al-Mursalat, Verse 4


فَٱلۡمُلۡقِيَٰتِ ذِكۡرًا

at sa mga [anghel na] naghahatid ng paalaala
Surah Al-Mursalat, Verse 5


عُذۡرًا أَوۡ نُذۡرًا

bilang pagdadahilan o bilang babala
Surah Al-Mursalat, Verse 6


إِنَّمَا تُوعَدُونَ لَوَٰقِعٞ

Tunay na ang ipinangangako sa inyo ay talagang magaganap
Surah Al-Mursalat, Verse 7


فَإِذَا ٱلنُّجُومُ طُمِسَتۡ

Kaya kapag ang mga bituin ay pinawi
Surah Al-Mursalat, Verse 8


وَإِذَا ٱلسَّمَآءُ فُرِجَتۡ

kapag ang langit ay biniyak
Surah Al-Mursalat, Verse 9


وَإِذَا ٱلۡجِبَالُ نُسِفَتۡ

kapag ang mga bundok ay pinalis
Surah Al-Mursalat, Verse 10


وَإِذَا ٱلرُّسُلُ أُقِّتَتۡ

at kapag ang mga sugo ay tinaningan
Surah Al-Mursalat, Verse 11


لِأَيِّ يَوۡمٍ أُجِّلَتۡ

para sa aling araw inantala sila
Surah Al-Mursalat, Verse 12


لِيَوۡمِ ٱلۡفَصۡلِ

Para sa Araw ng Pagpapasya
Surah Al-Mursalat, Verse 13


وَمَآ أَدۡرَىٰكَ مَا يَوۡمُ ٱلۡفَصۡلِ

At ano ang nagpabatid sa iyo kung ano ang Araw ng Pagpapasya
Surah Al-Mursalat, Verse 14


وَيۡلٞ يَوۡمَئِذٖ لِّلۡمُكَذِّبِينَ

Kapighatian sa Araw na iyon sa mga tagapasinungaling
Surah Al-Mursalat, Verse 15


أَلَمۡ نُهۡلِكِ ٱلۡأَوَّلِينَ

Hindi ba Kami nagpasawi sa mga sinauna
Surah Al-Mursalat, Verse 16


ثُمَّ نُتۡبِعُهُمُ ٱلۡأٓخِرِينَ

Pagkatapos ay nagpasunod Kami sa kanila ng mga huli
Surah Al-Mursalat, Verse 17


كَذَٰلِكَ نَفۡعَلُ بِٱلۡمُجۡرِمِينَ

Gayon ang gagawin Namin sa mga salarin
Surah Al-Mursalat, Verse 18


وَيۡلٞ يَوۡمَئِذٖ لِّلۡمُكَذِّبِينَ

Kapighatian sa Araw na iyon sa mga tagapasinungaling
Surah Al-Mursalat, Verse 19


أَلَمۡ نَخۡلُقكُّم مِّن مَّآءٖ مَّهِينٖ

Hindi ba Kami lumikha sa inyo mula sa likidong hamak
Surah Al-Mursalat, Verse 20


فَجَعَلۡنَٰهُ فِي قَرَارٖ مَّكِينٍ

at naglagay Kami niyon sa isang pamamalagiang matibay
Surah Al-Mursalat, Verse 21


إِلَىٰ قَدَرٖ مَّعۡلُومٖ

hanggang sa panahong nalalaman
Surah Al-Mursalat, Verse 22


فَقَدَرۡنَا فَنِعۡمَ ٱلۡقَٰدِرُونَ

Kaya nagtakda Kami, at kay inam ang Tagatakda
Surah Al-Mursalat, Verse 23


وَيۡلٞ يَوۡمَئِذٖ لِّلۡمُكَذِّبِينَ

Kapighatian sa Araw na iyon sa mga tagapasinungaling
Surah Al-Mursalat, Verse 24


أَلَمۡ نَجۡعَلِ ٱلۡأَرۡضَ كِفَاتًا

Hindi ba Kami gumawa sa lupa bilang ipunan
Surah Al-Mursalat, Verse 25


أَحۡيَآءٗ وَأَمۡوَٰتٗا

sa mga buhay at mga patay
Surah Al-Mursalat, Verse 26


وَجَعَلۡنَا فِيهَا رَوَٰسِيَ شَٰمِخَٰتٖ وَأَسۡقَيۡنَٰكُم مَّآءٗ فُرَاتٗا

Naglagay Kami rito ng mga matatag na bundok na matatayog, at nagpainom Kami sa inyo ng tubig tabang
Surah Al-Mursalat, Verse 27


وَيۡلٞ يَوۡمَئِذٖ لِّلۡمُكَذِّبِينَ

Kapighatian sa Araw na iyon sa mga tagapasinungaling
Surah Al-Mursalat, Verse 28


ٱنطَلِقُوٓاْ إِلَىٰ مَا كُنتُم بِهِۦ تُكَذِّبُونَ

[Sasabihin]: "Humayo kayo tungo sa [pagdurusang] dati ninyong pinasisinungalingan
Surah Al-Mursalat, Verse 29


ٱنطَلِقُوٓاْ إِلَىٰ ظِلّٖ ذِي ثَلَٰثِ شُعَبٖ

Humayo kayo tungo sa aninong may tatlong sangay
Surah Al-Mursalat, Verse 30


لَّا ظَلِيلٖ وَلَا يُغۡنِي مِنَ ٱللَّهَبِ

na hindi makalililim ni makapagdudulot laban sa liyab
Surah Al-Mursalat, Verse 31


