Surah Al-Inshiqaq - Filipino Translation by Www.islamhouse.com
إِذَا ٱلسَّمَآءُ ٱنشَقَّتۡ
Kapag ang langit ay nabiyak
Surah Al-Inshiqaq, Verse 1
وَأَذِنَتۡ لِرَبِّهَا وَحُقَّتۡ
at duminig ito sa Panginoon nito at nagindapat dito
Surah Al-Inshiqaq, Verse 2
وَإِذَا ٱلۡأَرۡضُ مُدَّتۡ
at kapag ang lupa ay binanat
Surah Al-Inshiqaq, Verse 3
وَأَلۡقَتۡ مَا فِيهَا وَتَخَلَّتۡ
at nagtapon ito ng nasa loob nito at nagtatatwa ito
Surah Al-Inshiqaq, Verse 4
وَأَذِنَتۡ لِرَبِّهَا وَحُقَّتۡ
at duminig ito sa Panginoon nito at nagindapat dito
Surah Al-Inshiqaq, Verse 5
يَـٰٓأَيُّهَا ٱلۡإِنسَٰنُ إِنَّكَ كَادِحٌ إِلَىٰ رَبِّكَ كَدۡحٗا فَمُلَٰقِيهِ
O tao, tunay na ikaw ay nagpapakapagod tungo sa Panginoon mo sa isang pagpapakapagod kaya makikipagkita [ka] sa Kanya
Surah Al-Inshiqaq, Verse 6
فَأَمَّا مَنۡ أُوتِيَ كِتَٰبَهُۥ بِيَمِينِهِۦ
Kaya tungkol sa sinumang bibigyan ng talaan niya sa kanang kamay niya
Surah Al-Inshiqaq, Verse 7
فَسَوۡفَ يُحَاسَبُ حِسَابٗا يَسِيرٗا
tutuusin siya sa isang pagtutuos na magaan
Surah Al-Inshiqaq, Verse 8
وَيَنقَلِبُ إِلَىٰٓ أَهۡلِهِۦ مَسۡرُورٗا
at uuwi siya sa mag-anak niya na pinagagalak
Surah Al-Inshiqaq, Verse 9
وَأَمَّا مَنۡ أُوتِيَ كِتَٰبَهُۥ وَرَآءَ ظَهۡرِهِۦ
Tungkol naman sa sinumang bibigyan ng talaan niya sa likuran ng likod niya
Surah Al-Inshiqaq, Verse 10
فَسَوۡفَ يَدۡعُواْ ثُبُورٗا
mananawagan siya ng pagkagupo
Surah Al-Inshiqaq, Verse 11
وَيَصۡلَىٰ سَعِيرًا
at papasok siya sa isang liyab
Surah Al-Inshiqaq, Verse 12
إِنَّهُۥ كَانَ فِيٓ أَهۡلِهِۦ مَسۡرُورًا
Tunay na siya noon sa piling ng mga kapwa niya ay pinagagalak
Surah Al-Inshiqaq, Verse 13
إِنَّهُۥ ظَنَّ أَن لَّن يَحُورَ
Tunay na siya ay nagpalagay na hindi siya babalik [kay Allāh]
Surah Al-Inshiqaq, Verse 14
بَلَىٰٓۚ إِنَّ رَبَّهُۥ كَانَ بِهِۦ بَصِيرٗا
Bagkus, tunay na ang Panginoon niya ay laging sa kanya nakakikita
Surah Al-Inshiqaq, Verse 15
فَلَآ أُقۡسِمُ بِٱلشَّفَقِ
Kaya talagang sumusumpa Ako sa pamumula ng takipsilim
Surah Al-Inshiqaq, Verse 16
وَٱلَّيۡلِ وَمَا وَسَقَ
at sa gabi at sa tinitipon nito
Surah Al-Inshiqaq, Verse 17
وَٱلۡقَمَرِ إِذَا ٱتَّسَقَ
at sa buwan kapag namilog ito
Surah Al-Inshiqaq, Verse 18
لَتَرۡكَبُنَّ طَبَقًا عَن طَبَقٖ
talagang lululan nga kayo sa isang antas matapos ng isang antas
Surah Al-Inshiqaq, Verse 19
فَمَا لَهُمۡ لَا يُؤۡمِنُونَ
Kaya anong mayroon sa kanila na hindi sila sumasampalataya
Surah Al-Inshiqaq, Verse 20
وَإِذَا قُرِئَ عَلَيۡهِمُ ٱلۡقُرۡءَانُ لَا يَسۡجُدُونَۤ۩
At kapag binigkas sa kanila ang Qur’ān ay hindi sila nagpapatirapa
Surah Al-Inshiqaq, Verse 21
بَلِ ٱلَّذِينَ كَفَرُواْ يُكَذِّبُونَ
Bagkus ang mga tumangging sumampalataya ay nagpapasinungaling
Surah Al-Inshiqaq, Verse 22
وَٱللَّهُ أَعۡلَمُ بِمَا يُوعُونَ
Si Allāh ay higit na nakaaalam sa anumang iniimbak nila
Surah Al-Inshiqaq, Verse 23
فَبَشِّرۡهُم بِعَذَابٍ أَلِيمٍ
Kaya magbalita ka sa kanila hinggil sa isang pagdurusang masakit
Surah Al-Inshiqaq, Verse 24
إِلَّا ٱلَّذِينَ ءَامَنُواْ وَعَمِلُواْ ٱلصَّـٰلِحَٰتِ لَهُمۡ أَجۡرٌ غَيۡرُ مَمۡنُونِۭ
maliban sa mga sumampalataya at gumawa ng mga maayos; ukol sa kanila ay isang pabuyang hindi matitigil
Surah Al-Inshiqaq, Verse 25