Surah Al-Burooj - Filipino Translation by Www.islamhouse.com
وَٱلسَّمَآءِ ذَاتِ ٱلۡبُرُوجِ
Sumpa man sa langit na may mga konstelasyon
Surah Al-Burooj, Verse 1
وَٱلۡيَوۡمِ ٱلۡمَوۡعُودِ
sumpa man sa Araw na ipinangako
Surah Al-Burooj, Verse 2
وَشَاهِدٖ وَمَشۡهُودٖ
sumpa man sa isang taga saksi at sa isang sinasaksihan
Surah Al-Burooj, Verse 3
قُتِلَ أَصۡحَٰبُ ٱلۡأُخۡدُودِ
isinumpa ang mga kasamahan sa bambang
Surah Al-Burooj, Verse 4
ٱلنَّارِ ذَاتِ ٱلۡوَقُودِ
na [may] apoy na may mga panggatong
Surah Al-Burooj, Verse 5
إِذۡ هُمۡ عَلَيۡهَا قُعُودٞ
noong sila sa tabi nito ay mga nakaupo
Surah Al-Burooj, Verse 6
وَهُمۡ عَلَىٰ مَا يَفۡعَلُونَ بِٱلۡمُؤۡمِنِينَ شُهُودٞ
at habang sila, sa ginagawa nila sa mga mananampalataya, ay mga saksi
Surah Al-Burooj, Verse 7
وَمَا نَقَمُواْ مِنۡهُمۡ إِلَّآ أَن يُؤۡمِنُواْ بِٱللَّهِ ٱلۡعَزِيزِ ٱلۡحَمِيدِ
At wala silang ipinaghinanakit sa mga ito maliban na sumampalataya ang mga ito kay Allāh, ang Makapangyarihan, ang Kapuri-puri
Surah Al-Burooj, Verse 8
ٱلَّذِي لَهُۥ مُلۡكُ ٱلسَّمَٰوَٰتِ وَٱلۡأَرۡضِۚ وَٱللَّهُ عَلَىٰ كُلِّ شَيۡءٖ شَهِيدٌ
na sa Kanya ang paghahari sa mga langit at lupa. Si Allāh, sa bawat bagay, ay Saksi
Surah Al-Burooj, Verse 9
إِنَّ ٱلَّذِينَ فَتَنُواْ ٱلۡمُؤۡمِنِينَ وَٱلۡمُؤۡمِنَٰتِ ثُمَّ لَمۡ يَتُوبُواْ فَلَهُمۡ عَذَابُ جَهَنَّمَ وَلَهُمۡ عَذَابُ ٱلۡحَرِيقِ
Tunay na ang mga umusig sa mga lalaking mananampalataya at mga babaing mananampalataya, pagkatapos hindi sila nagbalik-loob, ay ukol sa kanila ang pagdurusa sa Impiyerno at ukol sa kanila ang pagdurusa ng pagsusunog
Surah Al-Burooj, Verse 10
إِنَّ ٱلَّذِينَ ءَامَنُواْ وَعَمِلُواْ ٱلصَّـٰلِحَٰتِ لَهُمۡ جَنَّـٰتٞ تَجۡرِي مِن تَحۡتِهَا ٱلۡأَنۡهَٰرُۚ ذَٰلِكَ ٱلۡفَوۡزُ ٱلۡكَبِيرُ
Tunay na ang mga sumampalataya at gumawa ng mga maayos, ukol sa kanila ay mga Hardin na dumadaloy mula sa ilalim ng mga ito ang mga ilog. Iyon ay ang pagkatamong malaki
Surah Al-Burooj, Verse 11
إِنَّ بَطۡشَ رَبِّكَ لَشَدِيدٌ
Tunay na ang daluhong ng Panginoon mo ay talagang matindi
Surah Al-Burooj, Verse 12
إِنَّهُۥ هُوَ يُبۡدِئُ وَيُعِيدُ
Tunay na Siya ay nagpapasimula at nagpapanauli
Surah Al-Burooj, Verse 13
وَهُوَ ٱلۡغَفُورُ ٱلۡوَدُودُ
At Siya ay ang Mapagpatawad, ang Mapagmahal
Surah Al-Burooj, Verse 14
ذُو ٱلۡعَرۡشِ ٱلۡمَجِيدُ
ang May trono, ang Maluwalhati
Surah Al-Burooj, Verse 15
فَعَّالٞ لِّمَا يُرِيدُ
palagawa ng anumang ninanais Niya
Surah Al-Burooj, Verse 16
هَلۡ أَتَىٰكَ حَدِيثُ ٱلۡجُنُودِ
Nakarating ba sa iyo ang sanaysay hinggil sa mga kawal
Surah Al-Burooj, Verse 17
فِرۡعَوۡنَ وَثَمُودَ
ni Paraon at ng Thamūd
Surah Al-Burooj, Verse 18
بَلِ ٱلَّذِينَ كَفَرُواْ فِي تَكۡذِيبٖ
Bagkus ang mga tumangging sumampalataya ay nasa isang pagpapasinungaling
Surah Al-Burooj, Verse 19
وَٱللَّهُ مِن وَرَآئِهِم مُّحِيطُۢ
samantalang si Allāh, mula sa likuran nila, ay nakasasaklaw
Surah Al-Burooj, Verse 20
بَلۡ هُوَ قُرۡءَانٞ مَّجِيدٞ
Bagkus ito ay isang Qur’ān na maluwalhati
Surah Al-Burooj, Verse 21
فِي لَوۡحٖ مَّحۡفُوظِۭ
na nasa isang Tablerong Pinag-iingatan
Surah Al-Burooj, Verse 22