Surah At-Takwir - Filipino Translation by Abdullatif Eduardo M. Arceo
إِذَا ٱلشَّمۡسُ كُوِّرَتۡ
Kung ang araw (na may lubos at malawak na liwanag) ay tumiklop
Surah At-Takwir, Verse 1
وَإِذَا ٱلنُّجُومُ ٱنكَدَرَتۡ
At kung ang mga bituin ay mangalaglag, na said ang kanilang kislap
Surah At-Takwir, Verse 2
وَإِذَا ٱلۡجِبَالُ سُيِّرَتۡ
At kung ang kabundukan ay maparam sa pagkaguho (sa isang kisap-mata lamang)
Surah At-Takwir, Verse 3
وَإِذَا ٱلۡعِشَارُ عُطِّلَتۡ
At kung ang mga babaeng kamelyo ay nagpapabaya sa kanyang mga batang anak
Surah At-Takwir, Verse 4
وَإِذَا ٱلۡوُحُوشُ حُشِرَتۡ
At kung ang mababangis na hayop ay titipunin nang sama-sama (sa pinaninirahanan ng mga tao)
Surah At-Takwir, Verse 5
وَإِذَا ٱلۡبِحَارُ سُجِّرَتۡ
At kung ang karagatan ay maging isang Naglalagablab na Apoy o umapaw (sa matinding unos)
Surah At-Takwir, Verse 6
وَإِذَا ٱلنُّفُوسُ زُوِّجَتۡ
At kung ang mga kaluluwa ay muling ibalik sa kani-kanilang katawan
Surah At-Takwir, Verse 7
وَإِذَا ٱلۡمَوۡءُۥدَةُ سُئِلَتۡ
At kung ang sanggol na babae na inilibing ng buhay (na katulad nang ginawa ng mga paganong Arabo) ay tatanungin
Surah At-Takwir, Verse 8
بِأَيِّ ذَنۢبٖ قُتِلَتۡ
Sa anong kasalanan siya ay pinatay
Surah At-Takwir, Verse 9
وَإِذَا ٱلصُّحُفُ نُشِرَتۡ
At kung ang Talaan ng mga gawa (mabuti man at masama) ng bawat tao ay ilaladlad
Surah At-Takwir, Verse 10
وَإِذَا ٱلسَّمَآءُ كُشِطَتۡ
At kung ang kalangitan (sa kaitaasan) ay itambad (sa pagkabiyak) at mawala sa kanyang kinalalagyan
Surah At-Takwir, Verse 11
وَإِذَا ٱلۡجَحِيمُ سُعِّرَتۡ
At kung ang Impiyerno ay pagningasin ng nag-aalimpuyong apoy
Surah At-Takwir, Verse 12
وَإِذَا ٱلۡجَنَّةُ أُزۡلِفَتۡ
At kung ang Halamanan (ng Paraiso) ay itambad ng malapit
Surah At-Takwir, Verse 13
عَلِمَتۡ نَفۡسٞ مَّآ أَحۡضَرَتۡ
At ang bawat tao (kaluluwa) ay makakabatid ng bagay na kanyang ginawa (masama man o mabuti)
Surah At-Takwir, Verse 14
فَلَآ أُقۡسِمُ بِٱلۡخُنَّسِ
Katotohanang Ako ay sumusumpa sa pamamagitan ng mga buntala na umuurong (alalaong baga, nawawala sa araw at lumilitaw sa gabi)
Surah At-Takwir, Verse 15
ٱلۡجَوَارِ ٱلۡكُنَّسِ
At sa pamamagitan ng mga buntala na kumikilos nang mabilis at nagkukubli ng kanilang sarili (lumilitaw at naglalaho)
Surah At-Takwir, Verse 16
وَٱلَّيۡلِ إِذَا عَسۡعَسَ
At sa pamamagitan ng gabi kung ito ay lumilisan
Surah At-Takwir, Verse 17
وَٱلصُّبۡحِ إِذَا تَنَفَّسَ
At sa pamamagitan ng bukang liwayway kung ito ay lumiliwanag
Surah At-Takwir, Verse 18
إِنَّهُۥ لَقَوۡلُ رَسُولٖ كَرِيمٖ
Katotohanan! Ito ang Salita (ang Qur’an) na dinala ng karangal-rangal na Tagapagbalita (Gabriel, mula kay Allah patungo kay Propeta Muhammad)
Surah At-Takwir, Verse 19
ذِي قُوَّةٍ عِندَ ذِي ٱلۡعَرۡشِ مَكِينٖ
Na ginawaran ng kapangyarihan, at may mataas na antas (at karangalan) kay Allah, ang Panginoon ng Luklukan
Surah At-Takwir, Verse 20
مُّطَاعٖ ثَمَّ أَمِينٖ
Na sinusunod (ng mga anghel), at mapagkakatiwalaan doon (sa kalangitan)
Surah At-Takwir, Verse 21
وَمَا صَاحِبُكُم بِمَجۡنُونٖ
o mga tao! Ang inyong Kasama (Muhammad) ay hindi isang baliw (at hindi inaalihan ng masamang bagay)
Surah At-Takwir, Verse 22
وَلَقَدۡ رَءَاهُ بِٱلۡأُفُقِ ٱلۡمُبِينِ
At katotohanang kanyang (Muhammad) napagmalas siya (Gabriel) sa maliwanag na hangganan ng sangkalupaan at kalangitan (tungo sa Silangan)
Surah At-Takwir, Verse 23
وَمَا هُوَ عَلَى ٱلۡغَيۡبِ بِضَنِينٖ
At siya (Muhammad) ay hindi nagkikimkin ng kaalaman ng mga Nakalingid na Bagay
Surah At-Takwir, Verse 24
وَمَا هُوَ بِقَوۡلِ شَيۡطَٰنٖ رَّجِيمٖ
At ito (ang Qur’an) ay hindi salita ng isinumpang si Satanas
Surah At-Takwir, Verse 25
فَأَيۡنَ تَذۡهَبُونَ
Kung gayon, saan ka patutungo
Surah At-Takwir, Verse 26
إِنۡ هُوَ إِلَّا ذِكۡرٞ لِّلۡعَٰلَمِينَ
Katotohanan ! Ito (ang Qur’an) ay isang ganap na Kapahayagan sa lahat ng mga nilalang
Surah At-Takwir, Verse 27
لِمَن شَآءَ مِنكُمۡ أَن يَسۡتَقِيمَ
(Na may kapakinabangan) sa sinuman sa inyo na nagnanais na tumahak nang matuwid
Surah At-Takwir, Verse 28
وَمَا تَشَآءُونَ إِلَّآ أَن يَشَآءَ ٱللَّهُ رَبُّ ٱلۡعَٰلَمِينَ
Datapuwa’t hindi ninyo ito magagawa malibang loobin ni Allah, ang Tagapagtangkilik at Tagapanustos ng lahat ng mga nilalang
Surah At-Takwir, Verse 29