Surah An-Naziat - Filipino Translation by Abdullatif Eduardo M. Arceo
وَٱلنَّـٰزِعَٰتِ غَرۡقٗا
Sa pamamagitan ng (mga anghel) na bumabatak (sa kaluluwa ng mga walang pananampalataya at tampalasan) ng may matinding dahas
Surah An-Naziat, Verse 1
وَٱلنَّـٰشِطَٰتِ نَشۡطٗا
Sa pamamagitan ng (mga anghel) na mabanayad na kumukuha (ng kaluluwa ng mga sumasampalataya at mapapalad)
Surah An-Naziat, Verse 2
وَٱلسَّـٰبِحَٰتِ سَبۡحٗا
At sa pamamagitan ng (mga anghel) na bumababa sa kalangitan na may dalang pag-uutos ng kanilang Panginoon (o ang mga lumilipad [na mga anghel] o lumalangoy [na mga planeta] sa kanilang daan o landas
Surah An-Naziat, Verse 3
فَٱلسَّـٰبِقَٰتِ سَبۡقٗا
At sa pamamagitan nila na nagpapatuloy na nangunguna na katulad ng isang karera (alalaong baga, ang mga anghel, o mga bituin o mga kabayo, atbp)
Surah An-Naziat, Verse 4
فَٱلۡمُدَبِّرَٰتِ أَمۡرٗا
At sa pamamagitan ng mga anghel na nagsasaayos upang gawin ang Pag-uutos ng kanilang Panginoon, (kaya’t katunayang kayo na hindi sumasampalataya ay tatawagin upang magsulit)
Surah An-Naziat, Verse 5
يَوۡمَ تَرۡجُفُ ٱلرَّاجِفَةُ
Sa Araw na (kung ang unang Pag-ihip ng Tambuli ay gawin), ang kalupaan at kabundukan ay mayayanig nang marahas (at ang lahat ay mamamatay)
Surah An-Naziat, Verse 6
تَتۡبَعُهَا ٱلرَّادِفَةُ
Na susundan ng pangalawang Pag-ihip ng Tambuli (at ang lahat ay ibabangon)
Surah An-Naziat, Verse 7
قُلُوبٞ يَوۡمَئِذٖ وَاجِفَةٌ
Sa Araw na ito, ang (ibang) mga puso ay magsisitibok sa pangamba at hapis
Surah An-Naziat, Verse 8
أَبۡصَٰرُهَا خَٰشِعَةٞ
Na ang kanilang mga mata ay nakatuon sa lupa
Surah An-Naziat, Verse 9
يَقُولُونَ أَءِنَّا لَمَرۡدُودُونَ فِي ٱلۡحَافِرَةِ
Sa gayon , sila ay magtuturing: “Ano! Kami baga ay katotohanang ibabalik (na muli) sa aming dating anyo ng buhay
Surah An-Naziat, Verse 10
أَءِذَا كُنَّا عِظَٰمٗا نَّخِرَةٗ
Ano? Kahit kami ay lansag- lansag na mga buto na?”
Surah An-Naziat, Verse 11
قَالُواْ تِلۡكَ إِذٗا كَرَّةٌ خَاسِرَةٞ
Sila ay magsasabi: “Ito, sa gayong pangyayari, ay isang pagbabalik na walang pakinabang!”
Surah An-Naziat, Verse 12
فَإِنَّمَا هِيَ زَجۡرَةٞ وَٰحِدَةٞ
Datapuwa’t katotohanang ito ay isang Hiyaw lamang (o isang Pag-ihip)
Surah An-Naziat, Verse 13
فَإِذَا هُم بِٱلسَّاهِرَةِ
At pagmasdan! Natagpuan nila ang kanilang sarili sa ibabaw ng lupa na buhay matapos ang kanilang kamatayan
Surah An-Naziat, Verse 14
هَلۡ أَتَىٰكَ حَدِيثُ مُوسَىٰٓ
Narinig na ba ninyo ang kasaysayan ni Moises
Surah An-Naziat, Verse 15
إِذۡ نَادَىٰهُ رَبُّهُۥ بِٱلۡوَادِ ٱلۡمُقَدَّسِ طُوًى
Nang siya ay tawagin ng kanyang Panginoon sa banal na Lambak ng Tuwa
Surah An-Naziat, Verse 16
ٱذۡهَبۡ إِلَىٰ فِرۡعَوۡنَ إِنَّهُۥ طَغَىٰ
(Na nagsasabi): “Pumaroon ka kay Paraon. Katotohanang siya ay nagmalabis sa pagsuway at paglabag (sakanyangmgakasalanan, kawalanngpananalig, pagsamba sa mga diyus-diyosan, atbp.).”
