Surah Al-Ghashiya - Filipino Translation by Www.islamhouse.com
هَلۡ أَتَىٰكَ حَدِيثُ ٱلۡغَٰشِيَةِ
Nakarating ba sa iyo ang sanaysay ng Tagalukob
Surah Al-Ghashiya, Verse 1
وُجُوهٞ يَوۡمَئِذٍ خَٰشِعَةٌ
May mga mukha sa Araw na iyon na nagpapakababa
Surah Al-Ghashiya, Verse 2
عَامِلَةٞ نَّاصِبَةٞ
gumagawa, nagpapakapagal
Surah Al-Ghashiya, Verse 3
تَصۡلَىٰ نَارًا حَامِيَةٗ
papasok ang mga ito sa isang Apoy na napakainit
Surah Al-Ghashiya, Verse 4
تُسۡقَىٰ مِنۡ عَيۡنٍ ءَانِيَةٖ
na paiinumin mula sa isang bukal na pagkainit-init
Surah Al-Ghashiya, Verse 5
لَّيۡسَ لَهُمۡ طَعَامٌ إِلَّا مِن ضَرِيعٖ
Wala silang pagkain maliban sa mula sa isang matinik na halaman
Surah Al-Ghashiya, Verse 6
لَّا يُسۡمِنُ وَلَا يُغۡنِي مِن جُوعٖ
na hindi nagpapataba at hindi nakasasapat para sa gutom
Surah Al-Ghashiya, Verse 7
وُجُوهٞ يَوۡمَئِذٖ نَّاعِمَةٞ
May mga mukha sa Araw na iyon na nagiginhawahan
Surah Al-Ghashiya, Verse 8
لِّسَعۡيِهَا رَاضِيَةٞ
na dahil sa pinagpunyagian ng mga ito ay nalulugod
Surah Al-Ghashiya, Verse 9
فِي جَنَّةٍ عَالِيَةٖ
sa isang harding mataas
Surah Al-Ghashiya, Verse 10
لَّا تَسۡمَعُ فِيهَا لَٰغِيَةٗ
na hindi sila makaririnig doon ng isang nagkakaluskus-balungos
Surah Al-Ghashiya, Verse 11
فِيهَا عَيۡنٞ جَارِيَةٞ
Doon ay may bukal na dumadaloy
Surah Al-Ghashiya, Verse 12
فِيهَا سُرُرٞ مَّرۡفُوعَةٞ
Doon ay may mga kamang iniangat
Surah Al-Ghashiya, Verse 13
وَأَكۡوَابٞ مَّوۡضُوعَةٞ
at may mga kopang nakalagay
Surah Al-Ghashiya, Verse 14
وَنَمَارِقُ مَصۡفُوفَةٞ
at may mga almohadon na nakahanay
Surah Al-Ghashiya, Verse 15
وَزَرَابِيُّ مَبۡثُوثَةٌ
at mga alpombrang ikinalat
Surah Al-Ghashiya, Verse 16
أَفَلَا يَنظُرُونَ إِلَى ٱلۡإِبِلِ كَيۡفَ خُلِقَتۡ
Kaya hindi ba sila tumitingin sa mga kamelyo kung papaanong nilikha ang mga ito
Surah Al-Ghashiya, Verse 17
وَإِلَى ٱلسَّمَآءِ كَيۡفَ رُفِعَتۡ
At sa langit kung papaanong inangat ito
Surah Al-Ghashiya, Verse 18
وَإِلَى ٱلۡجِبَالِ كَيۡفَ نُصِبَتۡ
At sa mga bundok kung papaanong itinirik ang mga ito
Surah Al-Ghashiya, Verse 19
وَإِلَى ٱلۡأَرۡضِ كَيۡفَ سُطِحَتۡ
At sa lupa kung papaanong inilatag ito
Surah Al-Ghashiya, Verse 20
فَذَكِّرۡ إِنَّمَآ أَنتَ مُذَكِّرٞ
Kaya magpaalaala ka; ikaw ay isang tagapaalaala lamang
Surah Al-Ghashiya, Verse 21
لَّسۡتَ عَلَيۡهِم بِمُصَيۡطِرٍ
Hindi ka sa kanila isang tagapanaig
Surah Al-Ghashiya, Verse 22
إِلَّا مَن تَوَلَّىٰ وَكَفَرَ
Subalit ang sinumang tumalikod at tumangging sumampalataya
Surah Al-Ghashiya, Verse 23
فَيُعَذِّبُهُ ٱللَّهُ ٱلۡعَذَابَ ٱلۡأَكۡبَرَ
ay pagdurusahin siya ni Allāh ng pagdurusang pinakamalaki
Surah Al-Ghashiya, Verse 24
إِنَّ إِلَيۡنَآ إِيَابَهُمۡ
Tunay na tungo sa Amin ang pag-uwi nila
Surah Al-Ghashiya, Verse 25
ثُمَّ إِنَّ عَلَيۡنَا حِسَابَهُم
Pagkatapos tunay na sa Amin ang pagtutuos sa kanila
Surah Al-Ghashiya, Verse 26