Surah At-Tariq - Filipino Translation by Www.islamhouse.com
وَٱلسَّمَآءِ وَٱلطَّارِقِ
Sumpa man sa langit at sa tagapunta sa gabi
Surah At-Tariq, Verse 1
وَمَآ أَدۡرَىٰكَ مَا ٱلطَّارِقُ
Ano ang nagpabatid sa iyo kung ano ang tagapunta sa gabi
Surah At-Tariq, Verse 2
ٱلنَّجۡمُ ٱلثَّاقِبُ
[Ito] ang bituing tumatagos
Surah At-Tariq, Verse 3
إِن كُلُّ نَفۡسٖ لَّمَّا عَلَيۡهَا حَافِظٞ
Bawat kaluluwa para rito lamang ay may isang tagapag-ingat
Surah At-Tariq, Verse 4
فَلۡيَنظُرِ ٱلۡإِنسَٰنُ مِمَّ خُلِقَ
Kaya tumingin ang tao mula sa ano siya nilikha
Surah At-Tariq, Verse 5
خُلِقَ مِن مَّآءٖ دَافِقٖ
Nilikha siya mula sa isang likidong pumupulandit
Surah At-Tariq, Verse 6
يَخۡرُجُ مِنۢ بَيۡنِ ٱلصُّلۡبِ وَٱلتَّرَآئِبِ
na lumabas mula sa pagitan ng gulugod at mga tadyang
Surah At-Tariq, Verse 7
إِنَّهُۥ عَلَىٰ رَجۡعِهِۦ لَقَادِرٞ
Tunay na Siya, sa pagpapanumbalik dito, ay talagang Nakakakaya
Surah At-Tariq, Verse 8
يَوۡمَ تُبۡلَى ٱلسَّرَآئِرُ
Sa Araw na sisiyasatin ang mga lihim
Surah At-Tariq, Verse 9
فَمَا لَهُۥ مِن قُوَّةٖ وَلَا نَاصِرٖ
wala siyang anumang lakas ni tagaadya
Surah At-Tariq, Verse 10
وَٱلسَّمَآءِ ذَاتِ ٱلرَّجۡعِ
Sumpa man sa langit na may pagpapanumbalik
Surah At-Tariq, Verse 11
وَٱلۡأَرۡضِ ذَاتِ ٱلصَّدۡعِ
at sa lupa na may bitak
Surah At-Tariq, Verse 12
إِنَّهُۥ لَقَوۡلٞ فَصۡلٞ
tunay na [ang Qur’ān na] ito ay talagang isang sinabing pambukod
Surah At-Tariq, Verse 13
وَمَا هُوَ بِٱلۡهَزۡلِ
at ito ay hindi ang biru-biro
Surah At-Tariq, Verse 14
إِنَّهُمۡ يَكِيدُونَ كَيۡدٗا
Tunay na sila ay nagpapakana ng pakana
Surah At-Tariq, Verse 15
وَأَكِيدُ كَيۡدٗا
at nagpapakana naman Ako ng pakana
Surah At-Tariq, Verse 16
فَمَهِّلِ ٱلۡكَٰفِرِينَ أَمۡهِلۡهُمۡ رُوَيۡدَۢا
Kaya mag-anta-antabay ka sa mga tagatangging sumampalataya; mag-antabay ka sa kanila nang hinay-hinay
Surah At-Tariq, Verse 17