Surah An-Naziat, Verse 17
فَقُلۡ هَل لَّكَ إِلَىٰٓ أَن تَزَكَّىٰ
At iyong sabihin (sa kanya): “Nais mo bang dalisayin ang iyong sarili (sa kasalanan ng kawalang pananalig, sa pagiging isang mananampalataya)
Surah An-Naziat, Verse 18
وَأَهۡدِيَكَ إِلَىٰ رَبِّكَ فَتَخۡشَىٰ
At upang mapatnubayan kita sa iyong Panginoon, at ikaw ay magkaroon ng pagkatakot sa Kanya?”
Surah An-Naziat, Verse 19
فَأَرَىٰهُ ٱلۡأٓيَةَ ٱلۡكُبۡرَىٰ
At ipinamalas ni Moises sa kanya ang dakilang Tanda (mga himala)
Surah An-Naziat, Verse 20
فَكَذَّبَ وَعَصَىٰ
Datapuwa’t si Paraon ay nagtakwil dito at sumuway
Surah An-Naziat, Verse 21
ثُمَّ أَدۡبَرَ يَسۡعَىٰ
At siya ay tumalikod na labis na tumututol (laban kay Allah)
Surah An-Naziat, Verse 22
فَحَشَرَ فَنَادَىٰ
At kanyang tinipon ang kanyang tao (at mga sundalo) at sumigaw ng malakas
Surah An-Naziat, Verse 23
فَقَالَ أَنَا۠ رَبُّكُمُ ٱلۡأَعۡلَىٰ
Na nagsasabi: “ Ako ang inyong panginoon, ang kataas-taasan.”
Surah An-Naziat, Verse 24
فَأَخَذَهُ ٱللَّهُ نَكَالَ ٱلۡأٓخِرَةِ وَٱلۡأُولَىٰٓ
Datapuwa’t sinakmal siya ni Allah ng kaparusahan, (at ginawa siya) na isang halimbawa, sa Kabilang Buhay , at sa buhay na ito
Surah An-Naziat, Verse 25
إِنَّ فِي ذَٰلِكَ لَعِبۡرَةٗ لِّمَن يَخۡشَىٰٓ
Katotohanang naririto ang isang nagtuturong tagubilin (at aral) sa sinumang may pagkatakot kay Allah
Surah An-Naziat, Verse 26
ءَأَنتُمۡ أَشَدُّ خَلۡقًا أَمِ ٱلسَّمَآءُۚ بَنَىٰهَا
Ano? Kayo baga ay higit na mahirap likhain kaysa sa kalangitan na Kanyang itinatag
Surah An-Naziat, Verse 27
رَفَعَ سَمۡكَهَا فَسَوَّىٰهَا
Sa kaitaasan ay Kanyang itinaas ang kulandong nito at Kanyang ginawaran yaon nang kaayusan at pagiging ganap
Surah An-Naziat, Verse 28
وَأَغۡطَشَ لَيۡلَهَا وَأَخۡرَجَ ضُحَىٰهَا
Ang kanyang gabi ay nilukuban Niya ng kadiliman, at ang kanyang katanghalian ay ginawaran Niya ng liwanag
Surah An-Naziat, Verse 29
وَٱلۡأَرۡضَ بَعۡدَ ذَٰلِكَ دَحَىٰهَآ
At matapos ito, ay inilatag Niya ang kalupaan nang malawak
Surah An-Naziat, Verse 30
أَخۡرَجَ مِنۡهَا مَآءَهَا وَمَرۡعَىٰهَا
At nagpasibol Siya mula rito ng kanyang tubig at kanyang pastulan (na luntiang halaman)
Surah An-Naziat, Verse 31
وَٱلۡجِبَالَ أَرۡسَىٰهَا
At ang kabundukan ay itinindig Niya nang matatag
Surah An-Naziat, Verse 32
مَتَٰعٗا لَّكُمۡ وَلِأَنۡعَٰمِكُمۡ
