Surah Al-Mutaffifin - Filipino Translation by Www.islamhouse.com
وَيۡلٞ لِّلۡمُطَفِّفِينَ
Kapighatian sa mga tagaumit
Surah Al-Mutaffifin, Verse 1
ٱلَّذِينَ إِذَا ٱكۡتَالُواْ عَلَى ٱلنَّاسِ يَسۡتَوۡفُونَ
na kapag nagpatakal sila sa mga tao ay nagpapalubos
Surah Al-Mutaffifin, Verse 2
وَإِذَا كَالُوهُمۡ أَو وَّزَنُوهُمۡ يُخۡسِرُونَ
at kapag tumakal sila sa mga ito o tumimbang sila sa mga ito ay nanlulugi sila
Surah Al-Mutaffifin, Verse 3
أَلَا يَظُنُّ أُوْلَـٰٓئِكَ أَنَّهُم مَّبۡعُوثُونَ
Hindi ba nakatiyak ang mga iyon na sila ay mga bubuhayin
Surah Al-Mutaffifin, Verse 4
لِيَوۡمٍ عَظِيمٖ
para sa isang araw na sukdulan
Surah Al-Mutaffifin, Verse 5
يَوۡمَ يَقُومُ ٱلنَّاسُ لِرَبِّ ٱلۡعَٰلَمِينَ
sa araw na tatayo ang mga tao sa [harap ng] Panginoon ng mga nilalang
Surah Al-Mutaffifin, Verse 6
كَلَّآ إِنَّ كِتَٰبَ ٱلۡفُجَّارِ لَفِي سِجِّينٖ
Aba’y hindi! Tunay na ang talaan ng mga masamang-loob ay talagang nasa Sijjīn
Surah Al-Mutaffifin, Verse 7
وَمَآ أَدۡرَىٰكَ مَا سِجِّينٞ
Ano ang nagpabatid sa iyo kung ano ang Sijjīn
Surah Al-Mutaffifin, Verse 8
كِتَٰبٞ مَّرۡقُومٞ
Isang talaan na sinulatan
Surah Al-Mutaffifin, Verse 9
وَيۡلٞ يَوۡمَئِذٖ لِّلۡمُكَذِّبِينَ
Kapighatian sa Araw na iyon sa mga tagapasinungaling
Surah Al-Mutaffifin, Verse 10
ٱلَّذِينَ يُكَذِّبُونَ بِيَوۡمِ ٱلدِّينِ
na mga nagpapasinungaling sa Araw ng Paggantimpala
Surah Al-Mutaffifin, Verse 11
وَمَا يُكَذِّبُ بِهِۦٓ إِلَّا كُلُّ مُعۡتَدٍ أَثِيمٍ
At walang nagpapasinungaling doon kundi bawat tagalabag na makasalanan
Surah Al-Mutaffifin, Verse 12
إِذَا تُتۡلَىٰ عَلَيۡهِ ءَايَٰتُنَا قَالَ أَسَٰطِيرُ ٱلۡأَوَّلِينَ
Kapag binibigkas sa kanya ang mga tanda Namin ay nagsasabi siya: "Mga alamat ng mga sinauna
Surah Al-Mutaffifin, Verse 13
كَلَّاۖ بَلۡۜ رَانَ عَلَىٰ قُلُوبِهِم مَّا كَانُواْ يَكۡسِبُونَ
Aba’y hindi! Bagkus, bumalot sa mga puso nila ang [mga pagsuway na] dati nilang nakakamit
Surah Al-Mutaffifin, Verse 14
كَلَّآ إِنَّهُمۡ عَن رَّبِّهِمۡ يَوۡمَئِذٖ لَّمَحۡجُوبُونَ
Aba’y hindi! Tunay na sila, sa [pagkakita sa] Panginoon nila sa araw na iyon, ay talagang mga lalambungan
Surah Al-Mutaffifin, Verse 15
ثُمَّ إِنَّهُمۡ لَصَالُواْ ٱلۡجَحِيمِ
Pagkatapos, tunay na sila ay talagang papasok sa Impiyerno
Surah Al-Mutaffifin, Verse 16
ثُمَّ يُقَالُ هَٰذَا ٱلَّذِي كُنتُم بِهِۦ تُكَذِّبُونَ
Pagkatapos ay sasabihin sa kanila: "Ito ang dati ninyong pinabubulaanan
Surah Al-Mutaffifin, Verse 17
كَلَّآ إِنَّ كِتَٰبَ ٱلۡأَبۡرَارِ لَفِي عِلِّيِّينَ
