UAE Prayer Times

  • Dubai
  • Abu Dhabi
  • Sharjah
  • Ajman
  • Fujairah
  • Umm Al Quwain
  • Ras Al Khaimah
  • Quran Translations

Surah An-Naziat - Filipino Translation by Www.islamhouse.com


وَٱلنَّـٰزِعَٰتِ غَرۡقٗا

Sumpa man sa mga [anghel na] nag-aalis [ng kaluluwa] sa isang kabangisan
Surah An-Naziat, Verse 1


وَٱلنَّـٰشِطَٰتِ نَشۡطٗا

sumpa man sa mga [anghel na] humahablot sa isang paghablot
Surah An-Naziat, Verse 2


وَٱلسَّـٰبِحَٰتِ سَبۡحٗا

sumpa man sa mga [anghel na] lumalangoy sa isang paglangoy [na pababa-pataas]
Surah An-Naziat, Verse 3


فَٱلسَّـٰبِقَٰتِ سَبۡقٗا

at sa mga [anghel na] nag-uunahan sa isang pag-uunahan [sa pagtalima]
Surah An-Naziat, Verse 4


فَٱلۡمُدَبِّرَٰتِ أَمۡرٗا

at sa mga [anghel na] pagganap sa isang utos
Surah An-Naziat, Verse 5


يَوۡمَ تَرۡجُفُ ٱلرَّاجِفَةُ

sa araw na yayanig ang tagayanig
Surah An-Naziat, Verse 6


تَتۡبَعُهَا ٱلرَّادِفَةُ

susunod dito ang kasunod
Surah An-Naziat, Verse 7


قُلُوبٞ يَوۡمَئِذٖ وَاجِفَةٌ

May mga puso sa araw na iyon na kakabug-kabog
Surah An-Naziat, Verse 8


أَبۡصَٰرُهَا خَٰشِعَةٞ

Ang mga paningin ng mga ito ay nagpapakababa
Surah An-Naziat, Verse 9


يَقُولُونَ أَءِنَّا لَمَرۡدُودُونَ فِي ٱلۡحَافِرَةِ

Nagsasabi sila: "Tunay bang kami ay talagang mga pababalikin sa dating kalagayan
Surah An-Naziat, Verse 10


أَءِذَا كُنَّا عِظَٰمٗا نَّخِرَةٗ

Kapag ba kami ay naging mga butong nabukbok
Surah An-Naziat, Verse 11


قَالُواْ تِلۡكَ إِذٗا كَرَّةٌ خَاسِرَةٞ

Magsasabi sila: "Iyon samakatuwid ay isang pagbalik na lugi
Surah An-Naziat, Verse 12


فَإِنَّمَا هِيَ زَجۡرَةٞ وَٰحِدَةٞ

At ito ay nag-iisang bulyaw lamang
Surah An-Naziat, Verse 13


فَإِذَا هُم بِٱلسَّاهِرَةِ

at biglang sila ay nasa balat ng lupa
Surah An-Naziat, Verse 14


هَلۡ أَتَىٰكَ حَدِيثُ مُوسَىٰٓ

Nakarating ba sa iyo ang sanaysay kay Moises
Surah An-Naziat, Verse 15


إِذۡ نَادَىٰهُ رَبُّهُۥ بِٱلۡوَادِ ٱلۡمُقَدَّسِ طُوًى

Noong tumawag sa kanya ang Panginoon niya sa pinabanal na lambak ng Ṭuwā
Surah An-Naziat, Verse 16


ٱذۡهَبۡ إِلَىٰ فِرۡعَوۡنَ إِنَّهُۥ طَغَىٰ

Pumunta ka kay Paraon - tunay na siya ay nagmalabis
Surah An-Naziat, Verse 17


فَقُلۡ هَل لَّكَ إِلَىٰٓ أَن تَزَكَّىٰ

at magsabi ka: Ibig mo ba na magpakalinis ka
Surah An-Naziat, Verse 18


وَأَهۡدِيَكَ إِلَىٰ رَبِّكَ فَتَخۡشَىٰ

at magpatnubay ako sa iyo tungo sa Panginoon mo para matakot ka sa Kanya
Surah An-Naziat, Verse 19


فَأَرَىٰهُ ٱلۡأٓيَةَ ٱلۡكُبۡرَىٰ

Kaya nagpakita siya rito ng tandang pinakamalaki
Surah An-Naziat, Verse 20


فَكَذَّبَ وَعَصَىٰ

ngunit nagpasinungaling ito at sumuway ito
Surah An-Naziat, Verse 21


ثُمَّ أَدۡبَرَ يَسۡعَىٰ

Pagkatapos ay tumalikod ito na nagpupunyagi [laban kay Moises]
Surah An-Naziat, Verse 22


فَحَشَرَ فَنَادَىٰ

Kaya nagtipon ito [ng mga kawal] at nanawagan
Surah An-Naziat, Verse 23


فَقَالَ أَنَا۠ رَبُّكُمُ ٱلۡأَعۡلَىٰ

at nagsabi: "Ako ay ang panginoon ninyong pinakamataas
Surah An-Naziat, Verse 24


فَأَخَذَهُ ٱللَّهُ نَكَالَ ٱلۡأٓخِرَةِ وَٱلۡأُولَىٰٓ

Kaya nagpataw rito si Allāh ng babalang parusa sa Kabilang-buhay at Unang-buhay
Surah An-Naziat, Verse 25


إِنَّ فِي ذَٰلِكَ لَعِبۡرَةٗ لِّمَن يَخۡشَىٰٓ

Tunay na sa gayon ay talagang may isang pangaral para sa sinumang natatakot [kay Allāh]
Surah An-Naziat, Verse 26