Bilang kapakinabangan sa inyo at sa inyong bakahan (at hayupan)
Surah An-Naziat, Verse 33
فَإِذَا جَآءَتِ ٱلطَّآمَّةُ ٱلۡكُبۡرَىٰ
Datapuwa’t kung dumatal na ang dakilang kapinsalaan (alalaong baga, ang Araw ng Kabayaran, atbp)
Surah An-Naziat, Verse 34
يَوۡمَ يَتَذَكَّرُ ٱلۡإِنسَٰنُ مَا سَعَىٰ
Sa Araw na ang tao ay makakaala-ala ng lahat ng kanyang pinagsumikapan (pinagdaanang mga gawa)
Surah An-Naziat, Verse 35
وَبُرِّزَتِ ٱلۡجَحِيمُ لِمَن يَرَىٰ
At ang Apoy ng Impiyernoayganapnamatatambadngmalapitsa(bawat) isa na nakakamasid
Surah An-Naziat, Verse 36
فَأَمَّا مَن طَغَىٰ
At sa kanya na nag-Tagha (lumabag at sumuway sa lahat ng hangganan na itinakda ni Allah, kawalan ng paniniwala, pang-aapi, kasamaan, atbp)
Surah An-Naziat, Verse 37
وَءَاثَرَ ٱلۡحَيَوٰةَ ٱلدُّنۡيَا
At minahalaga ang buhay sa mundong ito (sa pamamagitan ng pagsunod sa kanyang masamang hangarin at mga pagnanasa)
Surah An-Naziat, Verse 38
فَإِنَّ ٱلۡجَحِيمَ هِيَ ٱلۡمَأۡوَىٰ
Katotohanan! Ang kanyang pananahanan ay Apoy ng Impiyerno
Surah An-Naziat, Verse 39
وَأَمَّا مَنۡ خَافَ مَقَامَ رَبِّهِۦ وَنَهَى ٱلنَّفۡسَ عَنِ ٱلۡهَوَىٰ
Datapuwa’t siya na may pagkatakot sa kanyang pagharap (sa pagsusulit) sa kanyang Panginoon, at nagtimpi ng kanyang sarili sa marumi at maitim na hangarin at pagnanasa
Surah An-Naziat, Verse 40
فَإِنَّ ٱلۡجَنَّةَ هِيَ ٱلۡمَأۡوَىٰ
Katotohanan! Ang kanilang pananahanan ay Halamanan (ng Paraiso)
Surah An-Naziat, Verse 41
يَسۡـَٔلُونَكَ عَنِ ٱلسَّاعَةِ أَيَّانَ مُرۡسَىٰهَا
Sila ay nagtatanong sa iyo (o Muhammad) tungkol sa oras? Kailan kaya ang kanyang takdang panahon
Surah An-Naziat, Verse 42
فِيمَ أَنتَ مِن ذِكۡرَىٰهَآ
Ikaw ay walang Kaalaman na magpahayag ng anuman (tungkol) dito
Surah An-Naziat, Verse 43
إِلَىٰ رَبِّكَ مُنتَهَىٰهَآ
Nasa iyong Panginoon lamang (ang Kaalaman) ng Takdang Araw
Surah An-Naziat, Verse 44
إِنَّمَآ أَنتَ مُنذِرُ مَن يَخۡشَىٰهَا
At ikaw (o Muhammad) ay isa lamang Tagapagbabala sa mga may pangangamba rito
Surah An-Naziat, Verse 45
كَأَنَّهُمۡ يَوۡمَ يَرَوۡنَهَا لَمۡ يَلۡبَثُوٓاْ إِلَّا عَشِيَّةً أَوۡ ضُحَىٰهَا
Sa Araw na ito ay kanilang mapagmamalas, (wari) bang sila ay umidlip lamang ng isang gabi sa mundong ito, (o ang pinakamatagal) ay hanggang sa pagdatal ng umaga
Surah An-Naziat, Verse 46