Surah An-Naba - Filipino Translation by Abdullatif Eduardo M. Arceo
عَمَّ يَتَسَآءَلُونَ
Ano baga ang kanilang pinagtatalunan (sa isa’t isa)
Surah An-Naba, Verse 1
عَنِ ٱلنَّبَإِ ٱلۡعَظِيمِ
Tungkol ba sa Malaking Balita (alalaong baga, ang Islam, Kaisahan ni Allah, ang Qur’an na dinala ni Propeta Muhammad, ang Araw ng Muling Pagkabuhay, atbp)
Surah An-Naba, Verse 2
ٱلَّذِي هُمۡ فِيهِ مُخۡتَلِفُونَ
Na dahil dito, sila ay hindi nagkakasundo
Surah An-Naba, Verse 3
كَلَّا سَيَعۡلَمُونَ
Katotohanan! 934 Hindi magtatagal at kanilang mapag-aalaman
Surah An-Naba, Verse 4
ثُمَّ كَلَّا سَيَعۡلَمُونَ
Katotohanan! Katotohanan! Hindi magtatagal at kanilang mapag-aalaman
Surah An-Naba, Verse 5
أَلَمۡ نَجۡعَلِ ٱلۡأَرۡضَ مِهَٰدٗا
Hindi baga ginawa Namin ang kalupaan na malawak (bilang himlayan)
Surah An-Naba, Verse 6
وَٱلۡجِبَالَ أَوۡتَادٗا
At ang kabundukan bilang pampatatag (na may ugat)
Surah An-Naba, Verse 7
وَخَلَقۡنَٰكُمۡ أَزۡوَٰجٗا
At Aming nilikha kayo sa pares (lalaki at babae, mataas at mababa, mabuti at masama, atbp)
Surah An-Naba, Verse 8
وَجَعَلۡنَا نَوۡمَكُمۡ سُبَاتٗا
At Aming ginawaran kayo ng pagtulog (o antok upang maidlip), sa inyong pamamahinga
Surah An-Naba, Verse 9
وَجَعَلۡنَا ٱلَّيۡلَ لِبَاسٗا
At ginawa Namin ang gabi bilang pantakip (sa pamamagitan ng kanyang kadiliman)
Surah An-Naba, Verse 10
وَجَعَلۡنَا ٱلنَّهَارَ مَعَاشٗا
At ginawa Namin ang araw (maghapon) tungo sa inyong ikabubuhay
Surah An-Naba, Verse 11
وَبَنَيۡنَا فَوۡقَكُمۡ سَبۡعٗا شِدَادٗا
At itinatag Namin sa itaas ninyo ang pitong matatatag (na kalangitan)
Surah An-Naba, Verse 12
وَجَعَلۡنَا سِرَاجٗا وَهَّاجٗا
At ginawaran Namin yaon ng Marilag na Liwanag (sikat ng araw)
Surah An-Naba, Verse 13
وَأَنزَلۡنَا مِنَ ٱلۡمُعۡصِرَٰتِ مَآءٗ ثَجَّاجٗا
At nagpamalisbis Kami ng saganang ulan mula sa kimpal ng mga ulap
Surah An-Naba, Verse 14
لِّنُخۡرِجَ بِهِۦ حَبّٗا وَنَبَاتٗا
Upang mapatubo Namin dito (sa pag-aani) ang mga butil at mga gulayan
Surah An-Naba, Verse 15
وَجَنَّـٰتٍ أَلۡفَافًا
At mga halamang mayabong at luntian
Surah An-Naba, Verse 16
إِنَّ يَوۡمَ ٱلۡفَصۡلِ كَانَ مِيقَٰتٗا
Katotohanan! Ang Araw ng Pagpapasya (sa katarungan) ay natatakdaang panahon
Surah An-Naba, Verse 17
يَوۡمَ يُنفَخُ فِي ٱلصُّورِ فَتَأۡتُونَ أَفۡوَاجٗا
Sa Araw na ang Tambuli ay hihipan at kayo ay magsisiparito ng langkay-langkay (at sa maraming pangkat)
Surah An-Naba, Verse 18
وَفُتِحَتِ ٱلسَّمَآءُ فَكَانَتۡ أَبۡوَٰبٗا
At ang kalangitan ay bubuksan na waring mga pintuan
Surah An-Naba, Verse 19
وَسُيِّرَتِ ٱلۡجِبَالُ فَكَانَتۡ سَرَابًا
At ang kabundukan ay maglalaho sa kanilang kinatatayuan na tulad ng isang malikmata
Surah An-Naba, Verse 20
إِنَّ جَهَنَّمَ كَانَتۡ مِرۡصَادٗا
Katotohanan! Ang Impiyerno ay matutulad (sa isang pook) ng pagtambang
Surah An-Naba, Verse 21
لِّلطَّـٰغِينَ مَـَٔابٗا
Bilang isang Tahanan sa Taghun (sila na lumalabag at sumusuway sa hangganan na itinakda ni Allah, katulad ng mga mapagsamba sa diyus-diyosan, walang pananalig sa Kaisahan ni Allah at sa Islam, mga mapagkunwari, mga makasalanan, mga kriminal, atbp)
Surah An-Naba, Verse 22
لَّـٰبِثِينَ فِيهَآ أَحۡقَابٗا
Magsisipanatili sila rito sa mahabang panahon
Surah An-Naba, Verse 23
لَّا يَذُوقُونَ فِيهَا بَرۡدٗا وَلَا شَرَابًا
dito ay wala silang malalasap na lamig (at ginhawa), ni anumang inumin (na pampasigla)
