Surah Al-Fajr - Filipino Translation by Www.islamhouse.com
وَٱلۡفَجۡرِ
Sumpa man sa madaling-araw
Surah Al-Fajr, Verse 1
وَلَيَالٍ عَشۡرٖ
sumpa man sa Sampung Gabi
Surah Al-Fajr, Verse 2
وَٱلشَّفۡعِ وَٱلۡوَتۡرِ
sumpa man sa tukol at gansal
Surah Al-Fajr, Verse 3
وَٱلَّيۡلِ إِذَا يَسۡرِ
sumpa man sa gabi kapag naglalakbay ito; [talagang bubuhayin nga kayo]
Surah Al-Fajr, Verse 4
هَلۡ فِي ذَٰلِكَ قَسَمٞ لِّذِي حِجۡرٍ
Sa gayon ba ay may panunumpa para sa may pang-unawa
Surah Al-Fajr, Verse 5
أَلَمۡ تَرَ كَيۡفَ فَعَلَ رَبُّكَ بِعَادٍ
Hindi mo ba napag-alaman kung papaano ang ginawa ng Panginoon mo sa [liping] `Ād
Surah Al-Fajr, Verse 6
إِرَمَ ذَاتِ ٱلۡعِمَادِ
ang [lipi ni] Irām na may mga haligi
Surah Al-Fajr, Verse 7
ٱلَّتِي لَمۡ يُخۡلَقۡ مِثۡلُهَا فِي ٱلۡبِلَٰدِ
na hindi nilikha ang tulad ng mga iyon sa bayan
Surah Al-Fajr, Verse 8
وَثَمُودَ ٱلَّذِينَ جَابُواْ ٱلصَّخۡرَ بِٱلۡوَادِ
at sa [liping] Thamūd na pumutol ng mga malaking bato sa lambak
Surah Al-Fajr, Verse 9
وَفِرۡعَوۡنَ ذِي ٱلۡأَوۡتَادِ
at kay Paraon na may mga tulos
Surah Al-Fajr, Verse 10
ٱلَّذِينَ طَغَوۡاْ فِي ٱلۡبِلَٰدِ
[Silang lahat ay] ang mga nagmalabis sa bayan
Surah Al-Fajr, Verse 11
فَأَكۡثَرُواْ فِيهَا ٱلۡفَسَادَ
sapagkat nagparami sila sa mga iyon ng katiwalian
Surah Al-Fajr, Verse 12
فَصَبَّ عَلَيۡهِمۡ رَبُّكَ سَوۡطَ عَذَابٍ
kaya nagbuhos sa kanila ang Panginoon mo ng hagupit ng pagdurusa
Surah Al-Fajr, Verse 13
إِنَّ رَبَّكَ لَبِٱلۡمِرۡصَادِ
Tunay na ang Panginoon mo ay talagang nasa pantambang
Surah Al-Fajr, Verse 14
فَأَمَّا ٱلۡإِنسَٰنُ إِذَا مَا ٱبۡتَلَىٰهُ رَبُّهُۥ فَأَكۡرَمَهُۥ وَنَعَّمَهُۥ فَيَقُولُ رَبِّيٓ أَكۡرَمَنِ
Kaya tungkol naman sa tao, kapag sumubok dito ang Panginoon nito saka nagparangal dito at nagpaginhawa rito, nagsasabi ito: "Ang Panginoon ko ay nagparangal sa akin
Surah Al-Fajr, Verse 15
وَأَمَّآ إِذَا مَا ٱبۡتَلَىٰهُ فَقَدَرَ عَلَيۡهِ رِزۡقَهُۥ فَيَقُولُ رَبِّيٓ أَهَٰنَنِ
At tungkol naman sa kapag sumubok Siya rito saka naghigpit Siya rito sa panustos dito, nagsasabi ito: "Ang Panginoon ko ay humamak sa akin
Surah Al-Fajr, Verse 16
كَلَّاۖ بَل لَّا تُكۡرِمُونَ ٱلۡيَتِيمَ
Aba’y hindi! Bagkus hindi kayo nagpaparangal sa ulila
Surah Al-Fajr, Verse 17
وَلَا تَحَـٰٓضُّونَ عَلَىٰ طَعَامِ ٱلۡمِسۡكِينِ
at hindi kayo naghihimukan sa pagpapakain sa dukha
Surah Al-Fajr, Verse 18
وَتَأۡكُلُونَ ٱلتُّرَاثَ أَكۡلٗا لَّمّٗا
Lumalamon kayo ng pamana nang paglamong masidhi
Surah Al-Fajr, Verse 19
وَتُحِبُّونَ ٱلۡمَالَ حُبّٗا جَمّٗا
Umiibig kayo sa yaman nang pag-ibig na labis
Surah Al-Fajr, Verse 20
كَلَّآۖ إِذَا دُكَّتِ ٱلۡأَرۡضُ دَكّٗا دَكّٗا
Aba’y hindi! Kapag dinurog ang lupa nang durog na durog
Surah Al-Fajr, Verse 21
وَجَآءَ رَبُّكَ وَٱلۡمَلَكُ صَفّٗا صَفّٗا
at dumating ang Panginoon mo at ang mga anghel nang hanay-hanay
Surah Al-Fajr, Verse 22
وَجِاْيٓءَ يَوۡمَئِذِۭ بِجَهَنَّمَۚ يَوۡمَئِذٖ يَتَذَكَّرُ ٱلۡإِنسَٰنُ وَأَنَّىٰ لَهُ ٱلذِّكۡرَىٰ
at dadalhin sa Araw na iyon ang Impiyerno. Sa Araw na iyon ay magsasaalaala ang tao, at paano na para sa kanya ang paalaala
Surah Al-Fajr, Verse 23
يَقُولُ يَٰلَيۡتَنِي قَدَّمۡتُ لِحَيَاتِي
Magsasabi siya: "O kung sana ako ay nagpauna [ng kabutihan] para sa buhay ko
Surah Al-Fajr, Verse 24
فَيَوۡمَئِذٖ لَّا يُعَذِّبُ عَذَابَهُۥٓ أَحَدٞ
Kaya sa araw na iyon ay walang isang magpaparusa gaya ng pagpaparusa Niya
Surah Al-Fajr, Verse 25
وَلَا يُوثِقُ وَثَاقَهُۥٓ أَحَدٞ
at walang isang gagapos gaya ng paggapos Niya
Surah Al-Fajr, Verse 26
يَـٰٓأَيَّتُهَا ٱلنَّفۡسُ ٱلۡمُطۡمَئِنَّةُ
O kaluluwang napapanatag
Surah Al-Fajr, Verse 27
ٱرۡجِعِيٓ إِلَىٰ رَبِّكِ رَاضِيَةٗ مَّرۡضِيَّةٗ
manumbalik ka sa Panginoon mo nang nalulugod na kinalulugdan
Surah Al-Fajr, Verse 28
فَٱدۡخُلِي فِي عِبَٰدِي
saka pumasok ka sa mga lingkod Ko
Surah Al-Fajr, Verse 29
وَٱدۡخُلِي جَنَّتِي
at pumasok ka sa Paraiso Ko
Surah Al-Fajr, Verse 30