Surah At-Tariq - Filipino Translation by Abdullatif Eduardo M. Arceo
وَٱلسَّمَآءِ وَٱلطَّارِقِ
Sa pamamagitan ng langit at At-Tariq (ang dumarating na panauhin sa gabi, alalaong baga, ang maningning na bituin)
Surah At-Tariq, Verse 1
وَمَآ أَدۡرَىٰكَ مَا ٱلطَّارِقُ
Ah! Ano baga kaya ang ipinapahiwatig sa inyo ng At-Tariq (ang panggabing panauhin)
Surah At-Tariq, Verse 2
ٱلنَّجۡمُ ٱلثَّاقِبُ
Ito ay isang Bituin (na may naglalagos) na liwanag
Surah At-Tariq, Verse 3
إِن كُلُّ نَفۡسٖ لَّمَّا عَلَيۡهَا حَافِظٞ
walang sinumang tao (kaluluwa) ang walang may tagapangalaga sa kanya (alalaong baga, ang mga Anghel na nakatalaga sa bawat tao at nagbabantay sa kanya, na nagtatala ng kanyang mabuti at masamang gawa, atbp)
Surah At-Tariq, Verse 4
فَلۡيَنظُرِ ٱلۡإِنسَٰنُ مِمَّ خُلِقَ
Ngayon, (hayaan) ang tao ang makatunghay 952 kung ano ang pinagmulan ng kanyang pagkalikha
Surah At-Tariq, Verse 5
خُلِقَ مِن مَّآءٖ دَافِقٖ
Siya ay nilikha mula sa isang patak na sumago
Surah At-Tariq, Verse 6
يَخۡرُجُ مِنۢ بَيۡنِ ٱلصُّلۡبِ وَٱلتَّرَآئِبِ
Na nanggagaling sa pagitan ng gulugod at mga tadyang
Surah At-Tariq, Verse 7
إِنَّهُۥ عَلَىٰ رَجۡعِهِۦ لَقَادِرٞ
Katotohanan! Siya (Allah) lamang ang may kakayahan na muling magsauli ng (kanyang) buhay
Surah At-Tariq, Verse 8
يَوۡمَ تُبۡلَى ٱلسَّرَآئِرُ
Sa Araw na ang lahat ng mga lihim (mga gawa, pagdarasal, pag-aayuno, kawanggawa, atbp.) ay mabubunyag at susuriin (kung katotohanan)
Surah At-Tariq, Verse 9
فَمَا لَهُۥ مِن قُوَّةٖ وَلَا نَاصِرٖ
Kaya’t (ang tao) ay walang magiging kapangyarihan at wala ring magiging katuwang
Surah At-Tariq, Verse 10
وَٱلسَّمَآءِ ذَاتِ ٱلرَّجۡعِ
Sa pamamagitan ng alapaap (na may balongngtubig) nanagpapamalisbisngulannangpaulit-ulit
Surah At-Tariq, Verse 11
وَٱلۡأَرۡضِ ذَاتِ ٱلصَّدۡعِ
At sa kalupaan na nagbibitak (sa pagsulpot at pagtubo ng mga puno at halaman)
Surah At-Tariq, Verse 12
إِنَّهُۥ لَقَوۡلٞ فَصۡلٞ
Pananganan! Katotohanang ito (ang Qur’an) ang Pahayag na nagbubukod (sa pagkakaiba) ng katotohanan at kabulaanan (ng tumpak at mali at nag- uutos ng mahigpit na mga batas sa sangkatauhan upang masugpo ang ugat ng kasamaan)
Surah At-Tariq, Verse 13
وَمَا هُوَ بِٱلۡهَزۡلِ
At ito ay hindi isang bagay na paglilibang lamang
Surah At-Tariq, Verse 14
إِنَّهُمۡ يَكِيدُونَ كَيۡدٗا
Katotohanang sila ay nagbabalak ng isang pakana (laban sa iyo, o Muhammad)
Surah At-Tariq, Verse 15
وَأَكِيدُ كَيۡدٗا
At Ako (Allah) rin ay nagbabalak ng isang pakana (laban sa kanila)
Surah At-Tariq, Verse 16
فَمَهِّلِ ٱلۡكَٰفِرِينَ أَمۡهِلۡهُمۡ رُوَيۡدَۢا
Kaya’t bigyan ninyo ng palugit ang mga hindi sumasampalataya (na mamahinga). (Sa ngayon), sila ay pansamantala ninyong pakitunguhan nang mabayanad
Surah At-Tariq, Verse 17