Aba’y hindi. Tunay na ang talaan ng mga mabuting-loob ay talagang nasa `Illīyūn
Surah Al-Mutaffifin, Verse 18
وَمَآ أَدۡرَىٰكَ مَا عِلِّيُّونَ
At ano ang nagpabatid sa iyo kung ano ang `Illīyūn
Surah Al-Mutaffifin, Verse 19
كِتَٰبٞ مَّرۡقُومٞ
Isang talaan na sinulatan
Surah Al-Mutaffifin, Verse 20
يَشۡهَدُهُ ٱلۡمُقَرَّبُونَ
Sasaksi rito ang mga [anghel na] inilapit
Surah Al-Mutaffifin, Verse 21
إِنَّ ٱلۡأَبۡرَارَ لَفِي نَعِيمٍ
Tunay na ang mga mabuting-loob ay talagang nasa Kaginhawahan
Surah Al-Mutaffifin, Verse 22
عَلَى ٱلۡأَرَآئِكِ يَنظُرُونَ
habang nasa mga supa na nakatingin
Surah Al-Mutaffifin, Verse 23
تَعۡرِفُ فِي وُجُوهِهِمۡ نَضۡرَةَ ٱلنَّعِيمِ
Makakikilala ka sa mga mukha nila ng ningning ng Kaginhawahan
Surah Al-Mutaffifin, Verse 24
يُسۡقَوۡنَ مِن رَّحِيقٖ مَّخۡتُومٍ
Paiinumin sila mula sa isang dalisay na alak na ipininid
Surah Al-Mutaffifin, Verse 25
خِتَٰمُهُۥ مِسۡكٞۚ وَفِي ذَٰلِكَ فَلۡيَتَنَافَسِ ٱلۡمُتَنَٰفِسُونَ
Ang panghuli nito ay musk, at alang-alang doon ay magtagisan ang mga magtatagisan
Surah Al-Mutaffifin, Verse 26
وَمِزَاجُهُۥ مِن تَسۡنِيمٍ
At ang lahok nito ay mula sa Tasnīm
Surah Al-Mutaffifin, Verse 27
عَيۡنٗا يَشۡرَبُ بِهَا ٱلۡمُقَرَّبُونَ
isang bukal na iinom mula roon ang mga inilapit
Surah Al-Mutaffifin, Verse 28
إِنَّ ٱلَّذِينَ أَجۡرَمُواْ كَانُواْ مِنَ ٱلَّذِينَ ءَامَنُواْ يَضۡحَكُونَ
Tunay na ang mga nagkasala ay noon sa mga sumampalataya tumatawa
Surah Al-Mutaffifin, Verse 29
وَإِذَا مَرُّواْ بِهِمۡ يَتَغَامَزُونَ
At kapag naparaan sila sa mga ito ay nagkikindatan sila
Surah Al-Mutaffifin, Verse 30
وَإِذَا ٱنقَلَبُوٓاْ إِلَىٰٓ أَهۡلِهِمُ ٱنقَلَبُواْ فَكِهِينَ
At kapag umuwi sila sa mga kapwa nila ay umuuwi sila na mga nagbibiro
Surah Al-Mutaffifin, Verse 31
وَإِذَا رَأَوۡهُمۡ قَالُوٓاْ إِنَّ هَـٰٓؤُلَآءِ لَضَآلُّونَ
At kapag nakakita sila sa mga ito ay nagsasabi sila: "Tunay na ang mga ito ay talagang mga naliligaw
Surah Al-Mutaffifin, Verse 32
وَمَآ أُرۡسِلُواْ عَلَيۡهِمۡ حَٰفِظِينَ
At hindi sila ipinasugo sa mga ito bilang mga tagaingat
Surah Al-Mutaffifin, Verse 33
فَٱلۡيَوۡمَ ٱلَّذِينَ ءَامَنُواْ مِنَ ٱلۡكُفَّارِ يَضۡحَكُونَ
Kaya sa Araw na iyon ang mga sumampalataya sa mga tagatangging sumampalataya ay tatawa
Surah Al-Mutaffifin, Verse 34
عَلَى ٱلۡأَرَآئِكِ يَنظُرُونَ
habang nasa mga supa na nakatingin
Surah Al-Mutaffifin, Verse 35
هَلۡ ثُوِّبَ ٱلۡكُفَّارُ مَا كَانُواْ يَفۡعَلُونَ
Gagantimpalaan ba ang mga tagatangging sumampalataya ng anumang dati nilang ginagawa
Surah Al-Mutaffifin, Verse 36