Surah At-Takwir - Filipino Translation by Www.islamhouse.com
إِذَا ٱلشَّمۡسُ كُوِّرَتۡ
Kapag ang araw ay ipinulupot
Surah At-Takwir, Verse 1
وَإِذَا ٱلنُّجُومُ ٱنكَدَرَتۡ
kapag ang mga bituin ay pumanglaw
Surah At-Takwir, Verse 2
وَإِذَا ٱلۡجِبَالُ سُيِّرَتۡ
kapag ang mga bundok ay iuusad
Surah At-Takwir, Verse 3
وَإِذَا ٱلۡعِشَارُ عُطِّلَتۡ
kapag ang mga buntis na kamelyo ay pinabayaan
Surah At-Takwir, Verse 4
وَإِذَا ٱلۡوُحُوشُ حُشِرَتۡ
kapag ang mga mailap na hayop ay tinipon
Surah At-Takwir, Verse 5
وَإِذَا ٱلۡبِحَارُ سُجِّرَتۡ
kapag ang mga dagat ay pinagliyab
Surah At-Takwir, Verse 6
وَإِذَا ٱلنُّفُوسُ زُوِّجَتۡ
kapag ang mga kaluluwa ay ipinagtambal
Surah At-Takwir, Verse 7
وَإِذَا ٱلۡمَوۡءُۥدَةُ سُئِلَتۡ
kapag ang [batang] babaing inilibing nang buhay ay tatanungin
Surah At-Takwir, Verse 8
بِأَيِّ ذَنۢبٖ قُتِلَتۡ
dahil sa aling pagkakasala siya pinatay
Surah At-Takwir, Verse 9
وَإِذَا ٱلصُّحُفُ نُشِرَتۡ
kapag ang mga pahina ay inilatag
Surah At-Takwir, Verse 10
وَإِذَا ٱلسَّمَآءُ كُشِطَتۡ
kapag ang langit ay tinuklap
Surah At-Takwir, Verse 11
وَإِذَا ٱلۡجَحِيمُ سُعِّرَتۡ
kapag ang Impiyerno ay pinagliyab
Surah At-Takwir, Verse 12
وَإِذَا ٱلۡجَنَّةُ أُزۡلِفَتۡ
at kapag ang Paraiso ay pinalapit
Surah At-Takwir, Verse 13
عَلِمَتۡ نَفۡسٞ مَّآ أَحۡضَرَتۡ
malalaman ng isang kaluluwa ang ilalahad nito
Surah At-Takwir, Verse 14
فَلَآ أُقۡسِمُ بِٱلۡخُنَّسِ
Kaya talagang sumusumpa Ako sa mga bituing umuurong
Surah At-Takwir, Verse 15
ٱلۡجَوَارِ ٱلۡكُنَّسِ
na umiinog na nagtatago
Surah At-Takwir, Verse 16
وَٱلَّيۡلِ إِذَا عَسۡعَسَ
at sa gabi kapag bumalik-balik ito
Surah At-Takwir, Verse 17
وَٱلصُّبۡحِ إِذَا تَنَفَّسَ
at sa madaling-araw kapag huminga ito
Surah At-Takwir, Verse 18
إِنَّهُۥ لَقَوۡلُ رَسُولٖ كَرِيمٖ
tunay na [ang Qur’ān na] ito ay talagang sinabi sa isang sugong marangal
Surah At-Takwir, Verse 19
ذِي قُوَّةٍ عِندَ ذِي ٱلۡعَرۡشِ مَكِينٖ
na may lakas sa ganang May-ari ng Trono, na mataas sa kalagayan
Surah At-Takwir, Verse 20
مُّطَاعٖ ثَمَّ أَمِينٖ
na tinatalima, pagkatapos ay mapagkakatiwalaan
Surah At-Takwir, Verse 21
وَمَا صَاحِبُكُم بِمَجۡنُونٖ
At ang kasamahan ninyo ay hindi isang baliw
Surah At-Takwir, Verse 22
وَلَقَدۡ رَءَاهُ بِٱلۡأُفُقِ ٱلۡمُبِينِ
At talaga ngang nakakita siya rito sa abot-tanaw na malinaw
Surah At-Takwir, Verse 23
وَمَا هُوَ عَلَى ٱلۡغَيۡبِ بِضَنِينٖ
At siya, [sa pagpapaabot] sa Lingid, ay hindi isang maramot
Surah At-Takwir, Verse 24
وَمَا هُوَ بِقَوۡلِ شَيۡطَٰنٖ رَّجِيمٖ
At [Ang Qur’ān na] ito ay hindi sinabi ng isang demonyong kasumpa-sumpa
Surah At-Takwir, Verse 25
فَأَيۡنَ تَذۡهَبُونَ
Kaya saan kayo pupunta
Surah At-Takwir, Verse 26
إِنۡ هُوَ إِلَّا ذِكۡرٞ لِّلۡعَٰلَمِينَ
Walang iba ito kundi isang paalaala para sa mga nilalang
Surah At-Takwir, Verse 27
لِمَن شَآءَ مِنكُمۡ أَن يَسۡتَقِيمَ
para sa sinumang lumoob kabilang sa inyo na magpakatuwid
Surah At-Takwir, Verse 28
وَمَا تَشَآءُونَ إِلَّآ أَن يَشَآءَ ٱللَّهُ رَبُّ ٱلۡعَٰلَمِينَ
at hindi kayo magloloob maliban na lumuob si Allāh, ang Panginoon ng mga nilalang
Surah At-Takwir, Verse 29