Surah AL-Infitar - Filipino Translation by Www.islamhouse.com
إِذَا ٱلسَّمَآءُ ٱنفَطَرَتۡ
Kapag ang langit ay nabitak
Surah AL-Infitar, Verse 1
وَإِذَا ٱلۡكَوَاكِبُ ٱنتَثَرَتۡ
at kapag ang mga tala ay naisabog
Surah AL-Infitar, Verse 2
وَإِذَا ٱلۡبِحَارُ فُجِّرَتۡ
at kapag ang mga dagat ay isinambulat
Surah AL-Infitar, Verse 3
وَإِذَا ٱلۡقُبُورُ بُعۡثِرَتۡ
at kapag ang mga libingan ay hinalukay
Surah AL-Infitar, Verse 4
عَلِمَتۡ نَفۡسٞ مَّا قَدَّمَتۡ وَأَخَّرَتۡ
malalaman ng isang kaluluwa ang ipinauna niya at ipinahuli niya
Surah AL-Infitar, Verse 5
يَـٰٓأَيُّهَا ٱلۡإِنسَٰنُ مَا غَرَّكَ بِرَبِّكَ ٱلۡكَرِيمِ
O tao, ano ang nakadaya sa iyo hinggil sa Panginoon mo, ang Mapagbigay
Surah AL-Infitar, Verse 6
ٱلَّذِي خَلَقَكَ فَسَوَّىٰكَ فَعَدَلَكَ
na lumikha sa iyo, saka humubog sa iyo, saka nagpaangkop sa iyo
Surah AL-Infitar, Verse 7
فِيٓ أَيِّ صُورَةٖ مَّا شَآءَ رَكَّبَكَ
Sa alinmang anyo na niloob Niya ay bumuo Siya sa iyo
Surah AL-Infitar, Verse 8
كَلَّا بَلۡ تُكَذِّبُونَ بِٱلدِّينِ
Aba’y hindi! Bagkus nagpapasinungaling kayo sa Paggantimpala
Surah AL-Infitar, Verse 9
وَإِنَّ عَلَيۡكُمۡ لَحَٰفِظِينَ
At tunay na sa inyo ay talagang may mga tagapag-ingat
Surah AL-Infitar, Verse 10
كِرَامٗا كَٰتِبِينَ
na mararangal na mga tagasulat
Surah AL-Infitar, Verse 11
يَعۡلَمُونَ مَا تَفۡعَلُونَ
Nakaaalam sila sa anumang ginagawa ninyo
Surah AL-Infitar, Verse 12
إِنَّ ٱلۡأَبۡرَارَ لَفِي نَعِيمٖ
Tunay na ang mga mabuting-loob ay talagang nasa Kaginhawahan
Surah AL-Infitar, Verse 13
وَإِنَّ ٱلۡفُجَّارَ لَفِي جَحِيمٖ
At tunay na ang mga masamang-loob ay talagang nasa Impiyerno
Surah AL-Infitar, Verse 14
يَصۡلَوۡنَهَا يَوۡمَ ٱلدِّينِ
Papasok sila roon sa Araw ng Paggantimpala
Surah AL-Infitar, Verse 15
وَمَا هُمۡ عَنۡهَا بِغَآئِبِينَ
At sila palayo roon ay hindi mga makaliliban
Surah AL-Infitar, Verse 16
وَمَآ أَدۡرَىٰكَ مَا يَوۡمُ ٱلدِّينِ
At ano ang nagpabatid sa iyo kung ano ang Araw ng Paggantimpala
Surah AL-Infitar, Verse 17
ثُمَّ مَآ أَدۡرَىٰكَ مَا يَوۡمُ ٱلدِّينِ
Pagkatapos ano ang nagpabatid sa iyo kung ano ang Araw ng Paggantimpala
Surah AL-Infitar, Verse 18
يَوۡمَ لَا تَمۡلِكُ نَفۡسٞ لِّنَفۡسٖ شَيۡـٔٗاۖ وَٱلۡأَمۡرُ يَوۡمَئِذٖ لِّلَّهِ
[Iyon ay] sa Araw na hindi makapagdudulot ang isang kaluluwa sa isang kaluluwa ng anuman; at ang pag-uutos sa Araw na iyon ay ukol kay Allāh
Surah AL-Infitar, Verse 19