Surah Al-Burooj - Filipino Translation by Abdullatif Eduardo M. Arceo
وَٱلسَّمَآءِ ذَاتِ ٱلۡبُرُوجِ
Sa pamamagitan ng alapaap (langit), na naghahawak ng malalaking pangkat ng mga bituin
Surah Al-Burooj, Verse 1
وَٱلۡيَوۡمِ ٱلۡمَوۡعُودِ
At sa pamamagitan ng ipinangakong Takdang Araw (ng Paghuhukom)
Surah Al-Burooj, Verse 2
وَشَاهِدٖ وَمَشۡهُودٖ
At sa pamamagitan ng araw na sumasaksi (alalaong baga, ang Biyernes), at sa Araw na sinaksihan (alalaong baga, 950 ang Araw ng Arafat [Hajj], sa ikasiyam ng Dhul Hijja
Surah Al-Burooj, Verse 3
قُتِلَ أَصۡحَٰبُ ٱلۡأُخۡدُودِ
Kasawian sa mga gumagawa ng balon (ng apoy)
Surah Al-Burooj, Verse 4
ٱلنَّارِ ذَاتِ ٱلۡوَقُودِ
Na ang apoy ay tinutustusan ng (maraming) panggatong
Surah Al-Burooj, Verse 5
إِذۡ هُمۡ عَلَيۡهَا قُعُودٞ
Pagmasdan! Sila ay magsisiupo rito (sa apoy)
Surah Al-Burooj, Verse 6
وَهُمۡ عَلَىٰ مَا يَفۡعَلُونَ بِٱلۡمُؤۡمِنِينَ شُهُودٞ
At kanilang nasaksihang (lahat) ang kanilang ginagawa laban sa mga sumasampalataya (alalaong baga, ang pagsunog sa kanila na mga sumasampalataya sa buhay sa mundong ito)
Surah Al-Burooj, Verse 7
وَمَا نَقَمُواْ مِنۡهُمۡ إِلَّآ أَن يُؤۡمِنُواْ بِٱللَّهِ ٱلۡعَزِيزِ ٱلۡحَمِيدِ
Na walang ginawang masama laban sa kanila maliban na sila ay nananampalataya kay Allah, ang Sukdol sa Kapangyarihan at nagtatangan ng Lubos na Kapurihan
Surah Al-Burooj, Verse 8
ٱلَّذِي لَهُۥ مُلۡكُ ٱلسَّمَٰوَٰتِ وَٱلۡأَرۡضِۚ وَٱللَّهُ عَلَىٰ كُلِّ شَيۡءٖ شَهِيدٌ
Siya (Allah) ang nag-aangkin ng ganap na kapamahalaan at paghahari sa kalangitan at kalupaan! At si Allah ang Saksi sa lahat ng bagay
Surah Al-Burooj, Verse 9
إِنَّ ٱلَّذِينَ فَتَنُواْ ٱلۡمُؤۡمِنِينَ وَٱلۡمُؤۡمِنَٰتِ ثُمَّ لَمۡ يَتُوبُواْ فَلَهُمۡ عَذَابُ جَهَنَّمَ وَلَهُمۡ عَذَابُ ٱلۡحَرِيقِ
Katotohanan! Sila na umuusig (at nang- aalipusta) sa mga sumasampalataya, lalaki man at babae, (sa pamamagitan ng pagpapahirap at pagsunog sa kanila) at hindi nagtika (sa pagsisisi kay Allah), katotohanang sasakanila ang lupit ng Impiyerno at makakamtan nila ang kaparusahan ng Naglalagablab na Apoy
Surah Al-Burooj, Verse 10
إِنَّ ٱلَّذِينَ ءَامَنُواْ وَعَمِلُواْ ٱلصَّـٰلِحَٰتِ لَهُمۡ جَنَّـٰتٞ تَجۡرِي مِن تَحۡتِهَا ٱلۡأَنۡهَٰرُۚ ذَٰلِكَ ٱلۡفَوۡزُ ٱلۡكَبِيرُ
Katotohanan! Sa mga sumasampalataya at nagsisigawa ng kabutihan, sasakanila ang Halamanan (ng Kaligayahan) na sa ilalim nito ay may mga ilog na nagsisidaloy (Paraiso). Ito ang dakilang Tagumpay
Surah Al-Burooj, Verse 11
إِنَّ بَطۡشَ رَبِّكَ لَشَدِيدٌ
Katotohanan (O Muhammad)! Ang Sakmal (Kaparusahan) ng iyong Panginoon ay matindi
Surah Al-Burooj, Verse 12
إِنَّهُۥ هُوَ يُبۡدِئُ وَيُعِيدُ
Katotohanan! Siya ang Lumikha sa pinakasimula, at muling magpapanumbalik dito (sa pagkabuhay sa Araw ng Muling Pagbangon), [o di kaya ay: Siya ang nagpasimula ng Kaparusahan at muling magsasagawa nito sa Kabilang Buhay]
Surah Al-Burooj, Verse 13
وَهُوَ ٱلۡغَفُورُ ٱلۡوَدُودُ
At Siya ay Lagi nang Nagpapatawad, ang Tigib ng Pagmamahal (sa mga matimtiman at matapat na sumasampalataya sa Kaisahan ni Allah at sa Islam)
Surah Al-Burooj, Verse 14
ذُو ٱلۡعَرۡشِ ٱلۡمَجِيدُ
Ang Panginoon ng Luklukan, ang Puspos ng Kaluwalhatian
Surah Al-Burooj, Verse 15
فَعَّالٞ لِّمَا يُرِيدُ
Na gumagawa ng lahat na Kanyang maibigan
Surah Al-Burooj, Verse 16
هَلۡ أَتَىٰكَ حَدِيثُ ٱلۡجُنُودِ
Nakarating na ba sa inyo ang kasaysayan ng mga Hukbo
Surah Al-Burooj, Verse 17
فِرۡعَوۡنَ وَثَمُودَ
Ni Paraon at Tribu ni Thamud
Surah Al-Burooj, Verse 18
بَلِ ٱلَّذِينَ كَفَرُواْ فِي تَكۡذِيبٖ
Hindi! (Magkagayunman), ang mga hindi sumasampalataya ay nanatili sa pagtatakwil (kay Propeta Muhammad at sa Kanyang Mensahe ng Katotohanan, ang Islam)
Surah Al-Burooj, Verse 19
وَٱللَّهُ مِن وَرَآئِهِم مُّحِيطُۢ
Datapuwa’t si Allah ang nakalukob sa kanila mula sa likuran! (alalaong baga, talastas Niyang lahat ang kanilang mga gawa at Siya ang magbibigay ganti sa kanilang mga gawa)
Surah Al-Burooj, Verse 20
بَلۡ هُوَ قُرۡءَانٞ مَّجِيدٞ
Walang pagsala! Ito ang Maluwalhating Qur’an
Surah Al-Burooj, Verse 21
فِي لَوۡحٖ مَّحۡفُوظِۭ
Na nakatitik sa Al Lauh Al Mahfuz (Napapangalagaang Tableta [Kalatas)
Surah Al-Burooj, Verse 22