Surah An-Naba, Verse 24
إِلَّا حَمِيمٗا وَغَسَّاقٗا
Maliban sa kumukulong tubig at maruming katas ng sugat (nana, dugo, atbp)
Surah An-Naba, Verse 25
جَزَآءٗ وِفَاقًا
Na siyang katumbas na kabayaran (ayon sa kanilang kabuktutan)
Surah An-Naba, Verse 26
إِنَّهُمۡ كَانُواْ لَا يَرۡجُونَ حِسَابٗا
Sapagkat katotohanang sila ay hindi nagbigay pahalaga ( at nangamba) tungo sa (araw) ng pagsusulit (ng kanilang mga gawa)
Surah An-Naba, Verse 27
وَكَذَّبُواْ بِـَٔايَٰتِنَا كِذَّابٗا
At ganap nilang itinuring na walang katotohanan ang Aming Ayat (kapahayagan, tanda, katibayan, aral, atbp)
Surah An-Naba, Verse 28
وَكُلَّ شَيۡءٍ أَحۡصَيۡنَٰهُ كِتَٰبٗا
At ang lahat ng bagay ay Aming itinala sa napapangalagaang Aklat
Surah An-Naba, Verse 29
فَذُوقُواْ فَلَن نَّزِيدَكُمۡ إِلَّا عَذَابًا
Kaya’t lasapin ninyo ang bunga (na inani) ng inyong masasamang gawa, at kayo ay hindi Namin bibigyan ng anuman maliban sa Kaparusahan
Surah An-Naba, Verse 30
إِنَّ لِلۡمُتَّقِينَ مَفَازًا
Katotohanan! Sa Muttaqun (mga matutuwid at mabubuting tao na sumusunod sa lahat ng ipinag-uutos ni Allah at umiiwas sa lahat ng Kanyang ipinagbabawal) ay tagumpay, at katuparan ng kanilang inaasam (Paraiso)
Surah An-Naba, Verse 31
حَدَآئِقَ وَأَعۡنَٰبٗا
Na napapalibutan ng Halamanan at malinamnam na ubasan
Surah An-Naba, Verse 32
وَكَوَاعِبَ أَتۡرَابٗا
At mga birheng dalaga na magkakatulad sa gulang
Surah An-Naba, Verse 33
وَكَأۡسٗا دِهَاقٗا
At ng tigib na Kopita (ng alak)
Surah An-Naba, Verse 34
لَّا يَسۡمَعُونَ فِيهَا لَغۡوٗا وَلَا كِذَّـٰبٗا
dito ay wala silang maririnig na hinagpis o kasinungalingan (sa pag- uusap)
Surah An-Naba, Verse 35
جَزَآءٗ مِّن رَّبِّكَ عَطَآءً حِسَابٗا
Isang kabayaran mula sa inyong Panginoon, isang Biyayang sagana
Surah An-Naba, Verse 36
رَّبِّ ٱلسَّمَٰوَٰتِ وَٱلۡأَرۡضِ وَمَا بَيۡنَهُمَا ٱلرَّحۡمَٰنِۖ لَا يَمۡلِكُونَ مِنۡهُ خِطَابٗا
Mula sa Panginoon ng kalangitan at kalupaan at anumang nasa pagitan nito, ang diyos na Lubos na Mapagbigay ng biyaya, at walang sinuman (ang may kapamahalaan) na makakasalansang sa Kanya (sa Araw ng Muling Pagkabuhay), malibang Kanyang pahintulutan
Surah An-Naba, Verse 37
يَوۡمَ يَقُومُ ٱلرُّوحُ وَٱلۡمَلَـٰٓئِكَةُ صَفّٗاۖ لَّا يَتَكَلَّمُونَ إِلَّا مَنۡ أَذِنَ لَهُ ٱلرَّحۡمَٰنُ وَقَالَ صَوَابٗا
SaAraw na ang ruh (si Gabriel o ibangAnghel) at iba pang anghel ay nakatindig (nang tuwid at maayos) sa mga hanay, at hindi makakapangusap malibang pahintulutan siya ng Lubos na Mapagbigay (Allah), at kanyang ipagsasaysay kung ano ang matuwid
Surah An-Naba, Verse 38
ذَٰلِكَ ٱلۡيَوۡمُ ٱلۡحَقُّۖ فَمَن شَآءَ ٱتَّخَذَ إِلَىٰ رَبِّهِۦ مَـَٔابًا
Ito ang Araw ng Katotohanan na walang alinlangan, kaya’t sinuman ang magnais, hayaang tahakin niya ang Pagbabalik, sa tuwid na landas ng kanyang Panginoon (sa pamamagitan ng pagsunod sa Kanya sa buhay sa mundong ito)
Surah An-Naba, Verse 39
إِنَّآ أَنذَرۡنَٰكُمۡ عَذَابٗا قَرِيبٗا يَوۡمَ يَنظُرُ ٱلۡمَرۡءُ مَا قَدَّمَتۡ يَدَاهُ وَيَقُولُ ٱلۡكَافِرُ يَٰلَيۡتَنِي كُنتُ تُرَٰبَۢا
Katotohanang Aming pinaaalalahanan kayo ng daratal na Kaparusahan. Sa Araw na ang tao ay makakapagmalas (sa gawa) ng kanyang kamay kung saan siya inihantong. Ang mga hindi sumasampalataya ay magsasabi: “ Kasawian sa akin! Sana ay naging alabok na lamang ako!”
Surah An-Naba, Verse 40