Surah Al-Ala - Filipino Translation by Www.islamhouse.com
سَبِّحِ ٱسۡمَ رَبِّكَ ٱلۡأَعۡلَى
Magluwalhati ka sa ngalan ng Panginoon mo, ang Pinakamataas
Surah Al-Ala, Verse 1
ٱلَّذِي خَلَقَ فَسَوَّىٰ
na lumikha saka humubog
Surah Al-Ala, Verse 2
وَٱلَّذِي قَدَّرَ فَهَدَىٰ
na nagtakda saka nagpatnubay
Surah Al-Ala, Verse 3
وَٱلَّذِيٓ أَخۡرَجَ ٱلۡمَرۡعَىٰ
na nagpalabas ng pastulan
Surah Al-Ala, Verse 4
فَجَعَلَهُۥ غُثَآءً أَحۡوَىٰ
saka gumawa Siya rito na yagit na nangingitim
Surah Al-Ala, Verse 5
سَنُقۡرِئُكَ فَلَا تَنسَىٰٓ
Magpapabigkas Kami sa iyo [ng Qur’ān] kaya hindi ka makalilimot
Surah Al-Ala, Verse 6
إِلَّا مَا شَآءَ ٱللَّهُۚ إِنَّهُۥ يَعۡلَمُ ٱلۡجَهۡرَ وَمَا يَخۡفَىٰ
maliban sa niloob ni Allāh; tunay na Siya ay nakaaalam sa lantad at anumang nagkukubli
Surah Al-Ala, Verse 7
وَنُيَسِّرُكَ لِلۡيُسۡرَىٰ
At magpapadali Kami sa iyo para sa pinakamadali
Surah Al-Ala, Verse 8
فَذَكِّرۡ إِن نَّفَعَتِ ٱلذِّكۡرَىٰ
Kaya magpaalaala ka kung mapakikinabangan ang paalaala
Surah Al-Ala, Verse 9
سَيَذَّكَّرُ مَن يَخۡشَىٰ
Magsasaalaala ang sinumang natatakot [kay Allāh]
Surah Al-Ala, Verse 10
وَيَتَجَنَّبُهَا ٱلۡأَشۡقَى
at umiiwas dito ang pinakamalumbay
Surah Al-Ala, Verse 11
ٱلَّذِي يَصۡلَى ٱلنَّارَ ٱلۡكُبۡرَىٰ
na papasok sa Apoy na pinakamalaki
Surah Al-Ala, Verse 12
ثُمَّ لَا يَمُوتُ فِيهَا وَلَا يَحۡيَىٰ
Pagkatapos ay hindi siya mamamatay roon at hindi mabubuhay
Surah Al-Ala, Verse 13
قَدۡ أَفۡلَحَ مَن تَزَكَّىٰ
Nagtagumpay nga ang sinumang nagpakalinis [sa kasalanan]
Surah Al-Ala, Verse 14
وَذَكَرَ ٱسۡمَ رَبِّهِۦ فَصَلَّىٰ
at bumanggit sa pangalan ng Panginoon niya saka nagdasal
Surah Al-Ala, Verse 15
بَلۡ تُؤۡثِرُونَ ٱلۡحَيَوٰةَ ٱلدُّنۡيَا
Bagkus nagtangi kayo sa pangmundong buhay
Surah Al-Ala, Verse 16
وَٱلۡأٓخِرَةُ خَيۡرٞ وَأَبۡقَىٰٓ
samantalang ang Kabilang-buhay ay higit na mabuti at higit na nananatili
Surah Al-Ala, Verse 17
إِنَّ هَٰذَا لَفِي ٱلصُّحُفِ ٱلۡأُولَىٰ
Tunay na ito ay talagang nasa mga unang kalatas
Surah Al-Ala, Verse 18
صُحُفِ إِبۡرَٰهِيمَ وَمُوسَىٰ
sa mga kalatas nina Abraham at Moises
Surah Al-Ala, Verse 19