Surah Al-Balad - Filipino Translation by Abdullatif Eduardo M. Arceo
لَآ أُقۡسِمُ بِهَٰذَا ٱلۡبَلَدِ
Ako ay sumusumpa sa pamamagitan ng Lungsod na ito (ang Makkah)
Surah Al-Balad, Verse 1
وَأَنتَ حِلُّۢ بِهَٰذَا ٱلۡبَلَدِ
At ikaw ay isa sa (malayang) mamamayan ng Lungsod na ito
Surah Al-Balad, Verse 2
وَوَالِدٖ وَمَا وَلَدَ
At sa pamamagitan ng nagsilang ( [o naging ama] , alalaong baga ay si Adan) at ang isinilang ( [o naging anak] , alalaong baga, ang kanyang naging lahi
Surah Al-Balad, Verse 3
لَقَدۡ خَلَقۡنَا ٱلۡإِنسَٰنَ فِي كَبَدٍ
Katotohanang Aming nilikha ang tao sa paggawa at pagsisikap (sa pakikitalad sa buhay)
Surah Al-Balad, Verse 4
أَيَحۡسَبُ أَن لَّن يَقۡدِرَ عَلَيۡهِ أَحَدٞ
Inaakala ba niya na walang sinuman ang may kakayahan na makakapangyari sa kanya
Surah Al-Balad, Verse 5
يَقُولُ أَهۡلَكۡتُ مَالٗا لُّبَدًا
At siya ay nagtuturing (sa kapalaluan): “Aking nilustay ang kayamanan sa pagmamalabis!”
Surah Al-Balad, Verse 6
أَيَحۡسَبُ أَن لَّمۡ يَرَهُۥٓ أَحَدٌ
Inaakala ba niya na walang sinuman ang nakakamatyag sa kaniya
Surah Al-Balad, Verse 7
أَلَمۡ نَجۡعَل لَّهُۥ عَيۡنَيۡنِ
Hindi baga Namin nilikha ang kanyang dalawang mata
Surah Al-Balad, Verse 8
وَلِسَانٗا وَشَفَتَيۡنِ
At ang dila, at dalawang labi
Surah Al-Balad, Verse 9
وَهَدَيۡنَٰهُ ٱلنَّجۡدَيۡنِ
At Aming pinatnubayan siya sa dalawang landas (ng tumpak at mali)
Surah Al-Balad, Verse 10
فَلَا ٱقۡتَحَمَ ٱلۡعَقَبَةَ
Datapuwa’t siya ay hindi nagsumikap na tahakin ang matarik na daan (ng kaligtasan)
Surah Al-Balad, Verse 11
وَمَآ أَدۡرَىٰكَ مَا ٱلۡعَقَبَةُ
At ano nga ba ang ipinapahiwatig ng matarik na daan (ng pag-akyat)
Surah Al-Balad, Verse 12
فَكُّ رَقَبَةٍ
(Ito nga): Ang pagpapalaya sa isang leeg (alipin, atbp)
Surah Al-Balad, Verse 13
أَوۡ إِطۡعَٰمٞ فِي يَوۡمٖ ذِي مَسۡغَبَةٖ
At pagbibigay ng pagkain sa panahon ng taggutom (at pagdarahop)
Surah Al-Balad, Verse 14
يَتِيمٗا ذَا مَقۡرَبَةٍ
Sa ulila na may kawing ng pagkakamag-anak
Surah Al-Balad, Verse 15
أَوۡ مِسۡكِينٗا ذَا مَتۡرَبَةٖ
At sa naghihikahos (na lugmok sa kahirapan)
Surah Al-Balad, Verse 16
ثُمَّ كَانَ مِنَ ٱلَّذِينَ ءَامَنُواْ وَتَوَاصَوۡاْ بِٱلصَّبۡرِ وَتَوَاصَوۡاْ بِٱلۡمَرۡحَمَةِ
Kung magkagayon, siya ay isa sa mapapabilang sa mga sumasampalataya at nagtatagubilin sa isa’t isa sa pagiging matimtiman at matiyaga, at (gayundin) ay nagtatagubilin sa isa’t isa sa pagiging maawain at bukas ang puso
Surah Al-Balad, Verse 17
أُوْلَـٰٓئِكَ أَصۡحَٰبُ ٱلۡمَيۡمَنَةِ
Ang kanilang lugar ay nasa Kanang Kamay (ang magsisipanirahan sa Paraiso)
Surah Al-Balad, Verse 18
وَٱلَّذِينَ كَفَرُواْ بِـَٔايَٰتِنَا هُمۡ أَصۡحَٰبُ ٱلۡمَشۡـَٔمَةِ
Datapuwa’t sila na hindi sumampalataya sa Aming Ayat (katibayan, kapahayagan, aral, tanda, atbp.), sila nga ang titipunin sa Kaliwang Kamay (ang magsisipanirahan sa Impiyerno)
Surah Al-Balad, Verse 19
عَلَيۡهِمۡ نَارٞ مُّؤۡصَدَةُۢ
Sa kanila ang Apoy ay ilulukob nang ganap (alalaong baga, sila ay mababalot ng Apoy na walang anumang singawan, butas o bintana)
Surah Al-Balad, Verse 20