ءَأَنتُمۡ أَشَدُّ خَلۡقًا أَمِ ٱلسَّمَآءُۚ بَنَىٰهَا

Kayo ba ay higit na matindi sa pagkakalikha o ang langit, na ipinatayo Niya
Surah An-Naziat, Verse 27


رَفَعَ سَمۡكَهَا فَسَوَّىٰهَا

Nag-angat Siya ng tuktok nito at humubog Siya nito
Surah An-Naziat, Verse 28


وَأَغۡطَشَ لَيۡلَهَا وَأَخۡرَجَ ضُحَىٰهَا

At nagpakulimlim Siya ng gabi nito at nagpalabas Siya ng kaliwanagan nito
Surah An-Naziat, Verse 29


وَٱلۡأَرۡضَ بَعۡدَ ذَٰلِكَ دَحَىٰهَآ

At ang lupa, matapos niyon, ay naglagak Siya rito
Surah An-Naziat, Verse 30


أَخۡرَجَ مِنۡهَا مَآءَهَا وَمَرۡعَىٰهَا

Nagpalabas Siya mula rito ng tubig nito at pastulan nito
Surah An-Naziat, Verse 31


وَٱلۡجِبَالَ أَرۡسَىٰهَا

At ang mga bundok ay nagpadaong Siya sa mga ito
Surah An-Naziat, Verse 32


مَتَٰعٗا لَّكُمۡ وَلِأَنۡعَٰمِكُمۡ

bilang tinatamasa para sa inyo at para sa mga hayupan ninyo
Surah An-Naziat, Verse 33


فَإِذَا جَآءَتِ ٱلطَّآمَّةُ ٱلۡكُبۡرَىٰ

Ngunit kapag dumating ang Tagapag-umapaw na Pinakamalaki
Surah An-Naziat, Verse 34


يَوۡمَ يَتَذَكَّرُ ٱلۡإِنسَٰنُ مَا سَعَىٰ

sa Araw na magsasaalaala ang tao sa pinagpunyagian niya
Surah An-Naziat, Verse 35


وَبُرِّزَتِ ٱلۡجَحِيمُ لِمَن يَرَىٰ

at itatanghal ang Impiyerno para sa sinumang makakikita
Surah An-Naziat, Verse 36


فَأَمَّا مَن طَغَىٰ

kaya ang sinumang nagmalabis
Surah An-Naziat, Verse 37


وَءَاثَرَ ٱلۡحَيَوٰةَ ٱلدُّنۡيَا

at nagtangi sa buhay na pangmundo
Surah An-Naziat, Verse 38


فَإِنَّ ٱلۡجَحِيمَ هِيَ ٱلۡمَأۡوَىٰ

tunay na ang Impiyerno ay ang kanlungan
Surah An-Naziat, Verse 39


وَأَمَّا مَنۡ خَافَ مَقَامَ رَبِّهِۦ وَنَهَى ٱلنَّفۡسَ عَنِ ٱلۡهَوَىٰ

at ang sinumang nangamba sa pagtayo sa [harap ng] Panginoon niya at sumaway sa sarili laban sa pithaya
Surah An-Naziat, Verse 40


فَإِنَّ ٱلۡجَنَّةَ هِيَ ٱلۡمَأۡوَىٰ

tunay na ang Paraiso ay ang kanlungan
Surah An-Naziat, Verse 41


يَسۡـَٔلُونَكَ عَنِ ٱلسَّاعَةِ أَيَّانَ مُرۡسَىٰهَا

Nagtatanong sila sa iyo tungkol sa Huling Sandali kung kailan ang pagdaong niyon
Surah An-Naziat, Verse 42


فِيمَ أَنتَ مِن ذِكۡرَىٰهَآ

Nasa ano ka para sa bumanggit niyon
Surah An-Naziat, Verse 43


إِلَىٰ رَبِّكَ مُنتَهَىٰهَآ

Tungo sa Panginoon mo ang pagwawakasan niyon
Surah An-Naziat, Verse 44


إِنَّمَآ أَنتَ مُنذِرُ مَن يَخۡشَىٰهَا

Ikaw ay isang tagababala lamang sa sinumang natatakot doon
Surah An-Naziat, Verse 45


كَأَنَّهُمۡ يَوۡمَ يَرَوۡنَهَا لَمۡ يَلۡبَثُوٓاْ إِلَّا عَشِيَّةً أَوۡ ضُحَىٰهَا

Para bang sila, sa Araw na makikita nila iyon, ay hindi namalagi maliban sa isang hapon o isang umaga dito
Surah An-Naziat, Verse 46


Author: Www.islamhouse.com


<< Surah 78
>> Surah 80

Filipino Translations by other Authors


Filipino Translation By Abdullatif Eduardo M. Arceo
Filipino Translation By Www.islamhouse.com
Popular Areas
Apartments for rent in Dubai Apartments for rent Abu Dhabi Villas for rent in Dubai House for rent Abu Dhabi Apartments for sale in Dubai Apartments for sale in Abu Dhabi Flat for rent Sharjah
Popular Searches
Studios for rent in UAE Apartments for rent in UAE Villas for rent in UAE Apartments for sale in UAE Villas for sale in UAE Land for sale in UAE Dubai Real Estate
Trending Areas
Apartments for rent in Dubai Marina Apartments for sale in Dubai Marina Villa for rent in Sharjah Villa for sale in Dubai Flat for rent in Ajman Studio for rent in Abu Dhabi Villa for rent in Ajman
Trending Searches
Villa for rent in Abu Dhabi Shop for rent in Dubai Villas for sale in Ajman Studio for rent in Sharjah 1 Bedroom Apartment for rent in Dubai Property for rent in Abu Dhabi Commercial properties for sale
© Copyright Dubai Prayer Time. All Rights Reserved
Designed by Prayer Time In Dubai