Surah Al-Inshiqaq - Filipino Translation by Abdullatif Eduardo M. Arceo
إِذَا ٱلسَّمَآءُ ٱنشَقَّتۡ
Kung ang langit (alapaap) ay lansag-lansag na mabiyak
Surah Al-Inshiqaq, Verse 1
وَأَذِنَتۡ لِرَبِّهَا وَحُقَّتۡ
At duminig sa (pag-uutos ng) kanyang Panginoon, at marapat na gumawa (nito)
Surah Al-Inshiqaq, Verse 2
وَإِذَا ٱلۡأَرۡضُ مُدَّتۡ
At kung ang kalupaan ay unatin at patagin
Surah Al-Inshiqaq, Verse 3
وَأَلۡقَتۡ مَا فِيهَا وَتَخَلَّتۡ
Atiluwaniyanglahatangkanyanglamanatmaging hungkag
Surah Al-Inshiqaq, Verse 4
وَأَذِنَتۡ لِرَبِّهَا وَحُقَّتۡ
At duminig at tumalima sa kanyang Panginoon, at marapat na gumawa (nito)
Surah Al-Inshiqaq, Verse 5
يَـٰٓأَيُّهَا ٱلۡإِنسَٰنُ إِنَّكَ كَادِحٌ إِلَىٰ رَبِّكَ كَدۡحٗا فَمُلَٰقِيهِ
O tao! Katotohanang ikaw ay magbabalik patungo sa iyong Panginoon –na kasama ang iyong mga gawa (mabuti man at masama), isang tiyak na pagbabalik, kaya’t iyong matatagpuan (ang bunga ng iyong mga ginawa)
Surah Al-Inshiqaq, Verse 6
فَأَمَّا مَنۡ أُوتِيَ كِتَٰبَهُۥ بِيَمِينِهِۦ
At siya na bibigyan ng kanyang Talaan sa kanyang kanang kamay
Surah Al-Inshiqaq, Verse 7
فَسَوۡفَ يُحَاسَبُ حِسَابٗا يَسِيرٗا
Katiyakan na tatanggap siya ng magaan na pagbabalik-tanaw
Surah Al-Inshiqaq, Verse 8
وَيَنقَلِبُ إِلَىٰٓ أَهۡلِهِۦ مَسۡرُورٗا
At siya ay magbabalik sa kanyang pamayanan na lubhang nagagalak
Surah Al-Inshiqaq, Verse 9
وَأَمَّا مَنۡ أُوتِيَ كِتَٰبَهُۥ وَرَآءَ ظَهۡرِهِۦ
Datapuwa’t siya na bibigyan ng kanyang Talaan sa kanyang likuran
Surah Al-Inshiqaq, Verse 10
فَسَوۡفَ يَدۡعُواْ ثُبُورٗا
walang pagsala! Siya ay maninikluhod sa kanyang pagkawasak
Surah Al-Inshiqaq, Verse 11
وَيَصۡلَىٰ سَعِيرًا
At siya ay papasok sa Nag-aalimpuyong Apoy upang lasapin ang kanyang lagablab
Surah Al-Inshiqaq, Verse 12
إِنَّهُۥ كَانَ فِيٓ أَهۡلِهِۦ مَسۡرُورًا
Katotohanan! Siya ay namuhay sa kanyang pamayanan na maligaya (at walang pangamba)
Surah Al-Inshiqaq, Verse 13
إِنَّهُۥ ظَنَّ أَن لَّن يَحُورَ
Katotohanang itinuring niya na hindi siya kailanman babalik (sa Amin)
Surah Al-Inshiqaq, Verse 14
بَلَىٰٓۚ إِنَّ رَبَّهُۥ كَانَ بِهِۦ بَصِيرٗا
Hindi! Katotohanan, ang kanyang Panginoon ay lagi nang nagmamasid sa kanya
Surah Al-Inshiqaq, Verse 15
فَلَآ أُقۡسِمُ بِٱلشَّفَقِ
Kaya tatawagin (Namin) upang sumaksi ang mapanglaw (na kulay) ng takipsilim
Surah Al-Inshiqaq, Verse 16
وَٱلَّيۡلِ وَمَا وَسَقَ
At ang gabi sa kanyang nananawagang dilim at anumang kanyang tinitipon
Surah Al-Inshiqaq, Verse 17
وَٱلۡقَمَرِ إِذَا ٱتَّسَقَ
At ang buwan sa kanyang kabilugan
Surah Al-Inshiqaq, Verse 18
لَتَرۡكَبُنَّ طَبَقًا عَن طَبَقٖ
Katiyakang ikaw ay maglalakbay sa magkakaibang antas (sa buhay sa mundong ito at sa Kabilang Buhay)
Surah Al-Inshiqaq, Verse 19
فَمَا لَهُمۡ لَا يُؤۡمِنُونَ
Ano ang nagpapagulo sa kanila at sila ay hindi sumasampalataya
Surah Al-Inshiqaq, Verse 20
وَإِذَا قُرِئَ عَلَيۡهِمُ ٱلۡقُرۡءَانُ لَا يَسۡجُدُونَۤ۩
At kung ang Qur’an ay ipinahahayag sa kanila, sila ay hindi nagpapatirapa (sa kapakumbabaan)
Surah Al-Inshiqaq, Verse 21
بَلِ ٱلَّذِينَ كَفَرُواْ يُكَذِّبُونَ
Bagkus, sa kabalintunaan, ang mga hindi sumasampalataya ay nagtatakwil (dito)
Surah Al-Inshiqaq, Verse 22
وَٱللَّهُ أَعۡلَمُ بِمَا يُوعُونَ
Datapuwa’t talastas ni Allah ang lahat ng ikinukubli (ng kanilang puso, mabuti man o masama)
Surah Al-Inshiqaq, Verse 23
فَبَشِّرۡهُم بِعَذَابٍ أَلِيمٍ
Kaya’t ipahayag sa kanila ang Kasakit-sakit na Kaparusahan
Surah Al-Inshiqaq, Verse 24
إِلَّا ٱلَّذِينَ ءَامَنُواْ وَعَمِلُواْ ٱلصَّـٰلِحَٰتِ لَهُمۡ أَجۡرٌ غَيۡرُ مَمۡنُونِۭ
Maliban sa mga sumasampalataya at gumagawa ng kabutihan, katotohanang tatanggapin nila ang Gantimpala na hindi magmamaliw (Paraiso)
Surah Al-Inshiqaq, Verse 25