Surah Al-Ghashiya - Filipino Translation by Abdullatif Eduardo M. Arceo
هَلۡ أَتَىٰكَ حَدِيثُ ٱلۡغَٰشِيَةِ
Nakarating na ba sa iyo ang balita ng kasindak- sindak na sandali (alalaong baga, ang Araw ng Muling Pagkabuhay)
Surah Al-Ghashiya, Verse 1
وُجُوهٞ يَوۡمَئِذٍ خَٰشِعَةٌ
Sa Araw na yaon, ang maraming mukha ay magiging aba (alalaong baga, ang mukha ng mga Hudyo at Kristiyano, atbp)
Surah Al-Ghashiya, Verse 2
عَامِلَةٞ نَّاصِبَةٞ
Na gumagawa (ng buong pagsisikap sa makamundong buhay sa pagsamba sa mga iba tangi pa kay Allah), na tigib ng sakit at napapagal (sa Kabilang Buhay dahilan sa pagkadusta at kahihiyan)
Surah Al-Ghashiya, Verse 3
تَصۡلَىٰ نَارًا حَامِيَةٗ
Sila ay magsisipasok sa Naglalagablab na Apoy
Surah Al-Ghashiya, Verse 4
تُسۡقَىٰ مِنۡ عَيۡنٍ ءَانِيَةٖ
Sila ay dudulutan ng inumin mula sa kumukulong batis
Surah Al-Ghashiya, Verse 5
لَّيۡسَ لَهُمۡ طَعَامٌ إِلَّا مِن ضَرِيعٖ
At walang anumang pagkain dito para sa kanila maliban sa mapait at matinik na bungangkahoy at halaman
Surah Al-Ghashiya, Verse 6
لَّا يُسۡمِنُ وَلَا يُغۡنِي مِن جُوعٖ
Na hindi makakapagbigay lakas o kabusugan sa kanila at makakapawi ng gutom
Surah Al-Ghashiya, Verse 7
وُجُوهٞ يَوۡمَئِذٖ نَّاعِمَةٞ
Sa Araw na ito, ang ibang mukha ay magagalak
Surah Al-Ghashiya, Verse 8
لِّسَعۡيِهَا رَاضِيَةٞ
Na nasisiyahan sa kanilang pinagsikapan (sa mabubuting gawa na kanilang ginawa sa mundong ito, kasama na ang Tunay na Pananalig sa Kaisahan ni Allah at sa Islam)
Surah Al-Ghashiya, Verse 9
فِي جَنَّةٍ عَالِيَةٖ
Sa mataas na Halamanan (Paraiso)
Surah Al-Ghashiya, Verse 10
لَّا تَسۡمَعُ فِيهَا لَٰغِيَةٗ
Na rito ay hindi nila mapapakinggan ang masamang usapan at kabulaanan
Surah Al-Ghashiya, Verse 11
فِيهَا عَيۡنٞ جَارِيَةٞ
Na rito ay may dumadaloy na batis
Surah Al-Ghashiya, Verse 12
فِيهَا سُرُرٞ مَّرۡفُوعَةٞ
Na rito ay may Luklukan ng Karangalan na nakataas
Surah Al-Ghashiya, Verse 13
وَأَكۡوَابٞ مَّوۡضُوعَةٞ
At mga kopita na laging laan
Surah Al-Ghashiya, Verse 14
وَنَمَارِقُ مَصۡفُوفَةٞ
At mga diban na nakasalansan
Surah Al-Ghashiya, Verse 15
وَزَرَابِيُّ مَبۡثُوثَةٌ
At mga ginintuang alpombra (karpeta) na nakalatag
Surah Al-Ghashiya, Verse 16
أَفَلَا يَنظُرُونَ إِلَى ٱلۡإِبِلِ كَيۡفَ خُلِقَتۡ
Hindi baga nila isinasaalang-alang ang kamelyo kung paano sila nilikha
Surah Al-Ghashiya, Verse 17
وَإِلَى ٱلسَّمَآءِ كَيۡفَ رُفِعَتۡ
At ang langit kung paano yaon itinaas
Surah Al-Ghashiya, Verse 18
وَإِلَى ٱلۡجِبَالِ كَيۡفَ نُصِبَتۡ
At ang kabundukan kung paano ito nilagyan ng ugat at itinayo nang matatag
Surah Al-Ghashiya, Verse 19
وَإِلَى ٱلۡأَرۡضِ كَيۡفَ سُطِحَتۡ
At ang kalupaan kung paano ito inilatag nang malawak
Surah Al-Ghashiya, Verse 20
فَذَكِّرۡ إِنَّمَآ أَنتَ مُذَكِّرٞ
Kaya’t paalalahanan mo sila (o Muhammad), ikaw ay isa lamang tagapagpaala-ala
Surah Al-Ghashiya, Verse 21
لَّسۡتَ عَلَيۡهِم بِمُصَيۡطِرٍ
Ikaw ay walang pananagutan na pamahalaan ang kanilang pamumuhay
Surah Al-Ghashiya, Verse 22
إِلَّا مَن تَوَلَّىٰ وَكَفَرَ
Datapuwa’t kung sinuman ang tumalikod at hindi sumampalataya (kay Allah) at walang pananalig
Surah Al-Ghashiya, Verse 23
فَيُعَذِّبُهُ ٱللَّهُ ٱلۡعَذَابَ ٱلۡأَكۡبَرَ
Kung gayon, si Allah ang magpaparusa sa kanya ng kasakit-sakit na Kaparusahan
Surah Al-Ghashiya, Verse 24
إِنَّ إِلَيۡنَآ إِيَابَهُمۡ
Katotohanang sa Amin ang kanilang hantungan
Surah Al-Ghashiya, Verse 25
ثُمَّ إِنَّ عَلَيۡنَا حِسَابَهُم
At katotohanang Kami ang nakakapangyari upang tawagin sila sa Pagsusulit
Surah Al-Ghashiya, Verse 26