إِنَّهَا تَرۡمِي بِشَرَرٖ كَٱلۡقَصۡرِ

Tunay na ito ay nagtatapon ng mga alipato na gaya ng palasyo
Surah Al-Mursalat, Verse 32


كَأَنَّهُۥ جِمَٰلَتٞ صُفۡرٞ

Para bang ang mga ito ay mga itim na kamelyong naninilaw
Surah Al-Mursalat, Verse 33


وَيۡلٞ يَوۡمَئِذٖ لِّلۡمُكَذِّبِينَ

Kapighatian sa Araw na iyon sa mga tagapasinungaling
Surah Al-Mursalat, Verse 34


هَٰذَا يَوۡمُ لَا يَنطِقُونَ

Ito ay Araw na hindi sila bibigkas
Surah Al-Mursalat, Verse 35


وَلَا يُؤۡذَنُ لَهُمۡ فَيَعۡتَذِرُونَ

at hindi magpapahintulot sa kanila para magdahi-dahilan sila
Surah Al-Mursalat, Verse 36


وَيۡلٞ يَوۡمَئِذٖ لِّلۡمُكَذِّبِينَ

Kapighatian sa Araw na iyon sa mga tagapasinungaling
Surah Al-Mursalat, Verse 37


هَٰذَا يَوۡمُ ٱلۡفَصۡلِۖ جَمَعۡنَٰكُمۡ وَٱلۡأَوَّلِينَ

Ito ay Araw ng Pagpapasya; kakalap Kami sa inyo at sa mga sinauna
Surah Al-Mursalat, Verse 38


فَإِن كَانَ لَكُمۡ كَيۡدٞ فَكِيدُونِ

Kaya kung mayroon kayong isang pakana ay magpakana kayo laban sa Akin
Surah Al-Mursalat, Verse 39


وَيۡلٞ يَوۡمَئِذٖ لِّلۡمُكَذِّبِينَ

Kapighatian sa Araw na iyon sa mga tagapasinungaling
Surah Al-Mursalat, Verse 40


إِنَّ ٱلۡمُتَّقِينَ فِي ظِلَٰلٖ وَعُيُونٖ

Tunay na ang mga tagapangilag magkasala ay nasa mga lilim at mga bukal
Surah Al-Mursalat, Verse 41


وَفَوَٰكِهَ مِمَّا يَشۡتَهُونَ

at mga prutas mula sa anumang ninanasa nila
Surah Al-Mursalat, Verse 42


كُلُواْ وَٱشۡرَبُواْ هَنِيٓـَٔۢا بِمَا كُنتُمۡ تَعۡمَلُونَ

[Sasabihin]: "Kumain kayo at uminom kayo nang kaiga-igaya dahil sa dati ninyong ginagawa
Surah Al-Mursalat, Verse 43


إِنَّا كَذَٰلِكَ نَجۡزِي ٱلۡمُحۡسِنِينَ

Tunay na Kami ay gayon gaganti sa mga tagagawa ng mabuti
Surah Al-Mursalat, Verse 44


وَيۡلٞ يَوۡمَئِذٖ لِّلۡمُكَذِّبِينَ

Kapighatian sa Araw na iyon sa mga tagapasinungaling
Surah Al-Mursalat, Verse 45


كُلُواْ وَتَمَتَّعُواْ قَلِيلًا إِنَّكُم مُّجۡرِمُونَ

[Sasabihin]: "Kumain kayo at magtamasa kayo nang kaunti; tunay na kayo ay mga salarin
Surah Al-Mursalat, Verse 46


وَيۡلٞ يَوۡمَئِذٖ لِّلۡمُكَذِّبِينَ

Kapighatian sa Araw na iyon sa mga tagapasinungaling
Surah Al-Mursalat, Verse 47


وَإِذَا قِيلَ لَهُمُ ٱرۡكَعُواْ لَا يَرۡكَعُونَ

At kapag sinabi sa kanila: "Yumukod kayo," hindi sila yumuyukod
Surah Al-Mursalat, Verse 48


وَيۡلٞ يَوۡمَئِذٖ لِّلۡمُكَذِّبِينَ

Kapighatian sa Araw na iyon sa mga tagapasinungaling
Surah Al-Mursalat, Verse 49


فَبِأَيِّ حَدِيثِۭ بَعۡدَهُۥ يُؤۡمِنُونَ

Kaya sa aling pag-uusap matapos nito sasampalataya sila
Surah Al-Mursalat, Verse 50


Author: Www.islamhouse.com


<< Surah 76
>> Surah 78

Filipino Translations by other Authors


Filipino Translation By Abdullatif Eduardo M. Arceo
Filipino Translation By Www.islamhouse.com
Popular Areas
Apartments for rent in Dubai Apartments for rent Abu Dhabi Villas for rent in Dubai House for rent Abu Dhabi Apartments for sale in Dubai Apartments for sale in Abu Dhabi Flat for rent Sharjah
Popular Searches
Studios for rent in UAE Apartments for rent in UAE Villas for rent in UAE Apartments for sale in UAE Villas for sale in UAE Land for sale in UAE Dubai Real Estate
Trending Areas
Apartments for rent in Dubai Marina Apartments for sale in Dubai Marina Villa for rent in Sharjah Villa for sale in Dubai Flat for rent in Ajman Studio for rent in Abu Dhabi Villa for rent in Ajman
Trending Searches
Villa for rent in Abu Dhabi Shop for rent in Dubai Villas for sale in Ajman Studio for rent in Sharjah 1 Bedroom Apartment for rent in Dubai Property for rent in Abu Dhabi Commercial properties for sale
© Copyright Dubai Prayer Time. All Rights Reserved
Designed by Prayer Time In Dubai